Love is like a War

By philosophers_queen

161 38 21

This story is a bit cliché or what, but wag kayong mag alala hindi ko kayo bibiguin. Here's a girl named Sham... More

Don't claim
Prologo
War I
War II
War III
War V
The Author
War VI
War VII
War VIII

War IV

11 4 0
By philosophers_queen

Shammira's POV

"I miss you baby... " sambit nito sa malakas na paraan at natatawa naman akong napayakap din sa kanya kaso mas humihigpit ang yakap nya at nasasakal na ako.

"M-mamatay na ang b-baby mo! "singhal ko dahil pwedeng pwede akong malagutan ng hininga dahil sa higpit ng yakap nya!

Ngingisi ngisi naman syang tinanguan ako at bumitiw sa yakap nya. Baby mo ko pero papatayin mo naman ako! Gusto ko syang singhalan dahil halos mag kanda ubo ubo na ako! Pero nabura yon ng mamataan ko kung gaano kaganda ang pag kakangiti nya sa akin at napatawa na lang ako. Lumapit din ito sa tatlo at yinakap ito at nagsisinghalan din dahil sa higpit ng yakap ng g*go at natatawa naman ako sa kanila.

"Kaya lumalaki ang ulo nyan! Kasi puro ka baby! Baby! Psh! " singhal ni Yumi.

"Sa ganda kong 'to? Karapat dapat talaga yun insan! " natatawa ako sa pag mamayabang kaya napangisi nalang sila sa nasabi kong katotohanan.

"Asan ang iba Trev? " tanong ko at napasimangot ito.

"They're coming, don't worry baby! Sige na sa loob na tayo maghintayan, masyadong maraming sasakyan at nakaharang ying pinakamagandang sasakyan ko, HAHAHA! " tawa nya sa sarili pero nginiwian namin sya.

Sumunod kami sa kanya at pumunta na ako sa sasakyan para ipasok 'yun. At sinabihan ko si Mang Caloy na papasukin na iyong wala pang pass dahil nasa akin pa. Siguro kaya sya galit sa akin dahil hindi sila makapasok. Baka nga? Nag iisip ako ng kung ano ano dun sa lalaking yun dahil nawiweirduhan ako sa kanya. Kahit anong gawin ko ay wala akong mahitang maski isa! Maski nararamdaman ay malabo para sa akin! Bat ganon sya? Bakit wala akong mabasa? Nakakainsulto yun sa isang tulad ko, tsk! Sunod sa akin ay Trev, kasunod naman nya ang dalawang sasakyan. Pero nangunguna ako dahil nag sisigawan na naman ang mga babae dahil sa kagwapuhan ni Trev at naharang sya ng mga ito.

"Jusko! Yang mga yan! Ang haharot lintek! " ani ni Vien maya maya.

"Eh ba't mas galit ka? Ikaw ba naharang? " pagtataka naman ni Yumiko. Nabigla naman si Vien sa tinanong nito, habang kami ni Gwen ay nagkatitigan at may nabubuo sa aming isipan.

"Hindi naman, naharang din kasi si Greg, Yumi. Kasama pa naman nya yung kapatid mo, kasi iniwan daw nung mga pinsan nyo! Lalo na si Trevor " paliwanag ni Vien at napalingon ako agad sa kanya.

"What?! Akala ko ba sya ang bahala sa kapatid ko?! Lagot talaga sa akin yang si Trevor! " anya Yumi na nanggagailiti sa galit.

"Oh ngayon sabihin mo kung bakit mas galit ako! Assuming ka kasi! " pagpalo nya kay Yumi. Sinamaan naman sya nito.

"Eh sino kasama ni Trevie? Gagong Max yan! Hay! " tanong naman ni Gwen.

"Kasama ni Karina si Trevie dahil nag iinarte kesyo bakit daw si Yssa ang isinama ni Greg. Hay nako buhay nga naman! Ang babata pa pero may pa ganon na? Ayos ha! " paliwanag ni Vien sa amin.

Hinayaan na namin at maayos naman pala ang lahat. Naunang mag park sila Meiz kaya sunod kami. Pag kababa ko ay syang baba din nila. Sumandal ako sa may compartment ng kotse at dun hinintay sila Trev. Nakita ko ang pag sulyap sulyap sa akin ni Keisha kaya tinitigan ko sya ng mabuti. Pero ang loko natigilan ng ipulupot nung babe nya ang braso sa kanyang bewang. Tiningnan nya ito at nginitian, pero pilit na ngiti ang kay Keisha samantalang totoo dun sa isa. Hay! Keisha, sasaktan mo lang sya. Lagot ka talaga sa akin! Tss! Bat kasi mag kakagusto pa yun kay Keisha pa, kita nang habulin ng lalaki kainis! Sabihan ko na lang kaya sya na ibang babae na lang? Pero paano pag mahal nya talaga si Keish? Kaiiinis!

Bumisina ng tatlong beses ang tatlong mag kaka sunod na sasakyan. Unang bumaba ay si Trevor, sumunod ay sila Greg at Yssa, at pang huli si Karina at Trevie. Sabay sabay silang lumapit sa amin, pero ako ang una nilang yinakap. Pagkatapos ng yakapan ay tumago si Trevie sa likod ko.

"Hey? What's up? " tanong ko at napanguso sya.

"Ate, he likes Yssa... "

"Eh ano naman ngayon? Edi gustuhin mo din si Yssa " biro ko pero nginiwian nya lang ako.

"Ate Sham naman eh! I'm serious kasi! I like him first, pero manhid ata yan! Lagi nalang ba si Yssa? Ate am I ugly? " tanong nito at napangisi na lang ako.

Kung titignan mo si Trevie ay mas maganda sya kay Yssa, pero dahil mahiyain ito ay hindi sya napapansin ng mga lalaki. Nagtatago sya sa tao pero pag sa amin ay halos ilantad nya ang kanyang katawan. Sa labas ay balot na balot ang kanyang katawan. Laging naka pants at long sleeves, kahit mainit pa yan. Laging naka ipit ang wavy nyang buhok. Pero pag sa bahay lang sya ay naka crop top sya at maikling shorts. Tuloy ay lumalantad ang kanyang maputi at mahabang legs, pati ang kurba ng kanyang katawan ay makikita mo kung nasa bahay lang sya. Pati ang maganda at mabango nyang buhok ay masisilayan mo din.

"Trevie Madin? Seriously? Halos magka mukha na tayo pero tinatanong mo ang sarili mo kung pangit ka? Ha! Para mo na ding sinabi na pangit ako, ganon ba? " pamamamrangka ko sa kanya at natigilan sya.

"Ate? Sorry na... Kasi feeling ko hindi ako maganda kahit pa sabihin nila na halos mag kamukha tayo. Walang saysay ang ganda ko kung hindi nya ako gusto " anya habang nakatanaw sa pangarap na lalaki.

"Alam mo kasi Madin, you just need to let yourself go. Let go of yourself and be free. Hindi yung sa bahay ka lang maganda. Puro ka pants and long sleeves! Tapos ngayon yung napakagandang uniform na inimbento ko ay pinaresan mo ng black socks na above the knee? Theheyk! Trevie, there's nothing wrong on showing who you really are. It's fine if they didn't like your clothes or how you dress yourself. What's important is you like it and your comfotable with it. Just be yourselt Madin, life is short, live it " pag chicheer up ko dito at tinanguan nya naman ako.

"Heeey! " biglang sigaw at napatingin kaming lahat. Samantalang ang lima na bagong dating ay napanganga ng makita si Keisha, oo si Keisha yung sumigaw. Matapos mamangha ay sinugod nila ito at yinakap ng todo na halos mag kanda ubo ubo na si Meiz. Kapansin pansin na si Trevor ang pinaka matagal na yumakap kay Meiz. Malalaman mong mahigpit dahil halos masakal na si Miez sa itsura nito. At mapapansin mong may namamagitan dito pero hindi kumpirmado.

"Max Trevor, bitaw na... " ako na mismo ang nag salita dahil nag tataka na din ang aming mga pinsan sa inaasta ni Trev. Napapahiyang bumitiw si Trevor kay Keisha saka naka ngusong lumapit sa akin at pinitik ako sa noo.

"Aray! Ano ba?! " asik ko.

"Panira ka kasi ng moment! Alam mo yun baby?!" inis nyang bulong sa akin.

"Kung gusto mong ipahayag ang nararamdaman mo sa buong mundo siguraduhin mo munang alam nung nagugustuhan mo! " inis din na bulong ko dito. Nakanguso nya akong tinabihan. Hinimas ko ang noo ko na baka namula na! Maputi pa naman ako at mahahalata kung namumula 'yun!

Kainis naman kasi si Trevor!

Nakayuko ako habang himas ang noo sa sobrang sakit. Pwedeng pwede akong pag tawanan ng mga estudyante dito dahil namumula talaga yun! Peste! Sa kapal pa naman ng mga galamay nun paanong hindi mamumula ang noo ko? Peste ka talaga Trevoooor! Huhuhu! Hinimas ko ng hinimas nag babaka sakali na baka mawala ang pag ka pula nito.

"Let me see... " ani ng isang tinig dahilan para matigilan ako at maiwan ang aking kamay sa aking noo.

Hinawakan nya ang baba ko at inangat upang mag pantay ang tingin namin. Gulat ang akin sa kanya naman ay pag aalala! Anong ginagawa nya?! Mabilis akong pinangiliran ng luha ng masilayan ko ang mukha nya. Hirap na hirap na ako sa pag pigil na tumulo yun, pero hindi ko kaya, tumulo nang talaga. Biglang nalungkot ang mukha nya at mas lalong nag alala. Tiningnan nya si Trevor sa aking tabi at sinamaan ng tingin.

"Look what you did Trev! Why did you hurt my baby?! "tanong nito sa pinsan ko at napayuko nalang ako dahil sa mga luhang tumulo galing sa aking mga mata. "Hey, hey... Hush baby... Hush... " pag papakalma nito sa akin pero mas lumuha lang ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit? Bakit kailangan nya pang gawin yun? I thought it's over baby? What's with the moves and endearment?

Mabilis akong yinakap nito at pinapatahan pero mas lalo lang talaga akong lumuluha sa kalituhan kung bakit ngayon pa? Bakit kung kelang patapos na eh nag sisimula na naman sya? Bakit kung kelan tapos na akong lumaban at ayoko na eh bigla na naman syang sasalakay at sya naman ang lalaban? Bakit ganon? Pagod na ako sa labanan pero hindi ang puso ko. Dahil umaasa parin ito kahit ngayon. Nag sasaya ang puso ko dahil nakita na naman sya, pero nag durugo ito dahil sa nakita din sya. Nalilito ang isip ko kung bakit ngayon pa? Pero wala na akong magawa, dahil nandito na sya. Yakap na naman ako, at nakukuha na naman nya ako. Ganon ako kadaling bumigay pag dating sa kanya. Your presence still make me weak, baby. I don't know why, please explain it to me baby, please? Sa patuloy kong pag luha ay inalalayan nya ako. Pero inagaw ako sa kanya ng isang pamilyar na tao. At nagulat na naman ako dahil doon!

"What now Derek? You make her cry again dude? What the hell?! " bulalas nito at sasapakin na sana nya si Derek ng humarang ako.

"Mikhael please? " pinigil ko ito pero napa deretso sya kaya napayakap ako sa kanya. Naramdaman kong nagulat sya! Pati ako syempre!

"Sh-shammira... " utal na sambit nito sa pangalan ko.

"Please stop, don't hurt him, please Khael... Please? " pagmamakaawa ko dito para walang mangyaring kung ano.

Tiningnan lang nya ako at napa buntong hiningang ibinaba ang kanyang mga kamao sa gilid nya. Kakalasin ko na sana ang pag kakayakap sa kanya ng bigla nya akong hapitin at yakapin. Bakit puro sila yakap ng yakap? Ano ba ngayon? Hugging days ba? Aish! Napabuntong hininga na lang ako at pati sya ay ganon ang ginawa at bumitaw na sa yakap.

"Mikhael, I wanna talk to her, please? " ani Derek.

"Dude he doesn't want to " ani naman ni Khael. Nasa likod nya ako kasi itinago nya ako sa likod nya na para bang poprotektahan na ako.

Mas malakas akong sumuntok Khael, kaya kahit iharang mo sarili mo, masusuntok ko kayong dalawa.

"She didn't say anything! Baby... Please? " malambing na anya Derek.

"Pwede ba?! Stop it! You leave her already! And now you wanna talk to her! Dude your a damn stupid you know that?! "

"I'm not talking to you Mikhael so shut the fv—"

"See your guilty! You asshole! "

"Mikhael! Please?! Your just her cousin okay! I'm the boyfriend so shut up! Will you?! "

Lintek nang! Sige ilantad nyo lahat! Buset ng! Pinsan? Matagal na nyang tinalikuran ang pagiging pinsan ko! At boyfriend? Duh! You leave me also! Both asshole!

"Will the two of you shut up?! " sigaw ko sa dalawa na malapit ng mag suntukan.

Putspa! Grabe ang murahan sa isip mga tol ah?

"Mikhael, I'll talk to him... "

"You'll what?! "

"I'll talk to him... "

"Are you nuts?! "

"I'll just gonna talk to him, okay! Stop acting like there's something between us... " pahina ng pahina ang boses ko yung tipong sya lang ang makakarinig.

"Huh?! Go ahead! Talk to him! I swear he'll make you cry again and he'll leave you again! Mark my words Shammira..." yun lang at binitawan na nya ako.

Hinarap ko naman si Derek para sabihing mamaya na kami mag uusap at tatawagan ko nalang sya. Hindi na nya pinilit pa dahil baka masampal ko syang talaga. Nanguna na ako papuntang campus pero nadaanan ko si Keisha na nag aalala sa akin. Pinuntahan ko din sya at yinakap para iparating na kailangan ko ng karamay. Naramdaman nya agad yun kaya nag bulungan pa kami.

"Nandito sya Keisha... Bumalik na naman sya... " sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Derek Jazz Collins huh? Aminin mo, mahal mo parin? " nang aasar sya pero batid mo sa pananalita nya na pinapagaan nya lang ang loob ko.

"Oo yata? Maybe? Baka? Pwede? Basta ewan! " napatawa sya sa isinagot ko at napangiti naman ako kahit papaano.

"Mag tatampo ang mga pinsan at kaibigan mo pag ganito ka lagi. Nandyan sila pero ako ang yinakap mo insulto yun Sham... " natigil naman ako sa pag hikbi dahil sa sinabi ni Meiz.

"Shammira? You know what I'm thinking right? " napatango ako at kinalas ang aming yakapan.

Napatingin ako sa mga pinsan ko at mga kaibigan ko. They look sad, and parang hindi nila nagustuhan ang inasta ko. I'm sorry guys. Tiningnan ko sila isa isa, at mas lalo lang akong pinangiliran ng luha ng mapagtanto kung ano ang itsura nila ngayon. Gusto kong ihakbang ang mga paa ko pero hindi ko ito mapagalaw. Gusto kong pumunta sa kanila at silay yakapin pero hindi ko magawa. Bakit nga ba? Bakit hindi ko magawa? Pinsan ko sila at kaibigan na din. Pero bakit parang mas masakit isipin na ganon din ang tingin nila sa akin kahit ang totoo ay, basta! Ewan ko na lang.

"Kahit iba ang yakapin ko... Mahal ko pa rin kayo, sobra. At sana maintindihan nyo ako sa ngayon... " nag salita na ako dahil hindi umaayon sa gusto ko ang aking katawan. Mabilis silang pinangiliran ng luha dahil sa sinabi ko. At nag papasalamat ako dahil kahit na ganon ay nag kakaintindihan kaming lahat. Yun lang at nag lakad na ako papuntang campus.

Pagka pasok ko palang ay nag si tunguhan na ang bawat estudyante na makakakita sa akin. Bawat isa sa kanila ay yuyuko at pag katapos ay titingin sa akin. Pero may napapansin akong mga titig na maski kurap ay hindi ginawa para lang matitigan akong mabuti. Umagang umaga kaya hinayaan ko na lang iyon. At mamaya ko na lang sila kakausapin pag wala ng ibang estudyante.

By the way I'm Shammira Lopez. 15 and third year highschool. Ako ang presidente ng Lopez Exclusive University or LEU. My cousin Yumiko Kristine Lopez is the vice president. And the twin sister were the secretaries. Mine was Vien and Yumiko was Gwen. Ako ang kauna unahang babaeng anak ng mga Lopez. My mama's name is Shainah Lopez and my papa is Markie Lopez. Pinaka iingatan nila ako dahil babae ako at nauna pa. Wala akong kapatid kahit gustuhin ko man ay wala talaga. I'm the CEO of Lopez Corp. and managing it well. My mom was already in heaven and its almost 5 years. Dad's sick for now, but I'll make sure he'll be cure. Dered Jazz Collins was my ex. Botong boto sa kanya si Mama kaya natuwa talaga ako dun, kahit si papa ay boto sa kanya. Kaya umabot ng 4 years ang aming relasyon, dahil grade5 pa lang ako ay niligawan na nya ako. I really like him though so I answered him. But now? We're nothing but just friends. I still love him yes, but it's not yet healing. My heart it's still broken, I don't know how to fix it again. Mikhael, his a Lopez, but he just forsaken it for me. He's not a Lopez really. And nung nalaman nya yon ay hinanap nya ang magulang nya at nakilala naman nya ito agad. Ako nga agad pina kilala nya, kung hindi daw dahil sa akin ay hindi din nya hahanapin ang mga magulang nya! Pero alam naman nya na pinsan lang ang trato ko sa kanya at wala nang iba. Pero nandyan sya lagi, sinasalo ako lagi. Pero kailan man ay hindi ako nahulog sa kanya.

Pupunta ako sa opisina ko—oo may opisina ako. Syempre presidente ako, dalawa pang uri, private and public. Hindi ko alam pero ganado akong asikasuhin ang paraalan na 'to. Masaya ako twing may nag tatransfer na bago dito sa amin. Kahit pagod na pagod ako ay sulit pa rin dahil nasisiyahan talaga ako, sa totoo lang. Masaya ako dahil kahit mag isa kong tinataguyod ang paraalan at ang kompanya ay nandyan ang mga kaibigan at mga pinsan ko para umalalay. Kaya hindi ko makita ang sarili ko kung hindi ko sila kasama. Nag pa tuloy ako sa pag lalakad at nang malapit na ako ay may natanaw akong apat na pares ng mga mata na naka masid sa akin. Binalewala ko 'yun at pumasok na lamang.

"Gagong mga yun, umagang umaga eh nag babantay? Tsk! " bubulong bulong pa ako nang maka pasok.

Puro glass ang opisina ko, pati mga dingding. Mas madali kasi sa akin pag salamin ang mga ito bukod sa mga may nag mamasid ay hindi na nila nakikita kung ano ang ginagawa ko sa loob. Ginawa kong tinted at bulletproof ang mga salamin. Para pag nasa labas ka ay wala kang makikita at maririnig na nag mumula sa loob. Pero baliktad naman pag nasa loob ka, maririnig at makikita mo kung ano ang ginagawa nila o kung sino sila. Pagka lapag ko ng mga gamit ko ay dumeretso ako sa basement —and of course I have a basement in my freaking presidential office. Nag ayos ako ng baril para ihanda kung ano man ang mangyayari. Dalawa lang naman na pistol gun ang dala ko, isang knife na itinago ko sa naka bun kong buhok. Bitbit ko ito ay bumalik na ako sa itaas. Pinag masdan ko kung ano na ang ginagawa ng mga loko. Pero nagtatago sila ng maigi, mga gago nababasa ko sila. Nang sumagi sa isip ko na may madadamay ay agad kong tinawagan sila Yumi.

"Hello? " sambit ko ng sagutin nya ito.

"Insan! Asan ka ba? "

"Nasa opisina, pumunta kayong lahat dito, isama mo pati sila Keisha. Lahat kayong naiwan ko sa parking ay dumiretso dito, bilis na "

"Shammira... " nag aalalang sambit nito sa kabilang linya.

"Wag kang maingay! Ano ba? May nag mamasid sa inyo kaya bilisan mo na! At wag na wag kang mag kakamaling banggitin sa kanila ito dahil baka makahalata ang mga kalaban "

"Oo—oo sige na... "

"Mag iingat kayo, please? "

"Insan naman eh! Wag kang manakot!" natatakot nya namang anya.

"Anong nananakot? Tumigil ka nga dyan! Asan na kayo? "

"Nag lalakad na! At nak ng putsa—may naka masid nga! " bigla ay pasigaw nyang sinabi.

"Ang ingay ingay mo Yumiko?! Ano ba?! Damn it?! " bulyaw ko din.

"Hehehe, sorry na. Papunta na kami dyan. Bye—"

"Wag mong ibababa ang linya, para alam kong ligtas kayo... " putol ko dito.

"Yes baby!" nang aasar na ang tono nya.

"Shut up! Tsk! "

"What?! Diba yun ang tawag namin sayo? Baby? Anong pinapa shut up mo? Ikaw ah! HAHAHA! " tama nga naman! Baby talaga ang tawag sa akin! Pero yung mga lalaki ko lang na pinsan ang tumatawag sa akin nun!

"As I can remember yung pinsan lang natin na lalaki ang tumatawag sa akin ng baby Yumiko? What now? Lalaki ka na ba? " pang aasar ko din dito.

"Psh! Shut up, Shammira! "

"Sabi nang wag mong babanggitin ang pangalan ko! Pag kayo napa hamak dahil yan sa bibig—oh shit! "

"Bakit? Bakit? " nag aalala nyang sabi.

"Mapapasabak ata ako ngayon! Lintek nang alam na nila na tinawagan kita! Ang daldal mo kasi Yumiko! Bilisan nyo na! "

"Oo! Oo—guys bilisan na daw natin! Faster—aaaaaaahhhh! " nagulat ako sa malakas na sigaw na nanggaling sa linya ni Yumiko.

"Hello? Yumiko? What happened?! "

"Shammira umaatake sila! Bilis na! "

"Wag kayong mag hihiwalay hiwalay please! "

"Oo bilis na! Vieeen! "

"Oh shit! " yun lang at binaba ko ang linya.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

248K 12.5K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
115K 241 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
120K 13.3K 29
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...