THE WEDDING DRESS

By tornbetweennolovers

16.3K 996 232

When Abba learned that Heins, the man she dreamed of marrying, is in fact getting married (but not to her) sh... More

PROLOGUE Today, it all ends. . .
Main Cast
1. The worst news ever. . .
2. Crazy heart, why are you like this?
3. It started with a bang!
4. I just fell in love. . .
5. Abara Kadabra! Heinz Ketchup
6. My Guardian Angel
7. Friends
8. 7,701 reasons to hate him, but I won't.
9. Free Chance & Perseverance
10. All I want for Christmas..
11. All I want for Christmas.. Part 2
12. The Wedding Dress
13. Of New Year's Resolutions and Jeffy
14. Abba goes berserk
15. Split Personality
17. Promenade
18. Promenade Part 2. I want you to know
19. Promenade Part 3. The Confession
20. Promenade Part 4. It ends here
21.
22.
23.
24.
25.

16. Awkward

415 25 9
By tornbetweennolovers

Kung hindi pa ako naiyak hindi pa nya ako papapasukin sa bahay nila. Napakabuti talaga nyang kaibigan.

Deserted ang bahay nila siguro mga natutulog ang mga kasama nya kasi katanghalian naman. Which reminds me, that I haven't eaten lunch yet. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

Paglabas ko ng comfort room, saktong pagharap ni Heins may hawak na juice.

"Have some juice." Pinatong nya sa table yung juice, agad ko namang kinuha at inimum. Isang inuman lang naubos ko.

"Easy.." Sabi pa nya saka umupo at ininum ang juice nya.

Nagkakamot parin ako. Lalo syang kumati andame ko na ngang pantal.

"Why don't you take a bath?" Nakatingin sya sa mga pantal ko sa kamay at braso, hagas na hagas na parang nandidiri.

"I don't have clothes."

"Then wear it again." He says casually.

"Kadiri ka.." Umupo narin ako at nagpalinga linga sa paligid. Nice house.. I want to live here.. Ambisyosa! "Uhm.. where is everyone?" Kanina pa ako curious e.

"Somewhere.." Ang tipid ng sagot nya mukhang ayaw nyang mag elaborate.

"You don't have a maid?" Of course I know they have a maid, naging reference pa nga ni Mario e nung nagimbestiga sya. I think I just want to confirm that he's alone.

"It's her day off." He sips on his juice while looking thoughtfully at me. "You know.. seriously.. you have to take a bath. Don't scratch it might get worse!"

"Wala nga akong damet!" Naisip ko ng magpasundo at umuwe na kasi nakakahiya naman kung magko-commute ako e kamot ako ng kamot.

"Wait here." Bigla syang tumayo at umalis.

"Uy-" Hindi na nya ako pinansin. Looking around at their kitchen I can tell that this family loves to eat.. Um, food.. Tom Jones na'ko..

Maya-maya bumaba si Heins, may dalang damet. "It's my sister's." Inabot nya sakin. Pyjama? " Oh that's the biggest I saw that'll fit to you." Napapakamot sya sa ulo nya, tinitigan ko lang kasi yung damet. Pantulog? "Wear it while you're drying your clothes. There's a dryer outside feel free to use." Yon lang at tumalikod na ulet sya.

So I have to stay here.. Bakit kung kelan decided na akong mag move on saka sya umeeksena.. Noong December 24.. ngayon.. paano ako makaka move on nito?? Tell me? How?

* * *

Ginamet ko yung nakita kong germicidal soap yung may sulfur, medyo nawala naman yung itchiness. Nagbihis na ako ng bigay nyang damet, napaka thoughtful naman nya kasi kompleto.. with undies. Nakaramdam ako ng hiya considering na sya ang pumili nito. Inamoy ko muna, medyo nagalangan akong isuot kasi bago, hindi kasi ako nagsusuot ng ganun kasi feeling ko may chemicals pa kaso wala naman akong choice.

Siguro malaking tao din yung kapatid nya kasi ang natatandaan ko 9 years old palang yung pinaka matanda. Sinuot ko na yung pyjama kasya naman sya medyo kapos lang ng konti.

Napatingin ako sa dibdib ko.. Nangiinsulto ba sya?!

Bigyan ba naman ako ng baby bra? Pero sabagay mas nakakainsulto siguro kong yung sa Nanay nya ang ipinahiram nya.

Pagkatapos kong magbihis, dinryer ko ang suot ko na nilabhan ko kanina habang naliligo ako pagkatapos pumunta na ako sa salas hinahanap si Heins.

Nasan na yon?

Tinawag ko sya. "Heins!" Walang sumagot. Nilaksan ko pa ang sigaw. "Heins!!" Wala parin.

"Honey.." Bulong ko, nagpapractice lang. Playing wifey. Bigla kong naimagine na happy couple kami. Just got married. Tapos eto yung bahay namin.. Ansaya siguro nun...

"Heins!!!" Wala pa ring Heins na sumasagot. Umupo nalang muna ako sa sofa nakahawak sa tyan. "Hays.. gutom na talaga ako.. " Tumingala ako sa second floor.. Nasa kwarto siguro.. nakalimutan na ba nyang may bisita sya?

Kumukulo na ang tyan ko sa gutom. Ang kapal ko naman kung mamumuklat nalang ako ng pagkain kaya inakyat ko nalang sya sa kwarto nya.

"Heins!" Mapapatid na ang litid ko kasisigaw, nakaakyat na ako ng hagdanan at nasa second floor na, iniisip kung saan ang kwarto ni Heins.

**tok tok**

Kumatok ako sa unang pinto na nadaanan ko. "Heins!" Negative.

Napansin ko yung isang room just accross, medyo nakaawang.

**tok tok**

Kumatok parin ako kahit bukas baka kasi naka-bold sya eh sabihin pa nya minamanyak ko sya. "Heins!!" Anlakas na ng sigaw ko pag hindi pa naman nya narinig. "Heins!!!"

"What?" He answers.

"Papaalala ko lang may bisita ka!" Sigaw ko sa may pintuan.

"Who?" Grabe hindi pala ako bisita?!

Biglang bumukas ang pinto, nawala ang gutom ko. Nabusog ang aking mga mata. Naka topless ang kurimaw. Fresh from the shower.

"Sino?" Sumilip pa sya sa may salas sa ibaba lalo tuloy lumapit sa mukha ko yung dibdib nya. Hindi nya alintana na nakahubad sya at may babaeng nasa harapan nya. Manhid talaga. Hindi na nga ako humihinga. Hindi ko maalis yung mga mata ko parang namagnet sa abs nya.

"Sino?" Biglang harap sya sa akin, hindi ko alam kung napansin nyang pinagpi-fiestahan ko ang abs nya.

"Ah.." Pilit kong iniiwas ang mga mata ko. "Ako. Hindi ba ako bisita?!"

"I thought someone came." Wala sa sarili nyang sagot. There's disappointment in his voice. Pumasok na ulet sya sa kwarto nya, naiwang bukas ang pinto.

"Are you expecting someone?" Baka may mga dumadalaw sa kanya dito ah.

"No." Humarap sya sa salamin at nagsuklay.

"Magbihis ka nga!" Pasimple akong sumulyap sa dibdib nya. "Bina bandera mo pa sa'kin yang abs mo!" Pumasok na ako sa kwarto nya, naningin, nangutingting.

"If I know.. you're enjoying yourself." I saw him smiles from the mirror, teasing me, pinandilatan ko lang sya ng mga mata.

Mahilig pala sya sa Avengers kasi andame nyang naka display na laruan nito, mga nakabox pa. Kompleto may Hulk, Thor, Captain America, Ironman pati si Hawkeye.. hindi lang isa bawat characters. Collections nya?

Kinuha ko yung isa, si Ironman, tiningnan ko lang.. baka kasi pag tiningnan ko sa malapitan mabigyan ng justification. I mean, anong mapapala nya sa pangongolekta nito? Mukhang mamahalin pa naman.

"Don't touch that!!" Kinuha nya yung hawak ko at ibinalik sa dati ingat na ingat pa sya na para bang nadamage sa paghawak ko.

"Ang OA ha!" Napatingin na naman ako. "Ano ba magbihis kana nga!!" Sabay tumalikod ako sa kanya. Hindi ko na kaya!

Pinagtawanan lang nya ako. "Haven't seen a model-like body?" Tawa parin sya ng tawa.

"Yaak!" Sabay kagat labi. I can't contain this.. kakirihan! Bad influence sya nako-contaminate ang brain ko!

"Yuck your face! A lot of girls have fallen for this!" Pumunta sya sa harapan ko. Itinaas ang mga braso. Macho pose.

Agad akong tumalikod sa kanya. "Ano ba get dress!!!" Hindi ba sya nakakahalata?

"I am.. Here is my closet. Move." Tinulak nya ako.

"Aray ko ha!" Muntik na akong mapasubsob sa bed nya kasi nga wala na akong energy.

Napaupo ako sa gilid ng kama nya. Nakaramdam na naman ng gutom, naka T-shirt na kasi sya e.

Napansin ko yung picture frame na nasa ibabaw ng side drawer nya sa gilid ng bed. Dinampot ko. "Batang lalaki at babae.. si Heins .. at yung batang babae... hindi ako nagdalawang isip na si Mika ito. Medyo hawig nga kami lamang lang sya ng limang paligo. Tatlo lang pala.

"We were 8 years old at that time. She's a beauty right?" Umupo sya sa tabi ko.

Napangiti ako. "Syempre magkamukha kami e!"

"You're the ugly version."

Ibinalik ko yung picture frame saka sya hinarap. "Punong puno na'ko sa'yo ha!!" Itinulak ko sya, naghahamon ng away. Hindi naman sya natinag.

"Tanggapin mo na kasi! Hahaha." Ginantihan nya ako, napalakas yata yung tulak nya. Dahil nga gutom ako. Lantutay. Sumubsob ako sa sahig.

Tumayo sya para tulungan ako pero gumana ang pagiging taekwondo player ko. Nang makakita ako ng chance sinipa ko sya sa tiyan pero dun yata sa *totot* naglanding. Imbis na sa bed sya bumagsak e sa katawan ko kasi natisod pa sya sa paa ko. Subsob ang mukha nya sa dibdib ko.

Realization hits me. Hard.

"AAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Tinulak ko sya. Nakahawak pa sya sa *totot* nya, namimilipit sa sakit.

Agad akong tumayo. Napatakip ng mga braso sa dibdib. Feeling ko binaboy ang aking pagkababae.. Nawala ang aking dangal! "Hindi.. hindi.." Umiiling iling pa ako habang lumalakad paurong. Napasandal ako sa wall. Sinamantala ang pagkakataon, nag-walling scene. "Uh.. haaahhh!! Haaahhhh!!!!" Naiiyak ako habang napapaupo. Relate na relate sa mga bida sa Maalaala Mo Kaya. Yung mga ni-rape. "Hindi ko na maibabalik ang lahat... awuuuuhh...waaahh!" Nakacross parin ang mga braso ko sa dibdib. Hindi makapaniwala. Hindi na V ang b**bs ko!!!

* * *

Awkward.

Hindi kami nagiimikan habang kumakain. Hindi parin pala sya nagla lunch buti nalang may food na iniwan yung parents nya ininit nalang nya.

Nagkasabay kami pagkuha ng ulam. Ako nalang ang nagparaya. In-ofer naman nya sakin. Umiling lang ako, nag hand gesture na sya na ang mauna. Naglagay sya ng ulam sa plate nya pagkatapos inabot sakin yung ulam.

"Thanks." Mahinang mahina lang yon.

"Uh.." Hindi nya tinuloy yung sasabihin nya.

"What?" Mahina kong tanong. Hindi sya sumagot. I clear my throat. "Ehem. Um.."

"I'm sorry." Nagkasabay pa kaming dalawa. Napangiti sya. Yumuko ako. Hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Ikaw kasi e.. ba't mo ako sinipa doon?" Ako pa ang sinisi?

"Ba't mo'ko tinulak?" Depensa ko.

"Because you pushed me!"

Nainis na ako.

"So pag hinalikan kita hahalikan mo rin ako ganun?!"

Wait, did I just say that?! Napainum ako ng tubig. Isang baso.

"I didn't mean that. I wouldn't do that." Todo explain ako. "Look, I just want to be sarcastic but.. I.. I.."

"Yes."

"Huh?" Anong yes?

I feel so embarassed. How can I be so stupid?! I look at him, a playful smile is beginning to show..

"I didn't know you're blushing.." He says.

Kinuha ko yung table napkin. Tinakip ko sa mukha ko. Nakakahiya!!!!

"You look a lesser ugly when you blush." He continues.

Yung tinatakip ko sa mukha ko hinagis ko sa kanya. "Bwiset ka!!!" Kinuha ko yung tinidor at tumayo para patayin sya.

Syempre hindi ko yon gagawin.. e di wala na akong groom... sayang naman yung wedding dress ko..

*laters* :)

T/N: Don't forget to vote.. if deserving! :D

To those asking, Heins is pronounced as "Hayns" sa tagalog as in HAYNSnako.. kelan kaya ako makakapag update?

Hahahahha pasensya na wala akong ibang maisip na word :)

-------》Si Heins at ang dibdib nya hahahaha :D

Just got the pic from google, yan yata yung sa cosmo pictorial ni James, i think :) hope u enjoy it as much as Abba did haha joke lang wag syang tularan nyakis yang si Abba hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...