Chasing You (Henry)

By Hydren123

15.6K 744 147

SLOW UPDATES Delos Reyes Series #1 Henry Delos Reyes is a rich and popular man in the world. Henry has been i... More

Series #1
Chapter One: Welcome back To The Philippines
Chapter Two: I love your Kiss
Chapter Four: Tour (part 2)
Chapter Five: Meet Again
Chapter Six: Who are you?
Not An Update
Chapter Seven: Mission
Chapter Eight: Unknown Number
Chapter Nine: Misunderstanding
Chapter Ten: Marven Espenosa
Chapter Eleven : He's mad
Chapter Twelve: It's your fault
Chapter Thirteen: The truth
Chapter Fourteen: Jealous
Chapter Fifteen: Label
Chapter Sixteen: Promise
Chapter Seventeen: Explanation
Chapter Eighteen: Revelation

Chapter Three: Tour

735 72 16
By Hydren123

Rhaxx

Pagkatapos ng meeting kuno namin ni Dad ay pinuntahan ko si Claud sa Mini Bar namin, umiinom, ke aga aga, ano kayang problema nito.

Nagtanong kasi ako sa isang kasambahay namin kung nasaan si Claud dahil wala ito sa kwarto niya at sinabing nandito daw ito.

Pagdating ko dun ay nakita ko si Claud nakatulala at may hawak ng isang can beer.

Kumuha din ako ng isa at tinabihan si Claud na ngayon ay nakatulala pa rin at hindi pansin ang pagtabi ko dito.

"Hoy" untag ko sa kanya, tila natauhan naman ito.

"Oh andito ka pala" sabi nito at saglit lang na tumingin sa akin saka nag-iwas. Problemado ang loko.

"Mind to tell me?" tanong ko at ininom ng beer.

"Tell you what?" tanong nito at uminom din ng beer.

"Your problem, Idiot! Tsk!"

"Ahh wala ito" tanggi niya.

"Ah ayaw mo?" Tumango naman ito.

Tumayo ako at humarap sa kanya saka piningot ang tainga.

"Araaayyyy!! Stop! Stop it!! Shit! Aray!" itinigil ko na ang pagpingot ng makita na namumula na ang kanyang tainga.

"Sabihin mo o sasabihin mo?" tanong ko ulit dito.

Akmang pipingutin ko naman ang kabilang tainga niya ng magsalita ito.

"Ito na! Ito na!" humugot ito ng malalim na hinga saka nagsalita ulit. "Break na ka-mi ni Lea" kita ko kung pano dahan-dahang tumulo ang luha nito.

Sabi na eh, iba kasi tong taong to. Alam ko kung may problema ito o wala.

"Bakit daw kayo nagkahiwalay?" tanong ko dito habang hinahagod ang likod.

"Meron na daw siyang bagong gusto" umiyak parin ito.

"Shhh maybe hindi siya ang para sayo" pag-aalo ko.

"May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Bakit ganon?" lalo pa itong umiyak ng malakas habang sinasabi ang mga katagang yun.

"Walang mali sayo, sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana. Tsaka hindi ka naman pangit, ikaw nga ang piiinnnakagwapong kapatid sa buong mundo." totoo yun, kung hindi ngalang kami magkapatid baka nagka-crush na ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ng mukha nito at iniharap sa akin. "That's life Bro, and everything happens for a reason, may rason kung bakit naghiwalay kayo ni Lea." patuloy parin sa pag-agos ang luha nito. "Tama na yan! Para kang bakla! Hahaha" tumawa naman ito ng pilit at saka inayos ang sarili.

"Tsk! Parang marami ng experience ni isang boyfriend nga ay wala ka!" doon naman ako nainis kaya nung akmang babatukan ko ito ay agad itong lumayo habang tumatawa.

"Tsk! Sama ka nalang sa akin bukas! Baka makita mo na ang forever mo though wala namang forever" alok ko sa kanya.

"Wag na! Dito nalang ako tsaka may mission ako bukas" ani nito kaya napasimangot ako ng wala sa oras. Akala ko may kasama na ako bukas.

Uminom nalang kaming dalawa dun maghapon habang nagkukwentuhan na may kasamang laitan, biruan, at asaran.

Habang tumatawa kami ay napatigil kami nung may nagsigawan sa labas nitong mini bar kaya napatigil kami.

"Shit! I told you hindi ko sinadya yun! Siya ang lumapit sa akin!" sigaw nung lalaki. Nagkatinginan kami ni Claud at nakinig ulit.

"Kita ko Mark! Kita ko kung pano mo tinugon ang halik nung babaeng higad na yun!" sigaw naman ng babae—I must say, Chelsea.

"I think I'm not alone to this kind of problem." bulong ni Claud na rinig na rinig ko naman.

Lumabas kami sa mini bar at pumunta sa pinanggalingan ng mga boses na yun.

Saktong pagkita namin sa kanila ay isang nakakabinging sampal ang natanggap ni Mark kay Chelsea.

"Don't you dare to touch me!"

"Listen Chelsea, hindi talaga ako ang humalik nu—"

"Wag ka ng magsalita pa! Pwede bang magbreak muna tayo? Sawang sawa na kasi ako eh." ouch! Kulang nalang pop corn para mukhang nanuod kami ng drama at nasa sine kami.

"Please don't say that, I love you please believe me. Ikaw lang talaga." sabi naman ni Mark na maluha-luhang nakatingin kay Chelsea. At ito namang si Chelsea ay ayaw talagang magpatinag.

"Tsk! Pang-ilan mo na bang sabi yan?" asik ni Chelsea.

Dumaan ako sa gilid nila na para bang walang narinig at walang pake sa ginawa nila. Agad naman silang umayos, nakita ko si Chelsea sa peripheral vision ko na nakayuko habang si Mark naman ay nakatingin sa taas na para bang nagbibilang ng butiki.

Pumunta na ako sa kwarto ko pagkatapos ang eksena na yun at inihanda ang sarili sa Tour bukas.

I alarm my clock on four a.m. in the morning before get layed on the bed and sleep.

"Hey Rara wait for me!" a ten year old boy shout, bumilis ang takbo ng batang lalaki nang hindi na niya masyadong makita ang batang babae.

"Hey Rara where are you?"

"I'm here Henhen! Come on buy me an Ice cream!" a five years old girl said while pointing the Ice cream parlor.

"Henhen, thank you"

"Thank you for what?"

"Thank you for being there for me"

Napabalikwas ako ng bangon kasabay ng pagtunog sa aking alarm clock. A nightmare again, pinahiran ko ang pisngi ng maramdaman ko ang likidong tumulo dito. A tear! Umiiyak na naman ako sa panaginip na yun, panaginip na nangyari sa totoong buhay. Bakit ba kasi bumabalik na naman ang alaala na matagal ko ng kinalimutan.

Pumasok na ako sa banyo at ginawa ang morning rituals six ang alis ko dito, papuntang Visayas.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng bahay at hindi na nagpaalam sa kanila total alam naman na nila.

It's 5:30 in the morning and I am on my way to an airport. Nagtaxi lang ako kasi walang makakahatid sa akin at sobrang busy din ng mga bodyguards ni Dad.

5:45 at 15 minutes nalang ay lilipad na ang eroplano. Kinuha ko na ang malaking bag at isinabit ko sa likod, at shoulder bag na naglalaman ng gadets, at dali daling pumunta sa loob ng airport at pumunta na sa eroplano.

***

Paglapag ng eroplano ay kanya kanya na kami sa pagbaba may nakabungguan pa ako at humingi ako ng tawad dito. I know I'm a bitch pero alam ko din kung saan ilugar yun.

Pagkadating ko sa labas ay nalanghap ko ang amoy ng cebu. Shit! This place is sooo awesome. Sumakay sa ewan ano bang tawag nito basta para siyang bus mas malaki pa siya sa bus, may nakasulat kasi na patungo daw ito sa Danao. At base sa mapa ko ay merong daungan dun patungo sa Camotes. Actually sa Visayas ay sa Cebu ako maglilibot. Two days ako dito tapos sa Zamboanga naman ay Three days at tataposin ko nalang sa Luzon ang one day at dun sa Pantabangan Nueva Ecija balita ko kasi ay napakaganda daw ng tubig nila dun.

Pagdating sa Danao ay sumunod ako sa mga tao papasok sa Jolibee? Ays bahala na, sumunod lang ako sa kanila at ginaya ang mga ginawa nila. Nag-uusap sila, pero di ko naman maintindihan. Oh yeah! Kausapin mo ang sarili mo self!

Paglabas namin ay nakita ko na ang ship at tingin ko ay ito ang sasakyan namin.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao, pano ba naman ang suot ko ay sleeveless na fit sa akin at isang maikling short tapos naka flat shoes lang. Hindi pinansin ang mga tingin nila at pumasok na doon sa ship. First time kong sumakay nito.

***


Ito pala ang Camotes! Well maganda naman siya at approaching ang mga tao. Though may mga salita silang sinasabi na hindi ko maintindihan.

"Ahm excuse me ma'am, pwede po bang magtanong?" tanong ko sa babaeng matanda at tingin ko ay mabait naman ito.

"Oh ano yun ineng?"

"Saan po ang hotel dito?"

"Walang Hotel dito ineng, pero merong tirahan." sabi nung matanda.

"Ah okay po, saan ko ho ito makikita?"

"Meron kaming tirahan dito ineng, medyo maliit nga lang."

"Okay na po yun, isang gabi lang naman po akong titira dito." sabi ko. So now, this is not me! What the heck! I can't imagine na ganito pala ako kagalang!

"Oh siya sige! Meron akong anak, si Mailyn, siya na ang tutulong sayo sa tour mo, at mabait naman yun." sabi ng matanda, tumango naman ako at tinulungan ako ng matanda sa pagbitbit ng mga gamit ko patungo sa bahay na titirhan ko pansamantala.

May nakita akong dalawang at itinuro niya yung isang medyo malaki at sinabing bahay daw nila yun tapos ang isa ay yung matitirhan ko.

"Mailyn! Ali ra diri!" sigaw ni Ate Roselyn, sabi niya ito daw ang itawag ko sa kanya.

*Translation: Punta ka dito!*

"Ngaman, Nay!" sigaw nung babae mula sa loob ng bahay.

*Translation: Bakit Nay!*

Nakita ko ang isang babae na lumabas mula sa bahay at pumunta dito sa direksyon namin.

"Kinsa na siya, Nay?" tanong nung babae na sa tingin ko ay si Mailyn.

*Translation: Sino siya, Nay?*

"Magtagalog ka Mailyn, hindi siya makaintindi ng bisaya." tama ka ate Roselyn, kanina pa dumugo tong ilong ko dahil sa pinagsasabi niyo.

"Ay ganun ba? Pasensya na po." hingi ng paumanhin ni Mailyn.

"It's okay" I said. Lumapit ako sa kanya at nagpakilala.

"I'm Rhaxx Maldez." inilahad ko ang kamay ko upang makipagkamay.

"Mailyn Gonzaga po" aniya at inabot ang aking kamay. Nakatulala ito at hindi umimik parang may malalim na iniisip. "Ikaw po ba yung sikat na model?" tanong niya at ako naman ang nagulat dahil dun.

"Pano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Wah! Sabi ko na nga ba! Nay! Narinig mo yun? Siya yung sinasabi kong model na napakaganda! Wahh! Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya sa personal Nay!" ani ni Mailyn at nagtatalon pa.

"Aba'y napakaganda nga niya anak. Siya pala yung bukambibig mo dati?" ani naman ni ate Roselyn, at tumingin—-or should I say tumitig.

"Ah he-he, pwede po bang dito muna ako sa inyo? Maglilibot po kasi ako sa Pilipinas eh" sabi ko sa kanila.

"Walang problema!" sabay na sabi nila kaya napangiwi nalang ako. Mag-ina nga naman!.

Tinulungan nila akong magbitbit ng gamit at pumasok sa loob, maayos naman ang bahay at tingin ko ay palaging nilinisan. Sakto sa isang gabi.

Pagkatapos nun ay sinimulan ko na ang pag-tour at si Mailyn ang tumulong sa akin total wala pa naman daw siyang pasok sa paaralan. 19 daw siya at Third year College.

Kahit saan kami pumunta at ako ay kuha ng kuha ng pictures. Meron pa ngang kinuhanan ko ng Pictures si Mailyn. Mailyn is kind and beautiful girl, she has a good heart, swerte ang magiging boyfriend nito at pamilya.

Last naming pinuntahan ay ang tinatawag nilang Blue Lake I don't know kung anong history nito basta ang masasabi ko lang ay napakaganda ng lugar na ito! Sana makapunta ako dito ulit!

Hindi naging boring ang tour ko dahil kasama ko si Mailyn at hindi siya mauubusan ng topic.  Pauwi na kami ngayon sa bahay—tutulagan ko.

"Ahm Mailyn, do you have a boyfriend?" tanong ko sa kanya.

"Wala Ate Rhaxx, study first po muna kasi ako, hindi ko po sasayangin ang mga paghihirap ni ate Xyra." she answered me honestly.

Ikinuwento din niya sa akin na tatlo daw silang magkakapatid at pangalawa siya dahil may kapatid daw itong nagtatrabaho sa Cebu para sa pag-aaral niya.

"Ahh mabuti naman kung ganon. May social media accounts ka? Like Facebook, Instagram at Twitter?" Tanong ko, alam ko namang masyado ng maalam ang kabataan ngayon sa mga ganyang bagay kaya for sure meron din tong si Mailyn.

"He-he-he wala ate Rhaxx eh, wala din po kasi akong cellphone ay meron pala pero keypad po. Tsaka hindi ko din alam kung pano gamitin yun." sabi niya. Akala ko pa naman gaya siya ng iba.

"Don't worry meron akong extra phone dito ibigay ko nalang to sayo at gagawa tayo ng social media accounts mo" nakangiting sabi ko sa kanya, kita ko kung paano bumilog ang mata nito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Aw so cute!.

"Nako ate Rhaxx wag—" di ko siya pinatapos magsalita dahil alam ko namang tatanggi ito.

"Okay lang, bayad na din yan sa pagtulong niyo sa akin." sabi ko na nakangiti parin. Nahihiya naman itong tumango.

Pagdating naman sa tinutulugan ko ay ginawan ko na agad siya ng mga social media accounts niya. Siya ang gumawa ng passwords at ako ang nagpatuloy. Naging successful ito at ang dami na agad niyang friends and reacts sa isang profile pic niya. Ipinasa ko sa phone niya ang mga kuha ko kanina at natuwa naman ito dahil napaganda daw ng pagkakuha.

"Ate Rhaxx, bakit di ka po magphotographer?" tanong niya.

"May trabaho na kasi ako Mai eh, at saka kuntento na ako sa pagiging ganun." sabi ko sa kanya at tumango naman ito.

"Nasave na dyan ang number ko and accept mo ang friend request ko para makachat mo ko"

"Okay po" aniya at agad pumunta sa facebook, pagkakita niya ay agad namilog ang kanyang mata. "Woah ate Rhaxx ang dami naman ng reacts at followers mo! 3k reacts, 5k comments and 1k shares?! Wow pano maging ganto ate?" sunod-sunod niyang tanong kaya napatawa nalang ako.

"Hahaha hindi ko din alam yan Mai, matagal na akong nagfe-facebook. Tsaka gumawa nga sila ng page eh." paliwanag ko.

"Ah ganun ba?" aniya at tumango ako dito. "Ah sigi ate Rhaxx alis na ako, mag-ingat ka po sa byahe mo bukas at salamat po sa lahat." ani nito na nakangiti kaya nginitian ko din ito pabalik at nagpaalam.

Their Family is good and I'll be back here soon!


********


CHARANN!!! Oh ayan na mga lovs! Naka update na din sa wakas! Give me votes and feedbacks!

Hope you'll like this chapter! Medyo lutang lang kasi ako hahaha kaya ayun.

Sorry for the errors, grammars, spellings, typos at sa tagal kong mag-update.

Keep reading, enjoy and god bless!

Xoxo

-Hyd

Continue Reading

You'll Also Like

40.5M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...