Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

41K 2.1K 768

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

35

498 33 24
By marisswrites

     

The kiss we shared last night will be forgotten forever by my mind, and by my heart. I know that we both only did that because we're both fragile at the moment, broken at the moment...and wanted something that will keeps us warm at the moment.

Nagkataon lang na kaming dalawa lang ang narito para sa isa't-isa. Nagkataon lang na kailangan namin ang isa't-isa, at walang kahit na anong seryoso sa ginawa namin noong gabing iyon.

Nagising ako kinabukasan nang marinig ko ang boses ni Aling Aba na binubuksan ang pintuan. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong sa sahig ng living room kami natulog pareho nitong lalaking ito! Nakayakap pa sa akin! Mabilis ko siyang ginising, sakto na nakapasok na si Aling Aba, kasunod ang bagong mangungupahan sa first floor.

"Good morning po," pagbati ko sa kanila.

Niligpit ko na ang mga kalat namin, at ganoon din ang lalaking ito. Ang lakas ng loob kong makipag-halikan dito, hindi ko naman alam ang pangalan!

Pumasok na ang magkasintahan sa magiging kuwarto nila matapos nila kaming batiin ng magandang umaga. Nararamdaman ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin pero hindi ko siya tiningnan.

"Hindi mo na-blow ang candle mo," he said.

Napatingin ako sa cake na naiwan sa center table. Mabuti at hindi nilanggam.

"Happy birthday," he said.

Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti. "Salamat."

I wish that he'll never open the topic about what happened last night, because I've decided to forget everything—like it never happened.

Dinala niya ang cake sa kusina at sinindihan ang kandila.

"Make a wish. It's your birthday," he said.

Ngumiti ako at lumapit sa kan'ya. Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang kahilingan ko ngayon.

Sana maging tama na ang mga desisyon ko sa buhay.

After thinking about that, I blew the candle.

"So, where do you plan on going today?" he asked as he put the cake inside the refrigerator.

I shrugged. "Tanghali na para sa Café in the Sky at baka madulas ang daan. Hindi ko alam, baka mamasyal na lang ako r'yan."

"Sama ako."

Ngumiti ako at tumango na lang, bago kinuha ang cellphone ko sa center table at umakyat na. Nang makapasok sa kuwarto at mai-lock ang pinto ay tumakbo ako papunta sa kama at nagtalukbong ng kumot.

What the fuck did I do last night?! Everything is damn crystal clear!!! I can still feel my swollen fucking lips, damn it!

Mali iyon. Hindi na dapat mai-open pa ang topic na iyon. Kailangang makalimutan na lang naming dalawa na nangyari iyon. That should be forgotten!!!

Kinuha ko ang tuwalya at bathrobe at lumabas na ng kuwarto. Sakto namang nakita ko na lumabas din siya kaya napabalik ako sa loob ng kuwarto at muling isinarado ang pintuan.

Sunud-sunod ang paghinga ko sa kaba nang dahil doon. What the hell, Mary? Gawain ba ng matinong babae ang makipaghalikan sa taong hindi mo nga alam kung ano ang pangalan!?

Napatalon ako sa gulat nang may kumatok sa pinto ko. Kabang-kaba akong pinagbuksan siya.

"B-Bakit?"

Ngumiti siya. "Mauna ka nang maligo."

Nag-iwas ako ng tingin. "S-Sige."

Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan at lumabas doon, tsaka nagmadaling pumunta sa CR. I know, by now, he already feel that I am avoiding him. Of course, who wouldn't avoid someone kung ganoon nga ang nangyari?! I was drunk. I may be sane that time but I am uncontrollable when drunk!

Hanggang sa matapos maligo ay parang pelikula sa utak ko ang nangyari kagabi na napakalinaw, at hindi ko makalimutan. Nakita ko siyang lumabas ng kuwarto niya pero hindi ako nagtapon ng tingin doon at mabilis lang na pumasok ng kuwarto ko para magbihis na. Nagsuot lang ako ng pink na chiffon dress dahil balak ko talagang mamasyal ngayong birthday ko. Hindi ko naman akalaing may sasabit pa sa pamamasyal ko. Wala nga akong destinasiyon, eh.

Nag-ayos lang ako nang kaonti, matapos magpatuyo ng buhok, tapos ay isinuot ang black flat sandals ko. Limitado lang ang dala kong gamit kaya naman halos paulit-ulit na ang mga isinusuot ko.

Nang lumabas ako ng kuwarto ay nakitang sarado pa rin ang kuwarto niya. Iwanan ko kaya? Tama! Iwanan ko na lang! Tutal, gusto ko naman mapag-isa ngayong birthday ko.

Pagbaba ko ay napaawang ang bibig ko nang makita siyang nakaupo sa couch, nagsi-cellphone. Sumulyap siya sa akin. Aakyat na sana ulit ako nang ibinulsa niya ang cellphone at tumayo, tsaka lumapit sa akin.

"Let's go," he said as he took my hand.

Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang kamay ko. Lumabas na kami ng bahay at isinakay na niya ako sa sasakyan niya kahit na hindi niya pa nailalabas ng garahe. Binuksan niya ang gate at pagkatapos ay sumakay sa driver's seat para ilabas ang sasakyan, habang ako ay parang nauupos na kandila sa shotgun seat dahil sa sobrang kaba.

"Ako na ang magsasara ng gate," rinig kong sabi ni Aling Aba nang bababa na sana siya.

"Salamat po," sabi niya, tsaka isinaradong muli ang pinto at nagsimula nang mag-drive palabas ng village. "Saan mo balak pumunta?"

Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng paglunok. "W-Wala akong plano. K-Kahit saan na lang."

Tumango siya at hindi na muling nagsalita. Tiningnan ko ang relo kong suot at nakitang 10:00 AM na. Saan ba magandang pumunta ng ganitong oras?

"Just forget it like it never happened, for fuck's sake. Don't be like that."

Napatingin ako sa biglaan niyang pagsasalita nang ganoon.

"H-Ha?"

"Kung gusto mong kalimutan 'yung nangyari, kalimutan mo. Huwag kang mailang sa akin. Just be your usual self with me, please..." he sighed.

Tumango na lang ako at naupo nang kumportable. Kanina kasi ay sumisiksik ako sa gilid para makalayo sa kan'ya. Sobrang nahihiya pa rin ako sa nangyaring iyon, hindi ko man lang nagawang pigilan ang sarili ko.

Nagpatuloy siya sa pagdi-drive hanggang sa nakita kong nasa Session Road kami. Nag-park siya sa Hill Station, at pagkatapos ay mabilis akong pinagbuksan kahit na kaya ko naman. Natagalan lang ako sa pagtanggal ng seatbelt.

Nang makababa ay muli niyang kinuha ang kamay ko. Nakita ko pa kung paano niya pinagsalikop ang daliri namin kaya parang tambol na dumagundong ang tibok ng puso ko, kasabay ng pag-init ng mukha ko.

We ordered food when we were finally seated in a vacant table. Parehong Eggs Benedict ang in-order naming dalawa at Cappuccino naman ang kape ko, habang siya ay tsaa lang yata dahil hindi ko na naintindihan pa.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at ni-reply-an ang mga text ng mga kaibigan ko, binabati ako ngayong kaarawan ko. Ilang sandali pa ay nakita kong nag-text din si Gian. Nakaramdam na naman ako ng kaba.

Gian:

Hi. Happy birthday. I wish you're doing well by now. I wanted to talk to you, but, of course, I will let you decide if you're going to talk to me or not at all. Happy birthday, Mary.

I sighed, contemplating if I'll reply or not.

"Why?" Napalingon ako sa kan'ya nang nagtataka. "You looked unwell. May masakit ba?"

Umiling ako. "Someone texted," I smiled.

"The one who ghosted you?" I didn't answer. I just stare at the screen of my phone. "Don't reply."

"Why?"

"Just don't."

I laughed as I typed my reply to Gian. Of course, bakit ko siya susundin?

To Gian:

Thanks

Mabilis lang din at nag-reply si Gian.

Gian:

Are you still in Baguio?

Naigalaw ko ang ulo ko sa pag-iisip kung ano ang ire-reply sa kan'ya. Ilang sandali pa ay mabilis na nawala sa kamay ko ang cellphone ko. Nakita kong hawak na iyon ng kasama ko. Hindi niya naman binasa pero ni-lock niya iyon at ibinulsa.

"Uy!"

"I said don't reply," matigas na sabi.

"Bakit kita susundin?" naiinis na sabi ko. "Akin na ang cellphone ko. I'm just thanking my friends for greeting me."

"He is not a friend, Mary. Don't talk to him anymore."

Napaawang ang bibig ko sa ginawa niyang pagtawag sa pangalan ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? I've never told him my name, and he never told his too! Paano niya nalaman?!

"P-Paano—"

Hindi ko na naituloy pa ang itatanong ko nang dumating na ang in-order namin. Nagsimula na siyang kumain, kaya naman ganoon na lang din ang ginawa ko.

Nang matapos ay kinuha ko sa maliit kong backpack ang camera ko at kinuhanan ng litrato ang lugar, since nasa kan'ya ang cellphone ko at hindi ko iyon magagamit pangkuha ng litrato. Mabuti na lang at laging full charge ang camera ko, may extra battery pa! Sulit talaga ang twenty thousand ko sa camera na ito dahil maganda siya, handy pa.

"Let's go," he said as he stood up.

Inilahad ko ang kamay ko. "Akin na ang phone ko."

Umiling siya, at sa halip na ibigay ang cellphone ko, ay kinuha niya ang kamay ko at muling pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. This is the first time I've went out in public with a guy! Ganito pala ang pakiramdam. Parang proud na proud sa iyo ang tao dahil hindi siya bumibitiw sa kamay ko kahit na pinagtitinginan kami ng ibang tao.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun seat, at sumakay naman ako ro'n. Umikot siya at sumakay sa driver's seat, tsaka nagsimulang mag-drive.

"Saan tayo pupunta?"

"Wright Park," he said as he looked at me. "You liked walking too much."

Napakunot ako ng noo. Saan niya ba nalalaman ang mga iyon at bakit alam niya? Minsan ko lang naman siyang nakasama sa pamamasyal ko, ah? I've been to Wright Park, Burnham Park and Mine's View Park for so many times since I went here. Hindi ko naman siya nakasama kahit na isang beses lang. Ngayon pa lang.

Mabilis lang kaming nakarating doon at nag-park siya sa parking lot. Inunahan ko na siyang buksan ang pintuan ng sasakyan dahil nakita kong tumatakbo na naman para pagbuksan ako. Hindi naman ako baldado para hindi mabuksan nang mag-isa 'yon!

Nang makalabas na ako ng sasakyan ay kinuha niya ulit ang kamay ko. Kinuha ko iyon pabalik, at nakita ko ang inis niya sa ginawa ko.

"Bakit?" he asked.

"Bakit?" tanong ko pabalik. "Everyone's looking."

"Oh? Ano naman?"

Nag-init ang mukha ko doon. Hindi na ako nakasagot pa nang muli ay kinuha niya ang kamay ko, at pinagsalikop ang mga daliri namin, tsaka hinawakan nang mahigpit. Pumasok na kami sa loob ng Wright Park at namasyal. Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng mga litrato dahil paulit-ulit lang naman ang pagpunta ko sa mga park dito sa Baguio.

Masiyado rin maraming tao, baka mamaya ay mahablot pa ang gadget ko, kung sakali. Not that there are many bad guys here in Baguio. Sa totoo lang ay parang wala naman. Pero mainam na ang nag-iingat.

Bumili siya ng dalawang inihaw na mais tapos ay ibinigay sa akin ang isa. Kinain namin iyon habang binabaybay ang mataas at maraming hakbang ng hagdanan papunta sa The Mansion sa itaas, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"I know how much you liked this kind of place," he said as he took a bite from his corn. "What is with walking? Hindi ba sumasakit ang paa mo?"

Umiling ako at ngumiti. "Malamig naman ang klima rito kaya masarap maglakad. Parang nare-refresh utak ko."

Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang naming binabaybay ang hagdanan, hanggang sa tuluyan na naming marating ang itaas. Sa medyo malabo ko nang salamin ay natatanaw ko na ang The Mansion sa dulo ng mahabang lagoon. Itinapon na niya ang pinagkainan niya ng mais, at ganoon din ako. Naglakad lang ulit kaming dalawa, dinadama ang masarap at malamig na simoy ng hangin ng mataas na lugar na ito.

Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin kanina.

"Bakit...ayaw mo nang bumalik sa Baguio?"

He chuckled as he faced me. "Secret." Umirap na lang ako. Kahit kagabi ay iyon din ang sagot niya. "But since it's your birthday, okay, I'll tell you." he smiled. "Hindi ka kasi taga-rito."

Napakunot ako ng noo. "Ano namang kinalaman ko sa desisyon mo, ha?"

Muli ay humagalpak siya ng tawa. "Argh, cute."

Hindi ko na siya pinansin pa at pinagpatuloy na lang ang paglalakad. Gusto ko nang bawiin ang kamay ko pero ayaw niya pa rin bumitaw. Mabuti at walang pasmado sa aming dalawa kaya naman hindi pa nagpapawis. Kanina pa niya hawak ang kamay ko, ah? Kanina pa tumitingin sa amin ang mga turista!

"Anyway," lumingon ako sa pagsasalita niyang 'yon. "How many boyfriends you had in your past?"

Nagkibit balikat ako. "Isa lang 'yung talagang tinuring ko. 'Yung mga nauna kasi ay puro text lang," I said. "Bakit?"

"You never went on a public date like this?" tanong niya.

"Huh?"

"Your boyfriend. He never went on a date like this with you?"

Napaisip ako. Kailan nga ba kami lumabas no'n?

"Mall," sabi ko. "Tapos 'yung mall, sa malayo pa," I laughed. "Hindi nga kami legal sa side ko, 'di ba?" I said, smiling.

Tumango siya. "Does he hold your hand like this?" iniangat niya ang kamay naming magkahawak. "In a place like this?"

Inikot ko ang paningin ko at nakitang napakaraming turista nga, ang iba ay tumitingin pa sa amin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Sa mall, hindi naman ganito katagal, pero hinahawakan niya naman..."

Tumango-tango siya. "How about that Gian?"

Napakunot ako ng noo. "Paano mo nalaman 'yan?"

Tumawa siya. "Your friend's voice is too loud last night. I can hear him from your phone," he laughed. "Sorry. I didn't mean to eavesdrop," tumango na lang ako. "So, answer me."

Nagkibit-balikat ako. "He likes holding my hand too, like you."

"Saan kayo namamasyal?"

Ngumiti ako. "Sa amin."

Ngumiti siya. "Did he kiss you too?"

Nag-init ang mukha ko nang muli ay maalala ang nangyari kagabi. Hinila ko ang kamay ko palayo sa kan'ya pero hindi niya naman binitiwan. Tumawa siya.

"Just answer me."

I sighed as we continued walking. "Yes. Why are you interested?"

Tumawa siyang muli. "Who kissed better? Gian or I?"

Binilisan ko ang paglalakad dahil sa kaba at hiya pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko, kaya naman bumalik din ako sa kan'ya nang hinila niya ako.

"Sige na. You can forget this, after."

I sighed before facing him, staring directly at his eyes. "It's you, okay?"

Muli ay tumawa siya at niyakap ako nang mahigpit. "Ahhh," he sighed. "I'm addicted now. I don't think I can help it."

Hindi siya kumalas sa yakap. Natawa na lang ako at niyakap siya pabalik.

"You'll find someone who you'll get addicted too."

He laughed. "If it's not you, I doubt that."

I laughed to conceal the feeling he gave me. My heart just beats so crazy with him.

Ayan ka na naman, Mary. Hindi ka na nadadala. Please lang... tama na. Pagpahingahin mo naman sa sakit ang puso mo. You barely even know that guy, so please... just... stop. Kung ano man ang kakaibang nararamdaman mo ngayon ay dala lang 'yan na overwhelmed feeling na nararamdaman mo dahil kasama mo siya.

What you felt is not real... so please... stop, Mary Shella.

This is wrong. This needs to stop before it gets deeper.

This is so damn  wrong.

_____

I'll try to update later midnight! ;) Kung ako ay walang ibang gagawin ~ hahaha!

Anyway, this chapter is dedicated to justcallmezeyaaah. Hello po, thank you for voting the previous chapter of Unlabeled! I hope you liked this story, and this chapter is for you! I hope you enjoyed it, yay!

I have the list for dedication, so, baka mainip kayo, may 15 chapters and finale pa ito. Mabibigyan po lahat. Hehe.

Thank you for supporting Baguio Series!!! ☺


-mari 🌻

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
209K 8.8K 23
The background changes. One day I'm at school. The other day I'm at the playground. The trees disappeared, the flower withered and died. I saw him sm...
3.7M 74.1K 67
|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. ...
37.2K 591 43
Manila Avenue Series #4 Christina, the student who's very persistent and very adorable partygirl from Ateneo Engineering who haven't have dreams. She...