Ako'y Kasama Mo (Ongoing)

By random_insight

88.5K 9.7K 2.3K

Paano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang p... More

Prologue
1 - Pasakalye
2 - Maligayang Pagdating
3 - Titser Menggay
4 - Paalam, Doc
5 - Sanga-sangang Daan
6 - Krus na Landas: Quezon?
7 - Social Relevance
8 - Bakit?
9 - Habagat
10 - Aritmetik
11 - Hatid-Dumapit
12 - Patrick
13 - Recess
14 - Doctors To The Barrios
15 - Pagwatas
16 - Paliwanag
17 - Walang Nagbago
18 - Bagong Umaga
19 - Pagkakataon
20 - Araw ng Mga Guro
21 - Pabitin pa More
22 - Panaginip at Pabebe
23 - Ang Paghaharap
24 - Tapatan
25 - Pahiyang - Unang Linggo
26 - Pahabol sa Unang Linggo
27 - Ikalawang Linggo: Pagbasa at Pagsulat
28 - Ikalawang Linggo: Tipanan
29 - Ikalawang Linggo: Realidad
30 - Ikatlong Linggo: Pangarap
31 - Ikatlong Linggo: Namumuong Sama ng Panahon
32 - Ikatlong Linggo: Selos si Titser?
33 - Ikatlong Linggo: Napagtanto
34a - Pagtutuos
35 - Ikatlong Linggo: Marangal na Katangahan
36 -Ikaapat na Linggo: Dalandan
37 - Emergency
38 - Sistema
39 - Panganib
40 - Sugod
42 - Abot Tanaw... Abot Kamay
43 - Ang Albularyo, Bow!

41 - Gaya-gaya Puto Maya

700 56 14
By random_insight

A/N:  Ayun na nga po, nasa iisang lugar na ang magsing-irog. Ang TANONNNNGGGG!  Paano nila lulusutan ang kinakaharap nila? Ilang installment ang gagawin ni otor bago magkita ang dalawa?

----------------------------

"Ako po si teacher Maine Mendoza galing ng barangay Pinagpala. Ito po ang PRC ID ko at School ID." 

Inabot ni Meng ang PRC ID niya sa nagdududang kapitan. Matapos tingnan ang harap at likod ng ID ay binalik ito agad.

Tuloy ang interrogation. "Hindi pa rin ako kumbinsido sa pakay n'yo. Sagutin n'yo muna ang tanong ko. Ano ang laman ng mga kahong dala-dala n'yo?"

Ramdam ni titser Meng ang tatlong pares ng mga matang pasimpleng pinandidilatan pa rin siya. Iba ito sa unang planong pinag-usapan nila. Pero alam niyang walang pupuntahan ang usapan kung magmamatigas sila.

Hindi niya puwedeng lokohin ang kapitan tulad ng kuwentong kustserong hinabi niya nang makita una silang makitang magkasama ni Dok Tisoy ng tatlong tsismosa sa baryo Pinagpala. That it resulted in them being a couple is beside the point. Ano ba! Ganito ba ang pagkamiss niya sa nobyo at may english na sa thought bubble niya?

Pero mukhang hindi lang pag-eenglish ang gagayahin niya sa nobyo. Naalala niya kung paanong nakumbinse ni Ricardo ang mga nagtitinda sa talipapa na ivolunteer ang information ng mga pinamimili niya bilang sagot sa challenge niya. At kung paano nito nakuha ang loob ng mga estudiyante niya para tumulong sa panunuyo ng doktor sa kanya.

Mukhang kailangan niyang hiramin ang style ng nobyo para makuha ang loob ng kapitan. Make it look like you're doing the person a favor.

Akmang sesenyasan ni Kapitan ang tanod na kasama para kumpiskahin ang mga kahon nang buhatin ni titser Meng ang kahon sa kinauupuan niya. "Gusto n'yong malaman ang lama ng kahon, Kapitan? Simple po, Abaka. Abaka ang laman ng kahon."

Hindi mapigilang mapangisi ng punong-barangay. "Abaka? Ano'ng gagawin namin sa abaka? Mayroon kami n'yan dine! At wari ko hindi kasya ang abaka sa ganyang kaliit na kahon. Ako ba'y niloloko mo?"

"Kasya-kasya, Kapitan. Sandali po at ipapakita ko sa inyo." Seryosong kinuha ni titser Meng ang isang maliit na kahon na dala nila, at binuksan ito gamit ang susing nakakabit sa sa School ID niya. Napahawak nang mahigpit sa kaniya-kaniyang dalang kahon ang tatlong kasama niya.

Hindi alam ng punong-barangay kung maiinis o matatawa sa laman ng kahon na tumambad sa harapan niya. Abaka, abaka nga! 'Aklat Abakada, Pangunahing Hakbang ng Pagbasa'.

"At sino naman may sabi sa 'yong nakikipagbiruan ako?" Mataas na ang boses ni Kapitan.

Pero hindi natinag ang gurong kaharap niya. Kinuha nito ang ilang aklat sa ibabaw ng kahon para ipakita sa kapitan.

Imbis na matakot, binigay ni titser Meng ang pinakamatamis niyang ngiti. Mas matamis pa sa pulo't pukyutan. "Kasi naman Kapitan, may iniisip pa ba kayong ibang abaka? A-ba-ka-da-e-ga-ha-i-la-ma-na-nga-o-pa-ra-sa-ta-u-wa-ya. Siyempre po, aklat ng abakada ang dala namin dahil magtuturo kami ng pagbabasa. Isipin n'yo po, kapitan, hindi po ba napakaganda na idagdag n'yo itong Reading Program sa mga programa dito sa barangay Canaway?"

Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob pero kasubuan na 'to. Kahit malakas ang kabog ng dibdib, sinenyasan niya ang tatlong kasama na namumutla na sa pagpipigil ng hininga na buksan ang mga kahon na dala nila at ipakita ang laman.

Ibang mga aklat naman sa pagbabasa ang laman ng mga kahon nila, may kasama ding mga lapis at papel.

Kumuha ang kapitan ng ilan sa mga aklat sa kahon na hawak ni titser Meng at binuklat ang mga pahina nito. Hindi pinahalata ni Meng ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kahon. "Sigurado n'yong hindi kayo nanggaling sa munisipyo? Kaninong pakulo ito?"

Kaunting nabuhayan ng loob si Meng sa tinatakbo ng tanong ng kausap. "Galing po kami sa bayan pero hindi sa munisipyo. Ang mga kasama po namin na nasa kabilang baryo ang galing sa Division Office ng DepEd. Programa po ito ng DepEd - ang turuan ang mga adultong hindi marunong magbasa. Pero hindi po ito tatakbo kung walang suporta ng barangay. Dito po talaga kami dumiretso para magpaalam at kunin ang endorsement n'yo. Gusto n'yo po bang magpaalam pa tayo kay Mayor?"

"HUWAG! Hindi na kailangan." Hindi nakaila sa apat na dayo ang matalim na tingin na binato ng kapitan sa tauhan sabay ang tango ng tanod na mabilis na lumabas. Kung anuman ang sekretong mensahe 'yon, sila lang ang nagkaintindihan.

"May kailangan po ba kaming malaman, kapitan? Bakit n'yo nga po pala sinabi kanina na wrong timing ang dating namin?" Hindi napigilan ni titser Meng na muling magtanong.

"Ah e, hindi kasi kami handa sa pagdating ninyo. Parang dumarami yata ang nagkakainteres sa baryo namin na wala naman dating pumapansin. Pero magandang programa nga ito." Napangiti ang kapitan. Kung ganito ba naman lahat ng dumadayo sa baryo nila e di madaling pag-usapan. "Kung mga adulto ang pakay n'yong turuang magbasa, nasa mga kanya-kanyang bukirin na sila ngayon. Pero nagpautos na ako sa tanod na samahan kayo sa paaralan sa gulod para isaayos ang pagtuturo, pero para bukas na. Yon ay kung hindi kayo nagmamadali."

A/N: Ay te, mas advanced sila kapitan, may mental telepathy technology. Biruin n'yon naipasa ang mahabang message na yan kay kuyang tanod sa isang tingin lang? Amazing!

Si titser Marikit na ang sumagot. Nakarecover na sa pagkabigla at nakahabol sa strategy ni titser Meng. "Okay lang po bukas. Hindi po kami nagmamadali, kapitan. Katunayan, puwede po natin planuhing maige ang programang pagbabasa na ilulunsad natin bukas. Siyempre po, kailangang may talumpati muna kayo."

"Gano'n ba? Aba'y dapat paghandaan ko. Kung gano'n, parine kayo sa kusina at pagdamutan n'yo ang almusal na inihanda ng aking maybahay bago kayo magtungo sa paaralan. Baka sabihin n'yo ay hindi kami mapagpatuloy sa mga bisita. Iwan n'yo na ang gamit n'yo dito sa sala."

Mabilis pa sa alas-kuwatro ang sagot ni titser Edgar Allan, 'EA' for short. "Puwede po bang sila na lang ang kumain at maiwan na po ako dito sa sala para umidlip? Hindi po yata kakayanin ng ganda ko ang panibagong lakad. Wala pa po kasi akong tulog. Titser Marikit, ipag-Sharon mo na lang ako, alam mo na 'yon."

Napahinto si Kapitan. "Ano'ng ipag-Sharon? Baka naman ginagamitan n'yo ako ng mga sekretong mensahe."

"Sharon Cuneta, Kapitan. Naging katambal ni Da King FPJ sa Kahit Konting Pagtingin? Yung may niligtas silang mga bata?" Kita ni titser EA ang question mark sa mukha ng kapitan. "Naku pasensiya po, hindi pa po ba uso... ang ibig ko pong sabihin, ipagbabalot na lang po ako ng almusal ni Titser Marikit. Hindi pa din po gets? Balutin, mula sa po sa theme song ng movie na Bituing Walang Ningning. Hindi pa 'ko nagvovocalize ngayon umaga pero puwede kong kantahin, kapitan."

Napakamot na lang ng ulo ang kapitan hanggang si titser Gabby na ang pumutol ng usapan. Back on track na sila baka mapurnada pa ang misyon sa mga pa-clue ni EA.  "Matulog ka na nga, titser EA. Antok lang yan. Kapitan, kami na lang po nila titser Marikit ang magpapaliwanag ng Sharon habang kumakain tayo ng sigurado namin masarap na agahan. Tara na po sa kusina?"

A/N: Hmmm.... titser EA, pano'ng napasok si Sharon Cuneta sa kwento? May nalalaman ka pang Kahit Konting Pagtingin. Pero in fairness, mukhang interesting ang bagong squad mo, titser Meng. Saang lupalop mo narecruit at ano ang misyon? Finding Nemo?

========================

Samantala, sa kagubatan sa may kabundukan ng baryo Canaway kung saan bihag si Prinsipe Florante ... este si Dok Tisoy pala.

"Kung talagang nabarang sila, wala pong mawawala kung dadalhin n'yo ko para harapin si tandang Natoy."

Nabigla ang tauhan ni kapitan sa sinabi ni Dok Tisoy."Gusto mong kausapin si Tandang Natoy? Binata, nalalaman mo ba ang sinasabi mo? Gusto mo bang maghalo ang balat sa tinalupan?"

Pansin ni Ricardo na hindi siya kinikilalang doktor ng kausap. "Inuulit ko po, kung talagang nabarang po ang mga bata, wala kayong dapat ikatakot na makausap ko si Tandang Natoy. Pero pa'no po kung hindi at talagang may sakit ang anak ko n'yo na puwede niyang ikamatay kung hindi natin siya madadala sa ospital? Kung hindi naman, kailangan po natin ng antibiotic para maagapan ang paglala."

Lalong tumalim ang tingin ng tanod kay Dok Tisoy. "Ano'ng ospital ang pinagsasabi mo? At sino ka para pagdudahan si Tandang Natoy? Mas matagal namin siyang kilala! Halos siya na ang gumamot sa mga pilay at sakit habang lumalaki ang mga anak ko!"

"Kung gano'n bakit n'yo dinala si Ompong para macheck-up ko nang dumating kami dito? Bakit hinayaan n'yong iwan siya sa amin sa nakaraang mga araw para i-quarantine habang ginagamot? Hindi po ba dahil natakot kayo sa mga naunang pasyente na pareho ang sintomas at namatay? Hindi po biro ang meningococcemia, yun po ang sakit ng anak n'yo."

"Hi...hinde! Nagkakamali ka! Pinilit lang ako ng asawa ko dalhin siya nang dumating kayo! Tama si Kapitan. Meron bang mabuting nangyari? Wala! Dapat hindi ako nakinig sa asawa ko. At wala pang utos si Kapitan na makakaalis kayo sa kagubatang ito. Makakaistorbo lang kayo sa panggagamot ni Tandang Natoy sa mga bata."

Napabuntong-hininga si Dok Tisoy, inihanda ang sarili sa mahabang paliwanagan. Kahit abutin sila ng tanghali, mapaintindi lang niya na seryoso ang sitwasyon at buhay ang nakataya.

"Matanong ko lang po kayo. Bakit nga ba kami dinala dito? Bakit hindi na lang kami pinaalis ng baryo kung talagang...." Hindi natapos ni Dok Tisoy ang sasabihin niya.

Biglang nagka-aha moment.

Una, sa takbo ng nangyayari, narealize niyang malabo nang maniwala sa kanya ang mga tao sa baryo. Kung sana ay may bumalik ng balita sa dalawang pasyenteng pinadala nila sa ospital sa bayan. Kaso, baka pati 'yon ay hinaharang ni kapitan. News blockout ang nangyayari sa baryo.

Pangalawa, mali ang atake niya sa problema, dahil kahapon pa hindi gumagana ang seryosong style niya. Kung meron siyang dapat natutuhan kay Meng para makuha ang loob ng mga taga-baryo, yun ay ang empatiya.

Kailangan niyang ilagay ang sarili sa lugar nila. Alamin kung bakit malaki pa rin ang sampalataya ng mga taga-baryo sa mga albularyo o herbalist.

First time niyang literal na maghehead-on collision sa isang albularyo. And he's doing it all wrong! Hindi porke naging successful ang strategy nila sa bakuna campaign ay gagana na 'yon sa lahat ng baryo. Dapat naisapuso niya ang reminders ng orientation sa mga DTTB. Hindi dapat inaaway ang mga albularyo.

Tama, 'if you can't beat them, join them!'  Yes, join them muna, hanggang makuha niya ang tiwala nila.

"Huy, binata! Tila yata ang natigilan ka. Huwag mong sabihing ika'y namatanda na rin! Baka naihian n'yo ang nuno sa punso sa likod ng kubong ito. Dapat pala ay nababalaan ang kasama mo. Maraming nuno sa punso dito."

Hindi namalayan ni Dok Tisoy na winawasiwas na pala ng tanod ang mga kamay sa harap ng mga mata para kunin ang atensyon niya. Pero sapat na ang mga huling salitang narinig niya para magbago ng taktika. Hindi niya mapapantayan ang storytelling at acting skills ni Meng but he can try. Nuno sa punso pala.

Sorry, nurse Betong. Here goes nothing. "Ano po? Namatanda? Nuno sa punso sa likod ng kubo? Bakit ngayon n'yo lang po sinabi, kuya? Naku, kailangan ko pong hanapin ang kasama ko. Hindi n'yo po naitatanong, kagabi pa po kakaiba ang kinikilos n'ya pagkatapos niya lumabas sa may likod ng kubo. Hindi po nakatulog at pabiling-biling po siya magdamag. Tapos bigla na lang pong sumakit ang tiyan kaninang umaga. Hindi nga po gumana ang gamot na binigay ko."

"Naku, amang! Sintomas nga yan ng namatanda! Bakit hindi mo sinabi agad? Hindi mo naitatanong, d'yan ekperto si Tandang Natoy. Sa mga namamatanda at nababarang. Noong nakaraang buwan lang ay ilan ang pinagaling niya."

"Gano'n po ba? Puwede n'yo po bang ikuwento kung paano manggamot si Tandang Natoy habang hinahanap natin ang kaibigan ko?"

Natigilan ang tanod, halatang tinatantiya ang kausap kung sasamahan o hind.Nagtataka sa pagbabago ng kanina'y mainit na usapan. Tila yata at nagbago ang ihip ng hangin. Pero halata ang pag-aala sa mukha ng binata para sa kasama.

"Kung nag-aalala po kayo, pangako, hindi po kami tatakas lalo na't sinabi n'yong maraming nuno sa punso dito. Ayoko ko pong maligaw at magpaikot-ikot sa gubat. Bukod pa sa kayo po ang may itak at mas kabisado n'yo po ang daan. Samahan n'yo na po ako bago pa mas lalong mapahamak ang kasama ko. Narinig n'yo naman po ang lakas ng sigaw niya kanina sa pamimilipit sa sakit ng tiyan."

Makaraan ang ilang sandali ng pag-iisip ay sinenyasan siya ng tanod na lumakad. "Sige, hanapin natin ang kasama mo. Pero mauna ka, wala pa rin akong tiwala sa 'yo. Isang maling kilos at hindi ka sasantuhin ng itak ko."

Buti naman at hindi kalayuan ay narinig na nila ang boses ni Betong. Pakanta-kanta pa. At nang namataan nilang lumabas sa isang parte ng kakahuyan ay may dala-dala pa itong isang buwig ng saging na saba.

"Hey, Doc! Where are you going? You wouldn't believe what I found! Lots and lots of...."

Inunahan ni Ricardo nang paglapit ang tanod kay Betong sabay pinandilatan at binulungan. "Hindi ka pa okay, masakit pa rin ang tiyan mo...."

Inalalayan ni Dok Tisoy ang nagtatakang si nurse Betong para umupo sa isang trosong nabuwal. Saka hinarap ang kasama at hinawakan ang dalawang balikat, pilit pinapaintindi ang mensahe sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

"Ano, nurse Betong! Kumusta ang pakiramdam mo? Bakit malayo pa lang naririnig na namin ang sigaw mo? "

Sigaw ba yung kanta ko?  I cannot! At talaga lang ha? Patutuloy mo pa rin ang acting ko? You owe me big time, Doc. Better make it worth my while then. Bigla niyang sinapo ang tiyan at binitawan ang buwig ng saging. "OUCCCHHH.... O MY Golly Wow! My stomach is aching... So So much!"

"Kuyang, tama nga yata ang sinabi mo. Namatanda nga yata si Nurse Betong. Okay ka lang, nurse Betong? May nuno daw pala ng punso sa likod ng kubo. Diba doon ka umihi kagabi?" Isang malakas na tapik sa likod ang nagsilbing dagdag na senyas ng doktor sa kasama.

"Oh, yes! Mother, mother I am sick, call the doctor very quick. Doctor, doctor shall I die? No my darling do not cry..." Wala nang maisip na sabihin si Nurse Betong habang nagkukunwaring namimilipit ang tiyan.

"Nurse Betong, ano'ng pinagsasabi mo?" Binalingan ni Dok Tisoy ang bantay nila. "Naiintindihan n'yo po ba siya? Hindi naman po talaga nag-eenglish ito. Kinakabahan ako, kuya! Baka mamaya po, mag-Kastila na 'to. Dalhin na po natin kay Tandang Natoy. Baka puwedeng ipasabay na po nating siyang ipagamot kasama ng mga bata. Saan po ba sila ngayon naggagamutan? Nasa barangay hall pa rin po ba?"

"Wait a minute, kapeng mainit! I'm not ....hmmmp" Tinakpan ni Dok Tisoy ang bibig ni Nurse Betong sabay tingin sa bantay nila.

Alam niyang napaniwala na 'to sa kuwento niya nang isuksok na ang dalang itak sa buslo nito sa bewan. Nagbabakasakali si Dok Tisoy na tama ang hinala niya base na rin sa sinabi kanina ng tanod - na kasama na ni Tandang Natoy ang mga pasyente nila at nasa iisang lugar sila.

Kailangan nilang abutan ang mga ito bago mas lumala ang sitwasyon at tuluyang ma-break ang quarantine setup nila at mas marami pa ang mahawa.

"Wala na sila sa bulwagan sa barangay. Ililipat sila sa paaralan sa gulod ngayong umaga kung saan mangyayari ang gamutan. Alalayan mo ang kasama mo, kunin natin ang mga gamit n'yo sa kubo at sasamahan ko kayo."

A/N: Tama ba ang nabasa ko, otor. Hindi yata't iisa na ang patutunguhan nila? Di yata't magkikita na si Florante at Laura?

Pero ano ang moral lesson ng kabanatang ito? Magkahiwalay man sila physically, they are never far apart in spirit. Ako'y Kasama mo pa rin ang peg sa mga strategy. At naghiraman pa ng style. Pasasaan ba't magkikita rin kayo. Pagdating ng panahon.

=================

P.S. Pahabol na eksena sa bahay ni Kapitan.

Nang maiwang mag-isa sa sala, pinagtabi-tabi ni titser EA ang mga kahong dala-dala nila sa isang dulo ng pinakamahabang sofa na gawa sa Narra, saka pinagpatong-patong ang mga backpack nila sa kabilang dulo para gawin niyang unan. Sabay salampak pahiga. Nag-inat nang konti at ipinikit ang mga mata pero medyo dilat ang isa.

Kailangang maging alerto.

Ayan, siguro naman e mararamdaman niya kung may hihila ng gamit nila. Pero in fairness, inaantok talaga siya at hindi siya nagbibiro sa bilin kay titser Marikit dahil nagugutom na rin siya - hindi sapat ang Fita na baon nila. Baka nga ma-LSS na siya kay Sharon maghapon. 'Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal...'

Haay, makapag-ipon na nga ng tulog at malamang-lamang duty pa rin siya sa mga gamit nila mamayang gabi pag hindi nagtagumpay ang misyon nila.

Oo, ang misyon nila na unti-unti yatang nagiging mission impossible kanina kung hindi nakapagpalusot si Titser Meng. Pinabibilib siya tapang ng loob ng girlfriend ni Doc Tisoy na first time niyang na-meet.

Nagwork ang ideya niya nito na Reading Program as a last resort para madala ang kinakailangang medical supplies kay Doc Tisoy at Nurse Betong na ilang araw nang hindi maipasok sa baryo Canaway.

Buti na lang at hindi sila hinanapan ng ID lahat dahil ibang ID ang dala nila. Health Office ID ang dala-dala ni Nurse Betchay a.k.a 'Titser Marikit' at midwife Lagring a.k.a. 'Titser Gabby'.

Napahilamos siya ng mukha ng maalala ang makapigil-hiningang eksena kanina. Dahil ang  mga medical supplies ay nasa mga backpack nila at  ang iba naman ay nasa ilalim ng mga kahong dala-dala nila. Sa ilalim ng mga aklat, papel at lapis. 

At siya, anong papel niya? Ang dakilang alalay ni Officer Oleth ng Municipal Health Office? Kailangan siyang makabalik sa bayan bukas ng umaga at makapag situational report sa Health Office para sa Operation Rescue na binabalak nila Mayor, Officer Oleth at Doc Aga.

Pero ang tanong, paano?  Ni anino ni Doc Tisoy at Nurse Betong ay wala pa silang maaninag. Bakit ni walang binabanggit ni ha, ni ho ang Kapitan o mga tauhan niya?

Anong kababalaghan ito?

A/N: Pasencia biscuits na naman at inabot po ulit ng siyam-siyam ang update dahil sa tawag ng realidad ng Work-From-Home. 

By the way, hi-way, another lesson for the day. Kahit po September na, habol po tayo sa buwan ng wika. Ilang tagalog idioms ang napansin n'yo sa kabanatang ito?

Continue Reading

You'll Also Like

141K 4.8K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
11.8K 676 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
6.1K 281 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...