Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

41K 2.1K 768

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

48

558 32 26
By marisswrites

     

Gabi nang maihatid ako ni Gian sa amin. Hindi na ako nagpapasok pa sa loob ng kanto dahil nakita ko si Travis na nakasandal sa sasakyan niyang naka-park sa gilid. Bumaba na ako ng motor at isinoli ang helmet niya.

"Thank you!"

Kumaway lang ako sa kan'ya at tumakbo na papalapit kay Travis. Masama ang tingin niya pero nakangiti lang ako sa kan'ya. Mabilis ko siyang niyakap nang mahipit habang nakaupo siya sa hood ng kotse niya.

"Don't want to hug me back?" bulong ko.

Ilang sandali pa ay nagbuntonghininga siya at niyakap ako pabalik. "I'm angry. Don't be clingy like this. I'm losing my anger."

I chuckled. I moved away, still hugging him. I faced him and planted a kiss on his lips.

"I told you it's you now," I said smiling.

Umirap siya at pagkatapos ay hinila ako at pinapasok sa sasakyan niya. Umikot siya at naupo sa driver's seat. Hindi naman siya nag-drive; nanatili lang kami ro'n.

"We're not leaving tonight, I'm still pissed," he said.

I chuckled. "Ano bang ikinagagalit mo d'yan? Pinaliwanag ko na nga sa kan'ya na ikaw na, eh..."

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"I still don't like imagining that you're alone with him. Kay Archie lang ako may tiwala pagdating sa 'yo."

"Archie is my best friend, you can't get jealous with him. He's harmless." I smiled as I shrugged. "That will be the last time I will be alone with Gian. We've settled everything now. Everything's clear now and we finally truly let go of each other completely."

He smiled at me as he kissed the back of my palm.

"I can't wait to settle my life with you."

Bahagya akong napangiti sa huling sinabi niya. Tumango na lang ako. Nanatili kaming dalawa sa loob ng kotse niya, nagku-kuwentuhan, hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Tori.

"Uhm, can I answer this one?" tanong ko kay Travis. Tumawa lang siya at tumango, hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.

I answered the call.

"Mary, omg!" she almost screamed. "Did you meet Gian a while ago?"

Napakunot ako ng noo. Ang bilis namang sumagap ng chismis nito?

"Uhm, oo. Bakit?"

Tumikhim siya. "Are you alone ba?"

"Kasama ko si Travis," I said as I looked at him. Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kan'ya.

"Eh 'di nawa'y lahat!" I laughed. "Anyway, ipapa-check ko sana sa 'yo 'yung latest post ni Gian. Nakita ko lang, ni-mention ako ni George para raw makita ko rin. Gusto sana kitang i-mention kaso baka magalit ang boyfriend mo. Mamaya mo na lang i-view, though, it's kind of...heart breaking... his caption."

I sighed. "It's okay. Travis knows. I'll check it now."

"Okay, then!"

Pinatay na niya ang tawag. Ako naman ay binuksan ang cellular data ng phone ko at in-open ang Instagram application. Ni-search ko pa ang username ni Gian dahil in-unfollow nga nitong si Travis sa lahat ng accounts ko.

Nakita ko ang latest post niya, 'yung picture namin sa coffee shop na p-in-icture-an niya. I read the caption.

@benitezgian: My greatest regret in life is letting you slip off my fingers and now I can't have you anymore. But I am happy of what you are, where you are, and who you are with now. :)

"What's that?"

Ipinakita ko kay Travis ang picture, at nakita ko pa ang pag-irap niya.

"Huwag ka na ngang magalit d'yan at okay na nga." I chuckled.

Binasa ko ang comments mula sa kaibigan ni Gian.

@georgiepogi: look at yo friend @tori. juicy chismis

@tori: that's what u get

@georgiepogi: pare, kawawa naman si ikaw. kawawa naman kaibigan natin @mav3rick

@mav3rick: bobo kase buti nga sa 'yo

@benitezgian: @tori @mav3rick @georgiepogi salamat na lang sa lahat

@mav3rick: @benitezgian walang anuman, anong akala mo ico-comfort ka namin ikaw din naman may kasalanan

@benitezgian: @mav3rick tangina mo pakyu @tori pakikausap nga ang kaibigan mong to

@georgiepogi: @benitezgian @mav3rick @tori o p s

And the long comment thread ended there. I'm glad that Gian has friends like them.

"Pinagtutulungan din siya ng friends niya," Travis laughed. "Well, ghosting is really bad. You did that to me before, baby. And I hated you for that."

Tumingin ako sa kan'ya. "I don't regret it, though. It's the right thing to do."

He scoffed. "Whatever. What's important is you're mine now."

I chuckled. Ibinalik ko na sa bulsa ang cellphone ko at patuloy na nakipag-usap sa kan'ya, hanggang sa nag-drive na siya paalis para daw kumain kami ng dinner. Before 11:00 PM ay naiuwi na niya ako sa amin.

***

Travis' last weekend in Zambales came.

Maagang-maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako nakatulog nang maayos sa pag-iisip dahil sa nalalapit nang pag-uwi ni Travis sa Manila.

Ipinatong ko ang braso sa mga mata kong nakapikit at tahimik na hinayaang bumuhos ang luha doon.

We must part ways first... I think this is the right decision. Masiyadong mabilis ang lahat para sa akin. Parang... hindi pa rin ako makapaniwala.

Nang maikalma na ang sarili ay bumangon na ako at gumayak na.

Umagang-umaga pa lang din ay nasa bahay na si Travis at sinusundo ako para sa pamamasyal naming dalawa sa Anawagin. Nagpaalam siya sa parents ko na mago-overnight stay kami sa Anawagin at ibabalik din ako kaagad pagkatapos.

He's really a good man. Mahalaga sa kan'ya ang approval ng pamilya ko, at napakalaking bagay noon sa akin.

Nagsuot ako ng kumportableng blouse at short, tsaka rubber shoes. Nagdala na rin ako ng extra clothes at sandals if ever na maisipan niyang mag-swimming. Bahala na.

Ilang sandali pa, habang nag-aayos ako ay bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.

"Kanina pa nasa baba ang jowa mo," sabi ni Ate.

Umirap ako nang makita ang mapang-asar na ngiti niya. "Pakisabing bababa na ako."

"Psh. Patay na patay naman sa 'yo 'yon, ano bang pinakain mo ro'n noong nasa Baguio kayo?" natatawang tanong ni Ate.

Nag-init ang mukha ko matapos ibaba ang lipstick na ginamit ko.

Labi, Ate. Labi...

Bumaba na si Ate at niligpit ko na ang mga gamit ko, tsaka bumaba na rin. Ngumiti siya nang makita akong pababa sa hagdanan. Lumapit ako sa kan'ya. Hinawakan niya ang kamay ko at lumapit kay Mama at Papa na nasa kusina.

"Aalis na po kami. Ibabalik ko po siya bukas kaagad. At wala po akong gagawing masama, promise po."

Pinagtawanan siya ni Mama at Papa dahil sa pinagsasabi niya. Pati kami ni Ate ay natawa na, eh.

"Hindi ba muna kayo kakain?" tanong ni Papa.

"Sa labas na lang po. Salamat po."

Kumaway ako sa kanila na nanunukso ang mga tingin sa akin, bago kami tuluyang lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun seat at pinapasok ro'n, tsaka siya umikot at sumakay sa driver's seat.

Nag-drive siya papunta sa restaurant para daw mag-breakfast kami. Nang matapos kumain ay dumiretso na kami sa Pundaquit. Iniwan niya na ang sasakyan niya sa safe na pag-iwanan. Sana pala ni-suggest ko na lang na mag-commute kami para hindi niya iniiwanan ang sasakyan niya sa kung saan-saan.

Nakita kong may backpack siyang dala na medyo malaki.

"Anong laman niyan?" tanong ko habang pumupunta sa rentahan ng boat.

"Tubig, at extra clothes. We'll hike tomorrow morning, baby," he said as he kissed the side of my temple.

Ngumiti na lang ako.

Sumakay kami ng bangka papunta sa Nagsasa. Kitang-kita ko na enjoy na enjoy siya ngayon dahil nakangiti siya habang vini-video ang lugar at kinukuhanan ng pictures. Ang sarap niyang panoorin kapag ganito siya. Mabuti na lang talaga at hindi niya napapansin na vini-video ko rin siya.

After more or less than 30 minutes ay nakarating na kami ro'n. Nagbayad siya ng entrance, tapos ay nagrenta ng kubo. We took photos there, of course. Nawawalan na rin ng signal, which is okay for an escape from the stressful city. Mas tahimik talaga ang buhay kapag walang signal ang internet or kahit na ang sim card man lang.

Kaya hindi na rin ako nagduda na maraming dumadayo rito sa Zambales at mamasyal dito.

Nagpaluto kami ng lunch doon. Habang naghihintay sa lunch ay namasyal kaming dalawa sa inlet ng lugar. Of course, Travis is still holding my hand. Kulang na lang nga ay ibulsa na ako, eh.

Ang dami na naming pictures, hindi pa man din natatapos ang isang araw!

"Are you hungry?" he asked as we're walking back to the nipa hut hand in hand.

Tumingin ako nang nakakunot ang noo sa kan'ya. "Kakakain lang natin halos!"

He laughed. "We'll eat every hour. Patatabain kita," he laughed.

"Sana tataba pa," I laughed.

Nang makarating kami sa kubo ay kumain na kami. Kapag kasama ko talaga si Travis ay kain kami nang kain. Hindi puwedeng hindi. Kahit kapag nasa bahay lang kami ay lagi siyang may dalang pagkain at 'yon ang kakainin namin.

Nang makapagpahinga matapos kumain ay inakyat namin ang hill para sa mas magandang view. Tinatangay na ako halos sa sobrang lakas ng hangin pero ang sarap sa pakiramdam, lalo na't sobrang ganda pa ng lugar.

"Selfie," he said then he took a photo of us with the beautiful scenery as our background.

Nang humapon ay sumakay ulit kami ng bangka para pumunta sa Anawagin. Tawa ako nang tawa nang hinanging muli ang buhok ko at sumampal iyon sa mukha niya. Naalala ko 'yung gabi sa Malcolm Square na ganoon din ang nangyari.

I sighed.

"Remember that night, Mary?" he asked as he hugged me from behind. "At the Malcolm Square."

I smiled as I nodded. "Of course..." I chuckled. "Ang guwapo mo noong tumawa ka no'n."

It's true. That night was the first time I appreciated his face. Lagi kasing seryoso ang mukha niya bago 'yon. Kapag nagkakasalubong kami sa bahay ay lagi siyang nakasimangot. But that night that he laughed with me, he looks so handsome. A lot handsome than he is when he's serious.

"That night, I wanted to kiss you."

I smirked. "You're that attracted to my lips?" I asked.

Umil ing siya. "I'm that attracted with you."

Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Nasilip ko sa gilid ng mga mata ko na nakapikit siya at dinarama ang hangin na tumatama sa mga mukha naming dalawa.

Muli siyang nagbuntonghininga bago nagsalita. "Mahal na mahal na kita, Mary..."

Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko nang sabihin niya iyon, kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. Lumingon ako sa kan'ya at hinalikan siya nang mabilis.

I'll tell him those words too, but not today. Baka hindi ko siya mapakawalan kung sakali.

We need to be without each other for more months... years... and see to it if we really love each other the way we feel now. Ayaw ko na ng temporary sa buhay ko. Kung itutuloy-tuloy namin ito ay paniguradong magiging pansamantala lang.

Kung sakali man dumating ang araw na muli kaming magkita, at hindi na ako ang mahal niya, o naming dalawa, ibig sabihin lang no'n ay tama ang desisyon kong ito...at tatanggapin ko iyon, kung sakali.

Nang makarating kami sa Anawagin ay nag-renta siya ng tent, at pinagtulungan naming dalawa na ikabit iyon. Marami ding mga campers ang katulad namin, pero ang iba ay may mga dalang sariling tent.

Wala akong alam sa pagkabit ng tent kaya naman pinalayas na ako ni Travis doon at lalo lang daw kaming nagtatagal.

"Buwisit ka," natatawang sabi ko matapos niya akong palayasin. He chuckled as he continued pitching the tent while I was only watching him.

Pagkatapos no'n ay pumasok na kami sa loob ng tent.

"Ayaw mong mag-swimming?" tanong ko nang hinila niya ako palapit sa kan'ya para yakapin.

Umiling siya. "I just want to lie next to you all night."

I smiled as I hugged him.

Tahimik na sa lugar dahil siguro nagsu-swimming na ang mga kasama naming nagca-camping dito. Papadilim na rin kaya naman naririnig na namin ang huni ng kung anong kulisap.

Bahagya akong kumawala kay Travis sa pag-aakalang tulog na siya dahil isang oras na kaming magkayakap at hindi gumagalaw. Nagulat ako nang lalo niyang hinigpitan.

"No," he said. Tumingin ako sa kan'ya. Ilang sandali lang ay dumilat siya. "The last time that I let you go from this hug, I lost you for months."

I chuckled. "Magpapahangin lang ako!"

Tumawa siya at binitiwan na ako, tapos ay sumama na rin sa aking lumabas ng tent.

Madilim na at nakita namin ang iba na nagdi-dinner na. Kumuha siya ng ilang pictures, at ganoon din ako, bago nakisabay na rin sa mga nagdi-dinner.

"Wala ka talagang planong mag-swimming?" tanong ko habang kumakain kami.

Ang sarap kumain sa ganito kapayapang lugar. Ang tahimik; hampas ng alon lang ang maririnig mo, ihip ng hangin at huni ng iba't-ibang kulisap dito. Ang sarap.

"Ayaw ko, sayang oras kasama ka."

I chuckled. "Bakit naman? We can swim if you want."

"Do you want to swim?" umiling ako. "Then I won't swim."

Tumawa ako at ipinagpatulog na lang ang pag-kain ng dinner.

Nang matapos ay naghanap kami ng isang spot kung saan makikita namin nang maayos ang mga bituin sa langit. Nahiga kami sa buhanginan, habang ang ulo ko ay nakapatong sa braso niya. Ilang sandali pa ay nagtapat siya ng camera ng cellphone sa amin at nag-selfie kaming dalawa.

"Ohh, cute," he said as he chuckled. "This will be my profile picture from now on."

I smiled as I saw how cute we are in the photo. Nakayakap ang braso niyang ginawa kong unan habang ang kamay ko'y nakayakap din sa kan'ya; pareho kaming nakangiti nang masaya.

Ilang oras pa kaming nahiga ro'n habang nagku-kuwentuhan. And then I remembered he's leaving tomorrow night.

"Uuwi ka na bukas," I said. I looked at him and smiled. "I'll miss you."

He chuckled as he looked at me. "You're coming with me, right?"

Bahagya akong ngumiti. "Next time na lang ako sasama," nag-iwas ako ng tingin. "I'm sure, pagod ako bukas. We went here, 'di ba?"

He chuckled and then hugged me. "Okay, then."

Humarap ako sa kan'ya at hinalikan siya sa labi. Tinitigan ko siya sa mga mata.

"I love you, Travis..."

My eyes heated and my tears started to form on the corner of it.

"I love you. I've never told these words for years, and I know I won't regret telling you these," I gulped as my tears fell. I kissed him again. "Mahal kita."

Ngumiti siya at hinawakan ang likod ng ulo ko, at siya naman ang humalik sa labi ko.

I closed my eyes as I kissed him back. His lips moved, and I move it the way he moves it too. After few seconds, he broke the kiss. He smiled as he planted a kiss on my nose.

"Mahal na mahal din kita. At gagawin ko ang lahat, huwag mo lang pagsisihan na ako na ang pagsasabihan mo ng mga salitang 'yan simula ngayon, hmm?"

Ngumiti ako at tumango, tsaka siya niyakap nang mahigpit.

***

Maaga kaming nagising pareho ni Travis kinabukasan. Nagkagulatan pa kami na nasa tent kami pareho, nawala yata sa loob naming nag-camping kami.

Muli kaming nag-hike sa hill para sa mas magandang view, at halos mapuno ang cellphone ko dahil sobrang dami ng nakuha naming picture simula pa kahapon! Adik din kasi sa selfie itong Travis na ito.

Marami pa kaming ginawa sa naging weekend getaway namin pero hindi na kami nag-swimming pa dahil ayaw naming pareho. Sapat na sa aming dalawa ang presensiya ng isa't-isa.

Nang makapag-lunch sa Anawagin ay bumalik na kami sa Pundaquit, kung nasaan ang sasakyan niya.

"Do you want to take a bath muna?" tanong niya habang nagma-maniobra.

Tumango ako. Ang dami kasing tao, nahihiya akong makisabay maligo kaya hindi na ako nagshower sa Anawagin.

"Okay, we'll go to my hotel room first."

Tumango ako at tumahimik na nang tuluyan na siyang nag-drive pabalik sa Olongapo. Mahigit isang oras ang naging byahe bago kami nakarating sa hotel niya. Umakyat kami at pinauna na niya akong maligo.

Habang naliligo ay muli kong naalala na uuwi na siya mamaya. Hindi ko maiwasang umiyak dahil alam ko naman sa sarili kong mami-miss ko siya nang sobra. All the times I've spent with him are priceless. Wala akong pagsisisi sa lahat.

Nang matapos magbihis ay isinuot ko ang pants at shirt na dinala ko kahapon. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng bathroom. Ngumiti siya sa akin at hinalikan pa ako nang mabilis bago pumasok sa bathroom.

Nangilid ang mga luha ko sa guilt. He looks so happy.

Naupo ako sa harap ng dresser at isinaksak ang blower, tsaka pinatuyo ang buhok ko. Kabang-kaba ako habang naghihintay sa kan'ya ngayon, kasi hindi ko na hahayaan pang umuwi ako sa amin nang may namamagitan pa sa amin.

This needs to end now...

Nang matuloy na ang buhok ko ay saktong lumabas siya ng bathroom, pinupunasan ng tuwalya ang buhok. Tumayo ako.

"Halika rito, patutuyuin ko ang buhok mo."

Tumawa siya at naupo sa upuan. Hinahawakan pa ang kamay ko habang ginugulo-gulo ko ang buhok niya para matuyong mabuti. Napapalunok na lang ako sa sakit ng nararamdaman ngayong iniisip kong ito na ang huling beses na patutuyuin ko ang buhok niya, kung sakaling hindi na ganito ang nararamdaman namin sa isa't-isa kapag nagkita kami ulit.

Napabuntonghininga ako nang maramdaman ko ang mas pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"T-Tapos na..." I said.

Tumayo siya at humarap sa akin. Kinuha niya ang blower sa kamay ko at pinatay iyon, tsaka ibinaba. Itinaas niya ang salamin na suot ko, at muli ay hinalikan ang labi ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.

"Travis..." I called him.

He broke the kiss, and wiped my tears away.

"Why? Did I do something wrong?" he asked, worried.

Umiling ako, at lalo nang naiyak sa harap niya. Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak doon nang umiyak.

"Mary, please, don't cry," he said as he sighed. "Baby..."

Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha at siya na ang nagpunas ng mga luha ko.

"What's the matter?" he asked. "Did I scare you?" umiling ako. "Then why?"

Bahagya kong iniawang ang bibig ko para magsalita, pero tanging paghikbi lang ang lumalabas doon.

"Mary..."

"Travis," I cried more. "M-Maghiwalay na tayo."

Mabilis siyang napabitiw sa akin, kasabay ng paghakbang niya ng isa, palayo sa akin. Sumikip ang dibdib ko nang dahil doon.

"B-Bakit?" he asked.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil nakita ko kung paano ko siya nasaktan ngayon. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

"Hindi ko maintindihan. Masaya naman tayo, ah? Bakit tayo maghihiwalay? Ayoko, Mary. Ayoko..."

Kitang-kita ko sa pamumula niya at sa galit na nasasaktan ko siya ngayon. Lalo akong umiyak.

I sobbed. "Travis, hindi ko pa kaya," I cried more. "Hindi pa ako handa sa relasiyon. Masiyado itong mabilis para sa akin..."

"Mary, hindi naman kita minamadali, ah? Hindi naman kita pinipilit na mag-settle sa akin kahit na alam ko sa sarili kong sigurado na ako sa 'yo—"

"'Yun na nga, eh..." mahinahon na sabi ko, dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita. "Masiyadong mabilis, Travis... masiyadong maaga para maging sigurado ka sa akin. Kasi, ako, wala pang sigurado, bukod sa alam kong mahal kita. Hindi pa ako sigurado, Travis kung ikaw na talaga hanggang dulo..."

Nakita ko ang pag-ipon ng luha sa gilid ng mga mata niya. Nagbuga siya ng buntonghininga bago tumingala at lumunok ng ilang beses, tsaka muling tumingin sa akin.

"Mary, wala akong pakialam. Ngayon ka lang naman hindi sigurado sa akin, ah? Natural lang iyon na nagsisimula pa lang tayo, Mary," he sighed as he walked towards me and cupped my face. "Mary, I can wait, but I can't let you go just because of that damn reason..."

Umiling ako. "Travis... mahal kita... mahal na mahal..." I sobbed. "Pero paano kung hindi pala ako ang para sa 'yo? Hindi ba't masiyadong maaga para maging sigurado ka sa akin? Ganito lang ako. Ang hirap paniwalaan na sigurado ka kaagad sa akin.  Give me time... give us time...a year... or two..." he looked away as his tears silently fell from his eyes. "And when the time comes that we'll meet again, and we feel the same way, then I will settle with you..."

Muli ay tumingin siya sa akin nang may basang mga mata nang dahil sa luha.

"Mary, naririnig mo ba ang sinasabi mo? What you're asking from me is too much. Hindi ko kaya!"

Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa mukha ko, at pagkatapos ay hinawakan na lang ang parehong kamay niya.

"Travis...please... understand me..."

"Paano kung hindi na ako, Mary? Paano kung hindi na ako ang mahal mo kapag dumating ang araw na magkita tayong muli? Anong sasabihin mo sa akin? Kumusta na naman?" he scoffed. "Mary, this is fucking ridiculous..." he cried again. "What did I do wrong that I was always left alone?"

Lumapit ako sa kan'ya lalo at niyakap siya. "Wala kang ginawang mali. Ginagawa ko ito para sa atin..."

"We're wasting each other's time if that's what you want..." he said, not hugging me back.

"Please... this will make us more certain about our feelings for each other. Please... this is for the both of us."

He sighed as I felt his shoulders moving as he cried more. He hugged me back.

"Travis..." I called him. "Never will I ever...try to love someone else while you're not with me. I will try my best to end up with you."

He sobbed before he moved away. "Mary, I love you..." he cried more. "Mahal na mahal kita..."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, at muli ay hinalikan ako.

I tasted the tears in our lips, and it's alright. I don't care about anything anymore. All I want is to kiss him for the last time...and I will kiss him again if ever we still feel this way after the times we'll spend apart.

After cuddling for few more hours, we ate dinner, then he drive me home.

He kissed me again for the last time, before I went out of his car. I waved my hand at him for the last time, before I closed the gate. When I heard his car driving away, I cried again.

I just hope that it's still me, Travis...

I hope that it's still me... 

___

Go, Mary! Tangahan mo pa ang desisyon! HAHAHAHAHAH charot.

'Wag niyo sana i-hate si Mary. You'll never know how a pessimistic and doubter thinks kung hindi kayo ganoon. The point of this story is to show you, guys, how toxicity and negativity eats everything... even her happiness and decisions are affected.

I'll explain everything when this story's finally completed. >:D<


-mari 🌻

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
352K 667 4
under revision Have you ever admired a person from afar? Yung tipong para siyang araw na kahit sobrang lapit naman kung titignan ay ang totoo'y kayh...
2.4K 86 23
[BX5 SERIES 4] When you look at yourself in the Mirror, you will see the Reflection of yourself. You see the Reality of what you look like outside, s...
132K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...