The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 247K 56.6K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 43

135K 3.9K 543
By Maria_CarCat

Frances









Mahigpit ang hawak ko sa manibela. Diretso ang tingin ko sa kalsada lalo na ng pumasok na ako sa north luzon expressway pauwi sa bulacan. I can't call it a home anymore. Dito ako lumaki at ito ang nagsilbing hometown ko sa nagdaang ilang taon. Ang Sta. Maria bulacan anv nagsilbing takbuhan ko sa tuwing napapagod ako sa syudad, sa tuwing may hindi magandang nangyayari. Sa tuwing kailangan ko ang pagmamahal at alaga ng aking pamilya.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha ng sumagi sa isip kong sa nagdaang ilang taon...may pamilya ba talaga ako? Oo nga't may tinatawag ako Mommy at Daddy, mayroon pa akong ate. But do I really belong to them? Syempre hindi, lalo na ng sabihin nila sa aking ampon lang naman ako. That just, justify kung bakit ganuon ang trato at turing nila sa akin. I'm thankful kay Mommy kasi kahit hindi niya kayang suwayin at pigilan si Daddy sa tuwing sinasaktan ako nito, kahit papaano ay naramdaman ko pa din ang pagmamahal at pagaalalag niya sa akin. Kahit papaano...

Napakagat labi ako ng medyo lumabo ang aking paningin. Mabilis ang patakbo ko sa aking sasakyan dahil expressway ito. Bukod sa mga private vehicle at may kasabayan akong bus at naglalakihang truck. Pilit kong ikinalma ang sarili ko, hindi pwedeng magburst out ako ngayon dahil baka mawala ako sa aking sarili sa oras na makaharap ko na sila.

Punong puno ang utak ko sa kung ano ang mga salitang sasabihin ko sa kanila. Sobra sobra ang galit na nararamdaman ko ngayon, halos manginig ang kamay ko habang nakahawak sa manibela.

"Tangina" madiing pagbuga ko ng marealize kong halos mawala ako sa sarili habang nasa gitna ng daan.

Sumabay ang walang humpay na pagtawag ni Augustine sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi ang patayin ang cellphone ko at wag na munang intindihin iyon. I need them, ofcourse their support is a big help for me. Pero iba ngayon, para muna ito sa sarili ko. Closure para sa totoo kong pagkatao, at paniningil sa lahat ng ginawa nila sa akin sa kabila ng lahat ng isinakripisyo ko para sa letcheng pamilyang ito. Tangina!

Matapos ang halos isang oras na byahe sa loob ng expressway ay dahan dahang huminto ang sasakyan dahil sa pila papasok sa tollgate ng bocaue. Para akong nilalamig dahil sa loob ng walong taon, kahit nakauwi ako galing sa guam ay hindi na ulit ako nangahas na umuwi dito. This is my comfort zone and at the same time, marami ding masasakit na nangyari sa akin dito.

Nanatili ang mariin kong paglalapat sa aking mga labi. Parang lalabas ang puso ko sa aking dibdib dahil sa halo halong emosyon, pero sa lahat ng iyon. Sobra sobrang galit ang nangingibabaw.

Ilang sandali ay natanaw ko na ang pamilyar na kanto patungo sa aming bahay. Nadaanan ko pa ang malaking mansyon ng dating governor. Napairap ako sa kawalan, bahay iyan ng walang hiyang si Lumi. Mainit talaga ang dugo ko sa babaeng iyon, magkakalaro kami dati, kasama ang isa pa naming kababatang si Tathriana. Mas matanda siya sa akin ng isang taon, si Tathi naman ang pinakabata.

Inaamin kong medyo bully kami kay Tathi nuon, parehong may kaya ang pamilya namin ni Lumi at nagtratrabahong katulong ang mama ni Tathi sa mansyon. Ginawa namin siyang utusan nuon, tuwing tuwa naman siya na para bang ayos lang iyon sa kanya basta ay kaibigan niya kami. Isang araw ay hindi na lang kami nagpansinang tatlo dahil sa kagagahan ni Lumi. Hindi na naayos pa ang relasyon namin lalo na ng pumasok na kami sa college at napunta sa manila. Pero kahit ganuon, mas gusto ko si Tathi kesa sa hinayupak na si Lumi. Tangina niya.

Huminto ang aking sasakyan sa tapat mismo ng aming bahay. Bahagya kong hinampas ang manibela. Nagpapasalamat na nakarating ako dito ng maayos. Buong akala ko ay ipapahiya ako nito sa gitna ng nlex, tangina baka gumawa pa ako ng scene duon at maging laman ng balita kinabukasan. Breaking news, isang uugod ugod na puting honda brio ang nangahas na bumaybay sa kahabaan ng nlex at naging sanhi ng mahabang traffic.

Inipon ko ang lahat ng tapang at lakas ko. Gaya ng napagplanuhan ay hindi kaagad ako magbubuga ng apoy. I'll do it my way, this time.

"Ma'm Sera? Si Ma'm Sera nandito!" gulat at excited na sigaw ng isa sa aming pinakamatagal ng care taker ng bahay. Naistorbo ang kanyang pagwawalis sa bakuran para tumakbo papasok sa aming bahay para lamang ianunsyo ang aking biglaang pagdating.

Maaga akong umalis ng manila at dahil nakaprivate car ako ay mabilis lang din ang byahe. Nakita kong magaalasdiyes pa lang sa aking suot na relo. Pagmaagang natapos ang paniningil ko dito, makakauwi ako sa mag ama ko na parang walang nangyari.

Ako na mismo ang nagbukas ng aming malaking gate para sa aking sarili. Wala ang guard sa may guard house at hindi ba iyon naisip pa ni Manang sa sobrang excited niyang ianunsyo sa lahat ang aking pagdating. Maghintay ka manang, gagawa ako ng eksena sa loob mamaya.

"Sera!" tawag ni Mommy sa akin. Ngiting ngiti ito at parang maluluha pa. Huminto ako sa aking kinatatayuan ng tumakbo siya palapit sa akin para yakapin ako. Nanatili ang matigas kong ekspresyon. Ni wala na akong maramdaman, kahit sa mainit niyang yakap sa akin ay wala na akong naramdaman. I always longed for that, yung maramdaman ko yung love and safety. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ito ay naiyak pa ako sa tuwa.

"Tatawagan pa sana kita. Para bisitahin kami dito, kamusta ka na? Tamang tama ay nandito din ang ate Stella mo"

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Juts great, isang bagsakan ng galit ang ibibigay ko sa kanila ngayon. Lahat sila ay makakatikim sa akin, lalo na si Stella na siyang nagbigay kay Kianna kay Kenzo. Nakita niya kung paano ako naghirap nuon, tapos malalaman kong siya pa pala ang nagdala sa anak ko dito sa pilipinas? Mata lang ang walang latay sa akin mamaya. Uubusin ko ang buhok niya!

Naikuyom ko ang aking kamao. Gustong gusto ko ng sumugod ngayon pero pinigilan ko ang aking sarili. Mamaya Sera, mamaya.

Hinila ako ni Mommy papasok sa kanilamg bahay. This is not my home, this isn't my family anymore. Wala akong pamilya, simula pa lamang. Kinlaro sa akin ni Mr. Serrano na kaya siya pumayag na kupkupin ako nuon ay dahil nagbigay ako ng swerte sa kanilang pamilya nuon. At ng mawala ang sinasabi niyang swerte ay halos itapon niya ako sa basurahan.

"Oh Sera!" nakangiting salubong ni Stella Serrano sa akin. Oh this bitch!

Hindi ko maialis ang matalim na titig ko sa kanya. Kita ko ang pagkakakunot ng kanyang noo dahil dito. Hanggang sa naputol iyon ng marinig ko ang pagtikhim ng nakatatandang Serrano. Nalipat ang tingin ko sa kanya. Napansin ko kaagad ang pagbagsak ng kanyang katawan, pumayat siya at mas lalong naging mukhang matanda. Pero kahit ganuon ay nagawa pa din niyang ngumisi sa akin. I gritted my teeth.

"Umuwi kami dito to take over the manufacturing. Are you busy this past few weeks? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ang messages namin" maawatoridad na sabi niya. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Paano ko kaya uumpisahang isampal sa kanya na hindi niya na makukuha ang manufacturing na iyon dahil akin na iyon. Nasa pangalan ko na at wala na akong balak pang ibalik sa kanila.

"Medyo naging busy. May nagkaatraso sa akin, balak kong singilin" malamig na sabi ko.

Kita ko ang pagtitinginan nilang tatlo. Mukhang nagulat dahil sa pagkawalang galang kong sagot sa kanya. He deserve it! He doesn't even deserve my respect. Damn him!

Nagkibit balikat si Mr. Serrano. "Well then. Mas lalo kong kailangang bumalik sa trabaho, para naman makapagfocus ka sa problema mo" sagot niya sa akin na akala mo ay may pakialam talaga siya ngunit wala naman talaga siyang ibang gusto kundi ang makuha na ang manufacturing.

Umupo siya sa may sofa. Ganuon din si Ate kaya naman hinawakan ako ni Mommy sa siko para hilahin paupo din duon. Mas lalo kong naitikom ang bibig ko ng mapatitig ako sa mga mata ni Mommy, kahit galit ako sa kanya dahil kasabwat siya dito ay hindi ko pa din mapagkakailang, naging ina siya sa akin kahit papaano. Kita ko ang pinaghalong pagod at pagaalala sa kanyang mga mata. Or she just deceiving me? Hindi ko na alam, wala na akong matinong maisip.

Maingat akong umupo sa kaharap na sofa ni Mr. Serrano. Sa mahabang sofa naman sa gilid ay magkatabi si Stella at Mommy. Walang ng ate dahil tangina niya! Hindi ko siya ate!

"Gusto niyong magtrabaho sa manufacturing? I'll check kung mayroon pang vacancy...sa maintenance siguro meron" seryoso at malamig na sabi ko habang diretso ang tingin kay Mr. Serrano. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata, hanggang sa unti unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Huh! Akala mo nagbibiro ako?

"Cut the jokes, Sera. We need to settle this right away. Balak ko ding ipasok na ang ate mo para mapractice niya na ang tinapos niya sa college at sa masteral niya..." paliwanag nito.

Bumilog ang bunganga ko at napangisi. Sumulyap ako kay Stella at nakita ko ang pamumutla niya, sa kanilang tatlo ay mukhang siya ang unang nakahimig ng totoong pakay ko.

"Gusto mo ng magtrabaho ate?" madiin at mapanuyang banggit ko sa salitang ate. Nanatili ang ngisi sa aking labi. Halos hindi naman siya makatingin sa akin.

"Ofcourse, sa kanya ko ipapamana ang manufacturing. Hindi ko siya pinagaral sa Ateneo at pinagMasteral para sa wala" sagot ng kanyang ama.

Bumaling ako sa kanya at matamis siyang nginitian. What the fuck? Am I a joke to him? Should I drop the bomb? But nageenjoy pa akong paglaruan sila, lalo na si Stella na halos maubusan na ng dugo sa mukha dahil sa kaba.

"Pwede ko siyang ipasok sa production area. Sa paggawaan ng box, sa labels and sa workforce...pwede din sa bodega, magbibilang ng box na ready for delivery" nakangiting sabi ko ba parang normal lang. Nalaglag ang panga ni Mr. Serrano dahil sa akinh sinabi.

Nagsimula ng kumunot ang kanyang noo. "What the hell are you talking about? Seraphine!?" matigas na tanong niya at medyo tumaas pa ang boses ng tawagin ang pangalan ko. Nagtaas lamang ako ng kilay, inilabas ko ang copy ng deed of sale ng buong manufacturing, wala ibang nagmamayari nuon kung hindi ako lang. Ni katiting na pangalan nila ay wala duon, Herrer na ang gamit kong pangalan na nakasaad duon.

Nakita ko ang unti unting pagtigas ng mukha ni Mr. Serrano ng mabasa ang lahat. Hinampas niya ang folder sa center table at galit akong tiningnan. "Ibalik mo sa pangalan ko ang manufacturing sa lalong madaling panahon!" sigaw niya sa akin. Nakita ko ang pagkataranta ni Mommy, mukhang naguguluhan pa din. Hanggang sa umiyak na si Stella.

Napatawa ako. Tumawa ako ng malakas hanggang sa tumigil ng pumiyok dahil sa nagbabadyang luha. "Whoa. Mr. Serrano, my manufacturing is not for sale. Andito ako para alukin kayo ng trabaho" nakangising sabi ko sa kanya kahit ang totoo ay halos manginig na ang kalamnan ko dahil sa panghihina. Sa takot at sa naguumapaw na sakit.

"What the..." napatayo siya kaya naman napatayo na din ako. Ok, I'm done.

"Wala ng sa inyo. Akin lahat iyon..." pinal na sabi ko sa kanya. Halos mamula siya sa galit, dinuro niya ako.

"Wala kang karapatan duon! Pagmamay ari iyon ng mga Serrano. Para iyon kay Stella! Ampon ka lang!" galit na sigae niya sa akin.

Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Muli akong natawa, para na akong baliw dito.

"Oo nga pala. Kaya naging madali sa inyo ang lokohin ako" madiing sabi ko.

Nanigas ang mukha ni Mr. Serrano, naikuyom ko ang aking kamao. Dahan dagan akong bumaling kay Mommy na ngayon ay umiiyak na. "Mommy, sabi mo patay ang anak ko?" garalgal na tanong ko sa kanya.

Napahagulgol na siya. "Sabi mo, hindi kinaya dahil mahina kaya namatay..." umiiyak na paalala ko sa kanya sa kasinungaling sinabi niya sa akin.

Dalawang beses akong humakbang palapit sa kanya. Tama lang para mas lalo niyang maramdam ang galit at presencya ko. "Sa lahat dito, ikaw po ang dapat nakaintindi sa akin! Nakita niyo kung paano ko patayin ang sarili ko, para lang makasama ang anak ko tapos..." hindi ko na napigilang mapaiyak. Sobrang sakit.

"Nanduon kayo nung magmakaawa ako, lumuhod ako sa harap niyong lahat para pauwiin ako dito sa pilipinas dahil buntis ako...sabi mo Mommy tutulungan mo ako sa oras ba manganak ako" sita ko sa kanya. Mas lalo siyang naiyak, natahimik si Mr. Serrano at si Stella.

"Inilayo niyo sa akin ang anak ko! Sinabi niyong patay para magawa niyo ang plano niyong ipakasal ako sa kasosyo niyo sa negosyo, ng malaman niyong hindi pwede kay Augustine ay humanap kayo ng ibang paraan. Para saan!?"sigaw ko sa kanila. Halos dumagundong ang sigaw ko sa buong bahay dahil sa sobrang katahimikan.

"Para sa pera!" asik ko sa pagmumukha nilang tatlo.

Sobrang sikip ng dibdib ko. "Hindi ako kinikilala ng anak ko ngayon. Ayaw niya sa akin dahil buong akala niya inayawan ko siya. Mommy alam mo ba yun?" pumiyok na tanong ko sa kanya. Nagtiim bagang ako, siya sana ang pwede kong maasahan nuon pero walang siyang ginawa.

"Alam niyo po ba yung pakiramdam na ayaw sa inyo ng anak niyo? Na gusto niyang mawala na lang din ako?" umiiyak na tanong ko sa kanya.

Marahas na napailing ito at muling napahagulgol. "I'm so sorry..." umiiyak na sabi niya. Mariin akong napailing, hanggang sa dumapo ang mga mata ko kay Stella.

Kita kong takot siya pero pilit niyang tinatapangan ang sarili. "Hindi porket nagkasala kami sayo ay ganito mong babastusin ang mga magulang ko. Tandaan mo, wala ka sa kinatatayuan mo kung hindi dahil sa kanila!" laban niya sa akin kahit ramdam ko ang panginginig sa kanyang boses.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Bastusan ba kamo?" madiing tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad siyang sinugod. Mabilis kong hinila ang buhok niya at kinaladkad siya sa gitna ng sala para mas lalo ko siyang masaktan.

Napuno ng sigaw ang buong bahay, tawag ni Mommy at ilang nagkakagulong kasambahay. "Seraphine! Bitawan mo ang anak ko!" galit na suway ni Mr. Serrano sa akin.

Wala akong pinakinggan ni isa kanila. Dumagan ako kay Stella at malaya siyang pinagsasampal at sinabunutan. Napuno ng luha at dugo ang kanyang mukha. Iyak siya ng iyak habang humihingi ng tulong.

"Tangina ka! Tangina niyong lahat!" gigil na sigaw ko habang hinahataw siya ng sampal. Patuloy din ang pagtulo ng akinf mga luha dahil sa galit. Hanggang sa lumutang ako sa ere ng may bumuhot sa akin at ibinato ako sa kung saan.

Napamura ako sa sakit ng tumama ang aking likuran sa dulo ng isang cabinet. Mabilis na tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit na iniinda. Nang muli kong imulat ang aking mga mata ay duon ko na nakitang parehong naka luhod sa tabi ni Stella ang mga magulang niya para daluhan siya. Mas lalo lang bumigat ang dibdib ko ng malala kong magisa lang ako, wala akong pamilya at kakampi dito.

Pinilit ko ang sarili kong bumangon mula sa pagkakasalampak sa sahig kahit masakit. Dahil sa aking paggalaw ay nalipat ang matalim na tingin ni Mr. Serrano sa akin, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya dahil sinaktan ko ang anak nila.

"Wala kang utang na loob!" sigaw niya sa akin.

Napuno ng luha ang aking mga mata. "Kayo ang walang utang na loob!" balik na sigaw ko sa kanya at nagawa ko pang iduro siya kahit para akong kaawa awa sa kalagayan ko ngayon. Ako, laban sa kanilang tatlo. Wala akong kalaban laban.

Natahimik silang tatlo, nanatili ang tinginin nila sa akin. Nanginginig ang buong katawan ni Stella dahil sa pananakit ko sa kanya, pulang pula ang pisngi dahil sa pagkakasampal ko. May dugo sa gilid ng kanyang labi at gulong gulo ang buhok.

"Matapos kong gawin ang lahat para sa pamilyang ito! Ganito ang matatanggap ko mula sa inyo!?" umiiyak na sabi ko.

"Sinasaktan niyo ako! Nung kinailangang niyo ako para da manufacturing iniwan ko ang lahat! Binitawan ko ang lahat para sumama sa Guam..." hindi ko na napigilan ang pagpiyok at paghagulgol.

"Kahit kapalit nuon ang pagbitaw ko sa nagiisang taong nagmahal at nagpahalaga sa akin...para sa inyo! Pero nagawa niyo pa din ito? Anong ginawa ko sa inyo para makuha ito?" umiiyak na tanong ko sa kanilang tatlo. Sobrang bigat ng dibdib ko, ang gusto ko lang at matigil at mabawasan na ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Para akong malalagutan ng hininga.

"Gusto ko lang namang mahalin niyo ako, gusto ko lang naman ng pamilya! Ginawa ko lahat para duon...pero hindi niyo kayang ibigay kasi nga ampon lang ako, hindi ako parte ng pamilya niyo. Pero nagawa niyong ilayo sa akin ang anak ko...siya lang ang meron ako nuon!" madiing sabi ko sa kanila.

"Siya lang ang meron ako, pero kinuha niyo pa..." sabi ko sabay hagulgol.

Umiyak ako ng umiyak pero wala ng isang nagsalita sa kanila. "Nabayaran ko na lahat ng utang na loob na meron ako sa inyo..." pinal na sabi ko.

Sinubukan kong tumayo. Tumayo din si Mr. Serrano. "Sa pamilya namin ang manufacturing na iyon. Wala kang karapatan duon" madiing sabi niya. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Hindi ko din nama iyon gusto. Pero hindi ko iyon ibabalik sa inyo. Yan ang kabayaran sa lahat ng ginawa niyo sa akin" laban ko sa kanya.

"Hindi iyon sayo!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Hindi din sa inyo ang anak ko! Pero inlayo niyo sa akin!" sigaw ko pabalik sa kanila.

Kung hindi dahil sa manufacturing ay hindi magiging ganito karangya ang buhay ng mga Serrano. At dahil ngayon, na hindi na nila mababawi sa akin ang manufacturing sigurado akong hindi na sila mapakali. Siguradong lulubog sila at maghihirap.


Sa sobrang inis ko ay binalingan ko ang mga antique at naglalakihang base na nakadisplay sa may sala nila. Nanlaki ang mga mata nila ng lumikha iyon ng malakas na pagkabasag. Hindi ako nagpatinag, ibinato ko ang lahat.

"Hindi lang ako ang sinaktan niyo. Yung anak ko at si Kenzo! Dahil sa kasakiman niyo sa pera!" sigaw ko at mabilis na itinaas ang huling vase na nanduon at buong lakas na ibinagsak sa sahig.

Galit akong nilapitan ni Mr. Serrano. Hinaklit niya ang braso ko. "Sana hindi ka na lang namin inampon! Wala kang kwenta! Wala kang utang na loob sana ay hinayaan ka na lang naming mamatay nuon!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Impyerno din naman ang naging buhay ko dito!" sigaw ko pabalik sa mukha niya. Halos mabingi at mahilo ako dahil sa iginawad niyang malakas na sampal sa akin.

"Ilalaban namin ito sa korte. Hindi sa iyo ang manufacturing na iyon. Sa pamilya Serrano iyon. At hindi ka parte ng pamilya namin!" asik niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Kuhanin niyo kung kaya niyo!" galit na hamon ko sa kanya.

Kaagad akong tumalikod para umalis sa punyetang lugar na iyon. Galit akong nagmartsa pabalik sa aking sasakyan. Duon bumuhos lahat ng galit at luha ko. Malakas akong sumigaw dahil sa sobrang frustration. Halos paliparin ko ang sasakyan ko palayo duon. Hinding hindi na ulit ako lalapit sa kanila. Sisiguraduhin kong maghihirap sila dahil wala na sa kanila ang manufacturing.

Patuloy ang pagtulo ng aking luha. Humahagulgol ako habang nasa byahe. Sobrang sakit, sobrang sakit ng lahat ng ito.

Madiin kong inapakan ang gas pagkapasok ko sa expressway. Wala na akong pakialam, nakipagsabayan ako sa mabilis na pagtatakbo ng bus byaheng pamanila, maging ang mga naglalakihang truck ay nagawa ko ding lagpasan.

Iyak ako ng iyak, wala na akong ibang maisip kundi ang sakit na nararamdaman ko. Ilang busina ang narinig ko mula sa ibang sasakyan pero hindi ko pinansin, nabingi ako sa aking sariling pagiyak. Hanggang sa natanaw ko ang malayong traffic sa may balintawak tollgate. Hinayaan ko, nagpatuloy pa din ako sa mabilis na pagtakbo hanggang sa mapamura ako ng dahan dahang bumagal ang takbo ng aking sasakyan, nagpaparamdam na itong mamamatay ang kanyang makina.

"Tangina!" sigaw ko. Sinubukan kong lumipat sa kanilang lane para makapunta ako sa gilid ng daan at hindi makaabala sa gitna. Ngunit palipat pa lang ako ng kaagad na namatay ang makita sa gitna.

Nataranta ako. Hanggang sa nilingon ko ang likuran. Isang pulang SUV na mabilis ang takbo ang papalapit sa akin, matulin ang takbo niya at hindi niya inaasahan ang biglaang pagtirik ng aking sasakyan sa gitna kaya naman bago pa siya makapreno ay bumangga na siya sa akin.

Halos umikot ang paningin ko, kasabay ng pagkarinig ko ng malakas na tunog. Hindi ko na napigilan iyon hanggang sa malakas na tumama ang ulo ko sa manibela at naging madilim na ang lahat para sa akin. Wala akong ibang naisip nuon kundi si Kenzo at Kianna.

Madilim ang paligid. Ramdam ko ang sakit ng aking buong katawan. Maingay ang lahat, may tunog ng ambulayan, mga sigaw ng tao at kung ano ano pa. Hanggang sa rumagasa ang isang alaala sa aking isipan.

Isang batang nakaputing bistida ang nakatalikod sa akin. Mahaba ang buhok at balingkinitan ang katawan. Nagulat ako ng lingonin niya ako, ako iyon. Nung bata ako, nginitian niya ako pero hindi ako nakagalaw.

"Nawawala ka din?" tanong niya sa akin.

Nanlamig ako, para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Gusto ko ng umuwi kina Mommy at Daddy..." umiiyak na sabi sa akin ng batang ako.

Hanggang sa nagsitayua ang balahibo sa aking buong katawan ng hawakan niya ang aking kamay para hilahin ako sa kung saan.

"Umuwi na tayo, matagal ka ng hinihintay nina Mommy at Daddy" sabi niya sa akin. Ako iyon nung bata ako, alam niya kaya kung sino ako.

"Ako ikaw hindi ba?" tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at nginitian ako. Muli akong nabato kaya naman muli niya akong hinila.

"Halika na, Frances" tawag niya sa akin na ikinagulat ko.

Ako? Tinawag niyang Frances. Sino si Frances? Kung siya ang batang ako...bakit Frances ang pangalan ko?






















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

336K 5.2K 23
Dice and Madisson
903K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2M 78.7K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
230K 13.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.