Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

153K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 30

2.9K 40 22
By Eishstories

Chapter 30
Cheeky


Tutuparin ako ang pangako sa sarili na bibigyan ko ng oras ang pantasya ko bago umuwi ng Iloilo. But I had enough fantasy given the time we've spent together last night. And now it is time to face reality I've been dodging these past few days. Hindi ko na puwedeng takasan ang realidad na pilit kong iniignora.

Tulog na tulog siya ng iwanan ko sa taas kanina. Na kahit pa may mga maleta akong dala, iniwan ko na para makaalis ng agaran.

Isang beses ko pang tinignan ang Oro Verde. Suminghap ako lalo't ito na huling ko rito. I don't intend to come back anymore.

Sa kabila ng pagmamadali, pinili kong sa Jordan Wharf tumulak lalo't mag-uumaga na. Doon kasi, mas maraming bangkang pa-Iloilo kung ikukumpara sa pantalan ng Buenavista. Mabuti rin na naabutan ko ang unang biyahe ng bangka pa-Iloilo. Malaking problema ang nawala sa balikat ko.

Pagod na pagod ako. Hindi naman sa biyahe o sa outreach. I am just tired in general. At parang hindi pisikal na pagod ang mabigat sa akin, mas mabigat pa rin iyong hinayaan ko na maghari ang puso ko kaysa sa utak. I indulged more than I should have now I feel as if I'll pay for all the happiness I've felt these past few days. What fears me the most is I have no idea on how fate would let me pay. I hope, I just hope it doesn't include or bring much pain than I can already handle.

Kanina pa ako binabagabag kung ano ang reaksiyon ni Range sa pag-alis ko ng walang paalam. Furious? Or, based on his reactions last night, relieved that I am finally out of his sight? Maybe it's the latter, kaya nga para rin akong pinagbagsakan ng langit.

Kinabukasan, maaga akong nagising nang napatawag ang head nurse na kailangan ng adisyunal na staff sa wards lalo't kinulang sila. At dahil ako ang malapit sa ospital, pumayag na akong pumunta at magcover. Buong umaga kaming abala sa mga admissions kaya ngayon na lang ulit ako nakahanap ng tiyempong makaupo sa nurse's station. Ala-una na ng hapon, ni wala pa akong kinakain.

Pasinghap na lumapit ang head nurse sa akin. May bitbit siyang mga papeles sa kamay.

"Miss Del Rio, can you do a double shift for tonight? I have to ask you since we lack hands tonight on the floor," diretsahan niya akong tinanong.

With no hesitations, I nodded. "Sige po. Walang problema sa akin na magdouble shift,"

Honestly, I needed this. Kailangan kong i-distract ang sarili para 'di ko isipin ang panahon na ginugol ko sa Oro Verde. Takot ding kausapin sina Mama at Willow lalo't iwas na iwas akong pag-usapan ang lahat tungkol kay Range. Willow will definitely make me spill everything. At iniisip ko pa lang, para na akong nasusuka.

I can't...

Pinagitnaan ako ni Mia at Sophia dito sa nurse's station. Nakapintura ang panunuya sa paraan ng pagngisi nila sa akin. What do they want this time around?

"You know what's the latest news, Saint? Mukhang alam mo na ah kaya ka ba tahimik?" Mia first commented.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng chart para ignorahin sila.

Sophia harshly pulled the chart away from my grasp. Doon na ako napilitang tignan ang dalawa. Anong importanteng balita ba? Na si Lucas na at Olivia? I somehow had the gut feeling Lucas would go down this fucked-up route. Disappointed but not surprised at all.

"That what? Na si Lucas na at Olivia?" kaswal kong pagsagot sa pabalang nilang tanong.

Sophia sarcastically laughed. "Yes. Sila na. So paano ka na?"

Natawa ako ng husto rason kung ba't nalusaw ang panunuya nilang ngiti sa akin. Talaga bang inaakala nilang may pakialam ako sa dalawa? What the actual fuck?

"Kung totoo kayong mga kaibigan, sana'y pinigilan ninyo si Olivia. And you're both here to what? See my reaction? Eh, ano namang pakialam ko-"

Mia pushed my shoulders abruptly. Hindi ko iyon inaasahan kaya napaatras ako ng wala sa oras.

"Anong walang pakialam?! Eh, hindi ba'y nagseselos ka sa dalawa? Oh come on, Saint! Don't even deny it! Akala mo ba hindi halata na kaya halos hindi maipintura iyang mukha mo ay dahil galit ka sa katotohanang hindi na ikaw ang nagmamando rito sa amin? It's Olivia now that is why you are so pissed!"

Natawa ako sa kahibangang 'to.

"Hindi ko alam iyang sinasabi niyo. Wala akong minamanduan at mas lalong wala akong pakialam kay Lucas o kay Olivia man," itinaas ko ulit ang chart na tinapon ni Sophia sa counter. "Congratulations to the both of them. Iyon naman ang gusto niyong marinig sa akin, hindi ba? Busy ako. Mukhang busy rin kayo. Excuse me..." iyon na lang ang sinabi ko bago pagod na tumalikod paalis.

Sa sunod na mga araw ay parehas lang ang mga nangyayari. Parehas pero mas pabigat ng pabigat ang trabaho. Hindi ko alam kung sadya ba akong pinapahirapan ng lahat o talagang pagod ang katawan ko para i-attend ang trabahong 'to. Sa kasamaang palad, ngayong araw, ika-limang araw ko nang double shift. Sobra-sobrang overtime pero wala ako ni isang reklamo sa head nurse. At kung ba't wala akong karekla-reklamo, hindi ko rin masabi.

Emma frustratedly groaned. "Is Lucas seriously taking the piss? Oo, alam natin na siya ang may ari ng hospital pero tama pa ba itong ilang araw ka nang double shift? Umakyat ka na sa opisina niya at magreklamo, Saint. Hindi na 'to tama!"

"H'wag na. Nagrequest naman ako ng extra off days kaya ayos na sa akin,"

"Okay lang sa'yo o takot kang kausapin siya kaya mo nilulunok lahat ng pahirap niya sa'yo?  Halata namang pinapahirapan ka niya ah? Does he honestly think that if he somehow makes your life miserable you will finally like him? Does he or is he genuinely stupid?"

Biglang humina ang boses ni Emma kahit na iritado sa nasabi. Sabay kaming tumuwid ng pag-upo sa paglapit ng head nurse sa amin. Ako ang tinignan niya bago si Emma. I can already feel it. Mukhang negatibo ang resulta ng pakiusap kong extra off.

"Miss Del Rio, you request is denied. Kulang na kulang tayo sa tao para payagan ang request mo. I am sorry,"

Kinurot ako ni Emma sa tagiliran. Pagod akong tumango sa head nurse nang paalis na.

Mukhang tama nga si Emma, mukhang kailangan ko nga'ng magreklamo kay Lucas lalo't nagbabadya na ang fatigue sa akin. Tuliro kong inakyat ang opisina ni Lucas, wala nang pakialam pa kung sasabihin niyang unproffesional ang gagawin ko. Sa pagkairita, wala ako ni katok, diretso ang pagpasok ko sa opisina niya. Natigilan lang sa pagkakita ko kay Olivia.

They're both sitting on a couch together. Lucas was stunned but stood up abruptly. Olivia, on the other hand, immediately scowled at the sight of me. Lumipat si Lucas sa desk niya nang hindi man lang ako tinitignan sa mata.

He finally lifted his tired gaze at me. "Miss Del Rio,"

"I'm here to ask for an extra off, Doc. It's my fifth day of double shift, and I know we have other staff to cover for me. You are being unreasonable," kalmado kong giit.

Tumayo si Olivia sa couch at sinaluhan si Lucas sa desk. Halata ang pagkairita niya sa presensiya ko rito.

"Unfortunately, we don't have staffs to cover for your unreasonable requests, Miss Del Rio. Lahat naman pagod, lahat naman nagrequest ng extra day off, lahat naman ay halos limang araw na ring double shift. It is unfair to everyone if I grant you this request. I know you're disappointed, but coming here to rant is so unprofessional of you. Ganiyan ba ang turo sa West? Akala ko ba'y world-class nurses kayo?" his tone hinted insult, not only to me but also my alma-mater.

Kinukom ko ang kamao. I wanted to fight him for Olivia but, it seems irrelevant now. At mukhang hindi na rin tuloy ang pagpapatulong niya kay Range sa akin, hindi ba? It's clear of who she settled with. Sa totoo lang, hindi ko alam kung masisihayan ba ako na sa wakas ay wala na sa interes niya si Range o maaawa sa sasapilit niya kay Lucas. But again, I warned her multiple times, and I don't think it is right for me to stick my nose to where it doesn't belong.

Without a word, I left Lucas' office.

Pinatapos ko ang shift nang walang reklamo lalo't bumaon sa akin ang nasabi ni Lucas na unfair sa lahat na may extra akong off. Tama siya. At tama ring unprofessional na sumugod ako sa opisina niya para magreklamo.

Sa pagod ko nitong linggo, hindi ko na alam kung anong araw na ba o kung anong oras na. Basta ang alam ko'y kailangan ko nang mahabang tulog. Nagbabayda na kasi ang sakit sa lalamunan ko.

Akala ko'y nananaginip ako na may kumakatok. Nagising ang diwa ko sa sunod-sunod na door bell pero hindi ko magawang bumangon. Ang sakit ng lalamunan ko kanina'y napalitan na ng sinat. One loud bang from my door made me fucking get up of my damn sofa! I don't expect anyone tonight!

Pagbukas ko, naestatwa ako sa gulat.

"What are you doing here?"

Of course, it's Ranger. Not just him, but his furious and angry self. Bago ko pa maisarado ang pintuan, mabilis niyang tinuko ang kamay sa hamba ng pintuan para hindi ko mapagsarhan. Mabigat niyang tinulak at pinabuka ng husto ang siwang ng pintuan bago pumasok ng unit ko ng walang permiso!

He gazed at me viciously. Although I am just too sick to even fight him.

Nakita ko ang paglambot ng mukha niya nang wala akong nasabing reklamo. He advanced to me and swiftly used his back of hand to check my neck. Doon na umigting ang panga niya.

"You are burning hot, Saint. What happened?"

"I-I don't know what happened..."

Napapikit na ako nang buhatin niya na para bang bagong kasal. Ilang hakbang niya pa bago ko naramdaman ang lambot ng kama sa likod ko. Naririnig ko ang galaw niya pero hindi ko alam eksakto kung ano ba ang minamaiobra niya sa kuwarto ko ngayon.

"Saint..." malambot ang tono niya sa pagkakasabi no'n.

He pulled me up again to sit, so I tried my best to stay awake. Nawala bigla ang sama ng pakiramdam ko sa agaran niyang paghubad sa pantaas kong scrubs! I was left with my brassiere when he started to pat my neck with a damp and warm cloth.

Inagaw ko sa kamay niya ang tuwalya. Tumikhim pa sa gulat. "Ako na. And why did you come here in the middle of the night?"

He sighed. "Shouldn't I be the one asking you that? Why did you left me without saying a damn word?"

Binaba ko sa hita ang tuwalya kaya mabilis niyang naagaw iyon sa kamay ko. He resumed to pat my skin damp.

"May trabaho ako. Natural lang na umuwi-"

He hissed. "And you can't wake me up, Saint? Just tell me that you purposely ran away because you're scared of committing to what we've done. You don't need to lie anymore,"

Mahinanon ang pagkakasabi niya no'n. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa pag-alis ko o ano. Disappointed maybe?

"Hindi ako takot sa commitment," pairap akong sinabi. "Commitment lang 'yan, malayo 'yan sa bituka. Umalis ako ng walang paalam kasi mukhang iyon naman ang pinahihiwatig ng galaw mo! You were so annoying that's why I left without a damn word..."

Natigil ang pagbasa niya sa balat ko. Kumunot ang noo niya na tila wala pang alam. "Okay? Then what did I do that annoyed you so much you ran?"

I groaned, and I refused to answer him. Paano ko ba kasi sasabihin sa paraan na hindi ako ang mas dehado? Kung sasabihin ko kasi, mukhang ang needy ko naman masyado?

"See? You don't even know! Ni hindi mo man lang napansin na naiinis ako?" I tried to turn everything against him.

Range sighed again.

"I won't know if you're keeping it to yourself. Hindi ba'y sabi natin na wala nang sekreto sa isa't isa? Go on, tell me now. I am not a fucking mind reader-"

"Fine! Nainis lang ako na sobrang tahimik mo pagkatapos..." I paused. Hindi ko maideritso lalo't tutok siya sa susunod kong sasabihin na parang bang napakaimportante no'n sa kaniya. "Uh. After we did... it. You were so annoyingly quiet! Hindi ko alam kung pinagsisihan mo ba o talagang nilabag kita ng husto gayong umayaw ka naman. Tell me, did you regret it?"

Range was stifling his chuckles now. Mukhang hindi niya naman ako siniseryoso eh!

"Why would I?" he continued to softly damp my skin with the towel. "But did you? Do you regret what we've done on my Jeep, Saint?"

"Of course not!" iritado kong giniit.

Suminghap siya.

"Why would I regret something I imagined a million times and more? And you did not violate me. Ginusto natin 'yong dalawa," he chuckled. "Tss. You ran away for an absurd reason. This is why we should openly communicate with no inhibitions whatsoever to prevent these kinds of misunderstanding,"

Binalik niya ang likod ng palad sa noo ko at mas napasinghap. Bumaba na ang sakit ng lalamunan ko pero nagbabayda na ang sipon. Range stood from my bed and went to my dresser. Naglabas s'ya ng pares ng pantulog bago ako binalikan.

Kuryoso kong pinagmamasdan ang mukha niya habang tinutulungan akong magbihis.

"When are you coming back home?"

He insultingly gazed at me. "Can't I stay here for a while?"

P'wde naman pero siyempre sino ang magmamando sa Oro Verde kung wala siya roon?

"And the plantation, Range? Iniwan mo para lang puntahan ako rito? Did you at least tell Nanay Leticia that you'll visit me?"

Umiling siya. Sabi ko na nga bang tumakas lang ang isang 'to!

"My cousin is there to command whilst I'm here. At kahit iwanan ko plantasiyon, hindi masisitakbuhan ang mga puno ng mangga. So what's the fuss about?"

"Oh. You have a cousin? Lalake rin?" tumaas ang boses ko sa pagka-excite kaya matalim niya akong natignan. At sabay iyon sa pagtapos ng pagbibihid ko.

Umatras siya ng pag-upo at natigilan. "Yes,"

"I'm curious. What does he look like?"

His eyes suspiciously narrowed. "Why do you want to know? It's not important-"

"Patingin ako ng picture para ako na. Aabutin tayo ng siyam-siyam kung ikaw pa ang aantayin ko. Picture niya na lang para mabilis,"

"Bigla ka yatang sumigla? I thought you're sick?" sumungaw ang suspetya sa tono niya.

"I am still sick," nilahad ko ang palad. "So... his picture?"

Kunotnoong inabot ni Range ang likurang bulsa na tila napipilitan lang. Hinugot niya ang cellphone doon bago may itinipa sa screen. Nag-aantay pa rin ang palad ko para ibigay niya ang telepono. Tinapos pa niya ang pagtitipa bago iritadong inilagay sa palad ko ang cellphone.

Pinipilit ko ang sarili na huwag matawa lalo't ang labo-labo naman ng ibinigay niyang pcture. I zoomed in to see better, but Range only moved closer to me. He's clearly policing my next moves.

He let out an intentional cough which I mercilessly ignored. "Why would you zoom in? Tama na 'yang picture na binigay ko. What are zooming in for?"

I sent him death glares before bringing my gaze back to his phone.

"Hindi siya ganoon ka guwapo, Saint. Don't tell me you're interested in him?"

Natawa na ako ng husto at pinatay na lang ang cellphone niya. Zinuzoom ko kanina kasi medyo malayo at malabo ang picture. At base sa nakita kong picture, nagsisinungaling ang isang 'to. Kaparehas niya ng tindig at hitsura ang pinsan niya. If like me, you're oblivious of their relationship, they would definitely pass off as siblings.

"No. Not interested. May iba na akong gusto," ani ko sabay hilig ng likod sa headboard ng kama.

His eyes narrowed again. "Sino, Saint? Iyong doktor? Kaya ka ba bumalik kaagad dito para-"

I swiftly pulled his shirt to give him a cheeky kiss on the lips. Humiwalay ako saka mabilis na binaon ang sarili sa kama para matulog muli. I heard his soft groaned before his massive built slowly enveloped me.

Continue Reading

You'll Also Like

36.8K 932 43
[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain after the death of the man she's deeply in l...
5.8K 311 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...
135K 3.4K 52
Pristine Athena Floresca had only one love of her life. When he left her, she broke herself trying to fix them. She did everything just to make them...