Kabanata 30

24K 59 13
                                    

✦✦✦

Kabanata 30 – Sa Simbahan

Ang simbahan ay dinumog ng mga taong nagsisiksikan sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. Ang misa ay bayad para sa kabanalan ng lahat sa halagang dalawang daan at limampung piso. Pinaniniwalaan noon na mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit samantalang impyerno naman sa komedya.

Samantala, hindi sinimulan ang misa hangga't hindi dumarating ang alkalde mayor na sinadya namang magpahuli upang higit na mapansin ng lahat. Nakasuot siya ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin.

Nang dumating ang alkade mayor ay nagsimula ang pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala ng walang pakundangang pari ang paglibak sa nagmisa kahapon na si Padre Manuel Martin.

Siya daw ay higit na mahusay magmisa kaysa Padre Manuel Martin. Hangga't di siya natatapos magyabang ay hindi ito nagsimulang mag-sermon.

Talasalitaan:

Agua bendita – binasbasang tubig ng binyag

Abaniko – natitiklop na pamaypay

Altar mayor – gitnang mayor

Angil – pagalit na ungol na nagpapakilala ng pagtanggi o pagtuto

Ansod – angit

Dumudukwang – pag-abot na inalapit ang katawan sa harap

Komedyante – aktor ng komedya

Kuwaderno – anyong aklat na talaan

Pandegala – marangyang kasuotan sa mga tanging okasyon

Pulpito – bahagi ng simbahan na pinagsesermunan ng pari



✦✦✦

"Buod Ng Noli Me Tangere"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora