Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

106K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 18

1.6K 87 7
By YuriYuriYuriYuki

Aya Arcavia

Dumating na ang araw na pinaka hinihintay ng lahat, at iyon ay ang paligsahan sa buong Arcavia.

Madaming dumayo na taga Atlancia dito sa Arcavia ngayon upang makisaya at sumali sa pag diriwang.

"Prinsesa Aya"napatingin ako kay Irna ng tawagin ako nito.


"Bakit?"tanong ko dito habang tinitignan ko sa salamin kung maayos na ba ang suot ko.

Hindi alam ni Ina na pinadala ni mama yung ibang dress ko kaya nakasuot pa din ako ng gusto kong damit.

"May naghahanap po sa inyo sa labas mahal na prinsesa"napansin ko ang kaba sa boses ni Irna ng sabihin niya yun sa akin.

"Sino?"walang gana na tanong ko dito. Kung kaibigan ko ito ay alam ko dederetso na agad sila dito lalo na si Kenna.

"Nakasuot po ng kapa na itim at natatakpan ng mask ang kanyang bandang mata"gulat na napatingin ako dito at madaling tinignan ko ulit sa salamin kung maayos na ba talaga ang itsura ko.


"Ilang minuto na siya nag hihintay?"natataranta na tanong ko dito at mabilis na lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko pinansin ang pagkabigla sa mukha nito dahil dumating siya para sunduin ako.

Paglabas ko ay natulala ako dahil nakita ko siya talaga ang naghihintay sa akin.

Hindi ko mapigilan na mamula dahil yung tingin na binibigay niya at ang reaksyon niya ay pinabibilis ang tibok ng puso ko.

"Lianne"tawag ko sa pangalan nito at nakita ko ang isang ngiti na mas lalong nagparamdam sakin ng kakaibang damdamin.

"Yesha"mahinang sabi nito habang nakatingin sa akin ngunit narinig ko pa rin yun.

Hindi ko mapigilan na yakapin ito at naramdaman ko na nabigla ito at kakalas na sana ako ng mas higpitan nito ang yakap sa akin at naramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.


Napapikit ako at pakiramdam ko na tila kay tagal kong inaasam ang yakap niya at ramdam ko na ligtas ako sa kanya.

"Ehem"napadilat ako ng marinig ko ang isang hindi pamilyar na boses.

Nakita ko ang isang babae na may kapa ng itim at nakamaskara din ng itim. Ngunit na ngingibabaw ang kulay ng buhok nito na kulay lila.

"Aya"tinignan ko naman si Kenna na tila nakataas ang kilay sa akin at napansin ko na tila tinitignan nito kung nasaan ang kamay ko.

Napasinghap ako ng may maramdaman akong malambot at dahan dahan kong tinignan ang kamay ko.

Namula ako ng todo ng mahawakan ko ang dibdib ni Lianne, mabilis na lumayo ako at inayos ang pagkakatayo ko.

Pilit ko iniwas ang tingin ko sa kanila at ilang sandali lang ay napakalma ko na ang sarili ko at alam ko na bumalik na ulit sa walang emosyon ang mukha ko.

"Anong ginagawa niyo dito?"walang gana na tanong ko kay Kenna at nakita ko na ngumisi ito sa akin.

"Sinusundo ka"nakangiti na sabi sa akin ni Gabriel at mabilis na lumapit ito sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Tumango naman ako, isa pa sanay na din ako kay Gabriel na biglang mang hahalik sa pisngi namin.

"S-serene"napansin ko ang kaba ng apat na kasama ni Lianne. At tinitignan nila ang nasa likuran ko.

Sinundan ko ang tingin nila at halos kabahan ako ng makita ang talim na tingin na binibigay ni Lianne kay Gabriel.

"A-ahh ano mahal na prinsesa mauna na kami"sabi nung babaeng lila ng buhok sabay hatak sa pinsan ko na si Kenna.

Tutol na sana ito pero may binulong ito sa pinsan ko at sumunod na sila. Katahimikan at walang ingay na maririnig ng tignan ko ulit si Lianne ay nakapikit ito na tila nagpapakalma.


"Lianne?"kabadong tawag ko dito at unting unti dumilat ito.

May napansin ako sa mga mata niya tila may dumaan na sakit pero nawala din agad.

"Mahal na prinsesa, nandito po ako para sunduin utos mula kay Reyna Cheska"sabay yuko nito sa akin at tila nakaramdam ako ng inis sa sinabi nito.

Ibig sabihin hindi niya talaga gusto ako sunduin, kundi utos ni Mama at dahil sa inis ko.

"Hindi ko kailangan ng taga sundo, kaya ko ang sarili ko"walang emosyon na sabi ko dito at tinalikuran ito.

Bago ko ito talikuran nakita ko na napahawak ito sa bandang dibdib niya.

Paglabas ko ay nakita ko sila Ate Juliana na kausap ang isang kasamahan ni Lianne.

"Irnaaaaa"sigaw ko sa punong dama ko at nagulat naman ang mga kasama ko ng sumigaw ako.

"M-mahal na prinsesa"kabadong sabi nito sa akin tinignan ko ito ng malamig.

"Ipahandan ang sasakyan ko, mag isa akong pupunta ng palasyo"utos ko dito at mabilis na sumunod ito sa akin.

"Aya, bakit ang init ng ulo mo? Kanina ang saya saya mo pang kayakap si Serene"tanong sa akin ni Belle at tinignan ko ito ng masama.

"Wag niyo muna ako kakausapin"sabay talikod sa kanila at alam ko na tinitignan ako ng ibang kasama ko habang palayo sa kanila.

"Arghhhh"inis na sigaw ko sabay labas ng fire ball at binato ko sa isang puno na nakita ko.

Mabilis nag liyab iyon at tila napansin yun nila Ariel kaya mabilis na nag utos ito ng kawal.

"Ariel"tawag ko dito at lumapit agad ito sabay yuko sa akin.

"Mahal na Prinsesa Aya ano po maipaglilingkod ko?"malamig na tinignan ko ito at may diin na sinabi ko sa kanya ang gusto ko mangyari.

"Ariel, siguraduhin mo na nakahanda na ang kawal, at gusto ko na manalo ang distrikto na hawak mo. Kapag natalo kayo hindi niyo nanaisin na magalit ako"malamig na sabi ko dito at hindi ko na ito hinintay pa sumagot at lumapit agad ako sa sasakyan.

Pinagbuksan ako ni Irna at pag pasok ko ay tumaas ang kilay ko at napasimangot ng palihim.

"Anong ginagawa mo dito?"malamig na tanong ko dito ilang minuto ang lumipas pero tinignan lang ako nito.

Magsasalita pa sana ako ng magulat ako ng tanggalin nito ang suot na maskara at kapa na suot niya.

Natulala ako ng makita ko ang mukha niya, hindi ko maiwasan mapalunok ng makita ko ang itsura niya.

Ang hugis ng mga mata niya na tila pusa at ang mga pisngi niya na sarap kagatin. Hindi ko namalayan na napalunok ako ng makita ko ang labi niya na tila hinahatak ako.

Napakagat ako sa labi ko ng makita ko ang isang ngiti na binigay niya na tila inaakit ako.

Kusang gumalaw ang kamay ko at may pinindot para matakpan ang mga salamin ng bintana ng kotse at harang sa may driver ng sasakyan ko.

Nagulat ako ng hatakin ako ni Lianne at niyakap, naramdaman ko ang lambot ng katawan nito.

Kahit nakasuot ito ng long sleeve na itim at isang pants na hapit sa kanya at tila nakaramdam ako ng kakaiba.

Naramdaman ko na tila may dumadaloy na kakaibang energy sa amin at naramdaman ko ang labi nito sa tenga ko.


"Ako dapat ang nagagalit sa ating dalawa, hinayaan mong halikan ka ng isang lalaki na may gusto sayo"ramdam ko ang galit sa boses nito pero hindi ko yun masyado inintindi.

"Hmmm L-lianne"nakaramdam din ako ng kiliti na tila gumapang sa buong katawan ko.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang isang malambot na bagay na nakadikit na pala sa labi ko.

Kusang gumanti ako ng halik dito, tila matagal ko na itong hinihintay...  Lianne sino ka ba talaga?

------

A/N

Opppsss 😂😱

Continue Reading

You'll Also Like

46.1K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
53K 1.8K 46
Seulgi and Irene have been married for over 3 years, due to an arranged marriage. Seulgi love Irene since the day they met, but Irene have a lover an...
15.9K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
2.9M 82.2K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****