"Buod Ng Noli Me Tangere"

By jackfruit_jayrehh

1.1M 4.3K 184

Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa L... More

Kasaysayan ng Noli me Tangere
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere
Kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
Mga Gabay na Tanong
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
kabanata 14
kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
BUOD NG BUONG KWENTO
source:

Kabanata 59

5K 20 0
By jackfruit_jayrehh

⚡⚡⚡

Kabanata 59: Pagmamahal sa Bayan

Nailatha sa pahayagan ng Maynila ang lahat ng nangyari. Nagkaroon ng iba’t-ibang kahulugan ang mga balitang ito.

Ang magandang balita tungkol kay Padre Salvi at sa alperes ay pabor sa militar at sa simbahan. Samantalang ang balita na patungkol sa bilanggo ay laban lahat kay Ibarra.

Palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga panayam ang mga tao sa probinsya sa mga tauhan ng kumbento. Magkakaiba ang usapan dito.

Sa isang kumbento ay ipinagbunyi ang papel na ginampanan ng mga pari sa kapayapaan ng bansa katulad ng ginawa ni Padre Salvi.

Sa isang kumbento naman ay paksa ang mga nag-aaral sa Ateneo. Nagiging pilibustero daw ang mga hinuhubog ng mga paring Heswita.

Sa bahay naman ni Kapitan Tinong na noo’y laging bukas kay Crisostomo Ibarra ay nakarating na din ang balitang hinuli ng gwardiya sibil ang binata. Wala namang tigil sa paninisi ang kanyang asawa na si Kapitana Tinchang.

Ani Kapitan Tinong ang asawa pa nga niya ang nagsasabi na imbitahan si Ibarra dahil kung mayaman si Kapitan Tiago ay higit namang mas mayaman si Ibarra. Pinangangambahan ni Kapitana Tinchang na baka makulong din ang kanyang asawa dahil sa pakikipag-usap nito sa binata.

Dagdag pa ng Kapitana na kung lalaki lang siya ay pupuntahan niya ang Kapitan Heneral at hahamunin niya ang mga lumusob sa kumbento at kwartel.

Dumating ang kanilang pinsan na si Don Primitivo habang nag-uusap ang mag-asawa. Mabuti nalang at dumating ang Don dahil ito ay eksperto sa pagsasalita ng Latin. Hiningan ng payo ni Kapitana Tinchang si Don Primitivo dahil ito ay magaling mangatwiran.

Isinalaysay nito sa Don ang pagkabahala dahil minsan nang pinatuloy sa bahay si Ibarra. Ayon sa payo ng Don ay gumawa na daw ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ang kapitan dahil sa narinig.

Muli din itong nagising ng buhusan ng Don ng isang basong tubig. Nagpayo na ulit si Don Primitivo sa kung ano ang dapat na gawin. Pinuyuhan ng Don si Tinachang na pumunta sa Kapitan Heneral at regaluhan ito ng gintong singsing o gintong kwintas.

Bilin din nitong isara ang lahat ng bintana at pinto at sabihin na may sakit si Kapitan Tinong sa lahat ng maghahanap dito. Ipinapasunog din ng Don ang lahat ng papeles, sulat, at babasahin upang wala nang magamit na panlaban kay Kapitan Tinong.

Nang gabi ring iyon ay nagkaroon ng pagtitipon na dinaluhan ng maraming purong Espanyol at mestiso. Si Crisostomo Ibarra ang paksa ng kanilang usapan. May ilang nagsasabi na ang pinapatayong paaralan ni Ibarra ay di para sa mga bata kundi para gawing kuta na magagamit sa pansariling kapakanan.

Naisingit din sa usapan ang pagbibigay ng regalo ni Kapitan Tinchang sa Kapitan Heneral. Anila ay kuripot daw ang kapitana dahil sa kabila ng pagiging mayaman ay singsing lang na nagkakahalaga ng isang libong piso ang binigay dito.

Nang gabi ding iyon nagpadala ng sulat ang Kapitan Heneral na nagpapahatid ng imbitasyon sa ilang naninirahan sa Tondo at kalapit na komunidad.

Maaaring ito na ang imbitasyon sa kamatayan. Kabilang dito si kapitan Tinong na nangatog ang tuhod nang sundin siya ng mga gwardiya sibil sa kanilang bahay.

⚡⚡⚡

Talasalitaan:

Nailathala – naisapubliko, naibalita
Panayam – pakikipagusap
Kumbento – simbahan
Ipinagbunyi – pinagdiwang
Pilibustero – suwail
Hinuhubog – hinahasa, pinapagaling
Nangatog – nanginig

Continue Reading

You'll Also Like

49.5K 646 10
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
20K 623 20
Tale Of Ayle's Reincarnation "same world, same people but another life" what will you do if you reincarnated as an another person? anong gagawin mo...
1.7M 90.1K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
439K 19.5K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...