Chapter 6

272 27 1
                                    

"Leche! Losing streak nanaman!" Bulyaw ko.

Sinong hindi maiinis kung 3 times ka na natalo dito sa ml? Kinuha pa naman ang red buff ko. Nakakainis sobra.

"Tagal nila Ate Abby! Sabi niya madali lang bakit hanggang ngayon di pa sila bumabalik?" Padabog kong tanong sa sarili at lumabas ng kotse.

Pinagmasdan ko ang paligid ko at natulala ako dahil sobrang ganda ng resort na to. Parang designated ito sa mga bigatin na bisita o turista.

Swerte ng batch nila Ate Abby kasi ganitong klaseng resort venue nila. Mga yayamanin talaga nako.

"Hindi naman ata magagalit si Ate Abby pagnaglibot ako dito." Sabi ko sa sarili at sinimulan na maglibot sa resort. Habang naglalakad ay tinitingnan ko yung mga nakapalibot na mga bulaklak.

"Ang gaganda naman nito. Mahilig ata ang may-ari sa bulaklak kagaya ko." Manghang sabi ko at pinagmasdan maigi ang mga bulaklak.

"Maganda po ba ma'am?"

Nagulat ako dahil hindi ko ineexpect na may nakatambay pala dito na staff.

"Ay sorry ma'am! Nagulat ko ata kayo." Alalang sabi niya saka napakamot ng batok.

"Ok lang kuya. Pasensya na hehe napakaganda kasi ng mga bulaklak at sakto ito yung pinakagusto ko na kind."

"Oo nga po. Yan po yung pinakafavorite rin ng boss namin. Pareho kayo." Kwento niya.

"Talaga ba?"

"Opo. Pinagawa niya po to actually na garden para sa past lover niya daw po. Mahilig daw po kase yun sa bulaklak tapos ginawang center of attraction kase ito daw po ang favorite ng ex-lover niya."

"Ang sweet naman ng boss niyo pero ano ba nangyari sa ex niya? Sorry to pry ah." Tanong ko ulit.

"Ok lang ma'am pero hindi ko rin po alam kung ano nangyari basta sabi po ni boss hanggang ngayon siya pa rin daw po at wala nang iba kahit mamatay pa daw siya." Medyo natatawa na sabi ni kuya.

"Aaahhh ganun pala. Sige kuya mauuna na ako. Baka hanapin na ako ng mga kasama ko. Paalam na po." Paalam ko at ngumiti siya saka tumango.

"At asan na yung batang yun?" Lagot. Hinahanap na nga ako ni Ate Abby. Kahit medyo malayo pa ako naririnig ko na boses niya.

Nagmadali ako papunta sakanila at biglang yinakap si Ate Sela. Alam ko namang papagalitan ako kaya kay Ate Sela ako magpapakampi hehehe

"At saang lupalop ka nanaman ba pumunta ha?" Inis na tanong ni Ate Abby.

"Sowi na achi Abby. Wala kashi akue kashama sha car." Pagpapacute ko para tumalab ang sorry.

"Oh Abby nagsorry na ang bata wag na mainit ang ulo. Sabi sayo kasi na dapat sinama natin para di mainip." Kampi saakin ni Ate Sela.

Kaya love na love 'ko itong asawa ni Ate Abby eh. Lagi akong pinagtatanggol kay Batas Trinidad.

Di na nakaimik si Ate Abby at binuksan nalang ang pintuan ng kotse. Pumasok na kami saka umalis agad kasi apparently kailangan si Ate Abby ni Dad.

Naalala ko nanaman yung sinasabi ni kuya na boss nila. Siguro kilala nila Ate Sela Kung sino may-ari nun na resort.

"Ate Sela kilala mo ba may-ari nun na resort?" Tanong ko.

Pero imbis na si Ate Sela magsagot inunahan na siya ni Ate Abby.

"Gabrielle Skribikin. Sakanya yun na resort." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Like legit Gabrielle Skribikin? The heiress of the Skribikin empire?"

"Yup! Batchmate namin siya. Minsan na nga lang namin makita kase busy sa pagiging bigatin. Kaya mabuti nga nagkareunion para makamusta namin ang isa't isa." Paliwanag ni Ate Sela.

"Kaya magbehave ka Coleen kasi makakasama mo siya sa pag-ayos ng venue." Sabay tingin sa akin ni Ate Abby thru the mirror.

"Sure sure magbebehave ako." Pag-assure ko kay Ate Abby.

Gabb's POV

Busy ako makipag-usap sa staff when suddenly I saw someone jogging to the parking area.

I was about to follow and check on her nung biglang hinila ako ni Ate Sheki sa likod.

"Uy Gabbo nagtext si Alice. Punta daw tayo sa ospital. Andun daw sila Ate Brei kasama sila Ate Ecka." Sabi niya habang tinitingnan phone niya.

"Oh sige. Let's go?" Aya ko.

Bumalik kami sa car and di ko maiwasan icheck ang paligid. My insides are telling me to find that girl pero umalis na ata siya.

Could that be her?

-----------------------------------------------------------

HI!!! IM SORRY BIGLA NAWALA SI OTOR MEDJ NABUSY SA LIFE AND SA KLASE BUT HERE IT IS. ANG UPDATE NA HINIHINTAY NIYO HEHEHEHE BAKA NEXT WEEK UPDATE ULIT AQUH HEHEHE.

String Of FateWhere stories live. Discover now