FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie A...

By senseigan

179K 12.1K 1.8K

| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka han... More

ZOMBIE APOCALYPSE
ALL RIGHTS RESERVED 2020
FIGHT ONE
FIGHT TWO
FIGHT THREE
FIGHT FIVE
FIGHT SIX
FIGHT SEVEN
FIGHT EIGHT
FIGHT NINE
FIGHT TEN
FIGHT ELEVEN
FIGHT TWELVE
FIGHT THIRTEEN
FIGHT FOURTEEN
FIGHT FIFTEEN
FIGHT SIXTEEN
FIGHT SEVENTEEN
FIGHT EIGHTEEN
FIGHT NINETEEN
FIGHT TWENTY
FIGHT TWENTY ONE
FIGHT TWENTY TWO
FIGHT TWENTY THREE
FIGHT TWENTY FOUR
FIGHT TWENTY FIVE
FIGHT TWENTY SIX
FIGHT TWENTY SEVEN
FIGHT TWENTY EIGHT
FIGHT TWENTY NINE
FIGHT THIRTY
FIGHT THIRTY ONE
FIGHT THIRTY TWO
FIGHT THIRTY THREE
FIGHT THIRTY FOUR
FIGHT THIRTY FIVE
FIGHT THIRTY SIX
FIGHT THIRTY SEVEN
FIGHT THIRTY EIGHT
FIGHT THIRTY NINE
FIGHT FORTY
FIGHT FORTY ONE
FIGHT FORTY TWO
FIGHT FORTY THREE
FIGHT FORTY FOUR
FIGHT FORTY FIVE
FIGHT FORTY SIX
FIGHT FORTY SEVEN
FIGHT FORTY EIGHT
FIGHT FORTY NINE
FIGHT FIFTY
senseigan
FINALE
senseigan
NEW BORN : FFYL 2

FIGHT FOUR

3.9K 285 26
By senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT FOUR

QUEEN

"Doc Niall," muli kong tawag sa pangalan ng lalaking nasa harap ko.

Hawak pa rin nito ang aking kamay mula sa pagtulong na itayo ako.

"Sino siya?"

Rinig kong tanong ni Jelly ngunit tila naumid ang aking dila dahil sa lalaking kaharap ko.

"W-What are you doing here?" tanong ko kay Doc Niall at doon nagbitaw ang kamay naming dalawa.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Nang umalis ako rito sa hospital upang iligtas ang sarili ay hindi ko siya napansin.

"What are you doing here too?" tanong rin nito. Inayos nito ang eye glasses na suot at napako ang aking mga mata sa matangos nitong ilong.

"Dapat ay hindi ka na bumalik dito," dagdag nito.

"I'm here to get the microscope also the other stuff for examination," saad ko na may kasama pang pagtango-tango.

"Zia, kausapin mo nga ako. Naa-out of place ako ritor" rinig kong bulong ni Jelly habang ang kamay ay nasa kanang tenga.

"Ikaw? Ilang araw ka nang nandito?"

Napansin ko ang ayos ni Doc Niall at halatang wala pa itong ligo.

"I've been here for two days already."

I was about to say something again when I heard a loud 'kruu' and it was followed by a silence.

"Tiyan mo ba 'yon?" putol ni Jelly sa katahimikan na namamayani.

"Don't tell me two days ka na ring walang kain?" Itinaas ko ang aking kilay at ang simpleng pagtaas ng gilid ng labi ni Doc Niall ay sapat na upang malaman ko ang kasagutan sa aking tanong.

"Come with us," saad ko.

"Ehem!"

Napalingon ako kay Jelly dahil sa ginawa nitong pekeng ubo. Napangiwi ako ng sumalubong sa akin ang mapang-usig nitong mukha.

"Pwede ba siyang sumama sa atin?" nakangiting tanong ko.

"Oh yes sure!" may sarkastikong saad nito. "Naaya mo na siya eh, ang sama naman ng ugali ko kung tatanggi pa ako," dugtong nito.

"Jelly," sambit ko sa pangalan nito may tonong pagsuway.

Nag peace sign ito at lumakad palayo sa amin ni Doc Niall.

"Siya ang may-ari ng tinutuluyan ko, Doc Niall."

"Just call me Niall, Queen. We're not on duty."

Tumango ako rito bilang pagsang-ayon.

"You said you need those stuffs." Itinuro nito ang isang sulok at naroon lahat ng kakailangin ko.

"I think we will be needing this."

Muling sumulpot si Jelly at may tulak-tulak itong crash cart na ginagamit namin rito sa hospital para sa pagdadala ng gamot sa mga pasyente.

May mga laman pa iyon na syringe, bote ng insulin, hospital gloves and mask.

"Careful!" Pinigilan ko ang kamay ni Jelly na tangkang dadamputin ang mga laman ng cart.
"We're not sure if this is safe," ddagdag ko at dahan-dahang itinaob ang cart upang maalis ang mga laman no'n na hindi lumilikha ng anumang ingay.

Matapos naming ilipat ang mga gamit ay nakapameywang na hinarap ako ni Jelly.

"Paano tayo lalabas?" bakas ang pag-aalala sa tono nito.

Napaawang ang aking labi at napaisip rin kung paano nga kami lalabas. Wala kaming flash light at kahit umaga pa rin ay paniguradong madilim sa hallway ng hospital.

"Kayo na lang ang lumabas. Aagawin ko ang atensyon ng mga zombie," anas ni Niall na nasa aking likuran.

"NO!" agad kong pagtanggi sa prisinta ni Niall. "Lalabas tayong tatlo rito," may pinalidad sa boses na saad ko.

"Anong klaseng reakson ba 'yan?" bulong sa akin ni Jelly.

Tiningnan ko ito ng nagtataka. "Nangako tayo na magliligtas tayo ng mga taong makikita natin. Edi eto na 'yon, nagliligtas na tayo," sagot ko at itinaas ang dalawang kilay.

Tumango-tango si Jelly ngunit ang mukha nito ay kababakasan ng pagdududa.
"Talaga lang ha. Sige kunwari naniwala ako." Nakangising bulong nito at tinapik ang aking balikat.

"We just need lights," saad ni Jelly kay Niall.

Lumakad patungo sa mga cabinet si Niall at naghalungkat roon.

"Ano na nangyari sa inyo? Buhay pa kayo?" saad ni Zia mula sa earpods.

"Wala kaming flash light dito," sagot ko na nagpa-'Oh' kay Zia.

"Should I come inside?" ani muli nito.

"HUWAG!" malakas na sigaw ni Jelly at umecho iyon sa buong Lab Room.

Sabay kaming napalingon sa glass door ng lumikha iyon nang malakas na kalabog, paulit-ulit.

"Sorry," nakangiwing ani ni Jelly at nagpeace sign.

"Huwag ka nang sumunod dito. Paano kung makain kami? Tapos makain ka rin, edi walang mag-aalaga kay Beans at Jay," bulong ni Jelly na may pagkumpas pa ng kamay at tila nasa harap lamang nito ang kausap.

"Hala siya. Anong tingin mo sa akin chimay? At talagang pag-aalaga pa sa bata at sa aso ang gusto mong ihabilin," angal ni Zia na bahagyang nagpatawa sa akin.

"Hindi ako yaya, Jelly ah. At wala akong mahabang pasensya sa pag-aalalaga ng bata. Jusmiyo ka," dagdag nito mula sa kabilang linya.

"Here."

Sabay kaming napalingon ni Jelly kay Niall na may bibit na electric lamp.

"Ano 'yon? Bakit may naririnig akong boses ng lalaki?" tanong ni Zia mula sa kabilang linya. "Oh my god!" Suminghap ito na tila may natuklasang bagay. "Don't tell me iba ang tinatrabaho niyo riyan sa loob ng hospital?"

Napatapik ako sa aking noo habang si Jelly ay pigil ang tawa.

"Gaga, ang dumi ng utak mo. May buhay dito sa loob," sagot ko at umirap kahit na hindi naman iyon makikita ni Zia.

"Is this enough?" tanong muli ni Niall.

"Perfect!" Pumalakpak si Jelly at kinuha sa kamay ni Niall ang electric lamp. "Ito ang bitbitin mo," saad ni Jelly at pinahawak kay Niall ang palakol niya.

Dinampot ko na rin ang palakol kong nasa tapat ng glass door at ipinatong iyon sa natitirang space sa crash cart.

"Ready?" tanong ni Jelly na nasa harap na nang glass door.

Nakabuka ang paa nito at nakataas ang kamay hawak-hawak ang lamp. May seryosong mukha at mata na walang emosyon. Tila ito nasa isang action movie sa asta.

"Anong tingin mo sa sarili mo nasa Resident Evil jka?" putol ko sa momentum nito.

Napailing na lang ako ng ngumisi ito at bahagya lang na lumingon.

"Good luck," maangas na saad nito na nagpaangat ng sulok ng aking labi.

Akala niya yata talaga nasa Resident Evil siya.

Hawak nito ang ID ni Niall at nang itutok nito iyon sa sensor ay unti-unting bumukas ang glass door.

"ARGH!" angil ng mga zombie ang sumalubong sa amin. Ngunit ng matapatan ng liwanag ang mga ito ay mabibilis na nagsitakbo paalis.

"Bilis! Bilis!" saad ni Jelly na naunang lumabas.

Itinulak ko ang cart habang si Niall ay nasa likuran ko.

Napunta sa likod namin si Jelly at tinatanglawan kami nito ng liwanag.

Mabilis naming natungo ang fire exit at nang makapasok ay agad isinarado ni Jelly ang pinto. Sunod niyon ay ang malakas na kalabog ng pinto na mukha dinumog ng zombies.

Pumunta sa harap ng crash cart si Niall at tinulungan akong buhatin ito pababa ng hagdan.

"Shit! Mahaba pa ang hagdan," mura ni Jelly na nasa likuran ko.

Wala pa man kami sa kalagitnaan ng hagdan sa 8th floor ay narinig na namin ay isang malakas na pagbukas at pagbagsak ng pinto na sinundan ng mga angil.

"RUN!" malakas na sigaw ni Jelly na nakatingin sa itaas.

Mas lalong bumilis ang pagbaba namin ngunit hirap dahil sa buhat namin na cart. Narating namin ang 6th floor at nang pababa na kami ay huminto si Jelly.

"What are you doing?" asik ko rito ng makita itong hinuhubad ang suot na boots. Ako ang kinakabahan sa pinag-gagagawa ng babaeng to.

"Bumaba na kayo!" saad nito at tumingala sa hagdan patungong 7th floor.

"Bakit ang bilis nila! Aish!" usal nito nang matapos sa paghubad ng boots.

"Mabasag ka, tangina ka!" ani nito at ibinato ang boots patungo sa salaming bintana na naroon.

Naipikit ko ang aking mata ng tumalsik ang mga bubog.

"YES!" Napasuntok sa hangin si Jelly ng balutin ng liwanag ang hagdan ng 6th floor.

"Baba na bilis!" saad nito at ika-ika na sumunod sa amin.

Palabas na kami patungong parking lot ng mabilis kaming napaatras ni Niall dahil sumalubong sa amin ang mga zombie na palakad-lakad.

"YAH!" malakas na sigaw ni Jelly na kalalapit lamang sa amin ni Niall. Mukhang hindi nito agad napansin ang zombies sa harap namin.

"Oops." Napatakip ito sa bibig ng makita ang ayos namin ni Niall.

Naipikit ko ang aking mga mata sa iritasyon nang tumutok na sa pwesto namin ang mga mata ng zombies dahil sa ginawang pagsigaw ni Jelly. Naagaw na namin ang atensyon ng mga ito.

"I'm sorry," bulong ni Jelly at nag sign of the cross.

"ARGH!"

"GRR!" mga angil ng zombies na panay ang bukas sara ng mga bibig habang lumalakad palapit sa amin.

"Where's the lamp!?" naghihisteryang tanong ko ng mapansin na walang liwanag sa aming pwesto.

"Nabitawan ko eh," sagot ni Jelly at itinuro ang itaas. "Doon sa fourth floor, tapos...nabasag," tila bata na saad nito. Ang amo ng mukha nito na tila walang masamang nagawa.

Nagbuntong hininga ako at hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko mula sa nalamang pagkabasag ng lamp na siyang pag-asa namin sa pag-alis rito.

"Nalintikan na," bulong ko at muling bumaling sa mga zombie.

Ngunit ilang segundo lamang ay nabuhayan ako ng pag-asa ng marinig ang langitngit ng gulong.

"Hey, fuckers!" isang sigaw mula sa pamilyar na boses.

Rumagasa ang isang kotse patungo sa direksyon namin habang nakabukas ang head lights nito. Binangga nito ang mga zombie na nasa harapan at malakas na nagpreno sa harap namin. Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag na galing sa head lights.

"Sakay na!" sigaw ni Zia.

Sabay naming binuhat ni Niall ang cart patungo sa harap ng backseat. Nauna akong sumakay habang inaabot sa akin ni Niall ang mga gamit pasakay sa kotse.

"Iwanan mo na 'yan!" tukoy ni Jelly sa cart. "Sakay na bilis!" Sinenyasan nito papasok si Niall at agad itong pumasok sa kotse.

Parehas kaming nasa likod at habol ang paghinga. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa halo-halong nararamdaman pero nag-uumapaw ang kaba.

"Ang astig nung pagbangga mo sa zombies!" saad ni Jelly na tinapik ang balikat ni Zia na kasalukuyang nagmamaneho pabalik sa grocery store.

"Galing ko no! Kasing astig ko yung babae doon sa train to busan 2," mayabang na saad ni Zia at umingos pa.

Napailing na lang ako at dahil doon ay nagtama ang mata namin ni Niall. Ngumiti ako rito na ginantihan rin nito ng ngiti.

Nalimutan kong ipakilala siya sa dalawa pero mamaya na lang siguro kapag nakabalik na kami sa grocery store. Pakiramdam ko ay maghapon akong tumakbo at pagod na pagod ang bawat parte ng aking katawan.



senseigan

Continue Reading

You'll Also Like

123K 4.2K 44
(TAGALOG) Year 2001 Payapa ang mundo lalo na ang bansang Pilipinas, pero isang araw nag iba ito. Anong gagawin mo once na nag karoon ng apocalypse sa...
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
367 59 19
Marami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto an...
7.5K 324 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...