Subside Everything (SB19)

By LanehLarry

934 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... More

Subside Everything
Prologue
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #6
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #12
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #23
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #27
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #29
GITZ, BREAK! #30
Epilogue
SB19
PSICOM APP

GITZ, BREAK! #15

16 1 0
By LanehLarry

I'm the most charismatic member of SB19, my name is Josh. (Sexiest man in PH)

---

"At sino ba kasi ang may gusto nito, ha? Stell? Ha? Hoy! Stell!"

Nanliliit na ang mga mata ko dahil sa dami ng lobo sa sahig ngayon. Kanina, pagkatapos kumain ng agahan, hindi na nila ako inistorbo at dumeretso na lang ako sa kwarto namin ni Justin.

Nagpalit na kami ng kwarto. Si Sejun na ang kasama ni Stell at magkasama naman kami ni Justin dahil nagpapalitan sa paglalaro ng computer kapag walang shoot si Ken. Halos isang buwan na kaming magkasama at hindi na mahirap para sa kanila ang mag-adjust dito sa bahay.

Nagitla na lang ako kanina sa malakas na tapik ni Stell sa balikat ko at sinabing mayroon daw suprise para sa birthday ni Justin. Sino ang may pakana? S'yempre ang boss n'ya, si Ken.

"'Wag ka nang magreklamo at tapusin mo na 'yan," malumanay na sabi n'ya habang naghahalo ng cake batter.

Napasinghal ako at tinitigan ang mga lobo sa sahig. Kailangan ba talagang idikit lahat sa kisame? Daming arte, Suson, ah?

"Pinapahirapan pa tayo ni Justin," usal ko habang nakatingala.

"Si Ken nagpalobo lahat n'yan! Magdidikit ka na lang, eh! Dami-dami reklamo," sagot niya sa akin.

"Bakit parang galit ka?" Napataas na tono ng boses ko. Narinig ko ang hagikhik ni Sejun habang nilalaro si Kira.

"Hindi ako galit! Ang ingay mo kasi!"

"Eh, bakit sa sumisigaw?!"

"Ano ba, Josh Cullen! Magdikit ka na lang d'yan! Ikaw ang ihahalo ko rito, sige ka!" sigaw pa rin n'ya.

"Stop bickering! Naiingayan sa inyo si Kira!" sabat ni Sejun.

"Tss. Mag-abot ka nga ng lobo, John Paulo. Puro ka Kira. Wala nga ang amo n'yan."

Nakanguso n'yang binitawan si Kira at isa-isang iniabot sa akin ang mga lobo. Naiinis lang talaga ako dahil naistorbo ang paglalaro ko!

"Mamaya ka na lang maglaro kapag tapos na at tatawagin ka namin kapag malapit na sila," si Stell ulit. Bakas na ang guilty sa boses n'ya at doon ako natawa.

"Joke lang, ang seryoso mo, 'no?" Natatawang sabi ko.

"---paabot isa pa," dugtong ko sabay tingin kay Sejun.

"Alam mo, Josh? Ang weird ni Ken..." usal bigla ni Stell.

"Weird? Saan?"

Patuloy pa rin kami sa ginagawa.

"Bago sila umalis kahapon ng hapon, out of the blue lang n'ya sinabi na magsusuprise kay Justin. Nawala lang talaga sa isip ko kaninang umaga kaya sobrang last...minute na." Natigilan s'ya saglit dahil nahirapan siya sa ginagawa.

"Baka naman as thank you lang?" sagot ko.

"Hindi ba s'ya siniswelduhan? PA s'ya 'di ba?"

"Kabayaran na rin ni Ken 'yun dahil hindi lang basta PA si Justin," sabat ni Sejun.

Nagkibit balikat ako, "Sabagay..."

Maya-maya lang, naidikit ko na lahat ng lobo sa kisame. Buti na lang talaga at  nakapaglaba ako ng mga kurtina noong nakaraang araw kaya hindi na problema.

Pumunta na si Sejun kay Stell at saka tumulong sa pagbabake.

"Anong oras daw ba ang dating nila?" tanong ko.

"Ala sais."

"Baka naman pagdating nila, eh, pagod-pagod 'yun?" Nagaalalang tanong ko.

"Hindi ko alam..."

"Basta ang alam ko, bukod dito ay may iba pang plano si Ken."

"Ay, wow! Alam mo, nagseselos na ako kay Justin, ah!"

"What? Why?!" si Sejun.

"Spoiled na spoiled s'ya kay Ken!"

Naupo ako sa harap nila at nagpangalumbaba.

"Hayaan mo na! Pinagtatrabahuhan naman ni Jah 'yun."

Natatalo ako kapag isinusumbat nila ang pagiging PA ni Justin kay Ken. Tama naman sila 'di ba?

Kumuha ako ng cookie cutter na nakalapag sa  harapan ko nang biglang may kumatok. Ako na agad ang tumayo dahil may ginagawa silang dalawa.

Hindi pa ako nakakalabas ng dining area, kumatok siya ulit hanggang sa ilamg beses na.

"Saglit lang po!" mariing sigaw ko.

Inikot ko kaagad ang busol matapos ko itong hawakan. Bumungad sa akin isang lalaking may dala-dalang bag na nakalapag sa gilid. Kumunot bigla ang noo ko dahil hindi ko ito kilala.

"Sino po sila?" magalang na tanong ko. Mas matanda s'ya sa akin.

"And'yan ba si Justin? Ako si Julian, kapatid n'ya.

"Who's--- Kuya Yani!" Kumaripas ng takbo si Sejun mula sa likod ko hanggang makarating s'ya sa gilid ko.

"Kilala mo s'ya?" takang tanong ko.

"Yeah, Justin's older brother. Come in, come in!"

Gumilid ako ng kaunti para makapasok s'ya ng tuluyan, pati na rin ang dalang gamit n'ya.

"Wow!" puna n'ya habang iginagala ang tingin sa kabuuan ng sala.

"Para sa birthday ni Jah?" tanong n'ya kay Sejun.

"Suprise birthday po..." Inilahad ni Stell ang kamay sa bisita, "Stell Ajero po, ako po ang may-ari ng bahay."

"Julian. Yani na lang." Nakangiti silang nag-shake hands. Agad naman napunta ang tingin nito sa akin.

Ngumiti ako at nilahad din ang kamay sa kan'ya.

"Josh Santos po..."

"Hmm, siguro kayo ang mga kuya ni Justin dito, 'no? Salamat, ah? Saka sorry na rin sa abala---"

"Naku! Wala po 'yun, ayos lang po!" pigil sa kan'ya ni Stell.

"Okay! Haha! What's your plan? Ang ganda nito, ah?" puri n'ya sa makulay na lobo na dinikit ko sa kisame.

"Si Ken po ang may pakana nito."

Bumalik si Sejun sa dining area at sinundan ko s'ya. Hinayaan ko na lang na si Stell ang makipagusap sa diko ni Justin.

Naupo ako sa kinauupuan kanina. Nahuli ko namang nakatitig sa akin si Sejun.

"Ang hilig mong tumititig," mahina'ng tonong puna ko.

"Oo raw," sukong sagot n'ya.

"Ngayon lang kita natitigan, eh," dugtong n'ya.

"Ano naman kung natitigan mo na ako?"

"It's satisfying--"

"Ha?! Bakla ka ba?!" sigaw ko sa kan'ya na kami lang dalawa ang nakaririnig.

"What?! No!" Agad n'yang tanggi.

"Eh, bakit satisfying?" Nailang ako bigla!

"Kinakabisado ko lang mukha mo..."

"Bakit ako?! Si Stell naman!"

"Kabisado ko na."

"Ibig sabihin tinititigan mo s'ya lagi?" taas kilay kong tanong.

Dahan-dahan naman s'yang tumango bago ngumisi.

"Kapag may pagkakataon--"

"Lagi kayong magkadikit at magkasama," pigil ko sa kan'ya.

"Exactly!"

"Baka naman matunaw ang kaibigan ko katititig mo, ah?!"

"Gusto naman n'yang magpatunaw, eh," malanding sagot n'ya.

"What the f*ck, John Paulo! Naririnig mo ba sinasabi mo?" natatawang sagot ko.

"What?! Wala namang mali, ah? Gusto n'ya rin at hindi ko mapigilan!"

Natigilan ako bigla nang pumasok sa isip kong  nasa iisang kwarto lang sil natutulog. Fvck! Get out! Get out! Mabilis makatulog si Stell at matagal namang magising si Sejun.

"Tss, we're not like what you think, Josh Cullen. Parehas kaming lalaki."

What the actual fvck!

"Binabasa mo ba iniisip ko?!" Tumalim na ang tingin ko sa kan'ya.

"Nope, but you're eyes don't lie. Bahala ka d'yan!" Maarteng sabi n'ya. Tumalikod s'ya sa akin para matignan ang oven.

"Wala na ba talaga akong p'wedeng gawin? Para naman sa kapatid ko 'to, 'noh!" Narinig ko naman ang tinig na palapit sa amin ni Kuya Yani at Stell.

"Okay nga lang po. Mamaya na lang po, tignan natin! Hahaha!"

"Maupo ho kayo, maghahanda lang po ako ng meryenda, saglit lang po..."

Inialok ko sa kan'ya ang katabing upuan ko at doon s'ya naupo. Nagngitian pa kami. Kamukhang-kamukha n'ya si Justin pero mas mature ang mga features ng isang 'to.

"P'wede ko bang tawagan si Justin?"

"Si Ken na lang po ang tawagan n'yo, mahahalata tayo."

"Sino si Ken?" tanong n'ya.

"Si Felip Suson po," ako na ang sumagot.

"'Yung model? Bakit s'ya ang tatawagan?"

Tumagilid bigla ang ulo ko at hinanap ng mata ko si Stell. Hindi n'ya alam?

"Si Justin po kasi ang kinuhang PA ni Felip."

"Oh? Hindi nabanggit sa akin ni Jah 'yan, ah?"

"Kasisimula lang po n'ya kasi kaya hindi pa po nasasabi. Actually, pangalawang shoot pa lang po ito ngayong July."

Naglapag si Stell ng apat na kape at binuksan ang wheat bread. Sabay-sabay kaming sumimsim ng kape.

"Hmm, I understand. Tatangunin ko na lang siya mamaya."

Dinial ko na ang number ni Ken habang nagkekwentuhan sila. Sana si Ken ang sumagot.

[Hello, Josh?]

Si Ken nga!

"Hello, Ken! Buti ikaw ang sumagot! Bakit hindi ko alam na may pa-suprise ka kay Jah?"

[Puro ka kasi computer!]

Sinumbatan agad ako!

"Tumigil ka, Suson."

[Hahaha! Ano na? Tapos na ba kayo? Malapit na kaming magligpit dito.]

"Oo, malapit na 'yung cake. Nandito ngayon 'yung Kuya n'ya."

Natigil ang paguusap nila sa akin at nilingon ako. Hindi ko na sila pinansin.

[Oo, ako ang nagpapunta sa kan'ya. Alam mo na ba ang plano?]

"Oo, bukod do'n sa plano mo para bukas. Sabado bukas."

[Ah, basta! Mamaya ko na lang sasabihin 'yung bukas. Si Kuya Gwuri ang hudyat mamaya, ha!]

"Oo, oo. Ingat kayo sa pag-uwi."

[Sige, bye. Mamaya ko na lang ako magkekwento.]

"Ingat."

Binaba ko ang linya.

"Anong sabi?" Si Stell.

"Buti na lang si Ken ang sumagot, malapit na raw silang mag-pack up."

"Ligo na lang muna ako."

Naglinis kami habang nagpapalipas ng oras. Nagluto na rin kami ng pang-hapunan kahit na may binili si Ken para sa handa. Nang mag-ala sais, doon na kami nagsimulang kabahan na pinagtatawanan lang ni Kuya Yani.

"Assuming ang kapatid ko, kaya alam kong may inaasahan s'yang pasabog ngayon mula sa inyo. Pero alam kong magugulat s'ya sa ginawa n'yo..."

Ang ganda ng sala. Tanging neon lights lang na nakapaligid sa sofa ang  nakailaw. Ang mga lobo pala ay may LED light sa loob kaya mukhang may stars kapag nakatingala ka. Ang cake naman ay chocolate chiffon cake na pinagtulungan ng dalawa. Paniguradong masarap 'yan.

Alas siyete na nang nagsasabay-sabay na tumunog ang cellphone naming tatlo. Nag-DM si Ken sa group chat namin.

@chcKEN: game.

"GAME NA RAW!" Iisang sigaw namin.

Dali-dali kong pinatay ang ilaw at pumwesto na sa pintuan habang hawak ang party popper. Si Kuya Yani naman ang may hawak ng camera recorder. Si Sejun at nasa likod lang ni Stell na may hawak ng cake.

Napaimpit kami ng sigaw nang bumusina ang van sa harapan. Ilang segundo lang ay narinig na rin namin ang yabag nilang dalawa.

"Ang aga naman nilang natulog?" puna ni Justin. Hindi ko mapigilang matawa dahil bakas ang taka sa tono ng boses n'ya.

Ang langitngit ng pinto ang s'yang hudyat namin.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Humalo sa pagsabog ng party popper ang tili ni Justin.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!!!!" pagkanta naming lahat.

Kailangan pa naming itulak papasok si Justin. Tatawa-tawa s'yang nagpatulak at pumwesto sa gilid ni Stell. Patuloy pa rin kami sa pagkanta.

"Happy birthday to....youuuu!" Si Stell ang nangibabaw.

Nakipag-apir ako kay Ken nang makapasok na s'ya. Binuksan ko na rin ang ilaw dahil padilim na at hindi sapat ang ilaw ng neon lights.

"Wow!"

Kitang-kita ko ang tuwa sa kan'ya dahil hindi maalis ang ngiti sa kan'yang labi. Hindi rin s'ya makapagsalita ng maayos dahil na rin sa gulat ng party popper. Saktong sa tainga n'ya, eh!

"Make a wish, make a wish!" Si Sejun.

Lumapit pa lalo si Justin sa cake at dumungaw para rito. Pumikit s'ya ng ilang saglit bago hipan ang apoy sa kandila.

"Yey! Happy birthday!"

"Grabe! Thank you!"

Saya at tuwa ang isinisigaw ng mga mata at ngiti n'ya. Ang saya pala ng ganito!

"Sinong may pakana nito?!" Kunwaring galit na tanong n'ya.

Sabay-sabay naming itinuro si Ken sa gilid ko. Matamis naman s'yang ngumiti bilang sukli.

"Hindi ko napansin kanina, ah? Galing mo talaga! Hahaha!"

"Wew! Thank you talaga! Ang ganda nito!" Inilibot n'ya ang tingin sa buong sala.

"Patayin mo ulit ang ilaw, Josh!"

Sinunod ko naman s'ya. Kitang-kita ko pa rin ang ngiti n'ya kahit madilim. I think we made his birthday once memorable. Success!

Binuksan ko ulit 'to at pumunta na kami sa dining area para sa hapunan. Nang ipasok na ang mga pagkain, walang katapusang pasasalamat ang naririnig namin kay Justin.

"Parang hindi ka mauubusan ng thank you, ah? Ang dami!" kantyaw ko.

"Hahaha!"

"Kainan na!" sigaw ni Stell.

Nagsimula kaming kumain at napuno kami ng tawanan, kwentuhan at ilang nakakaiyak na kwento mula kay Kuya Yani. Pati si Kuya Gwuri ay nakisali sa amin.

Panibagong taon para kay Justin para may mapatunayan at mahalin ang sarili. Wala na akong maihihiling sa kan'ya kundi kasiyahan at pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

Mahaba pa ang gabi at kaya kong itabi ang lahat para lang sa selebrasyong ito.

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.2K 289 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
235K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...