The Wicked Cinderella

By HotNovember23

505K 8.4K 1.3K

[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kon... More

Notable Notes
Trailer
The Wicked Cinderella
Wicked Chapter One
Wicked Chapter Two
Wicked Chapter Three
Wicked Chapter Four
Wicked Chapter Five
Wicked Chapter Six
Wicked Chapter Seven
Wicked Chapter Eight
Wicked Chapter Nine
Wicked Chapter Ten
Wicked Chapter Eleven
Wicked Chapter Twelve
Wicked Chapter Thirteen
Wicked Chapter Fourteen
Wicked Chapter Fifteen
Wicked Chapter Sixteen
Wicked Chapter Seventeen
Wicked Chapter Eighteen
Wicked Chapter Nineteen
Wicked Chapter Twenty
Wicked Chapter Twenty-One
Wicked Chapter Twenty-Two
Wicked Chapter Twenty-Three
Wicked Chapter Twenty-Four
Wicked Chapter Twenty-Five
Wicked Chapter Twenty-Six
Wicked Chapter Twenty-Seven
Wicked Chapter Twenty-Eight
Wicked Chapter Twenty-Nine
Wicked Chapter Thirty
Wicked Chapter Thirty-One
Wicked Chapter Thirty-Two
Wicked Chapter Thirty-Three
Wicked Chapter Thirty-Four
Wicked Chapter Thirty-Five
Wicked Chapter Thirty-Six
Wicked Chapter Thirty-Seven
Wicked Chapter Thirty-Eight
Wicked Chapter Thirty-Nine
Wicked Chapter Forty
Wicked Chapter Forty-One
Wicked Chapter Forty-Two
Wicked Chapter Forty-Three
Wicked Chapter Forty-Four
Wicked Chapter Forty-Five
Wicked Chapter Forty-Six
Wicked Chapter Forty-Eight
Wicked Chapter Forty-Nine
Last Wicked Chapter
ANNOUNCEMENT no. 2

Wicked Chapter Forty-Seven

5.1K 103 3
By HotNovember23

Pasensya na po kung ngayon lang ang update... busy lang po talaga this past few weeks. 

Wicked Chapter Forty-Seven

If only I am living a normal life, I would be celebrating today. Today's my 16th birthday after all. Yeah, 16 years old na ako ngayon. At siyam na taon nang patay ang mga magulang ko.

Thanks to that no-good Prince, nine years na akong ulila sa magulang.

Kitang-kita ni Cindy kung paanong manginig ang sarili niyang mga kamay. Hindi niya magawang paniwalaan ang kababasa niya lang. Ayon sa petsang nakalagay sa tuktok ng nakabuklat na pahina, dalawang taon na ang sulat na iyon. Sulat. Tila isa iyong liham na hindi nakalagay kung para kanino. Ang malinaw lang ay sulat-kamay niya ang binabasa. Ibig sabihin, siya mismo, isinisisi kay Prince ang kamatayan ng kanyang mga magulang.

"He's the reason why your parents died."

Napalunok na lang si Cindy. Napailing. Nakagat pa niya ang kanyang pang-ibabang labi. Gustuhin man niya'y hindi niya maialis ang mga mata sa bagay na hawak niya. Tila tanging iyon lang ang nakikita niya ngayon... kahit ayaw niya.

"Matagal nang patay ang mga magulang ko. Imposibleng kasalanan mo yun. Wala... wala ka namang ginawa di ba? Wala ka namang kinalaman sa pagkamatay nila di ba? Kasi hindi rin naman totoo yung ibinibintang sa'yo ni Aya."

"Hindi yon totoo."

Napailing na lang si Cindy nang sumaglit sa isipan niya ang bagay na sinabi sa kanya ni Aya noong araw na bisitahin siya nito. Maging ang katanungang binitawan niya sa binata at ang tila nag-aalangang pagtugon nito.

"H-Hindi, imposible. Imposible talaga."

Ibinalik niya ang tingin sa hawak na journal. Pero agad niya ring inangat ang tingin sa puting kisameng lalong pinaaaliwalas ng bukas na ilaw. Maliwanag ang buo niyang paligid, taliwas sa kanyang nararamdaman.

Hindi na niya kayang magbasa. Ayaw niyang may iba pang mabasa. Ibinaba niya ang notebook sa mesa. As is. Ni hindi niya iyon naisipang isara. Yumuko siya't sandaling sinabunutan ang sarili.

"Ano ba yon? Akin ba yon? Sulat ko nga ba yon? Ba't ganon?"

Nahagip ng paningin niya ang cellphone niyang nakapirmi rin sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya iyon.  Hinanap niya sa phonebook niya ang numero ng huling tumawag sa kanya, si Aya.

Pinindot ng nanginginig niyang hinlalaki ang dial sign sa malapad na screen. Lumunok muna siya bago niyang itinapat ang telepono sa kaliwa niyang tenga para hintayin ang pagkunekta ng tawag.

Unang ring... pangalawa... pangatlo... pang-apat.

Pikit-matang inalis ni Cindy ang telepono sa tenga niya.

"Hello? Shin?"

Agad niya ring binuksan ang mga mata niya nang may marinig siya mula sa kabilang linya.

"Shin?" muling tawag ni Aya. "You there? Hello?"

Bumuntong-hininga siya bago niyang ibalik ang hawak sa tapat ng kanyang tenga. "Hello... Aya?" Damang-dama niya ang pagkati ng paligid ng mga mata niya. Agad ring nanlabo ang kanyang paningin. Mabilis pa sa inasahan niya ang pag-akyat ng kanyang mga luha.

"Nice! You've called. So, have you seen the journal?"

Muli ay mahigpit na ipinikit ni Cindy ang kanyang mga mata, dahilan para malayang makapagpaunahan ang kanyang mga luha. 

Umiling siya bagaman alam niyang hindi siya kita ng kausap. "Hindi ko pa nahahanap yung journal mo eh, pasensya na. Pero... may iba kasi akong nakita." Saglit siyang tumahimik, tila ba hindi niya magawang magpatuloy. "Isang notebook... nakapangalan sa'kin."

Napasinghot na lang si Cindy. Nagtuluy-tuloy ang pagbagsak ng luha mula sa magkabila niyang mata.

"May nabasa lang kasi ako... tungkol kay Prince? Saka sa mga magulang ko... Aya... Aya, may alam ka di ba? Alam ko may alam ka. Aya, ano bang hindi ko alam?"

Marami pa sanang gustong itanong si Cindy ngunit hindi na niya nagawa. Napapikit na lang siya kasabay ng pagtakip ng libre niyang kamay sa kanyang bibig. Gayunman ay rinig na rinig pa rin ni Aya ang pagtangis niya.

"Calm down," mahinang ani Aya. "Itetext ko sa'yo yung address ko. Sasabihin ko sa'yo lahat ng alam ko."

Tumango na naman si Cindy. "S-Sige. Pupunta 'ko." Naputol na ang tawag. Matapos ibaba sa mesa ang hawak, naisuklay ni Cindy ang kamay sa kanyang maikling buhok.

"Galit ka sa kanya. Gusto mo ipaalam ko sa'yo kung bakit?"

"Ano bang problema? May sinabi ba sa'yo si Aya?"

"Basta ayaw mo siyang maging masaya. Kasi nga... galit ka sa kanya."

"Kasalanan ni Prince kaya namatay ang mga magulang mo."

"Let him confirm it."

"I'm telling you, magsisinungaling lang siya ulit sa'yo."

"At ano ang totoo? Kung ano ang sinabi niya sa'yo?"

"Shin, hindi mo siya kilala."

"I'm telling you, magsisinungaling lang siya ulit sa'yo."

Napasabunot na naman siya sa sarili. Hindi naman sumakit ang ulo niya pero natatakot siyang baka iyon sumabog dahil sa biglaang paglitaw ng maraming alaala sa kanya. Halu-halo. Labu-labo. Puro negatibo. Kung tutuusin, kakaunti pa lang ang mga iyon. Mas posible pa sigurong sumabog siya kapag bumalik ang mga nalimutan niya, kabilang na ang katotohanang kinatatakutan niyang malaman.

Hinigpitan niya ang pagsabunot sa kanyang buhok. Umaasa siyang mapagtatakpan niyon ang sakit na nadarama niya sa kanyang dibdib.

"Galit ka sa kanya."

"Hindi mo siya kilala."

"Magsisinungaling lang siya ulit sa'yo."

Napailing na lang si Cindy. Naibalik na lang niya ang tingin sa kanyang telepono nang muli iyong tumunog. Dumating na ang mensahe ni Aya.

Inabot niya ng cellphone mula sa kanyang mesa. Hindi niya muna iyon binuksan. Ibinulsa niya lang ang cellphone. Matapos niyang basta punasan ang magkabila niyang pisngi, tumayo na siya't lumapit sa aparador para kumuha ng jacket. Isinuot niya lang iyon tapos ay hinagilap niya ang kanyang pitaka. Naglakad na siya papunta sa pinto. Pinatay niya lang ang ilaw sa kwarto at lumabas na siya. Hinihintay na siya ni Aya.

***

"Cindy?" kasabay ng tawag na iyon ang pagkatok ni Prince sa pinto ng silid ng dalaga. Iyon na ang pangatlong beses pero wala pa rin siyang nakukuhang tugon mula sa loob. Lumalamig na ang dala niyang gatas.

"Cindy, tulog ka na ba?" Tulad sa kanina ay walang narinig na sagot si Prince. "Ah, pag hindi ka pa sumagot papasok na 'ko."

Dahil wala namang tao sa loob, wala ulit sumagot. Naisipan na ni Prince na pihitin ang seradura gamit ang libre niyang kamay. Nai-ikot na lamang niya ang paningin sa paligid nang mabuksan niya ang pinto. Madilim.

Kinapa niya ang switch ng ilaw para pagliwanagin ang silid. Diretso ang tingin niya sa direksyon ng kama ng dalaga. Wala ito, tulad ng inasahan niya. Hindi kasi nagpapatay ng ilaw si Cindy bago matulog.

Lumipat ang tingin niya sa pinto ng banyo. Nakasara iyon pero dahil sa stained glass window, alam niyang patay din ang ilaw sa loob niyon.

"Asan kaya si Cindy?"

Tuluyan siyang humakbang papasok ng kwarto. Nahagip ng tingin niya ang pagkaing iniwan niya kanina sa mesa. Ni hindi man lang iyon nagalaw. Lalo tuloy nagtaka si Prince. Nilapitan na lang niya ang mesa. Ipinatong niya sa bakanteng espasyo sa tray ang hawak niyang baso.

Noon niya napansin ang notebook sa tabi ng tray. Naiwan iyong bukas ni Cindy. Dala ng kuryosidad, dinampot niya iyon at tinignan. Agad na nalukot ang noo niya sa nakita. Mabilis niyang pinadaanan ng tingin ang bawat salitang nakasulat sa pahinang iyon.

Nanlaki na lang ang mga mata niya sa bandang dulo.

If he wasn't there, my parents wouldn't have died.

Humigpit ang hawak ni Prince sa notebook. Madali niyang binuklat ang iba pa niyong pahina para malasin ang nilalaman ng mga iyon. Puro sulat ni Cindy. Walang dudang pag-aari ng dalaga ang bagay na iyon... noon pa, bago pa man ito mawalan ng alaala.

"May hinahanap sa'king journal si Aya."

"Journal?"

Bumalik sa alaala ni Prince ang sandali nilang pag-uusap ni Cindy kaninang hapon.

"Hm. Weird nga eh. Tinanong ko yung iba naming classmates tungkol dun pero wala naman daw kaming ipapasang ganon sa kahit anong subject."

"Si Aya," ang tangi niyang nawika.

Nabitawan niya ang hawak nang magmadali siyang tumakbo palabas ng silid ni Cindy. 

---

Please bear with me a little bit more.. malapit na po matapos ang kwentong ito. Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta. I'm currently working on WC49. Pag natapos ko yung isulat, baka ipost ko na rin yung WC48 by Friday. Salamat po sa paghihintay.

Care to read Waltz Academy Files? May dalawang bagong collection of entries :)

Comments? 

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 150 48
|COMPLETED| BOOK 2 of SHE'S MY BOSS... Everything was perfect for both of them. Everything was under control. They love each other and they are willi...
163K 3.7K 78
COMPLETED!!! "I was not always heartless. But after you broke my heart, I started using my heart less. And it will your sins."
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
192K 3.7K 21
Dice and Madisson