War V

9 2 0
                                    

Shammira's POV

Binago ko na ang suot ko kanina pa, nakatabing na rin ang mukha ko. Maingat akong lumabas, yung tipong walang makakaalam. Mabilis akong binalot ng kaba kahit hindi na ito ang unang pag kakataon. Tinago ko sa gilid ng hita ko ang dalawang baril. At inayos ng mabuti ang naka bun kong buhok. Mabilis kong nakita sila Yumiko at nagulat ako sa nakita ko!

Putsa! Sabunutan pala ang nangyari! Lintek nang Yumiko naman! Bwiset!

Pipihit na sana ako para mag palit at ipagtanggol si Vien ay hindi na nangyari. Dahil agad akong hinarang nang tatlong lalaki! Agad silang nag lakad papalapit sa akin kaya umatras ako, sa paraang makakalapit ako kila Yumi. May naramdaman akong tao sa likuran ko at napabaling agad dito!

"Shammira! " bulong nito sa akin kaya isinenyas ko sa kanya na manahimik.

"Keisha, wag mo sila pag hiwahiwalayin please? Mahihirapan ako pag nag kataon. Crowded pa naman ngayon... " oo si Keisha nga iyon.

"Mag iingat ka... " paalala nito sa akin.

"Kayo din, salamat! " titingin na sana ako sa likuran nya ng manlaki ang akanyang mga mata!

"Sa likod mo! " bigla nyang sigaw kaya yinakap ko sya para maka ilag kaming pareho! Pag ako lang umilag ay tyak na sya ang knock out ngayon!

"Bilis puntahan mo na yung boyfriend mo! Sabihan mo na walang aalis sa kinakatayuan nila! At ang mga pinsan ko Keisha! " aligaga man ay tumango ito at ginawa ang aking nais.

"Gwen, Vien at Yumiko! Kilos na bilis! Ang mga bata Gwen! Yumiko tulungan mo sila! Vien dito ka! " utos ko sa mga ito. Aligaga din silang nag sinururan.

"Vien sa likod mo! " mabilis kong sigaw at naka ilag agad ito kaya mabilis kong sinipa ang lalaki at tumumba agad sya!

Sipa ko pa lamang ay tumba na agad? Amazing.

Sampu ang lalaking sumugod sa amin. Sipa doon, suntok dito ang ginawa namin ni Vien. Twing may lalapit naman sa mga kasama ko na sila Yumiko ay tinutulungan ko sila, dahil alam kong pinangungunahan sila ng takot. At mas maalam ako dahil nababasa ko ang isip nila kaya malalaman ko din kung ano ang gagawin nila. Hindi ako gumamit ng armas dahil tatalak lang naman ang mga dugo, wag sa paaralan ko mga gago. Mas madali para sa amin ang maki pag laban pag kasama ako, o kaya ako lang. Pag may kasama ako ay nasasabihan ko sila kung ano ang mangyayari pero pag ako ay hindi ko na kelangan dumada puro na lang ako gawa. Tsaka mas okay kung ako ang haharapin nila dahil tyak na kayang kaya ko sila. Yun nga lang tinitira nila ako sa mismong kahinaan ko. Ang mga mahahalaga sa akin.

"Sa likod mo! " biglang sigaw nung boyfriend ni Meiz kaya napapihit agad ako patalikod! At yun! Sinalubong nya ang high kick ko. Tiningnan ko yung boyfriend ni Meiz at nginitian.

"Salamat! " saad ko pa pero nanlalaki ang mga mata nya.

Ano bang iniisip nya? Bakit hindi ko malaman? Nakaka insulto yun sa part ko sis ah!

Tiningnan ko ang paligid ko pero wala namang aatake. Wala na, dahil tumbado ko na lahat. Napatingin ako sa paligid at nagugulat ang mga baguhan na estudyante sa nasaksihan nila. Hindi ko sila masisisi, dahil normal na ang ganitong gulo mag mula nang mawala ang mama ko.

"Ayos lang ba ang lahat? " tanong ko, pero tila gulat pa rin yung boyfriend ni Meiz at yung kapatid nya dahil sa eksena. Tiningnan ko naman si Keisha para isenyas yung dalawa. Hindi naman ako nabigo dahil binundol na ito kunwari para maka balik sa mundong ginagalawan. Tinanguan ko silang lahat at mabilis pa akong pumihit papuntang opisina.

Love is like a WarWhere stories live. Discover now