Clinophile

By Missykatniss

330 41 15

Clinophile - a person who love to sleep Sleep is just sleep but for a different like me its an escape "Why... More

Prologue
Chapter 1 : Returning the time
Chapter 2 : Happy Family
Chapter 3: Stuck in the castle
Chapter 5 : School life
Chapter 6: Meet the captivating eyes
Chapter 7 : A new friend
Chapter 8 ; New , Knew
Chapter 9 : Unexpected Friendship

Chapter 4 : A mothers Love

18 4 0
By Missykatniss

"Ria "

"Ria , bumangon ka na anak " Tinapik tapik pa niya ako sa likod

Kahit na tinatamad pa akong bumangon ay wala na akong naggawa at tumayo na ako baka mahampas pa ako eh .

"Ma , bakit po ? " tanong ko habang kinukusot ko ang aking mata

"Aalis tayo "

"Saan tayo pupunta ma ?? "

"Sa bayan , bibili na tayo ng mga gamit mo para sa school . Atsaka ihanda mo na mga kailangan mo dahil malapit na ang enrollment niyo "

"Pero ma ... Hindi ba wala tayong pera ?"

"Wag kang mag alala meron na akong nadelehensiya "

Nilabas niya ang pera at binilang .

Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa libo libong hawak niya

"Ma ?? Saan mo naman nakuha ang ganyan kalaking pera ?? "

"Kaya nga wala ako dito kagabi diba? Pinagtrabahuhan ko . Wag ka ng maraming tanong at maghanda ka na . "

Maraming katanungan pa ang gusto kong itanong pero hindi ko na itinanong pa

I know she's lying .

Habang naliligo ako ay iniisip ko parin kung saan ba nakuha ni mama ang pera

Di kaya ginagawa niya na naman ?

Kailangan kong alamin ang kinikilos ni mama .

Ayoko naman na gawin nya ulit yung mga bagay na ginagawa niya dati .

Pinigilan ko na ang sarili ko na mag isip ng mag isip at tinapos na ang aking pagligo .

Habang nasa bayan kami ay iniisip ko kung paano ko mahuhuli si mama . Aalis na naman kaya siya mamayang gabi? Kung aalis siya ... Maaari ko siyang sundan

"Aray ma " inda ko dahil kinurit ako ni mama

"Kanina pa kita tinatanong kung naayos mo na ba ang mga kailangan para sa enrollment "

"O-opo ma . "

"Ano bang iniisip mo diyan ha . Mukhang wala ka sa sarili e "

"Wala ma , inaalala ko lang kung ano ang mga aaralin ko "

"Pag butihin mo ang pag aaral mo ha? Ng maipakita natin sa kabila na kaya mong makapagtapos kahit na kakarampot ang binibigay na sustento sayo "

Tumango na lng ako bilang pag sang ayon .

Pagkatapos namin mabili ang lahat ng kailangan ko sa school ay pumasok kami sa Kfc .

Masaya kaming kumakain ni mama at nagkwentuhan

Dito kase kami madalas noon kumakain at paborito namin itong restaurant .

Bumalik pa nga ako para kumuha ulit ng gravy dahil sinabaw namin ito

Sino bang hindi nasasarapan doon? Sige ituro niyo at sasapakin ko . Charot lang

Nagpicture pa nga kami ni mama .

Ganito kami kaclose at kasweet .Madalas ay napapagkamalan kaming magkapatid dahil sa pinagbiyak daw ang mukha namin .

Minsan naman ay magkaaway kami na para bang aso at pusa.

Spoil na spoil tlaga ako ni mama sa lahat ng gusto ko

Hanggat kaya niya ibigay , ibibigay niya ito sa akin .

Kaya napakaswerte ko dahil may ganito akong mama

Kahit napakasuway ko minsan , mahal na mahal pa rin niya ako .

“A mother and a daughter always share a special bond, which is engraved on their hearts.” 

After namin makauwe ay inayos ko na ang mga pinamili namin while si mama ay nagpapahinga .

Natapos ko narin linisin ang buong bahay . Wala na rin naman akong gagawin kaya nagpahinga na ako sa kwarto at nagscroll sa facebook.

As i scroll down

Nakita ko ang isang picture ng alitaptap

"Ang alamat ng alitaptap"

Familiar ito sa akin . Hindi ko maalala kung bakit or para bang narinig ko na

Sa kuryusidad ay binasa ko na lang nag kwento nito .

"Ang Alamat ng Alitaptap "

Ilang libong taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng matinding tagtuyot sa mundo. Ang mga pananim ay nanuyot at nasira at pati na rin ang mga alagang hayop ay nagkasakit at namatay. Walang ulan at ang mga ilog ay natuyo na rin dahil sa init ng sikat ng araw.

Taimtim na nagdasal ang mga tao upang magkaroon ng ulan. Sumayaw-sayaw sila at nag-alay ng kung anu-anong sakripisyo ngunit walang ulang bumagsak maski ulap ay walang nabuo. Mas lalo pa ngang tumindi ang sikat ng araw.

Nawawalan na ng pag-asa ang mga taombayan nang dumating ang isang mahiwagang mag-asawa, si Bul-an at si Bitu-in. Ayon sa mag-asawa, narinig ni Bathala ang kanilang mga panalangin at ipinadala sila upang tulungan ang mga taombayan. Di nga naglaon ay dahan-dahan pumatak ang ulan at hindi ito tumigil hanggang sa napawi ang pinsalang dulot ng tagtuyot.

Naging mas masagana ang mga pananim at ang mga alagang hayop ay naging mas malulusog. Dahil dito, itinakda ng mga taombayan ang mag-asawa na kanilang mga pinuno. Pinaunlakan naman ni Bul-an at Bitu-in ang nais ng taombayan. Naging mabuti silang mga pinuno at umasenso ang nasabing bayan.

Mayroong anak ang mag-asawa, ito ay si Alitaptap. May malaking bituin na naka-ukit sa noo ni Alitaptap; ito ay nagpapatunay na siya ay di pangkaraniwang nilalang. Marami ang nagnais na makuha ang kamay ng dalaga upang mapangasawa. Maging ang kanyang ama ay pinipilit si Alitaptap na pumili na ng mapapangasawa upang sa ganoon ay magkaroon sila ng mga anak na magiging makikisig mandirigma. Ngunit matigas ang puso ng dalaga at ayaw nitong magpakasal sa kahit sino. Wala raw itong nararamdaman na kahit ano. Marahil ito ay dahil nga sa hindi tao ang dalaga.

Isang araw, isang manghuhula ang nagsabi kay Bul-an na masasakop ang kanilang bayan sa hinaharap kung hindi makakapangasawa si Alitaptap at hindi magkaka-anak ng lalaki. Ipinatawag ni Bul-an ang anak at pinagsabihang kinakailangan na nitong magpakasal sa lalong madaling panahon. Ngunit si Alitaptap ay walang nararamdamang maski anong emosyon kung kaya’t ayaw pa rin nitong magpakasal.

Nagalit ang kanyang ama ngunit maski anong gawin nitong pilit ay wala pa ring imik si Alitaptap. Napuno ang galit ni Bul-an. Kinuha niya ang kanyang tabak at hindi nakapagpigil ay hinampas niya ang kanyang anak. Tumama ang tabak sa malaking bituin sa noo ng dalaga at nabasag ito sa libu-libong piraso. Samantala, wala ng buhay ng bumagsak ang dalaga sa sahig. Ang mga munting makinang na piraso ng bituin sa noo ni Alitaptap ay unti-unting nagkaroon ng buhay; lumipad at nilisan ng mga ito ang palasyo. Ang mga ito ay ang tinatawag natin ngayon na mga Alitaptap.

Nagkatotoo ang naging hula at dahil sa walang mandirigma ang naipanganak mula kay Alitaptap ay nasakop ang kanilang bayan at natapos ang pamumuno ni Bul-an at Bitu-in.

Naalala ko na ...

Ito ang naging panaginip ko kanina

Alitaptap...
At ...
Yung lalaki .

Tama magkakasama kami ng kaibigan ko tas nakilala ko yung lalaki

"Para kang si alitaptap dahil sa ikaw ay napakaganda .."

"Ngunit matigas ang inyong mga puso , wala kayong nararamdaman . Makinang nga siya ngunit sa huli ay nawasak rin ."

Yan ang mga sinabi sa akin ng lalaking nasa panaginip ko .

Ang may kayumangging mga mata...

Matigas ba talaga ang puso ko?
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya sa akin

Haysss . Hayaan na nga , panaginip lang naman yun eh.

Pinatay ko na ang phone ko at ipinahinga ko muna ang sarili

Mukhang sa panaginip lang ako magkakaroon ng tagapagligtas

Sa panaginip lang ligtas

Sa panaginip lang masaya .

Posible bang mainlove ako sa lalaking nakita ko lang sa panaginip?

HAHAHAHA ewan ko ba pero gusto ko ulit siya makita

Meron kaya sa totoong buhay na may maliligtas saken ?

I wonder if there's someone who will stay by my side no matter what happened and no matter how hard is to be with me

Oh i forgot...
Im just lucid dreaming where my wants really happened in my dreams .

I have powers , and control everything

I wish i could do that too in this world

"Nak " katok ni mama sa pinto

Pinagbuksan ko naman siya at nagulat dahil ayos na ayos siya . Mukhang may pupuntahan na naman .

"Aalis na muna ako . Maghain ka na , pagtapos natin kumain saka ako aalis."

"Saan ka pupunta ma ? Maggagabi na ah? "

Nag iwas siya ng tingin bago pa ako sagutin

"Ahh diyan sa kaibigan ko , nag yaya kase siyang lumabas kami since matagal na kaming hindi nagkikita at nakakapagbonding "

"Anong oras ka uuwe ? "

"Hindi ko pa alam . Oh sya sige na maghain ka na ayusin ko lng dadalhin ko mamaya "

At tumaas na nga siya .

Didiretso na sana ako sa kusina para maghain ng makita ko amg cellphone ni mama sa lamesa

Dali dali ko itong binuksan at nagpunta sa message

Kabado ako dahil alam kung magagalit si mama pag nalaman niya na pinaki alaman ko ang phone niya .

Gusto ko na lang maiyak sa nakita ko .
Agad na binalik ko ito sa ayos at pinunasan ang nagbabadyang luha

Tumakbo na ako sa kusina para maghain

Bago pa makababa si mama ay nakahain na ako ng aming hapunan .

Mabilis naman na kumain si mama at nagpaalam sa akin .

"Mag iingat ka rito ha . Ilock mo ang gate at pinto . Huwag na huwag ka magpapasok ng kung sino sino diyan ha? "

"Opo "

At hinalikan niya ako sa noo

"Oh siya sige na , naghihintay na ang kaibigan ko"

Pinagmasdan ko siyang makaalis sa bahay .

Ng hindi ko na siya matanaw ay kusa na lang nagsituluan ang mga luha ko.

Hindi kaibigan ang pupuntahan niya ..

Nung binuksan ko ang phone niya , nabasa ko na may kikitain siyang lalaki .

Katawan niya kapalit ng pera .

At lahat ng iyon ay para sa akin .

Dapat pinigilan ko siya.

Pero wala akong lakas para magsalita sa kaniya

Wala akong lakas na sabihin iyon kagaya ng hindi pagsabi ng  lahat ng nararamdaman ko

Resources; https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-alitaptap/

Continue Reading

You'll Also Like

60.5K 150 16
These are stories of people giving birth -multiple stories-
101K 12.6K 52
මන් අදටත් කියනවා ඒක මහ පුදුමාකාර ඇස් දෙකක්.. උබේ ඇස්.. ඒවට පුලුවන් මාව සම්පූර්ණෙන්ම පාලනෙ කරන්න.ඒත් ගොඩක් කල් ගන්න එපා ආරු.. උබ මගේ අහසෙ හදක් වෙලා පා...
13.3K 389 9
When the Marauder era got a letter from golden era saying that there is second wizarding war, and they are going to watch the life of two Potter in o...
324K 8.5K 87
What do you do when you find out your Aunt is your father's mistress? Your lovely sweet cousin is actually your half sister? Cheng Bi Yu thought she...