String Of Fate

By goshigabbo

4K 321 31

"Do you believe in the Red String of Fate?" More

Author's Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Special Chapter #1
Chapter 8
Special Chapter #2

Chapter 1

566 34 0
By goshigabbo

Gabb's PoV
"Cole bilisan mo na! Malalate tayo sa meeting para sa reunion!" Sigaw ko sa may sala.

Eh paano naman kanina pa ako dito dumating para sunduin siya dahil pupunta kami sa meeting na pinatawag ni Ate Alice. Walang kotse tong moko kasi kakadating palang niya galing Amerika.

"Oo na! Pababa na madali lang!" Sigaw niya pabalik at nakita kong bumababa na siya sa stairs habang inaayos ang watch niya.

"Tara na baka batukan pa tayo ni Capt. pag nagpadalos dalos pa tayo." Sabi ko at tumayo para pumunta sa car.

Sumunod si Cole saakin at humarurot kami papunta sa restaurant ni Ate Alice at Sheki. Pagkarating namin ay tinuro saamin ng receptionist ang table kung saan nakaupo ang mga ate. Agad kami pumunta doon.

"Akala ko di na kayo magpapakita. Anong oras na oh?" Mataray na sabi ni Ate Alice.

"Sorry Ate. Si Cole kasi parang pagong gumalaw." Kinurot naman ni Cole ang braso ko kaya binatukan ko siya.

"Oh tama na yan. Baka matapon ang pagkain. Kayo papabayarin ko kung ko mangyari yun." Sermon samin ni ate Sheki.

"Let's start na sa pagplano. So, 3 weeks from now magkakaroon ng reunion ang special classes. Since representative kayo ng each class, need ko ideas niyo." Panimula ni Ate Alice.

"Basta sa photobooth kami ni Belle." Pagvolunteer ni Ate Ecka.

"Sa catering kaya naman natin Alice." Dagdag ni Ate Sheki.

"Sa pagdesign ng venue and invitations kami ni Abby." Sabi ni Ate Sela at siniko si Ate Abby na parang onti nalang dito na siya matutulog.

"Great! Ang venue nalang and program." Masayang sambit ni Ate Alice at pumalakpak.

"Ako na sa program ate and si Gabb sa venue." Sabi ni Cole na ikinagulat ko.

"Huy Cole--"

"Yes! So it's final na. Walang bawian. Inform nalang natin ang iba. Cole ikaw bahala sa pag-assign ng mga tao para sa program. Gagawa ako gc para sa lahat." Mabilis na pagsalita ni Ate Sheki at nagfocus sa phone niya. Siniko ko naman si Cole at napatingin naman ito ng masama saakin.

"Bwisit ka bakit mo sinabi na ako sa venue?" Bulong na tanong ko sakanya.

"Baka nalilimutan mo Gabrielle na sa lahat ng estudyante sa special class, ikaw yung pinakasuccessful. It wouldn't hurt for you to lend one of the resorts." Pinandilitan ko naman siya.

"Since andito rin naman kayo, magchikahan nalang tayo." Pang-aasar ni ate Sheki.

"7th and 8th wheel si Cole at Gabb." Panunukso ni Ate Alice

"Dapat sinama ko na si Laney para si Gabb lang single dito." Aba bumabawi siya.

"Oo na, lahat kayo may lablayp ako lang ang wala. Tanggap ko naman." Pagdadrama ko

"Ew Gabb di bagay sayo." Diring sabi ni Ate Ecka.

"Maghanap ka na kasi Gabb. Gusto pa naman ni Tito ng apo." Ate Alice

"I don't have time to make landi mga ate." Sabi ko habang sumusubo ng pagkain.

"You don't have time kase puro trabaho inaatupag mo. Bihira ka nalang nga namin makasama sa walwalan eh." Ate Sheki.

"Hayaan niyo na yung bata. Para naman sa future niya yan eh." Pagtanggol saakin ni ate Abby.

"Thanks Ate Abby." Pasalamat ko at kinindatan naman niya ako.

"Magkakampi ang dalawang ginagawang buhay ang trabaho." Pagtatampo ni Ate Sela.

"Uy Marsela di naman sa ganun. Para sa future nating dalawa ang ginagawa ko. Diba sabi mo isang dosenang anak gusto mo? Syempre dapat financially stable tayo kung ganon."

"WOW ISANG DOSENA DAW GUYS. ANG SIPAG NAMAN!" Sigaw ni Ate Ecka at tinawahan sila. Binatukan ni Ate Belle si Ate Ecka while kami patuloy pa rin sa pagtawa.

"Siguraduhin mo yan Abelaine. Baka mamaya malaman ko nambabae ka nanaman."

"Lagot ka Abby! Babaero ka pa rin pala. Kala ko bagong buhay ka na after maging kayo ni Sela?" Panunukso ni Ate Belle.

"HOY FAITHFUL NA AKO KAY MARSELA. AKO NANAMAN AASARIN NIYO. TSK!"

Patuloy sila sa pag-aasar habang ako ay patuloy rin sa pagkain.

"Lalim ata ng iniisip mo Gabb, may babae ka na no?" Tukso saakin ni Ate Alice

"Wala nga ako time para diyan Ate."

"If there's a will then there's a way. Ang sabihin mo hinihintay mo pa bumalik yung mysterious girl na nakilala mo back in college." Singit ni Cole at tiningnan ko siya ng masama.

I wonder how she is now.

Continue Reading

You'll Also Like

172K 7.7K 59
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
2M 105K 62
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
126K 519 35
PLEASE NO HATE! U READ THE TITLE IF U DONT WANNA READ DONT READ!
1.5M 47.8K 66
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...