PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

802K 22.5K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 26

17K 515 36
By Zaenixx

CHAPTER 26






MAGPAPAALAM na sana ako kay ate Joanna na uuwi na para makipagbati kay Klaus nang dumating ang isa niyang kaibigan na babae.






Kakagaling lang raw nito ng Japan dahil namasyal at walang magawa rito sa Pilipinas.






"Oh, may bisita ka pala... Hi!" Masigla ang babae at sa unang tingin ay mahahalata mo ang maingay at walang preno na ugali.






"Hello po," Bati ko pabalik.






Naupo ang babae sa katapat kong sofa sa tabi ni ate Joanna, "Ang kapal naman ng mukha mo," Wika ni ate Joanna.






"Ninang Grace!" Tumakbo pababa ng hagdanan si Arachne at dali-daling kumandong sa babae na tinawag niyang ninang Grace.






"Hi, inaanak!" Bati ng babae.






"May pasalubong ka po ba sa akin?" Tanong ni Arachne.






"Binili ko yung buong Japan para sa'yo," sagot ng babae. Lumapad ang ngiti ni Arachne nang dahil sa narinig.






"Really?" Masayang tanong niya.






Agad na umirap ang babae, "Syempre hindi, ano 'ko bilyonaryo? Sira ulo 'tong anak mo, Joanna." Aniya.






Umamba si ate Joanna ng batok para sa babae ngunit nag-peace sign lamang ito at ngumiti, "I hate you, ninang! Sabi mo bibilhan mo 'ko ng lupa sa Japan!" Ani Arachne.






Natawang muli ang babae, "Ibang klase 'tong anak mo, Joanna. Bata pa lang business minded na," wika niya.






"Pero," Bigla niyang dugtong. Agad na lumapad muli ang ngiti ni Arachne.






"Binili kita ng lupa," pambawi niya.






"Duda 'ko 'dyan," ani ate Joanna habang pilit na sinisipat ang binubuklat na maleta ng babae.






"Charan!" Aniya.






Pinakita niya sa amin ang isang balot ng lupa na nasa plastik, may pricetag pa 'yon at nakabalot sa dobleng plastik.






"Ninang!" Tugon ni Arachne na nakasimangot.






"What? Lupa pa rin naman 'to galing Japan, sabi sa akin nung matandang tindera, kapag nagtanim ka raw dito magiging cherry blossom." Pang-uuto niya kay Arachne.






"Pwede ba, Grace. Tigil mo 'yang kagaguhan mo," suway ni ate Joanna sa kanya.






Sumimangot ang babae at pagkuwa'y tumayo, "Nagugutom na 'ko, ganito ka ba sa bisita mo? Self service kapag kakain?" Reklamo niya at nagmartsa patungong kusina nila ate Joanna.






Sinundan siya ni Arachne na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ang plastik ng lupa na binili ng babae sa Japan.






Natatawang napailing si ate Joanna, "Pagpasensyahan mo na 'yon, Amber. Siraulo talaga ang isang 'yon," paghingi ng pasensya ni ate Joanna para sa kaibigan.






"Kaibigan mo siya?" Tanong ko.






Tumango si ate Joanna bilang pagsang-ayon, "Isa pa lang siya, wala pa yung iba. May mga asawa na kase at yung iba busy sa trabaho," Paliwanag niya. Napatango-tango ako.






"Buti pa siya, pa-travel-travel lang." Komento ko.






Nagulat ako nang napawi ang ngiti sa labi ni ate Joanna, "Ang isang 'yon, kunwari lang 'yon." Aniya.






Kumunot ang noo ko, "Po?"






"Kaibigan ko na 'yon simula noong High school kami. Sa lahat ng mga kaibigan ko, siya lang ang ginagawang rason yung pagta-travel para makalimot." Aniya.






Isa-isa akong nagkaroon ng idea sa nais niyang iparating, "Ibig sabihin..." Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.






"Palatawa lang 'yon at mukha palaban pero ang totoo, sa aming lahat, siya yung pinaka iyakin." Natawa si ate Joanna at napailing na tila may naalalang mga bagay.






"Ang siraulo na 'yon, mukhang malakas pero hindi niya kayang mag-isa. Pero tignan mo siya ngayon, successful at kilala ang pangalan sa Dentistry." Pagmamalaki niya sa kaibigan.






"Alam mo kase, Amber, may mga bagay na kailangan nating bitawan para mahanap natin yung sarili natin, para mahanap natin yung tamang daan na nilaan talaga sa atin ng Diyos." Ngumiti ako sa kanya nang makuha ang gusto niyang iparating.






"Malay mo, sa pagbitaw mo ng mga taong nakakapagpabigat sa'yo, tsaka mo naman makikilala yung mga taong nilaan ng Diyos para dalhin ka sa tama." Aniya. Kumunot ang noo ko ngunit sinagot niya sa pamamagitan ng pagturo sa kakalabas lang na kaibigan niya galing kusina.






May kagat pa itong tinapay habang nakahawak si Arachne sa laylayan ng kanyang damit.






Kumunot ang noo ng babae sa amin, "Pinagchi-chismisan niyo ba ako?" Tanong niya sa amin.






"Oo, angal ka?" Tugon ni ate Joanna.






Ngumiti ang babae at nag-peace sign, "Oo nga pala, hindi pa kayo magkakilala." Naupo ang babae sa tabi ni ate Joanna.






"Amber, ito si Grace. Kaibigan ko siya." Ngumiti ako sa kanya.






"Hoy, Grace, ito naman si Amber. Asawa ni Mayor," pakilala ni ate Joanna sa akin.






Nanlaki ang mata ni Grace.






"Asawa ni Mayor?" Pag-uulit niya.






"Unli ka?" Tanong ni ate Joanna.






Agad na nasamid si Grace nang dahil sa narinig, agad niyang uminom ng Juice na hawak niya.






"Mayor? As in Mayor De Leon?" Paninigurado niya.






"May sira ba ulo mo? Sinabi nang oo nga." Tugon ni ate Joanna.






"Hala, may asawa na pala si Mayor," aniya. Ngumiti siya sa akin at nakipag-kamay.






"Salamat sa relief!" Aniya ng nakangiti. Kumunot ang noo ko, "Relief?"






"Oo, yung mga relief goods na pinamigay ni mayor sa squatters area sa lugar ng isa 'kong naging pasyente." Paliwanag niya.






"Ah," Awkward akong ngumiti dahil wala naman akong alam doon.






"Jackpot pala si Mayor, ang ganda ng asawa niya." Komento niya, natawa ako sa hiya.






Magsasalita pa sana ako nang biglang bumaba muli si kuya Asmodeus galing sa itaas nila, "Amber, Klaus called me. He's asking me to drive you home now." Paalam niya.






Tumayo ako, "Sige po." Tugon ko.







Nagpaalam ako kila ate Joanna at Grace, si kuya Asmodeus lamang ang maghahatid sa akin dahil delikado raw kaya pumayag na lang rin si ate Joanna.






Nang nasa sasakyan na kami ay hindi umiimik dahil hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon.






"Amber?" Napalingon kao kay kuya Asmodeus nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.






"Po?" Tanong ko.






"Can I ask you for a favor?" Tanong niya.






"Oo naman po, ano po ba 'yon?" Tanong ko.






"Whatever happens, please don't leave Klaus." Pakiusap niya.






Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "I feel like something bad might happen but I want you to stick around him no matter what happens." Muli niyang pakiusap, wala sa sarili akong napatango.






"S-Sige po, pangako." Tugon ko.






Ngumiti siya bago nilagay muli ang atensyon sa daanan.






Nang malapit na kami sa gate ng bahay ay nakita ko na roon ang nakatayong bulto ni Klaus na tula hinihintay talaga ang pagdating ko.






"He's waiting for you." Nakangiting ani ni kuya Asmodeus.






Ngumiti ako pabalik at pinakatitigan ang mukha ni Klaus na tila naghihintay talaga at inaabangan ang paghinto ng sasakyan namin sa kanyang tapat.






Nang makahinto na ay agad na akong bumaba, inaaya ko pa si kuya Asmodeus upang nakapagkape muna bago umalis ngunit tumanggi siya dahil may mahalaga pa raw siyang aasikasuhin.






Nang makaalis ang sasakyan niya at tiyaka ko lamang binalingan si Klaus ng tingin, sa umpisa ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghingi ng tawad sa kanya.






Tungkol sa inasal ko kanina at sa pagsigaw ko sa kanya, pilit kaong nag-iiwas ng tingin at hindi sinasalubong ang tingin niya na tila pilit na hinahabol ang aking paningin.






"Amber," Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya.






"Let's go inside," aya niya at akmang tatalikod nang magsalita ako.






"Klaus, sandali..." Tawag pansin ko.






Agaran niya akong nilingon, "Hmm?" Tanong niya.






"Gusto ko lang magsorry tungkol sa pagsigaw at sa inasal ko kanina, nadala lang talaga ako ng inis kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na sumigaw." Paliwanag ko.






"It's fine, I'm the one who should say sorry to you. I acted as if you did something wrong, I was just really jealous and insecure." Aniya. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.






"Insecure?" Tanong ko. Tumango siya.






"There's a lot of men around you that same as your age, I'm afraid that I'll wake up someday that you're in somebody's arms and not mine. That's why I'm keeping you away from them," paliwanag niya sa akin.






Nanlaki ang mata ko, "Nagseselos ka dahil doon?" Tanong ko.






"Yes, is there something wrong about that? I just really love you, to the point that I don't want to lose you." Aniya.






Napangiti ako sa sinabi niya, "Ang korni mo, tara na nga... Pumasok na tayo sa loo——"






Natigilan ako nang makarinig ako nang malakas na putok ng kung ano na nanggaling sa aming likuran.






"Amber!" Narinig ko rin ang malakas na pagbigkas ni Klaus sa pangalan ko.






Unti-unti kong naramdaman ang malamig na bagay na tila bumaon sa tiyan ko, wala akong naramdamang sakit ngunit tila namanhid ang buong katawan ko nang dahil doon.






"Amber!" Muli pa niyang sigaw bago bumunot ng baril sa kanyang likuran ang pagbabaril ang kung sinong lumikha ng maingay na tunog kanina.






Lumabas na ang mga tauhan ni Klaus mula sa bahay at maging ang mga gwardiya sa village ay nakikita ko na rin, gusto ko pa sanang tanungin kung ano ang nangyayari ngunit tila naghina ng bigla ang buong katawan ko.






Ang akala ko ay babagsak ako sa matigas na lupa ngunit mabilis akong nasalo ni Klaus.






"Call an ambulance!" Utos ni Klaus, miski ang pandinig ko ay nanlalabo na rin at tila hindi ko na makilala ang sarili kong boses na puro daing lamang ang lumalabas sa tuwing sinusubukan kong magsalita.






"Amber, hold on please... Please, baby..." sunod-sunod na pakiusap ni Klaus sa kanya.






"M-Mama?" Unti-unting dumidilim ang paningin ko ngunit bago pa ito tuluyang lamunin ng kawalan ay nakita ko ang imahe ni Kris na papalapit sa akin.






"M-Mama..."







A/N: Please take time to read the description of this story to make it clear. Thanks. :))

Continue Reading

You'll Also Like

386K 20.2K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
686K 12.3K 50
BETRAYAL SERIES #2 COMPLETED Phoebe Calista Davis life is a mess,why?because of her family that totally destroyed her.But what if Beckham Lincoln Smi...