The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 41

135K 4K 1.1K
By Maria_CarCat

Stranger












Bumagsak ang mga mata ko sa sahig kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Sobrang sikip ng dibdib ko habang naririnig ang iyak ng anak ko dahil ayaw niya sa akin. Umiiyak siya na parang nagmamakaawa kay Kenzo na wag ako. Na sana hindi na lang ako ang Mommy niya.

"Kianna. Mommy Sera is your real mom" may diing sabi ni Kenzo sa kanya. Nanatili siyang nakakandong sa daddy niya. Ang isang kamay ay nakasabit sa leeg nito para hindi siya mahulog. Ang isa naman ay patuloy na nagpupunas sa kanyang sariling luha.

Mas lalo akong nasaktan ng makita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang kanyang marahas na pag iling. Ayaw niya talaga sa akin. "Please...Dad.dy" pumiyok pang sabi niya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Hindi lang ako nasasaktan para sa sarili ko, nasasaktan din ako para sa anak ko. Nagkaganyan siya dahil nagkalayo kami.

"No. Hindi na pupunta dito ang tita mandee mo" matigas na sabi ni Kenzo sa kanya. Bahagya ko silang sinulyapan. Nakita ko ang sobrang kalungkutan sa mata ng aking anak dahil sa nalaman.

"Tita Mandee, promise me. She'll visit me when she go home from states" umiiyak na kwento niya. Napatikhim lang si Kenzo at mariing umiling sa anak. Mas lalong humaba ang nguso ni Kianna. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin, kita ko ang pagdisgusto niya sa akin at mabilis din namang nagiwas ng tingin.

Bayolente akong napalunok. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kaya kong sundan ka nuon kahit saan, nung nalaman kong namatay ka, walang pagdadalawang isip akong sumubok na magpakamatay para lang makasama ka. Nagiwas ako ng tingin sa kanya, gustong gusto ko siyang pagmasdan, ngunit hindi ko kaya ngayon dahil nakikita kong nasasaktan siya dahil sa akin.

"We are already complete. Andito na si Mommy, umuwi siya galing sa work from guam. Di ba I told you..." paliwanag ni Kenzo. Napaawang ang bibig ko at napatingin sa kanya.

Nagtaas lang siya ng kilay sa akin na para bang sinasabi niyang he got this. So ibig sabihin, sinabi niya sa anak namin na nagtrabaho lang ako sa ibang bansa kaya ako wala? Pero bakit ayaw niya sa akin?

Humikbi si Kianna kahit medyo huminahon na. "Liar" sambit niya na ikinagulat naming dalawa.

"What did you just say?" madiin at galit na tanong ni Kenzo sa anak. Halos dumikit ang baba ni Kianna sa kanyang leeg dahil sa pagkakayuko. Hindi niya magawang mag angat ng tingin sa ama.

Hinawakan mo ang braso ni Kenzo. Hindi niya kailangang pilitin ang anak namin. Naiintindihan ko, hindi magiging madali ito. Nabibigla din siya, hindi ito parang isang magic na sa isang pitik ay tatanggapin niya ang lahat.

"Hayaan mo na muna..." marahang sabi ko. Pumungay ang kanyang mga mata. Nagangat din ng tingin sa akin si Kianna, ngumuso lang siya at nagiwas ulit. Ni ayaw nga niya akong tiningnan ng matagal.

Matapos ang paguusap na iyon ay mas lalong umiwas si Kianna sa akin. Nagkulong siya sa kwarto niya kasama anv kanyang Yaya. Kung minsan naman ay nasa play room siya, wala na lamang akong nagawa kundi ang panuorin siya sa malayo.

"Pinakuha ko na ang mga gamit natin sa Condo" biglang singit ni Kenzo mula sa aking likuran. Tahimik akong nakatayo at nakalihig sa hamba ng pintuan ng kanyang playroom habang busy siya sa mga libro niya.

"Ok" tipid na sabi ko lang at muling ibinalik ang tingin sa anak namin. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa aking bewang. Niyakap niya ako mula sa likuran.

"Paano sila naging close ni Mandee?" marahang tanong ko. Napahinto siya sa paghalik sa aking ulo.

Gusto kong magalit kay Mandee, dahil mas mahal siya ng anak ko kesa sa akin. Gusto ko ding magalit kay Kenzo dahil hinayaan niyang maging close ang anak namin dito. Pero pakiramdam ko wala akong karapatan. Naiintindihan ko, sa loob ng maraming taon. Inakala ni Kenzo na ayoko sa kanila. Kaya naman normal lang na subukan niyang mag move on, mahal na mahal niya ang anak namin kaya naman gusto niyang lumaki ito na may kinikilalang ina. Mahirap nga naman iyon.

"Hindi ko sinabi sa kanya. Aksidente niya lang nalaman" sagot niya sa akin. Napanguso ako, maybe Mandee really want to pursue Kenzo. Iyon nga ang nakita ko nuon bago ako umalis after taking the board exam. Naghalikan sila hanggang sa pumasok sila sa condo ni Kenzo. Hindi ako naniniwala na walang nangyari.

"You want her to be, Kianna's Mom?" mapait na tanong ko. Ayoko sanang magtunog ganuon pero kusa iyong lumabas sa aking bibig.

Napasinghap si Kenzo sa aking likuran. Kinalas niya ang yakap niya sa akin at iniharap ako sa kanya, titig na titig siya sa aking mga mata, halos tumagos iyon sa aking ikaibuturan.

"Not exactly her, Sera. I tried to date girls, because I want to give Kianna a complete family. Kasi akala ko kinalimutan mo na kami" paliwanag niya, ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Ang isiping pareho ko silang itinapon dahil ayoko sa kanila ay talaga naming masakit. Kung ako din ang nasa sitwasyon ni Kenzo nuon, hindi ako aasa sa kanya. Magmomove on ako para sa sarili ko at para sa anak namin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi para iwasang magsalita. Marahan na lamang akong tumango. Kung pagaawayan lang namin ang lahat ng ito, walang mangyayari sa amin. Hindi ito ang panahon ng sumbatan. Nasaktan at nahirap ako, ganuon din si Kenzo. Biktima lang kami ng kasinungalingan ng itinuring kong pamilya. Pinaglaruan nila kami, hindi ko ito palalagpasin.

Hinaplos niya ang pisngi ko kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanya. "Hindi ko kayo kinalimutan. Kahit inakala kong patay ang anak natin..." marahang sabi ko. Mariing napapikit si Kenzo hanggang sa napasinghap siya.

"I'm so sorry. If I tried to forget you..." paos na sabi niya. Kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Halos pumungay iyon para lang paniwalain niya ako.

"You need to. Hindi mo din naman alam ang totoo...normal lang na iyon ang gawin mo dahil galit ka sa akin" sabi ko. Halos manginig ang boses ko dahil sa nararamdamang sakit.


Bayolente akong napalunok ng hawakan niya ang pagkabilang braso ko. Marahan ang pagkakahawak niya duon na para bang ayaw niyang masaktan ko.


"But I failed. Ikaw pa din Sera, walang nakapantay..." paninigurado niya sa akin. Uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako nakapagsalita kaya naman muli niyang hinila ang katawan ko palapit sa kanya.


"Babawi ako. Lahat ng taong nawala, babawiin natin" paninigurado niya sa akin. Uminit ang dulo ng aking mga mata, wala na akong nagawa kundi ang suklian ang yakap ni Kenzo sa akin.


I've been longing for this, for how many years. Yung pakiramdam na may nagmamahal at nagproprotekta sayo. Ramdam na ramdam ko iyon sa yakap niya sa akin. Pakiramdam ko, ayos na. Nuon pa man, nung nagaaral pa lang kami. Ganito ba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya.


Kusang tumulo ang luha ko. Akala ko hindi ko na ulit mararanasan ito.


Kumalas ako ng yakap sa kanya ng mapansin ko ang paglabas ni Yaya Annie mula sa play room ni Kianna. Medyo nagulat din siya ng datnan niya kaming nasa ganuong posisyon. Mabilis kong pinunsan ang aking mga luha.


"Gagawan ko lang ng mirienda" sabi niya sa amin. Napaawang ang bibig ko, gusto ko din, gusto kong ako ang gagawa ng mirienda niya.


"Sasama po ako" magalang na pagprepresinta ko. Mas matanda siya sa amin.


Naramdaman ko ang hawak ni Kenzo sa aking siko. Tipid na ngumiti si Yaya Annie sa akin. "Halika, tuturuan kita" marahang sabi niya sa akin kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Buong akala ko ay ayaw din niya sa akin.


Nagpaalam ako kay Kenzo. Pumasok siya sa play room para puntahan si Kianna samantalang ako naman ay sumama kay Yaya Annie papunta sa may kitchen.


"Matagal na po kayo dito?" tanong ko.


Naisip kong kung gusto ko talagang mapalapit kay Kianna ay kailangan mo munang alamin ang lahat tungkol sa kanya. Mageeffort talaga ako para magustuhan ako ng anak ko. Gagawin ko ang lahat.


Tumango siya. Nasa may kitchen na kami at kaagad niyang hinanda ang mga kailagan. "Ilang buwan pa lang si Kianna ng kuhanin ako ni Kenzo. Sa condo niya kami nuon, habang nagaaral siya..." kwento niya sa akin. Napatango ako, hindi rin siguro madali kay Kenzo iyon.


Binuksan niya ang double door na ref at nakita ko kaagad na puno iyon ng mga pagkain, karton ng fresh milk at kung ano ano pang inumin para sa anak namin. Inispoiled nga ni Kenzo, hindi ko naman siya masisisi, kung sa akin lumaki si Kianna. Magtratrabaho ako ng mabuti para  ibigay din ang lahat para sa kanya.


"May asthma siya, kaya masyadong protective si Kenzo. Bigay din lahat ng luho..." kwento niya sa akin at medyo natawa pa.


Nginitian ko siya. Kitang kita naman. Tumutok ako sa pagkaing inuhahanda niya. Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. "Halika, ituro ko sayo kung paano" yaya niya sa akin kaya naman kaagad akong lumapit sa kanya. Ramdam kong gusto niya din talaga akong tulungan para mapalapit sa anak ko.

Grilled cheese sandwich ang paboritong mirienda ni Kianna. Ayaw niya din ng ibang flavor ng juice bukod sa orange. Marami akong nalaman dahil kay Yaya annie. Napapangiti naman siya sa tuwing nakikita niyang nakatutok talaga ako sa kanya at nakikinig ng mabuti.


"Mabait ang batang iyan. Medyo masungit nga lang sa hindi kilala" kwento niya sa akin. Napangisi ako.


"Ganyan din po ako nung bata" kwento ko. Tumango tango siya.


"Nung nakita kita kagabi, hindi na ako nagdalawang isip, kamukha mo siya"


Napanguso ako. "Hindi naman po ba siya nagmumura?" nakangiwing tanong ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni Yaya Annie. Napakagat labi ako para pigilan ang pagngiti.


"Hindi. Hindi naman..." sagot niya sa akin.


Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking dibdib. "Hay, salamat naman" sabi ko.


Nanlaki ang kanyang mga mata. "Ikaw ba'y Oo?" nakangising tanong niya sa akin.


Ipinakita ko sa kanya ang daliri ko. "Konti lang po" pagamin ko kaya naman napatawa siya.


Magaan ang loob ko kay Yaya Annie. Para siyang nanay nanayan kina Kenzo at Kianna, ngayon nararamdaman ko na. Ganuon din ang tingin ko sa kanya.


Tumulong akong nilagay ang ginawa naming sandwich. Tatlo ang ginawa namin, sabi ni Yaya Annie mas magandang sabay sabay kaming tatlo na magmirienda duon sa play room para mas lalong masanay si Kianna sa akin.


"Naninibago lang iyan. Matatanggap din niya" marahang sabi niya sa akin. Halos maantig ang puso ko dahil sa suportang ipinapakita niya sa akin.


"Hindi ko din naman gusto si Mandee na iyon. Naku! Halata namang si Doc ang habol niya. Bonus na lang siguro na naging close sila ni Kianna. Pero ayoko sa kanya, wala akong nakikitang mother figure sa kanya..." reklamo niya sa akin kaya naman napangisi ako.


Dadagdagan ko ang sahod netong si Yaya Annie. Gustong gusto ko talaga siya.


Umakyat kaming dalawa sa may playroom. Ako ang may hawak ng tray na may lamang sandwich, ang sa kanya naman ay ang tatlong baso ng orange juice. Pagkapasok duon ay nakita kong naka upo si Kenzo sa may sahig katabi ng anak namin. Mariin itong nakikinig sa kwento ng anak namin, mula sa hawal niyang story book. Hindi ko maiwasang mapangiti, kita ko ngayon pa lang kung paano naming mabuting ama si Kenzo sa anak namin.



"Mommy's here" biglang singit ni Kenzo ng makita niya ang pagdating namin. Ginawa niya iyon habang nagkwekwento ang anak namin kaya naman kaagad siyang napanguso ng biglang mawala sa kanya ang atensyon sa kanya ng ama.



Malungkot niyang itinabi ang story book na binabasa nila. Tumayo pa si Kenzo para kuhanin ang tray sa aking kamay. Kaagad kong inabot iyon sa kanya at tsaka ako dumiretso sa tabi ni Kianna.



Para akong sinaksak ng matalim na punyal ng umusog siya palayo sa akin. Gusto kong maiyak, simpleng galae lamang iyon pero ang laki ng epekto sa akin bilang ina niya. Imbes na pakitaan siya ng kalungkutan ay tipid ko pa din siyang nginitian. Hindi ko siya susukuan. Mahal na mahal ko siya kaya naman kahita kailangan kong tiisin ang lahat ng ito ay gagawin ko.



"Wow" excited na sabi ni Kenzo ng ilapag niya ang pinggan sa harapan ni Kianna. Siya na din ang naglapag ng sa akin. Ramdam kong pilit niya ding pinapagaan ang tagpo sa pagitan naming tatlo.



"Salamat po" sabi ko kay Yaya Annie ng iabot niya sa akin ang baso ng juice para kay Kianna. Ako mismo ang naglagay nuon sa harapan niya. Matagal ko ng gustong gawin ito, ang asikasuhin at alagaan siya.



Napangiti ako ng makita kong tumikim siya ng sandwich. Kaagad siyang ngumiti kay Yaya Annie. "Thank you po, Yaya Annie" malambing na sabi niya.



"Hindi ako ang gumawa niyan. Ang Mommy mo" sabi sa kanya nito. Matamis ko siyang nginitian ng sumulyap siya sa akin. Hanggang sa unti unting napawi ang ngiti sa labi niya. Bumagsak ang magkabilang balikat.



Nalaglag ang panga ko ng inusod niya palayo sa kanya ang plato. "Yaya. Do we still have the cookies you baked last day?" matamis na tanong niya ulit dito, parang naglalambing.



"Why, Kianna? This is your favorite right?" nagtatakang tanong ni Kenzo sa anak.



Napanguso siya. "I want cookies too" mahinang sabi niya sa akin.



"Hay naku, ito na lang. Ginawa ito ng Mommy ko para sayo" suway sa kanya ni Yaya Annie.



Gusto ko sanang magsalita. Na ok lang kung yung cookies na lang ang gusto niya. Pero wala akong lakas, baka mamaya ay mas lalo lang siyang magalit sa akin.



"Stop it, Kianna. Eat this, si Mommy ang gumawa niyan" suway ni Kenzo sa anak. Napakagat labi ako, ayoko sanang pagalitan niya ito. Baka mamaya ay pati sa kanya magalit ang anak namin.



Bigo siyang tumango. Nagpaalam na din sa amin si Yaya Annie, kaya naman kaming tatlo na lamang ang naiwan duon. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa kanya, tamad na tamad siyang kumain. Parang walang gana.



"Uhm...ayaw mo ba niyan?" malambing na tanong ko sa kanya. Sandali niya lang akong sinulyapan at umiling.



Bayolente akong napalunok. Kanina lang ay tuwang tuwa siya ng matikman ito. Nagbago lang bigla ang mood niya ng malaman niyang ako ang gumawa nuon at hindi si Yaya Annie. Hinawakan ko ang buhok niya, marahan ko iyong sinuklay.



"Kung si Daddy lang ang kasama mo...kakain ka na ba?" malungkot na tanong ko sa kanya. Pigip na pigil ang aking pagpiyok.



"Sera" tawag ni Kenzo sa akin. Hindi ko siya pinansin.



Hindi sumagot si Kianna. Mabilis ko siyang hinalikan sa ulo. "Ubusin mo iyan ha..." malambing na sabi ko sa kanya. Bago ako tumayo dala dala ang pinggan ko. Sinubukan pa akong pigilan ni Kenzo pero halos takbuhin ko na ang daan palabas ng play room.

Wala ako sa sarili pababa ng hagdan habang panay ang tulo ng luha sa aking mga mata. Ang bigat bigat ng dibdib ko, ng makarating ako sa tahimik na kitchen ay duon lamang bumuhos lahat ng luha ko. Sobrang sakit, kahit anong pilit kong maging matatag, hindi ko maiwasang hindi masaktan.



Malamig pa din ang pakikitungo ni Kianna sa akin ng mga sumunod na araw. Pero mas naging matatag na ako, hindi ko na hinahayaan ang sarili ko na bigla bigla na lang maiiyak. Kung kaya kong itago ang sakit, itatago ko. Magiging worth it din ang lahat ng ito sa oras na mahalin na din ako ng anak ko.



"Bullshit!" sigaw ni Augustine ng ibalita ko sa kanya ang lahat. Matapos ang ilang araw na pagkawala ko sa companya ay pumasok na ako.



Halos mahilo ako sa kanya. Marahas siyang nagpabalik balik ng lakad sa aking harapan. "Ang sama talaga ng Daddy mo!" nanggigigil na sabi niya. Parang biglang lumabas ang pagkalalaki niya.



"Pagbabayaran nila to" madiin at walang kaemoemosyong sabi ko. Gigil na gigil akong tumitig sa kung saan.



"Dapat lang! Pitong taon ang nawala sa iyo ng anak mo. Tapos ngayon, ganyan ka niya itrato. Fuck shit talaga nila!" galit na singhal niya.



Napatigil siya sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko. Ilang missed calls na ang  nagawa ni Daddy sa akin, maging si Ate ay meron din. Wala akong sinagot ni isa sa mga tawag nila.



"Anong balak mo?" tanong ni Augustine sa akin ng makita niya ang pangalan ni Daddy sa screen ng cellphone ko.



Mabilis kong idinecline ang tawag. "Umuwi sila dito at makikita nila. Hindi ako makakaganti kung nasa Guam sila" seryosong sabi ko kaya naman tumango siya.



Nakapamewang na siya ngayon sa aking harapan. "Tulong ako sa pagsabunot kay Stella" biglaang sabi niya.



"Tangina ka!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng ballpen. Hindi ko napigilang mapatawa, siraulo. Seryoso kami dito tapos bigla siyang maggaganyan.



Sinusundo ako ni Kenzo tuwing hapon para magkasabay na kaming umuwi. Kaagad siyang humalik sa akin pagkapasok ko sa kanyang sasakyan.



"Anong pwede nating ipasalubong kay Kianna? Ano sa tingin mo?" excited na tanong ko sa kanya.



Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Baby, don't pressure your self too much. We will win this..." malambing na sabi niya sa akin.



Marahan akong umiling. "I want to do this" paninigurado ko sa kanya.



Tahimik kami habang nasa byahe. Hindi ko pa din alam kung ano ang pwede kong iuwi para sa kanya. Ang dami daming pumapasok sa isip ko, hindi ko tuloy alam kung ano pipiliin ko.



"Hindi ako papasok ng tatlong araw. Kinuha ko na lahat ng trabaho ko at sa bahay na lang gagawin. Bukas, sasama akong maghatid sa kanya sa school" kwento ko kay Kenzo. Tumango siya sa akin.



"Siguro, you need time together, yung hindi ako kasama para naman masanay din siya sayo" sabi niya kaya naman napatango ako.



"Tama" pagsangayon ko. Napanguso siya.



"But gusto ko ding sumama" pagiinarte niya. Napairap ako, tangina. Siya tong nag suggest tapos magiinarte.



"May trabaho ka di ba?" sabi ko sa kanya kaya naman malungkot siyang tumango.



Napabuntong hininga ako. Gusto ko din namang kasama siya, para naman maranasan na ni Kianna na buo kami. Gusto ko din iyon, matagal ko ng pangarap iyon. Ang magkaroon ako ng totoong pamilya.



"Uhm. Pagkasundo ko sa kanya sa school, maglulunch kami kasama si Augustine tapos pupunta kami sayo sa hapon" pagplaplano ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin.



"Duon kayo sa akin mag lunch" seryosong sabi niya kaya naman sinimangutan ko siya.



"Sayo naman kami sa hapon ah!" laban mo. Kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya.



"Ok. Akin ka din naman sa gabi" nakangising sabi niya sa akin. Kaagad no siyang hinampas sa braso.



"Gago!" asik ko sa kanya.



Maagang umalis si Kenzo kinaumagahan dahil sa mga appointments niya sa hospital. Maaga din akong gumising para ipaghanda si Kianna ng almusal. Hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan ako ni Yaya Annie.



"Hi. Good morning" malambing na bati ko kay Kianna. Gising na siya pagpunta ko sa kwarto niya.



Lumapit ako sa kanya para halikan siya. Napangiti ako ng hinayaan niya ako. "Let's take a bath na? Exam mo ngayon so half day ka lang?" tanong ko sa kanya. Napakusot siya ng kanyang mga mata habang tumatango sa akin. Mukhang wala pa siya sa mood na sungitan ako at hindi pansinin.



Ako ang nagpaligo sa kanya. Ako din ang nagbihis at nagayos ng buhok niya. Hindi nawala ang ngiti sa aking labi habang ginagawa kong lahat iyon.



"Wow. I like this..." namamanghang sabi niya ng makita ang ayos ng kanyang buhok sa may salamin.



"I'll do your hair, everyday..." paninigurado ko sa kanya. Nawala ang ngiti sa kanyang labi.



"I don't think so. You'll leave again" matabang na sabi niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto, naiwan akong tulala duon.



Matapos kong magayos ay bumaba na din ako. Naabutan ko siyang magiliw na nakikipagusap kag Yaya Annie. Panay ang kwento niya dito.



"Oh, pinahanda ko na ang sasakyan. Ikaw na lang ang magsabi sa driver kung saan pa kayo pupunta" sabi ni Yaya Annie sa akin kaya naman tumango ako sa kanya.


Mabilis na nanahimik si Kianna dahil sa aking pagdating. Hinayaan ko na lang muna siya para makakain siya ng maayos. Matapos niyang makapagbreakfast ay ako na mismo ang nagbuhat ng bag niya, 11 ang tapos ng exam nila ngayon kaya naman hihintayin ko na lamang siya.



"Yaya Annie. Hindi ikaw?" malungkot na tanong niya dito. Sinimangutan siya ng kanyang Yaya.



"Kianna. Sumbong kita sa daddy mo" pagbabanta niya dito kaya naman natahimik siya.



Paglabas namin sa front door ay kaagad sumalubong sa amin ang kulay puting chevrolet suburban. Halos mapamura ako sa isip ko, ginagamit lang nila itong panghatid sundo kay Kianna, may sarili pang driver. Spoiled na spoiled ang anak namin, Damn Kenzo.



Binati kami ng driver. Tahimik kaming dalawa sa backseat, nanatili ang tingin niya sa may bintana. Ilang beses kong sinubukang kausapin siya pero natatakot akong baka ma-bad mood siya, may exam pa naman. Mamaya na lang.



Pagkahinto ng sasakyan ay mabilis din siyang bumaba. Hahalik pa sana ako pero hindi na nangyari dahil mabilis siyang tumakbo papasok. Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na umupo sa waiting area, kasama ang ilang Magulang at ilang yaya. Halos silang lahat yata ay magkakakilala na.



Hindi ako nakaramdam ng pagkainip dahil ang anak ko ang hinihintay ko. Naglabasan ang mga estudyante pagsapit ng alas onse. Napatayo ako ng makita ko si Kianna. Ngiting ngiti habang kausap ang ilang kaklase. Nakita na niya na ako, pero imbes na sa akin dumiretso ay sa sasakyan siya nagtungo.



"Kianna" tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Tahimik akong sumakay sa backseat. Sobrang layo ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Sinabi ko sa driver kung saan kami susunod na pupunta. Mukhang hindi naman niya iyon napansin dahil tahimik pa din siyang nakatingin sa may salamin.



"Baby, let's go. Maglunch muna tayo with Mommy's friend. Then, pupuntahan natin si Daddy sa hospital" sabi ko sa kanya. Natuwa siya para duon sa huli kong sinabi. Hinayaan ko na lamang.



Halos lumuwa ang mga mata ni Augustine habang nakatingin sa pagdating namin. "Tangeners, ang sosyal ng anak mo ha" maarteng bulong niya sa akin ng makipagbeso ako. Nginitian ko lamang siya, nanatili ang tingin ni Gust kay Kianna. Alam ko na ang nasa isip niya.



"Little Sera..." nakangising sabi niya at hinalikan si Kianna sa ulo at niyakap.



Tiningnan ako ni Kianna na nakakunot ang noo. Mukhang nagtataka. "Umorder na tayo. My treat!" sabi ni Augustine, hindi pa din nawawala ang tingin sa anak ko. Napapangisi na lamang ako dahil sa pagkamangha niya.



Habang pumipili ako ng pagkain namin ni Kianna sa menu ay kinuhit niya ako. "I want to go to Daddy. I don't want to be here..." parang maiiyak na sabi niya sa akin. Nagtaas ng kilay si Gust habang nasa menu pa din ang tingin.



"Baby, after lunch. Ok?" malambing na sabi ko. Nagumpisang mamula ang kanyang mga mata.



"But, I don't eat lunch with strangers" sabi niya ba ikinagulat ko. Naibaba ni Gust ang hawak na menu.



"What stranger are you talking about? Baby girl. You are with your mom...and your tita...tito, i mean" medyo nagkamali pang sabi niya. Inirapan ko siya at muling ibinalik ang atensyon sa anak kong lumuluha na.



"Baby..." tawag ko sa kanya.



Nagangat siya ng tingin sa akin. "I don't like you" diretsahan niyang sabi sa akin kaya naman nabato ako. Narinig ko ang mahinang pagmura ni Gust.



"Gusto mong mawala ang mommy mo? Gusto mo?" galit na tanong ni Gust dito. Gusto ko siyang pigilan pero nawalan ako ng boses. Iniinda pa din ang sakit ng sinabi niya sa akin.



"Alam mo bang halos mamatay yang Mommy mo dahil nawala ka?" masungit na sabi pa niya.



Mas lalong naiyak si Kianna. "Susumbong ko kayo kay Daddy!" umiiyak na sigaw niya sa amin.



Napahalukipkip si Ausgutine. Siraulo din ang isang ito, pinapatulan ang bata.



"Go tell your Daddy. Tingnan natin kung di yun mabaliw pag nalaman niyang ilang beses nagtangkang magpakamatay yang Mommy mo para makasama ka" mahinang sabi niya at hindi intensyong iparinig kay Kianna.





























(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
170K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
714K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...