Mid-Air Ball (The Athletes...

By abeamus

2M 54.6K 30.8K

MONTEVINSKI SERIES #1 Kelly Sian Gonzaga is the notorious captain of the generation, and everyone knows she l... More

Mid Air Ball Book!
EXCLUSIVE FREEBIES
MID AIR BALL
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 1

55.1K 1.4K 711
By abeamus

Chapter 1

Match

"Mine!" sigaw ko sa ilalim ng araw at asul na kalangitan, halos mapapikit pa ako dahil sa sinag ng araw. The ball instantly landed on my forearms and it went up near our setter. "Alyssa, set!"

Tinanguan niya ako at ginawa ang gusto ko. I jumped higher and slammed the ball down below the net. I got two boys blockers, but the ball still passed through their manmade wall.

Kill.

Walang nakakuha ng spike ko. Tinawanan ko ang team nina Elton. Sila ang boy's team ng school namin. Practice match lang ang ginagawa namin ngayon.

"It's just a luck." Umismid pa si Elton at kinuha ang bola. Tinapon niya 'yon sa akin ng marahan. "Ayusin mo talon mo. Kung tinaasan ko pa ang talon ko, balik sa kampo niyo ang bola mo," aniya.

Umirap ako. "Oh, come on, Elton! Accept your defeat!" Patawa tawa pa ako kasama ang mga kasamahan ko.

"I am accepting so you accept advice, too," supladong aniya, umirap pa!

"Not that our opponents are tall as you are! Babae naman ang kalaban namin!"

Umatras ako dahil ako na ang mag se-serve. I was playing with the ball when Fritz butt in.

"Andro is quite tall, Kelly."

Iyon 'yong nakalaban nila Tasha last year pero nanalo pa rin sila. She's tall, I know, pero hindi gano'n kagaling. Aanhin mo ang tangkad mo kung hindi ka strategic? Ako, well, I have both.

"Andromeda?" I asked before hitting the ball for a float serve.

"Yup!" Sagot ni Fritz at humanda na para sa mag-spike pabalik. Babawi ang animal.

Nagpatuloy ang laro. I jumped higher as I could to block his kill. Napamura siya nang ma-block namin ni Arvhie ang palo niya. Natawa kami ng team ko at ilang kagrupo niya.

"Tama na!" sigaw ni Covy. "Pagod na ako!" hingal na hingal siya habang naglalakad papunta sa bakal na upuan sa gilid.

Kasama niya si Terry, Seth at si Ays. Mga kaklase niya slash best friends. Lumapit ako sa kanila habang busy sila sa mga phones nila. Ganyan lang naman ang madalas nilang ginagawa at hindi nanonood.

Nandito kami sa court ng subdivision nina Elton. Dito ang naging usapan namin. Wala kasi kaming magawa kaya nag chat kami sa group chat. Game na game naman sila kaya nandito kami at iniinda ang sapak ng araw sa amin. Sapak dahil grabe ang atake sa aming mga balat.

"Tara kain sa labas?" yaya ni Elton sa amin habang nagpupunas ng pawis. He's the captain.

"Libre mo?" si Seth.

"Ang dami niyo!"

"Oh, edi 'wag na! Ang dami mong alam." Umirap si Seth at nag cellphone na ulit.

Mga mukha silang libre. May mga pera naman sila.

Napalingon ako sa labas ng chain link fence kung saan may mga pumarada na sasakyan. So flashy. Namukhaan ko ka agad ang Aston Martin at halos tumalon na ang puso ko palabas ng ribs ko.

"Sino ang mga 'to? Makikipaglaroy ata, ah?" si Daren nang magsilabasan na ang mga lalaki at ilang babae sa iba't ibang magagarang kotse.

"Kotse ni Zoren ang isa riyan," sabi ko at tinalikuran sila.

Kinakabahan ako. Nandito siya? Nakita ko sa IG niya kanina na nasa Seven Eleven lang sila, a? Bakit biglang nandito?

Pansin ko ang titig ni Covy sa akin kaya tinapatan ko 'yon. Papatalo ba ako?

"Ano?" mayabang kong tanong.

"Wala ka na namang gagawin?"

Umirap ako at uminom ng tubig. Naramdaman ko ang pag-angat ng black Adidas fitted cropped top shirt ko. Ang lamig tuloy sa tiyan dahil sa hangin. Pawis ako, e.

"You're still too confident, huh?" si Ays na akala mo ka-age ko. Malamig ang boses niya habang maarteng nag s-scroll sa kanyang cellphone.

"And so? Bakit ba ang dami n'yong say diyan? Buhay niyo? Ha, buhay niyo?" Nainis na ako kaya nagsisimula nang umapoy ang paningin ko.

I hate to admit it, but I feel pressured right now. I need help assessing what to do. Should I do something or not? Should I make a move or huwag na lang?

"Ang weird mo magkagusto, Kelly," sabi ni Elton na umismid pa.

"Sinabi mo pa. Para siyang bula. Ikaw ba si Bubbles ng Powerpuff girls?" bored na sabi ni Seth dahil busy rin sa cellphone. Kahit nakayuko ay kitang kita ko ang pag make face niya.

"Ang bobo niyo," inis kong bulong.

Nakaka-pressure talaga. Gusto ko lang naman maging chill, e. I'm not in a rush. I'm not in a thirsty-to-be-in-a-relationship mode. I just want to enjoy the process because if I won't, there's an ample opportunity I'd get bored and stop. I don't wanna stop.

"Oh, kaya pala ang init. Nandito ang Scorching Hot," tawa ni Ashi ang narinig ko kasabay ng pagbagsak ng bola sa sahig.

Marami akong naririnig na nagsasalita sa likod ko pero hindi ako lumilingon. Inangat ko na lang ang itim kong sneakers sa bakal na upuan para ayusin ang sintas. Mamaya na ako lilingon. Sino pa ang magpapa sintas diyan? Ngayon lang 'to.

"Butt out pa," bulong sa akin ni Athena, ka-team ko. Ngumisi lang ako at nakinig sa usapan sa likod.

Ang awkward ko, grabe! Pwede naman akong humarap pero hindi ko magawa. Baka kasi magkatitigan kami ni Zoren. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali. Buti sana kung may umaaligid sa kanya na babae ngayon at talagang magkakaroon ako ng confidence.

"Let's play one unofficial match?" boses ni Zoren na nakapagpahina sa tuhod ko.

Gusto ko nang lumingon, kainis. Gusto ko na siyang makita.

"Pustahan daw? Sagot niyo lunch namin kapag nanalo sila."

Ang kapal talaga ng mukha nitong si Seth. Siya lang ang may pakana sa pustahan! Anong pustahan daw? Wala namang sinabi ang iba.

Maraming tumawa. Isa na ako roon pero agad din naman napawi ang akin. Shit, tapos na akong magsintas. Ano na ang gagawin ko? Okay, inom ulit ng tubig.

"You win or lose, I'll pay," ang mayabang na boses ni Zoren.

"Yaman ng mapapangasawa mo," bulong ni Covy sa akin.

"Gago," bulong ko pabalik. Napangisi tuloy ako. Lintek, kinikilig ako.

"Okay, game kami. Scorer si captain para may lucky charm," sigaw ni Fritz at hindi ko ka agad nakuha ang idineklara niya.

Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Fritz papunta sa tabi nila, kaharap ang mga makakalaro. Nanlaki ang mata ko at babalik na sana nang akbayan niya ako nang mahigpit kaya wala na akong nagawa.

"Luh, bawal 'yan, a? Kay Zoren 'yan," sabi ng punyetang Ashi. Nakakahiya! Hindi naman kasi ako inaako ni Zoren kaya bakit niya sasabihin 'yon?

Nag-angat na ako ng tingin at sakto ang mga mata ko kay Zoren. Nasa harap ko kasi siya. Naka-Adidas din siya na terno pero puti ang kaniya. Magulo ang buhok niya ngayon at iritado ang mukha.

Sumipol ako saglit at nag-iwas ng tingin. Nasa ulap ang mga mata ko habang inaaliw ang sarili. Hindi naman kaya siya nagseselos?

"Game na! Para makapag-lunch na tayo." si Seth na naman na pumapalakpak pa.

"May pera naman—" I was cut off

.

"I'll pay," malamig na sabi ni Zoren at tumalikod na kasama ang teammates niya. Bago iyon ay nahuli ko pa ang mayabang niyang ngisi sa akin.

Bumalik na ako sa upuan nila Covy at naupo roon nang nanghihina. Tinignan ko ang isang kasama nilang babae na umupo sa kabilang dulo ng court. Mahinhin.

"Bakit nandyan si Zoey?" tanong bigla ni Terry. Nilingon ko siya dahil parang 'yon ang tinutukoy niya.

"Iyong naka-light blue na dress?" Tumango silang tatlo sa tanong ko. "Montevinski 'yan, 'di ba?" Nakikita ko kasi sa mga picture kapag holidays at talamak sa social media ang mukha ng mga Montevinski.

Zoren is a Montevinski, too, but their family is more private than the other clans. His family is one of the richest in the country but I never saw tabloids or magazines that feature his family. Hindi ko pa nakikita ang magulang niya at wala akong ideya kung may kapatid ba siya.

"Uu," si Seth.

"Pinsan niya 'yan kung gano'n?" tanng ko.

"Yup," sagot ni Ays sa akin dahil walang sumagot.

Kanino kayang kapatid? Kilala ko ang mga Montevinski pero 'di gaano ang mga babae. Hindi ko rin kilala ang mga mas matanda nang mga pinsan nila.

"Hoy, Gonzaga!" Napalingon kaagad ako Kay Fritz nang sinigaw niya ang apelyido ko. "Scorer ka!"

Umiling ka agad ako. Scorer, my foot!

"Ayaw ko!"

I accidentally directed my eyes to Zoren, throwing me stares like daggers. Ano na naman ginawa ko? Pinapakaba niya ako sa totoo lang.

"Sige na!"

"Ayaw ko—"

"Do we need her to do it? Can't our friends do it instead?" si Zoren sa iritadong boses. Pinapalo niya pa ang bola at bumabalik din sa palad niya. Mayabang siyang nakatingin sa mga lalaki.

Sumang-ayon sa kaniya ang lahat kaya napamura si Fritz.

"Tang ina, si Darren naman nagsabi sa akin, e!"

"Ulol ka, ang layo ko sa'yo!" sinapak siya ni Daren saka bumalik na sa posisyon niya.

Pinanood ko na lang si Zoren tutal sa bola siya naka-focus. Parang gusto kong maging bola bigla. Iyong bola na sasaluhin niya. Hindi niya kasi hinahayaan na mahulog ang mga bola pumupunta sa teritoryo niya. Pero kung sa kanya naman ako mahuhulog, worth the pain.

Seryoso ang mga mata niya. His sharp eyes and sharp spikes made me fall harder today. Kitang kita kung gaano siya ka desididong manalo sa bawat laro. Losing is very out of his vocabulary, making me and him very destined.

Hindi ako nag-iwas ng tingin nang nagtagpo ang mga mata namin. He just landed after an indisputable spike, and here he is, spiking my system. Argh, his undeniable charm!

Suplado siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglaro. Natawa naman ako sa kaartehan niya.

"Hindi ba unfair? Nanalo kayo tapos kami ang ililibre niyo?!" si Seth nang matapos na ang laro.

Natalo ang ka-team namin. Ang lakas kasi talaga nila Zoren. I know they'll win this year's upcoming inter-high. They have my Zoren on their team, not just because they're more desperate to win than our boy's team.

"Okay lang 'yan! Minsan lang maging anghel 'yang si Zoren," pabulong na sabi ni Ashi dahil malapit lang sa kanya si Zoren na may kausap sa phone.

Sino kaya 'yan? Sana naman hindi babae.

"Oh? Talaga? So most of the time ay demonyo siya?"

Binatukan ni Covy si Seth at hinila papunta sa tabi ko, nahihiya sa inaasta ng kaibigan.

"Bakit na naman?!" reklamo niya saka humagalpak ng tawa. "Joke lang, Zoren!"

Tumango lang ang kababalik sa amin na si Zoren. Tapos na sa kausap niya. Ang bilis naman.

Bakit kaya hindi ko siya lapitan? Alam naman ng karamihan na gusto ko siya. Bakit ba may hiya parin ako?

"Let's eat? Saan niyo gusto?"

His cold voice stopped me from attempting to come near him. Halos mapamura ako dahil doon. Darn it, this is already the sign not to approach him today!

I like him a lot. Yes! I just don't want him to think I'm clingy and overeager. Not that I'm being pessimistic.

Sa huli ay si Seth na naman ang nagdesisyon. Ayaw ko sanang kumain kasama sila dahil ang awkward. Inaasar pa ako ng mga kaibigan ni Zoren dahil bakit daw tiklop ako ngayong araw. Ang hindi ko pa matanggap ay para raw akong muning!!

Iyong mga babaeng kasama naman nila ay tingin nang tingin sa akin. Ayaw ko naman silang tarayan dahil mukhang mga soft girls naman sila. Ayaw ko lang talaga ang mga panakaw nakaw tingin nila. May mga kahulugan kasi.

"Tahimik mo naman, lods!" si Karl, from Glazing Fires.

Maraming second motion at inasahan ko naman na.

"Pake mo?"

Umingay dahil doon. Inasar nila si Karl. Burn daw. Toasted, grilled at kung ano ano pa ang sinabi nila. Mga isip bata. Isip bata rin naman ako minsan, pero hindi lang sa harap ng gusto ko.

"Kain ka na kaya, Kesh?" si Covy.

Kumunot ang noo ko. Asan ang pagkain?! Kaya nga maingay dahil wala pa ang orders.

"Are you blind, Covy? Or just dumb? Gusto mo kainin ko ang tissue at toothpick?"

Natawa ang ilan dahil inis kong pagkakasabi.

"Init naman ng ulo mo," sabi ni Fritz habang naglalaro sila ng ML kalaban pa rin ang Glazing Fires. Dito ay paniguradong mananalo sila. Diyan sila magaling!

Inakbayan ako ni Covy na katabi ko rito sa long table.

"Nasa harap mo na ang pagkain mo. Nakahain na. Ano pa ang ginagawa mo? Why not sunggaban mo na—"

Tinulak ko ang ulo niya. Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi niya. Zoren is sitting in front of me! Siyempre narinig niya. Tss. Narinig ko pa ang tipid niyang ngisi.

Nagtagpo ang mga mata namin. I gave her an OA smile and then back to serious face. Nilalaro niya ang cellphone niya sa table. Siya lang ang hindi sumali sa ML match. Hindi naman mahilig 'yan sa mobile games o kung ano anong video games.

"You brought your car?"

Nagulat ako nang kausapin niya ako. Gan'yan nga. Mag first move ka rin. Hindi 'yong ako na lang palagi.

"Bakit? Ihahatid mo ba ako?" I teased, and the place was filled with cheers. Buti na lang kami lang ang customers.

I didn't mind the crowd's reaction. Since then, I have been very vocal in pursuing his heart. I really hate losing. Baka may umagaw pa.

Ngumisi si Zoren at nahinto sa paglalaro sa cellphone niya. Iniikot ikot niya lang naman ang latest Iphone niya sa lamesa.

"Why not?" bawi niya.

Loud cheers again. Hindi ako makapaniwala na bumabanat din siya sa akin ngayon.

Natawa ako. "Aww. Sana iniwan ko na lang ang kotse ko kung gano'n," maharot kong sabi.

Nag-eenjoy na ako saka naman dumating ang mga pagkain namin. Kainis naman itong si Kuyang waiter. Hindi naman kaya may gusto 'to sa akin at nagseselos sa amin ni Zoren?

"Hoy, mamaya na 'yan! Nag-lo-lord na sila! Mga bobo!" si Daren 'yon habang namumula na dahil sa inis.

Ganyan naman ang mga lalaki. Mga laro ang sineseryoso. Hindi ang mga babae.

Inaayos ko ang utensils nang magsalita na naman si Zoren.

"Intrams na namin next week. Nag-register ba ang school niyo?" tanong niya habang tinutulungan ako.

Napakagat labi ako dahil hindi sigurado.

"Hindi... ko pa alam. Pero I thin, oo?" I chuckled.

Under kami ng mga catholic schools at may connections ang bawat schools. They are like a chain of institutions. They help each other with structural growth or other related school innovations. At kapag intrams, pwedeng mag request ang dean to be part of their intramurals. Kaso, as outsiders lang. Nood lang, gano'n. Bawal maglaro.

Beneficial din naman sa kanila dahil maraming booths, maraming students, then, maraming funds. Hindi lang talaga maiwasan na overcrowded.

"I think it's better if not," maarteng sabi ng babaeng kasama nila.

My brows furrowed as I attacked her with my keen eyes. Ayaw ko ang tono niya. It's like she's implying her hatred bluntly.

"Why naman?" tanong ko.

She laughed, and it's so irritating.

"Less crowd. Plus, intrams namin 'yon," pagtataray niya.

Akala mo naman inaagaw namin ang intrams nila. At isa pa, tuwing intrams ng ibang school, kaunti lang ang pumupunta from school namin. Mas gusto nilang matulog dahil stress academically. Mas mahigpit kasi ang admins namin tungkol sa mga grades.

"You sound like we're not useful at all. Baka nga half ng intramurals funds niyo galing sa outsiders."

Medyo tahimik ang table namin. Kahit ang mga naglalaro ng ML ay palingon lingon sa amin. Totoo naman kasi ang sinabi ko.

She chuckled, but she seemed pissed.

"Hindi, a! Bakit ba gusto niyong pumunta? Maybe to seduce guys—"

"Gawain mo kasi kaya ganyan ka mag-isip," sabi ko at inirapan siya dahil sa inis.

"Dimples—" hindi niya pinansin ang banta sa boses ni Zoren.

"Excuse me?! Kilala mo ba ako?!" She's now aggressive right now.

"Sino ka ba?" pagtataray ko pa rin.

"Tama na 'yan!" sigaw ni Ashi. Namatay yata hero niya. "Chill lang kayo. Bakit ba big deal? Annual event naman 'yon?"

"Event natin 'yon!"

"Dimples, enough," ang malambot na boses ng batang Montevinski. I think her name is Zoey, if I'm not mistaken.

"Tss. Edi hindi kami pupunta. Pake ba namin sa event niyo," bulong ko dahil kahit ako ay naubos na ang pasensya.

"Chill ka lang," si Covy 'yon.

Tumango ako at nakita ko si Seth sa gilid na kumakain na. Wow! Kahit papaano ay kumalma ako. Umirap pa rin ako at sumandal sa upuan ko nang nakabusangot.

Nakakainis kasi! Akala mo naman desperada kaming dumalo! Magshoshopping na lang ako kasama kapatid ko kaysa naman makita ko pa ang bruhang 'yan. Hindi naman maganda. Feeling lang.

"You can come if you like," si Zoren.

Umiling ako. I'm not marupok. Duh!

"No thanks," pagmamatigas ko.

Malay mo isang subok pa papayag na ako.

"'Wag mo nang pilitin, Zoren," iyong Dimples na naman! Panira naman ang isang 'to!

Tss. Kapag 'yan nagpatuloy na ganyan ang ugali sa harap ko, I'll shove to her face kung anong mahawakan ko. Hindi talaga ako nagbibiro. I can be really violent when so pissed off.

"They will come, Dimples. Stop talking like you own the school." Malamig ang boses ni Zoren nang sabihin 'yon.

Nagulat ako sa inasta niya. Umirap na lang ang babae at hindi na nagsalita pa. Sino ba kasi 'yan? Ngayon ko lang 'yan nakita. Well, hindi naman siya mahalaga.

"Sus, Zoren, kapag sinabi ni Kelly na hindi na, hindi na talaga," sabi ni Seth at uminom ng tubig. She's done eating her dessert now.

"Kain na lang kaya tayo? Pati 'yan pinag-aawayan niyo. Nauubos brain cells ko sa inyo!" hinawakan ni Ashi ang ulo niya at pinanggigilan 'yon.

"In the first place, Ashi, may brain cells ka ba?" tanong ni Seth na ikinatawa ng karamihan.

Hindi ako tumawa. Kapag iritado ako, kahit nakakatawa ay hindi ako tumatawa.

"Close mo?" Narinig kong tanong ni Covy sa kaniya.

"Hindi." Tsaka ito tumawa.

Ganyan naman si Seth. Napaka friendly kaya minsan ay sinabihan ng malandi at nasa loob ang kulo. She doesn't mind, though. For her, the truth is only that matters.

We ate, fortunately, with peace. Kung nag-uusap ay tungkol lang sa acads, ML or mga upcoming programs.

In all catholic institutions, school namin at school nila ang may strong relationship. Kaya hindi na nakakapagtaka na minsan ay close ang mga students. Hindi nila tinitignan na kalaban ang bawat isa. Mag best friends kasi ang Deans namin.

Medyo naging busy ako sa school matapos ang araw na 'yon. Inayos ko rin ang papers ko para makalaro ako sa inter-high. Captain, tapos hindi makakalaro? Nakakatawa kung sakali.

Pinasok nga kami ng dean to participate in their school's intramurals. So that next time, they will come to our intrams, too, and gain more funds. That was according to our dean. See? Funds. Funds. Funds.

Lunch break nang magkita kita ulit kami nila Covy. This time, hindi kasama sila Terry at Ays. Tinamad na naman ang mga 'yon panigurado,

"What's up, Kelly? Kamusta pagiging senior high?" tanong ni Seth habang kumakain ng Loaded na milk flavor.

"Hassle. Kainis. Ang daming activities tapos tuwing hapon may training tayo," I said and groaned afterwards.

"So... naiinis ka ngayon? Bad mood?" Nakataas ang dalawang kilay ni Covy. Tinitimbang niya ang mood ko, halatang halata sa kanyang tono at itsura!

"I don't like your tone, Covy," sabi ko.

Ganyan na ganyan kasi ang tono ng boses niya kapag may tsismis na sasabihin tungkol kay Zoren.

"Kasi..." lumapit siya lalo sa akin habang maglalakad kami palabas ng school. "I saw on Dimples' IG story that she likes your boy. Tapos nakita ko na magkasama sila sa library kanina."

Naramdaman ko kaagad ang daloy ng inis sa aking sistema. Here we go again...

"IG story din?"

Tumango siya sa tanong ko.

"Nagdala ka ng phone? Mamaya mag kapkap mga CAT, e!" bulong ni Seth pero ang lakas ng boses. "Bakit pala Dimples ang pangalan niya, e, isa lang naman ang dimple niya."

My temper increased. Stressed na nga ako sa school, dumagdag pa sila. Hinawi ko ang buhok ko at pinatunog ang kotse ko. Binasa ko ang ibabang labi ko gamit ang dila.

"I'll just drop you wherever you want to eat. I'll visit Zoren," sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse ko at pumasok doon matapos kawayan ang mga bumabati sa akin.

Si Covy sa front seat, si Seth naman sa likod.

"Hindi ka kakain?" tanong ni Covy at nag seatbelt na.

I shrugged and started the engine. Wala talagang buwan na hindi ako pumupunta sa school nila para bakuran si Zoren. Meron at meron talagang malalakas ang loob na sumusubok.

Nang maalala na magkasama sila sa library kanina ay umapaw ang galit ko. Are they alone?

"That snake," I whispered as my car started to move.

Continue Reading

You'll Also Like

125K 3.2K 36
š˜ˆ š˜­š˜°š˜·š˜¦ š˜“š˜µš˜°š˜³š˜ŗ š˜µš˜©š˜¢š˜µ š˜£š˜¦š˜Øš˜¢š˜Æ š˜¢š˜§š˜µš˜¦š˜³ š˜µš˜©š˜¦š˜ŗ š˜¦š˜Æš˜„š˜¦š˜„. They say that love is sweeter the second time around so what would happen...
2.3M 42.8K 53
Strangers in public. Married in private. Yary and Zame have families who despise each other for decades. Because of the families' war, they need to h...
82.7K 2.9K 23
The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, Drugs and Money, He drawn by a Lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kanya ng mga...
3.5M 95.3K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...