LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES T...

By DANATHOUGHTS

6.9K 517 77

Life is the best gift that God has given to us,we do things that will make us happy and also things that will... More

INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
FINALE 💎

CHAPTER 24

120 14 2
By DANATHOUGHTS

Anaïs POV

"tama ba na bumalik ako dito kasama si Syndey? O baka makagulo lang kami sa buhay na naiwan namin dito"
Nag aalala ko pang tanong kay Gabriana

"Aïs ano ba? Hanggang kailan mo ba balak ilayo ang bata kay Dem? Hanggang sa hindi na niya mataanggap ang tunay niyang Daddy at isipin na iniwan siya nito dahil ayaw sa kaniya? Tingin mo ba maiintindihan ka niya pag sinabi mo na natakot ka kaya hindi mo siya naiakilala"
Mahabang lintaya nito

Oo may point naman siya at ang nakakainis laging tama ang sinasabi niya.

Hindi naman kasi ganun kadaling aminin at sabihin sa lahat,once na malaman ng lahat for sure pagpipiyestahan ang kwento namin at ayokong madamay pa si Syndey

"Gab,alam mo naman na mahal ko si Syndey and I'll do everything for pero"

"Pero? Natatakot ka? Tama ba ako Aïs"

"Come on,makinig ka ha"
Aniya at lumapit sa akin habang hawak ang dalawa kong kamay

Hindi ko na maitago ang emosyon ko sa harap niya. Ewan ko ba sa tuwing pinag uusapan namin ang tungkol dito naiiyak nalang ako sa hirap

Sa hirap ng sitwasyon na ayokong may masaktan sa mga taong mahal ko

Pero ano bang magagawa ko?

Mali ba?

Mali ba na nagmahal ako at ibinigay ko ang lahat sa taong mahal din ng kapatid ko

Mali ba na mas pinili ko ang kasiyahan ng kapatid ko kesa sa kaligayahan na gusto ko

Isa lang naman kasi ang mali ko sa lahat ng naging desisyon ko,yun ay ang hindi ko kaagad naisip ang kasiyahan ng anak ko.

Sino ba naman kasi ang anak na gustong hindi makilala ang ama niya? hindi bat wala

"Kailangan mong lakasan at tibayan ang loob mo. Alam ko na naisip mo na ang sasabihin ko pero gusto kong isipin mo ng mas malalim ngayon ha. Sana naman ngayon na nandito na kayo at malaya ka ng sabihin sa lahat ang totoo,sana isipin mo yung kapakanan ng anak mo yung kaligayahan at karapatan niya bilang anak niyo. Hindi ko sinasabi na saktan mo ang kapatid mo pero hindi ba mas maganda kung aaminin mo kay Demi na anak niya si Syndey and doon makikita mo yung tunay na saya at karapatan ni Syndey na matagal mo ng gusto makita at ibigay sa kaniya"

"Isipin mo naman yun Aïs"
Dagdag pa niya.

Bakit ba kasi napaka makonsensya ng friend kong ito!

"Tingin mo ba hindi yan gumugulo sa isip ko araw araw. I know Syndey,nahihiya siyang magtanong minsan pero Gab ina ako,ramdam ko yung gusto at ayaw niya and I feel and know na gustong gusto niyang makasama ang ama niya pero ang masakit ako na ina niya ang humahadlang sa kasiyahan niya"

"Ang hirap Gab"
Naiiyak ko ng sabi pa

Paano ko ba gagawin kung ang gusto ko ay walang gulo

"Mommy"
Pagtawag ni Syndey habang patakbo sakin

Nasa pool side kasi kami ni Gabriana na nag uusap at sila naman ay nasa loob magkakasama

Kaagad ko pang pinunas ang mga luha ko bago hinarap ang aking mahal na anak.

"Mommy are you crying?"
Malungkot niyang tanong at tiningnan ako ng deretso sa mata

"no sweetheart"
Nakangiti kong sabi

"By the way,bakit mo hinahanap si Mommy you need anything"
Dagdag ko pa

"okay,please don't cry magiging sad din ako"
Malambing niyang sabi at niyakap ako

Ang sarap lang sa pakiramdam na meron kang anak na nakakapag patanggal ng lungkot sayo.

"Mommy look,ginawa namin ni Tito Dem. Ginawa namin ito with puso para sayo Mommy"
Aniya at inabot sa akin ang painting ng mother daughter.

Honestly,maganda siya and sobrang colorful.

As colorful as my life ng dumating ang anak ko na si Syndey sa buhay ko noong nanghihina ako.

It reminds me of Mommy's painting na ginawa niya noon sa akin the only painting na nailagay ko sa room ko hanggang ngayon.

"Sobrang nagustuhan ko anak,you're such a great painter like Moma"
Naiiyak kong sabi at niyakap siya

"You're crying Mommy"
Malungkot niyang sabi

Hirap pigilan ng iyak,yung iyak na halo halo ang emosyon na hindi mo maintindihan kung bakit laging pumapatak.

Unexpected tears for someone that always gives joy to your heart,

"Because of you,I love you may Angel"
Nakangiti ko siyang hinarap at hinalikan sa noo

"I love you so so much Mommy"
Malambing niyang sabi

My forever tesoro!

"I love you both"
Pagsingit naman ni Gab at siyang yumakap din sa amin









"Ate"
Pagtawag ni Parsa mula sa likod ko

Nagulat pa ako sa tawag niya kaya napangiti nalang ako at hinarap siya

"Yes"
tipid kong sagot

"Can we talk"
Aniya

Medyo gulat pa ko dahil sa gusto niya akong kausapin?

Sa pagkakaalala ko ay hindi maganda ang huli naming pag uusap

"About what"

"Syndey"
Nagdadalawang isip niyang sagot

Bakit naman gusto niyang  pag usapan ang anak ko?

Para alamin kung kaninong anak,sino ang ama?

"Why?"

"Si Demi ba ang ama"
Deretso niyang tanong kaya napatigil ako sa ginagawa ko

"Para ano pang alamin mo"
Naiinis kong tanong

"Dahil karapatan ko bilang kapatid mo"
Naiiyak pa niyang sabi

Nakakatawa lang ang pag uugali niya sa harap ko

Si Parsa ba talaga ito?

"OO"
Deretso sa mata niya ang tingin ko kayat kita ko ang pagpatak ng mga luha niya na nagpahina sa loob ko

Alam ko mahirap para sa kaniya na malamang ang ama ng anak ko ay ang taong mahal niya.

Pero tama si Gab panahon na para isipin ko naman ang kasiyahan at karapatan ng anak ko

Kung titimbangin lang ang pagmamahal ay hindi ko na kailangan pang kwentahin ang lahat dahil ang buong puso ko ay nakalaan lamang sa anak ko.

Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko

"Alam na ba niya"
Nanginginig pa ang boses niyang sabi

"Dadating din ang panahon Parsa para malaman ni Dem ang totoo tungkol sa akin at sa anak niya."
Ani ko at laking gulat ko ng lumuhod siya sa harapan ko

"please Aïs,wag mo ng sabihin kay Demi ang totoo"
Naiyak na niyang sabi

"Parsa ano ka ba tumayo ka nga"
Galit na sabi ko at pinipilit siyang patayuin

"No hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo sinasagot please Aïs"

"Parsa"

"Aïs please"

"Sorry,pero anak ko na ang usapan karapatan niyang makilala ang ama niya at bilang ina alam ko na naiintindihan mo ako. Huwag kang mag alala dahil hindi ko balak agawin si Dem sayo kahit malaman niya ang totoo. May anak kayo at alam ko na mas pipiliin ka niya."
Ani ko at siyang bumitaw sa kaniya para makaalis

Totoo lang hindi ko inaashaan na luluhod siya sa harapan ko para magmakaawa na huwag ipaalam kay Dem ang tungkol kay Syndey.

Gustuhin ko man pero huli na rin ang lahat dahil bukas na bukas ay sasabihin ko kay Dem ang tungkol kay Syndey.

They deserved to know the truth.

Kahit ito manlang ay mapasaya ko ang anak ko,at mabuo ang kaniyang pagkatao.

KINABUKASAN

"Aïs"

hindi ko na nilingon pa ang taong tumawag dahil boses palang ay alam ko na kung sino

It's him.

"Anong gusto mong pag usapan?"
Nagtataka niyang sabi

Ilang taon na din ang lumipas pero parang wala nagbago sa itsura niya.

Gwapong gwapo pa din ang lalaking ito.

Hayst bakit ba yun ang napasok sa isip ko erase erase Aïs apakalande mo!

"May kailangan kang malaman"
Kinakabahan ko pang sabi

"Ano"
Tipid niyang sagot

Basang basa ko sa itsura niya ang pag iisip at kaba

"Alam mo ba na mahal na mahal ka ni Parsa? "
Ani ko

Selp!

Bakit hindi ko masabi sa kaniya?

Habang nakatingin ako sa kaniya ay naaalala ko ang itsura ni Parsa na nakaluhod sa harapan ko

Parang hindi ko kaya na saktan ang kapatid ko

"oo naman,at mahal ko rin siya dahil ina siya ng aking anak"
Nakangiti pa niyang sabi

Ang sakit!

"buti naman kung ganon,sana huwag mong iwan si Parsa at kahit ano man ang mangyari at malaman mo ay sana mas piliin mo pa din siya. Kasi alam ko at ramdam ko na mahal na mahal ka niya"
Nakangiti ko pang sabi kahit sobrang sakit sa loob looban ko

Clap clap clap!!!!

And the best lier goes to Anaïs Green!

Kailangan kita Dem,kailangan ka namin ng anak mo. Sana samahan mo kami na mabuo ang pamilya na dapat matagal na nating nabuo.

Mga salitang hindi ko mabanggit sa harap ng taong aking minamahal.

"I have to go,meron pa kasi kaming lakad ni Syndey"
Pagpapaalam ko akmang tatayo na ako ng harangan niya ako

"Aïs wait"
Aniya

"Bakit"

"Si Syndey? Kaninong anak siya? I mean sino ang ama niya"
Nagtataka niyang tanong

"Ahhh....

"Aïs let's go"
Pagsingit ni Gab sa amin ni Dem kaya naman nakahanap ako ng rason para iwasan ang tanong niya

"Sige Dem mauna na ako"
Ani ko at nagpatiuna ng lumabas kasabay si Gab

Buti nalang at timing ang dating ng bruha kong friend!!!

"Thank you"
Pasasalamat ko pa habang siya ay bakas ang pag tataka

This is not the right time for them,specially for her.

Gaya nga ng sabi nila,sa problema ng matatanda ang mga bata ang naiipit at ayokong mastress si Syndey sa mga pwedeng mangyari.

Kung ganon lang talaga kadaling sabihin kay Dem ang totoo nasabi ko na kanina pero meron sa akin na pumipigil gawin iyon,

Mahal ko si Syndey,at alam ng Diyos na gusto kong mabuo ang pagkatao niya pero paano kung

Nagiging mahina ako sa harapan niya at pipi sa katotohanang anak niya ang anak ko.

"Kelangan ko na bang balikan si Dem at aminin,mukhang sa itsura mo ay hindi mo napagtapat ang totoo e"
Seryoso pang saad nito habang abala sa pagdadrive

Apaka bilis talaga ng pakiramdam ng isang ito!

"Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanila Gab,baka mas gumulo lamang ang sitwasyon kung ipipilit natin sa maling panahon."
ani ko habang yakap si Syndey na abala sa kaniya games

Natahimik nalang siya sa sinabi ko na mukhang napaisip din naman siya.

Hindi naman siguro ito mangyayari kung hindi ganito ang plano ng Diyos sa akin.

I always believe in him and his way of protecting and guiding me to all the challenges in my life.


Vote and Comment. 💛

Continue Reading

You'll Also Like

18K 983 45
Sequel to "If It Hadn't Been For Love" Everyone thought, Sidele would finally live happily ever after...
310K 21.7K 157
Tác phẩm: Toàn thế giới đều đang đợi người động tâm. Tác giả: Tố Tây Người gõ: Mia của bạn nè Beta: Hoa Hoa của bạn đây Ý là truyện này gõ nhanh quá...
7.2M 206K 42
When Rory Vincent's protective older brother moves away to college her senior year, she decides that she is going to live life. She wants to date. S...
81.8K 2.1K 31
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...