Domingo #3: Crush Me Back

By Micassiopeia

4.4K 245 11

Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early a... More

DISCLAIMER
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
SPECIAL NOTE

CHAPTER 27

127 7 0
By Micassiopeia

CHAPTER 27: ARELLANO

BRYAN'S POV

Pinapanood ko siya habang umiiyak. Nakaupo siya sa kama at nakatayo lamang ako sa harap niya.

Ang sakit makita ngayong nakabalik ako, ganito ang aabutan ko. Ang umiiyak siya sa harap ko. Hindi man ako iyong direktang nakasakit sa kaniya, may kasalanan pa rin ako kung bakit siya umiiyak dahil hindi ako nagbalik agad.

Matapos manganak ni mama kay Brylie, lumapit sa akin noon si Zuri at inamin ang kasalanang ginagawa niya. Sobra-sobra ang galit na naramdaman ko sa kaniya, siya ang may pakana ng lahat, siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, ngunit kahit ganoon pa man, hindi sa kaniya ang lahat ng sisi. Kung sana umuwi ako para kausapin siya ng maayos at para magkalinawan na hindi ako iyon ngunit wala akong ginawa. Nag-aaral ako at the same time tumutulong ako sa pag-aalaga kay Brylie.

Lumipas ang mga araw na nararamdaman kong bumabawi si Zuri sa akin noon. Mailap na nga ako sa kaniya noon, naging mas mailap pa ako noong nalaman ko ang ginawa niya. Ako na mismo ang nagsabi kay tita Rona na ayoko sa anak niya dahil may girlfriend ako. Hindi ko na pinakealaman kung nasaktan ang anak niya sa mga sinabi ko.

Laging naroon si Zuri sa bahay tuwing wala siyang ginagawa para tulungan kami ni mama sa pag-aalaga kay Brylie. Kaya malapit rin sa kaniya ang kapatid ko.

Isang araw kinompronta ko siya na bawiin niya ang mga ginawa niya kay Zuri at umiiyak siyang humihingi ng tawad sa akin. Sabi niyang pagkauwi namin sa Pilipinas, siya mismo ang lalapit kay Amara para sabihin ang totoo.

At ngayong alam na ni Amara ang totoo, ano pang iniiyak-iyak niya?

"Bryan..." Saad ni Amara sa gitna ng hikbi. "Hindi mo ba talaga minahal o ginusto si Zuri noong panahong kasama mo siya at magkalayo tayo?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sabihin mo 'yong totoo para naman alam ko ang ginagawa ko." May pagmamakaawa sa boses niya.

Bumalik ako para sa'yo, Amara. Iyon ang totoo.

"Hindi ka naniwala sa sinabi ni Zuri?" Tanong ko.

"Ang sasabihin mo ang papaniwalaan ko." Mahina niyang tugon. Nagsisimula na naman siyang umiyak.

Tinungkod ko ang kanang tuhod ko sa sahig para makalevel siya at sinapo ang pisngi niya kung saan tumutulo ang mga luha niya. "Just stop crying first, Amara." Pinahid ko lahat ng bakas ng luha sa mukha niya bago ko siya dinampian ng dalawang halik sa mga mata niya. "Those eyes aren't worth to cry for nonsense reason."

Tumango siya at pinakatitigan ako. "Miss na miss na kita, alam mo ba 'yon?" Aniya kaya napangiti ako.

"Alam ko, mahal na mahal mo 'ko e."

"Ipo-ipo ka na niyan?" Nag-iwas siya ng tingin para itago ang nagbabadyang ngiti niya ngunit napansin ko iyon. "Bakit ako natutuwa, dapat magalit ako kaniya." Bulong niya sa sarili na hindi ko narinig.

"Amara..." Mabilis siyang sumulyap sa akin ng bigkasin ko ang pangalan niya. "Ang dami ng nagbago 'no?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Tulad ng pangangatawan mo, ang laki ng pinagbago. Ang daming nagbago nong nasa malayo ako." Inagaw ko ang tingin niyang iniiwas niya sa akin. "Pero wala pa ring bago 'to." Turo ko sa puso ko. "Ikaw pa rin ang tinitibok at hinahanap niyan, kahit maraming Zuri pa ang humadlang."

Hindi na siya nagsalita kaya hudyat na iyon para magpaliwanag ako.

"Noong araw na nakita kong blinock mo ako sa lahat ng accounts ko, hindi mo alam kung anong nerbyos ang naramdaman ko. Iniisip kong may nagawa ba akong mali sa'yo na kinagalit mo. Alam kong alam mo na tinago ko ang tungkol kay Zuri, na magkasama kami roon at iyon ang pagkakamali ko sa'yo. Pero iniisip ko, hindi na mahalagang sabihin ko pa sa'yo kasi hindi naman iyon importante, wala lang siya sa akin at may tiwala ako sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan at papatulan. Kaya hindi ko na siya sinabi."

Nakikinig lamang siya sa mga sinasabi ko.

"Noong araw na blinock mo ako sa hindi ko malamang kadahilanan, may nangyaring hindi namin inaasahan. Tinakbo si mama sa ospital dahil sa pagbubuntis niya sa kapatid ko. Maselan ang pagbubuntis niya kaya kailangan namin siyang alagaan ni papa at sa kamalasang palad, nagkaaberya pa noon sa kompanya kaya malaking pasanin sa akin si mama kasabay pa ang pag-aaral ko." Hinawakan ko ang kamay niya. "Paulit-ulit kitang tinatawagan noon para makausap man lang sana kita kahit papaano pero wala akong natanggap na kahit anong pagsagot sa'yo. Araw-araw akong tumatawag sa inyo, nagbabaka sakali pero wala. Hanggang sa huminto na lang ako at pinagtuonan na lang ng pansin ang nanay at kapatid ko."

May pumatak muli na isang butil ng luha sa mata niya na agad kong pinunasan. "Humihingi ako ng tawad sa hindi ko pagbalik rito agad. Sa ginawa ni Zuri sa atin. Lahat lahat na. Sa pagsusungit ko sa'yo noong mga bata pa tayo, sa pangtataboy ko sa'yo, sa pagbato ko ng masasakit na salita, sa panghihimasok sa buhay pag-ibig mo, sa mga nagawa kong hindi ko intensiyong makasakit sa'yo. Ang dami kong naging kasalanan sa'yo mula noon pero heto ka, umiiyak ng dahil sa akin na dapat hindi naman talaga iniiyakan ang isang tulad kong nakasakit sa'yo ng sobra-sobra." Hindi ko namalayang ako na pala ang umiiyak. "Amara... I'm sorry for being a jerk and stupid boyfriend to you."

Umiyak na ako ng tuluyan at naramdaman kong inaalalayan niya akong tumayo galing sa pagkakaluhod at pinaupo ako sa kama, tabi niya.

"I'm sorry too for being not open-minded. Nasaktan lang kasi ako. Ngunit mas maayos pala sana kung pinakinggan kita at hindi na umabot sa ganito. Ang tanga tanga ko, ang tanga ko dahil sinara ko ang utak ko sa eksplenasyon mo." Tinaas niya ang baba ko para magkatitigan kami. "Nagpadala ako sa galit na sana hindi na lang kasi alam kong purong pagmamahal lang naman ang binibigay mo samantalang ako, heto...galit sa ginawa mong hindi naman pala ikaw ang gumawa."

Mabilis akong lumapit para yakapin siya. "I'm sorry, please, love me back again. I'm begging. Bumalik ako dito para sa'yo, para makuha ka muli, para mahalin ka muli't muli. So please..." Dinampian ko siya ng halik sa noo. "Love me like before. Love me back again and again."

Sinapo niya ang pisngi ko bago sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya na parang may naalala.

"Back then, I was the one who's begging for you to crush me back. And look, what happened? You're the one who's begging now, na hindi naman na dapat kailangan dahil minahal, minamahal at mamahalin kita kasi ikaw si Bryan Arellano, ang lalaking mamahalin ko ng paulit-ulit. So, don't beg."

Mabilis ko siyang inatake ng halik sa sobrang tuwa. Nawalan siya ng balanse kaya napahiga siya at pumaibabaw ako.

"Domingo..." I called her surname at tinitigan siya. "Alam mo bang years ago, gustong gusto ko ng gawing Arellano ang apelyedo mo dahil iyon ang nababagay sa pangalan mo."

"Ielle Amara Arellano?" She speak out of nowhere.

"Yes, Ielle Amara Arellano, wife of Bryan Everson Arellano." I gave her a kiss. "What do you think?"

Nag-isip siya na parang may pagdududa pa.

"Don't tell me I am not yet questioning you, you're now rejecting me–" ginamit niya ang hintuturo niya para patahanin ako sa pagsasalita.

"I am just wondering..." She look at me. "Calling you my husband sounds good."

"Gosh, say it again, Amara."

I pinned her arms onto her top.

"The what? My husband–"

Mabilis kong inatake ng halik ang labi niya na siya namang tinugon niya. I bit her lower lip like its a bread with my favorite padding on it.

"It sounds great. So, it's a yes?"

Umiling siya. "Ask me first, Arellano."

Ngumiti ako tinitigan siya sa mata na animo'y kumikinang sa paningin ko. Shet! Papakasalan ko talaga 'tong Domingo na 'to.

"Are you willing to replace your surname with mine? Take my Arellano and you'll be mine, marry me."

She nod. "I am now Ielle Amara Arellano because I'll be marrying you, my Arellano."

I am the happiest man alive.

To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

35.9K 1.1K 46
The story of Glaica Sky Tejanda. ©shanexyz
29.7K 512 45
Synopsis: Helena University #2 Kung sa iba madaling masagot nang mga babae ang manliligaw nila. Ngunit ibahin natin ang isang babaeng iyon kung saan...
3.1M 120K 39
Alas Ferrer is blind. After witnessing the death of his sister and father before his eyes, he refused to continue living and see again. Alas was sent...
663K 8K 68
Book 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywri...