"Kill Me, Attorney." (Law Ser...

By Veilofthedark

7.9M 480K 1M

[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney." More

PAHINA PARA SA KADALDALAN NG AUTHOR
DISCLAIMER
THE PHOENIX WHO NEVER DIES
PART ONE: THE OTHER SIDE OF THE COIN
PART TWO: SHE WHO UPHOLDS JUSTICE
PART THREE: CHASING CHAOS
PART FOUR: WHY PEOPLE ARE POISON
PART FIVE: THE UNFORESEEN CATASTROPHE
PART SIX: SCOUTING THE BEST LEAGUE
PART SEVEN: CRACKING THE DARK AGENDA
PART EIGHT: HE WHO FILLS THE VOID
PART NINE: THE SHADOW OF AN EAGLE
PART TEN: FROM ASHES, HE WAS REBORN
PART ELEVEN: THE GAME'S BLUEPRINT
PART TWELVE: HE IS BACK
PART THIRTEEN: THE THREE-FACED KING
PART FOURTEEN: OUR JACK OF ALL TRADES
PART FIFTEEN: BREAKING HIS HEART OF STONE
PART SIXTEEN: "THE SOFT BOY AND THE WILD BEAR"
PART SEVENTEEN: THE UNKNOWN IDENTITIES
PART EIGHTEEN: THE DARK RAVEN
PART NINETEEN: THE MOMENT HIS HEART BEATS
PART TWENTY: THE CALM BEFORE THE STORM
PART TWENTY-ONE: FLIPPED
PART TWENTY-TWO: SPREAD THE WORD: SHE'S BACK!
PART TWENTY-THREE: THE MARK OF AN EAGLE
PART TWENTY-FOUR: UNMASKING THE DARK RAVEN
PART TWENTY-FIVE: THE GAME CREATOR
PART TWENTY-SIX: BACK TO WHERE IT STARTED
PART TWENTY-SEVEN: THE ANGEL HAS FALLEN
PART TWENTY-EIGHT: THE PHOENIX WHO NEVER DIES
PART TWENTY-NINE: THE ASHES WHERE HE WAS REBORN (1/2)
PART THIRTY: THE ASHES WHERE HE WAS REBORN (2/2)
PART THIRTY-ONE: THE TWIST BEHIND A TWIST
PART THIRTY-TWO: 'KILL ME, ATTORNEY...'
PART THIRTY-THREE: THE WILD BEAR
PART THIRTY-FOUR: THE FINAL TWIST
PART THIRTY-FIVE: HIS DEATH WISH
PART THIRTY-SIX: WHICH IS FALSE LOVE? (THE AFTERMATH)
EPILOGUE: THE MOON IS BEAUTIFUL ISN'T IT?
SPECIAL CHAPTER: I CAN DIE HAPPY...
CATCH ME, ATTORNEY TEASER
PASS THE PHONE CHALLENGE
KMA BOOK!
BOOK UPDATE

PROLOGUE

326K 12.8K 15.1K
By Veilofthedark

Isang napakalakas na kidlat ang maririnig sa buong lugar.

Ang pagkaluskos ng mga halaman ay masusundan ng malakas na buhos ng ulan na animo'y ang kalangitan ay tumatangis nang gabing iyon kasabay ng ihip ng hangin na yumayakap sa lahat na pakiwari mo'y hini-hele ka upang ipikit ang iyong mga mata.

Habang ang lahat ng kuwarto ay kasing dilim ng kalangitan at sinasamantala ang unang malamig na gabi ng taon, isang kwarto lamang ang makikitang maliwanag.

Kung tutuusin, kung sino man ang makakakita rito ay hindi iyon ipagbabahala. Sa katunayan, wala naman silang pakialam.

Gabi-gabi ang kwarto ay ang pinagmumulan ng ingay ng buong lugar; malakas na musika na halos yumanig na sa buong baryo, mga tawanan ng mga kabataan, mga pagmumurahan, away, at lahat na yata na klase ng hindi ka-aya-ayang tunog. Linggu-linggo, iba't iba ang pumapasok dito.

Kaya naman ang lahat ng residente ay ikinatataas iyon ng kilay at ikina-kukunot ng noo. Nang una, sinubukan nilang kausapin ang naninirahan doon pero hindi iyon nakikinig at ipinagsasawalang bahala lamang ang lahat.

"Naku, ganyan ba ang mga taga Maynila? Ka'y titigas ng ulo," ani ng isa.

"Aba'y ang aking mga pamangkin nama'y galing sa Maynila pero hindi sila ganyan," depensa ng isa.

"Bukas makalawa'y buntis 'yan, kahit pagpustahan pa natin," dagdag ng isa.

Araw-araw ay pinagmumulan ang nakatira doon ng usapin. Kaya ang lahat ay nawalan nalang din ng malasakit dito. Kahit yata may mangyari man sa babae ay wala na silang pakialam.

At doon sila nagkamali.

Kung pinakinggan lamang nila ang musika na nanggagaling sa kwarto, malamang ay malalaman nilang kasabay ng musikang humuhuni ay ang isang nakakikilabot na sigaw na humihingi ng tulong.

Kung tiningnan manlang nila ang nag-iisang kwartong maliwanag, makikita nila ang anino ng isang taong nakatayo at naka-ngisi.

At kung nagkaroon manlang sila ng pakialam upang maki-usyoso, malalaman nilang hindi lamang patak ng ulan ang bubuhos sa gabing iyon; KUN' 'DI MGA DUGO.

Sa loob ng kwarto ay makikita ang isang babaeng tumatangis kasabay ang tunog ng musika. Nagsasama ang dalawang tunog na animo'y isang obra sa pandinig ng kung sino man ang nakangisi.

Nakatali ang babae sa isang upuan at nakabusal ang bibig.

Ang taong kanina pa s'ya pinagmamasdan ay lalong ngumisi.

"Kahit ano pang i-iyak mo r'yan, walang may pakialam sa'yo, pokpok," sabi nito.

Muling humikbi ang babae. Magkahalong takot at galit ang makikita sa kanyang mukha.

"If I'll kill you tonight, there will be no decisive suspect. Napakaraming lumalabas-pasok sa unit mo, napakaraming fingerprints ang makikita nila," ang sabi nito at lalo pang ngumisi.

"Look," sabi nito. "I'm wearing gloves. Wala silang makikitang kahit na ano pang detalye mula sa 'kin. If the law is dumb enough, they may even arrest someone na walang kinalaman masabi lang nilang case closed. Mga bobo, ano?"

Hindi malaman ng babae kung ano ang una n'yang mararamdaman. Ang alam n'ya lang ay hindi na tao kung hindi isang demonyo ang nasa harapan n'ya.

"No fingerprints, no DNA, no connection whatsoever, hence, no motive," ang sabi nito at tumawa. "See? It's a perfect crime. Napakatalino ko, ano?"

Ngunit humikbi lamang ang babae. Ni-hindi s'ya maka-isip ng sasabihin, patuloy lang ang kanyang panginginig sa takot.

"Ba't hindi ka tumatawa?" tanong nito.

Ilang segundo lang ang lumipas ay kabigla na lamang nawala ang ngisi sa mukha nito at napalitan ng pagkaseryoso at maging ang mga mata'y nanlilisik.

"If people around you are laughing, you should laugh too!"

Walang anu-ano'y isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha.

Muling tumawa ang tao.

"Paano ka nga pala makakatawa, eh, naka-busal 'yang bibig mo?" sabi nito at tinanggal ang nakatali sa bibig n'ya.

"DAMN YOU!" sigaw ng babae. "MAMATAY KA NA! MABULOK KA SA IMPYERNO, HAYOP KA!"

Tumawa lamang ito.

"Hindi ako mabubulok sa impyerno," sabi nito. "Dahil ako mismo ang impyerno."

Humikbi lalo ang babae. Ngayon ay lamang na ang galit sa kanya.

"Do you know the difference between Satan and Lucifer?" tanong nito sa kanya.

"WALA AKONG PAKIALAM! DEMONYO KA, HAYOP!"

Tumawa lamang ang tao at nakangising tinitingnan ang mukha ng babae na magkahalong takot at galit ang makikita.

"Before, God threw Lucifer in this world because Lucifer wanted an equal power and revolted against Him. When Lucifer was kicked out from heaven, that's when he became a different entity," sabi nito.

"Lucifer is the name of an angel that God named in heaven as one of the most, or perhaps, the most perfect angel ever created whereas Satan is the name given to the devil. Satan is Lucifer's name when he was thrown away from heaven. So it means, for the mean time,  Lucifer is not yet in hell, but he is with us."

The person smirked.

"And you are with him. Right now."

"PAKAWALAN MO 'KO, PLEASE? I-I PROMISE, I WON'T TELL THE POLICE—"

The person laughed.

"No," he said. "You are a bitch and being one is a sin."

"BUT KILLING SOMEONE ISN'T?!" the woman exclaimed.

"It's a sin to kill if you have no power to do so, pero ako? Iba ako. I stand between the dead and the living," he said and he turned serious. "I am the living angel of death."

The woman cried again.

"Kung papatayin kita ngayon, no one will know," the man added.

He looked in her eyes and he gave her a lethal yet dark smile.

"So don't test me, you dirty slut," sabi nito. "I can be a soft boy and a wild bear all at once."

Nang manahimik ang babae, tumayo ito.

"Pero siyempre, life is a choice so bibigyan pa rin kita ng pagkakataong mabuhay."

Lumakad ito at kumuha ng tubig. Nang bumalik, umupo ito sa harap ng babae.

"I have two pills," he said. "Magkamukha sila at halos walang ipinagkaiba. Pero ang totoo, isa sa kanila ay candy lang at ang isa ay may lason."

He looked in her eyes deeply.

"Pipili ka ng isa at kailangan mo s'yang inumin. Ang hindi mo mapipili ay iinumin ko rin. If you're lucky to pick the candy, then I'll die because of the poison. That'll be a reverse card. You'll live, I'll die. Pero if you're dumb, you'll die and I'll laugh at your corpse. Now pick. Be wise."

Hindi mapakali ang babae. Gusto n'yang magmura at humingi ng tulong pero wala kahit ni-isa sa mga iyon ang nakatulong sa kanya.

"Pick," the guy said. There was warning in his voice. "Don't waste my time."

With crying eyes and shaking hands, she picked one. The guy looked at her and smiled as well. They both swallowed the pills.

"Now let's see," saad nito.

In a sudden, the woman felt something in her throat. She looked at the man in front of her.

Ngumisi ito.

"Bye," sabi nito.

Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ng babae ang unti-unting pamamanhid ng kanyang katawan.

Hindi na rin n'ya mai-galaw ang kanyang kamay at unti-unti nang nagdidilim ang kanyang paningin. Pinipilit n'yang huminga ngunit pati hangin ay kinakapos na s'ya.

"6th road, Espina Corner Building four room 902," the guy in front said and smiled. "Another soul has been taken."

Tumayo ang lalaki, ini-ayos ang suot at nagsimulang maglakad papalayo. Nang maabot nito ang pinto ay lumingon ito sa kanya.

Nang makitang ilang segundo nalang ang itatagal ng bagong biktima ay ngumisi ito lalo.

"When you see the devil, remember the code," sabi nito at unti-unting nawala ang ngiti sa labi. "Death is inevitable. So are we."

At nagsimula na itong maglakad papalayo.

Kasabay ng isa-isang pagtigil ng sistema ng babae at sa papalapit na pagpikit ng kanyang mga mata, nakita ng babae ang isang bagay na posibleng makapagturo sa taong itinuturing n'yang demonyo.

Ito ay isang marka.

MARKA NG ISANG AGILA.

Continue Reading

You'll Also Like

287K 17.6K 65
At the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the wa...
233K 2.5K 97
Connected dust turned to painful letters. Painful letters that can kill you, your whole being. Painful letters written by a broken and enfeebled girl...
6.9K 187 86
Pagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gu...