PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

858K 22.9K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 29

18.9K 507 49
By Zaenixx

A/N: Not in mood to make sad scenes, sorry. :((






CHAPTER 29




TAON ang lumipas at wala akong nagawa kung hindi ang mabuhay sa katauhan ng kapatid ko.




Tiniis ko ang buhay gamit ang pekeng katauhan na binigay sa akin nila papa, nabuhay ako sa luho ngunit kahit isa sa mga gamit at karangyaan na napunta sa akin ay wala akong kinatuwa.




Nabuhay ako sa pekeng mundo at ang taong dahilan nito ay nasa ibang bansa at ligtas na ligtas.



Sa bawat taon ay wala akong ibang ramdam kung hindi galit at sama ng loob.



"Amber," Narinig ko ang boses ni papa. Hindi ako lumingon at nanatili ang postura na nakatalikod sa kanila.



"Amber," Isa pang tawag muli sa pangalan ngunit nagmatigas ako.



Hanggang sa tuluyan niyang hinablot ang aking balikat at pwersahang pinaharap.



"Ano 'yon?" Tanong ko.



"I called you multiple times now," aniya.




Mapakla akong natawa, "Hindi Amber ang pangalan ko." Tugon ko.




Pinagngitngit niya ang kanyang ngipin at lumingap sa paligid upang tignan kung may nakarinig sa amin. "Low down your voice, Christine!" Mahina ngunit galit na aniya.



Nginisian ko siya, "Wala na 'kong kinatatakutan." Tugon ko.


"Babalik na si Amber." Aniya.



Umangat ang kilay ko, "Mabuti, para naman makaalis na 'ko sa impyernong mundo niyo." Tugon ko at akmang aalis nang higitin niya ng mahigpit ang aking braso at pinaharap muli.



"Christine," Matigas ang kanyang tono nang bigkasin ang pangalan ko.



"Hindi mo na 'ko matatakot." Sagot ko.



"Better know your place, Christine." Aniya bago ako talikuran, naiwan ako sa hardin na nakatayo at pilit na kinakalma ang aking sarili.


Minabuti kong lumabas kahit sandali upang magpalamig ng ulo, kinalma ko ang sarili ko at pilit na winawaksi sa isip ko ang galit na nararamdaman ko.


"Amber," nabigla ako nang may tumawag sa pekeng pangalan ko.


Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng nakabukas na Van.


Pinakatitigan kong maigi ang bulto ng pamilyar na lalaki at napag-alamang si kuya Rem. Ang anak ni mama sa totoo niyang asawa.



Si kuya Rem lang ang tanging kakampi ko sa mga panahon na wala akong makapitan. Siya lang ang tumutulong sa akin at ang tanging taong nakakaalam ng totoo kong pagkatao at ang naging buhay ko sa puder ng mga Valerico.



"Kuya Rem," agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.



Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo, "I miss you, Chris." Aniya.



"Kuya Rem," pinigilan ko ang aking  luha na huwag bumuhos sa harapan niya. Ayoko makita niyang nahihirapan ako sa puder nila papa.



"Are you okay here?" Tanong niya sa akin.



Tumango ako, wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling sa totoong kalagayan ko.



"Mr. Cortez," Napalingon si kuya Rem sa lalaking tumawag sa kanya.



"Someone might see you here, we need to go." Aniya.



"Christine, I need to go." Bulong sa akin ni kuya.



Tumango ako, "Babalik ka?" Tanong ko.



Ngumiti siya at niyakap ako, hinalikan niyang muli ang aking noo bago niya pisilin ang aking pisnge. "I promise, aalisin kita sa impyernong lugar na 'to." Wika niya.



Ngumiti ako sa kanya at tumango, "Aasahan ko 'yan." Wika ko.



"Go inside, hindi ako aalis hangga't hindi ka nakakapasok." Aniya.



Tumango ako at tumakbo muli papasok ng gate, kumaway muna ako sa kanya bago ko sinara ang gate.



Napangiti ako, mabuti na lamang at may kuya akong katulad ni kuya Rem. Siya lamang ang masasabi kong makakapitan ko sa ganito kasalimuot na mundo.



LUMIPAS ang mga araw at sumapit ang pagdating ni Amber dito sa mansyon galing sa States.



Napagpasyahan kong umalis at magtungo sa condo ni kuya Rem, kilala ang mga Cortez ngunit hindi pa sapat ang kakayahan nila upang matulungan nila akong makaalis sa impyernong buhay kasama ang mga Valerico.



Habang nasa taxi ako papunta sa Condominium ay nabigla ako nang biglang huminto ang taxi na sinasakyan ko.



"Manong may problema po ba?" Tanong ko.



"Pasensya na po, ma'am. Nagkaproblema po sa engine kaya itatawag na lang po kita ng bagong taxi." Wika niya.



Napatango ako, wala naman akong magagawa kung hindi ang lumipat. Gabi na rin at nasisiguro kong parating na sa mansyon si Amber.



Ayoko siyang makita, buong buhay ko ay hindi wala siyang ginawa kung hindi magtago at hayaan akong saluhin ang lahat ng dapat na sa kanya.



Lumabas ako ng taxi, madilim na sa kalsada at puro puno ang nasa side walk, bihira ang mga sasakyan na dumadaan at kung may dadaan mang taxi ay puro may sakay.



"Manong, baka may pwede kang ma-contact? Nagmamadali ho kase ako," pakiusap ko.



"Pasensya na po, ma'am. Wala po kaseng signal dito sa Trans Road. Kung meron man po ay hindi ko mako-contact." Tugon niya.



Bagsak ang balikat ko habang pinagmamasdan ang kalsada, sumandal muna ako sa pintuan ng taxi at nagulat ako nang makita ko ang biglaan paghinto ng isang itim na Van sa aking harapan.



Miski si manong driver ay napatingin, nagulat ako nang bumakas ang pintuan at bumaba ang tatlong lalaking nakabalot ng itim ang buong mukha.





Nanlaki ang aking mata at unang pumasok sa isip ko ay tumakbo kaya ginawa ko. Miski si manong ay tumakbo ngunit magkahilaway kami ng direksyon.





Mabilis na takbo ang aking ginawa ngunit wala akong nagawa nang mahablot nila ang aking braso.





Nagpumiglas ako ngunit isang malakas na suntok sa aking tyan ang aking natamo.





Bigla akong nanghina, tila hinihigop ang lahat ng enerhiya ng katawan ko at wala akong magawa kung hindi ang matigilan.





Binitbit ako ng isa at buong lakas na ipinasok sa loob ng sasakyan.





Umandar muli ang sasakyan at wala akong magawa o kahit magpumiglas man lang dahil sa panghihina.





"Pre, bilisan mo magmaneho. Naghihintay na si boss." Rinig kong wika ng isa.





Tuluyan akong nilamon ng kadiliman nang hindi man lang nakakalaban.





Tanging pangalan ng Panginoon ang kayang kong tawagin sa ganitong sitwasyon.





"ATE CHRISTINE!" Nagising ako nang marinig ang pamilyar na boses na nanggaling sa aking harapan.





Pagkamulat ko ay nakakasilaw na ilaw mula sa kisame ang bumungad sa akin.





"A-Amber?" Unti-unting luminaw ang aking paningin at mukha ni Amber ang nakita ko.





Magkamukhang-magkamukha kami at kung may taong titingin sa aming dalawa ay talagang mahihirapang tukuyin kung sino ang totoong Amber.





"A-Ate Christine..." Nanggigilid ang luha sa kanyang mata at ngayon ko lamang napansin na pareho kaming nakagapos. Nakahiga ako sa sahig at nakatali ang paa at kamay ko samantalang si Amber ay nakagapos sa upuan.





Imbis na pagkamiss at tuwa ang maramdaman ko ay tila galit lamang ang aking nadama.





Dumiin ang hawak ko sa tali na nakagapos sa aking kamay.





Sa sobrang galit ko ay unti-unting bumuhos ang luha sa aking mata.





"Galit na galit ako sa'yo," wika ko.





Pinilit niyang makawala sa kanyang pagkakatali sa upuan ngunit wala siyang magawa.





"A-Ate Christine, s-sorry..." Aniya. Mapakla akong natawa.





"Hindi mo alam kung gaanong impyerno ang dinanas ko sa piling ng mga demonyo mong pamilya. Samantalang ikaw, nagpapakasarap ka sa ibang bansa at wala kang ibang ginawa kung hindi takasan ang buhay na ako ang naghihirap!" Bulyaw ko.





"I-I'm sorry..." paghingi niya ng tawad.





"Sorry? Magagawa bang ibalik ng sorry mo yung buhay ko? Naging manika ako ng pamilya mo, gumigising ako tuwing umaga na pakiramdam ko wala akong kakampi. Iniwan mo 'kong mag-isa, Amber. Iniwan mo 'kong mag-isa..."





"A-Ate, buntis a-ako..." Aniya.





Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.





"Anong sabi mo?"





Bago pa siya muling makapagsalita ay marahas na bumukas ang pintuan.





Pumasok ang isang lalaki na naka-facemask. May hawak siyang syringe na may lamang kulay asul na likido.





"Sino sa inyo ang totoong Amber?" Tanong niya.





Nagkatinginan kami ni Amber, akma siyang magsasalita nang pigilan ko siya.





"Ako." Buong lakas na sagot ko.





Tumingin si Amber na may pagtatakha at pag-alma.





Ngumiti ako ng pilit sa kanya at umiling.





May lamang bata ang tyan niya at hindi ko maaatim na makaligtas kung ang kapalit naman ay ang buhay ng walang muwang na batang nasa sinapupunan niya.





Ako na lang.





Wala ng mawawala pa sa akin.





Pero sa batang nasa tiyan niya, malaki ang pwedeng mawala. May nakaabang na magandang kinabukasan para sa bata at hindi ko hahayaan na maranasan niya ang buhay na dinaanas ko.





Lumapit ang lalaki sa akin at walang sabing tinurok sa leeg ko ang syringe na hawak niya.





Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng asul na likido sa bawat ugat ko. Masakit at tila iniipit ang buong katawan ko sa sobrang sakit.





"Ate!" Sigaw ni Amber.





"Pwede na, boss." Ani ng lalaki.






Pumasok ang isang matangkad na lalaki at ngunit naka-facemask rin kaya't hindi ko maaninag ang kanyang mukha.





"Anong gagawin niyo sa kanya? 'Wag niyo siyang lapitan! Ate!" Sigaw ni Amber.





Nakita ko kung paano lumandas sa kanyang pisnge ang bawat patak ng luha na nanggagaling sa kanyang mata.





"Ate!" Muli niyang sigaw.





Ang mga huling alaala ko ng gabi na 'yon, ay ang mga alaala na gustong-gusto ko na lamang ibaon sa lupa.





"A-ATE..." Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Amber.





Gumalaw ako ng kaunti ngunit wala akong ibang naramdaman kung hindi ang matinding kirot sa buong katawan ko.






Wala akong kahit isang saplot sa katawan at ang pang-ibabang parte ng aking katawan ay nababalot sa dugo.





Nanlaki ang aking mata nang makitang nakabukas ang bintana sa pader, rinig na rinig ko ang tunog ng mga ibon sa labas kaya nabuhayan kao ng pag-asa.





Ngunit nang maaalala ko ang aking sitwasyon ay tila napangiti na lamang kao ng mapakla.





"A-Ate, bakit mo ginawa 'yon? Ako dapat ang napahamak..." Aniya.





Wala nang gapos ang aking kamay at paa kaya't nakaya kong makagapang sa mula sa kinahihigaan ko palapit sa kanya.





Pinahid ko ang luha sa kanyang pisnge, "Shh..." Pagpapatahan ko.





"Mahal na m-mahal ka ni ate, kaya 'wag mong iisiping kasalanan mo. Ginawa ko 'to dahil g-gusto kong b-bigyan mo ng magandang buhay ang magiging anak mo..." wika ko.





Mas lalong bumuhos ang luha sa kanyang mata.





"A-Ate..."





"Kung ano man ang m-mangyari sa akin, 'wag m-mong iisiping ikaw ang dahilan. N-Nagalit lang si ate pero h-hindi kita kayang tiisin." Ngumiti ako sa kanya.





Pinilit kong huwag ipakita sa kanyang kung gaano kakirot ang buong katawan ko, ang bawat galaw ko at tila niyuyugyog ang buong sistema ko.





"I-Ilayo mo siya, 'wag mong iparanas sa kanya yung b-buhay na dinanas ko." Pakiusap ko.






Hinablot ko yung kwintas na nakasuot sa aking leeg at iniabot sa kanya, "I-Ibigay mo sa k-kanya..." wika ko at inabot ang kwintas.





Kinalagan ko na rin siya pagkatapos.





"Kapag may pagkakataong makakatakas ka, humingi ka ng tulong. Balikan mo 'ko..." Wika ko.





Tinuro ko ang bintanang nakabukas, "Sige na, umalis ka na..." Utos ko.





Umiling siya at hinubad ang kanyang suot na jacket at binalot sa katawan ko.





"Ate, hindi. Hindi kita iiwanan dito. Sabay tayong aalis!" Aniya.





"K-Kapag sabay tayong t-tumakas, mahihirapan ka at p-paniguradong mahuhuli rin nila tayo k-kaya mabuti pang mauna ka na. Dalian mo," pamimilit ko at tinutulak siya palayo.





"Hintayin mo 'ko dito. Babalikan kita, ate." Aniya.





Ngumiti ako, "H-Hihintayin kita." Tugon ko.





At tanging naalala ko na lamang ng gabi na 'yon ay ang papalayong likod niya at ang huling beses na nakita ko ang kanyang mukha.





Ilang araw at gabi kong tiniis ang lahat ng pang-aabuso ng boss nila sa akin na kahit isang beses ay hindi ko nakita ang mukha.





Hanggang ang ang mga araw ay naging buwan at ang tanging hinihiling ko na lamang ay ang kamatayan.





Puro pasa ang buong katawan ko at sa bawat gabi na nagdadaan ay wala akong ibang inintay kung hindi ang paghihintay sa pangako ni Amber na babalikan niya ako.





Hanggang sa isang araw ay nagkaroon ng sunog sa lugar kung saan nila ako tinatago.





"Hayaan mo na 'yan, mamamatay rin naman 'yan!" Rinig kong wika ng mga lalaki sa labas ng pintuan ko.





Ginapang ko ang pintuan at pilit na kinakalampag ang pintuan, napupuno na rin ng usok ang buong kwarto at ang tanging paraan na lamang na alam ko ay ang paglabas gamit ang bintana.





Ilang beses akong nagdasal at pilit  na tinatawag ang kung sino mang pwedeng magligtas sa aking ngunit tila nawawalan na ako ng pag-asa.





Napaupo na lamang ako sa sahig na mapaklang napangiti, inisip ko na lamang na magandang blessing ang kamatayan ko sa mga oras 'yon upang matapos na ang lahat ng paghihirap ko.





Pumikit ako at nahiga sa sahig, inintay ko na lamang ang kamatayan ko.





Unti-unti akong kinakain ng kadiliman ngunit ngayon, masasabi kong mamamatay ako ng masaya. Dahil kahit papaano ay alam kong gagawin ni Amber ang sinabi ko.





Mamamaalam akong mapayapa.





A/N: Ang unfair ng mundo HAHHAHAHHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

33K 1.8K 54
REDFLAG TRILOGY (VOLUME I) "Is love worth the pain?" *** Suffering from writer's block and a broken heart, Eishen Veronica Sandoval realized how fuck...
725K 19.8K 53
Charles Sandoval is the long-time crush of Clarisse Villanueva. She didn't go to States with her family just to be with Charles Sandoval. She decided...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
521K 6.6K 26
Isang pagkakamali ang nangyari sa pagitan nina Reolla Moon at Poirier Del Fierro at kanilang nabuo si Poinier. Dahil sa itinakda na siya sa iba pero...