Hell Section 2.0

By MaestraEnilegna

163 12 0

As a punishment for constantly breaking rules, Rhygel Dela Rosa, the larger than life son of a business magna... More

In the Midst of Things
1. Expelled
2. Trouble is My Second Name
3. Uncle No. 2
4. Housemate
5. First Day
6. Newcomer
7. Hell Section
9. Seventh Member
10. Condition
11. You Don't Know Me
12. Outcast
13. Encounter
14. Payback Time
15. Sad Truth
16. Open Circle
17. Hopia
18. Target

8. The Devil's Circle

8 1 0
By MaestraEnilegna

RHYGEL

Pangalawang araw ko na sa PHS ngayon. Wala pa 'yong sasakyan ko kaya si Uncle Ace muna ang taga-hatid at sundo ko.

I've been calling mom last night pero hindi siya sumasagot. Siguro ay sobrang busy pa rin niya. Si Miss Jasmin na lang ang tinext ko para ipadala dito sa bahay ni uncle 'yong sports car ko.

Papasok ako nang gutom dahil nawalan ako ng ganang kumain ng breakfast. Someone has ruined my day. Bwisit talaga si Boy Kulog!

Kanina pagbaba ko ay nakahain na ang mga pagkain. I was surprised when Roni handed me a cup of coffee. Kahit na badtrip pa rin ako sa kanya ay tinanggap ko ito. Busy na kasi si manang kanina. Wala na akong mauutosan.

Unang higop ko pa lang ay kaagad kong naibuga 'yong kape. The taste was horrible. Sobrang alat!

Alam na alam kong sinadya niya 'yon para sirain ang araw ko. Nagdahilan lang siya kay uncle na namali siya ng container na nakuha. Akala daw niya ay asukal 'yon.

Magpasalamat siya at nandito si uncle. Tumayo na lang ako para magpalamig ng ulo.

I'm busy browsing my social media accounts while waiting for uncle. Nandito na ako sa may garahe.

Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko si Roni na papalapit sa akin.

"Huwag na huwag kang magkakamali kundi ay malilintikan ka talaga sa akin." I immediately gave him a warning.

Imbes na patulan ako ay pumasok siya sa sasakyan, doon sa may driver's seat.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Baba!" sigaw ko sa kanya.

Mukhang ayaw niya talaga akong tantanan.

"Masakit ang tiyan ni tito. Ako ang maghahatid sa'yo." sagot niya sa akin.

No way! Hinding-hindi ako magpapahatid sa kanya. I'll just borrow uncle's car for today.

"Kung iniisip mong hiramin ito, pwes hindi pwede dahil may lakad siya mamaya."

Nagmatigas pa rin ako. Pero ang gago ay bumusina ng sunod-sunod. Narindi ang tenga ko sa lakas.

"Hop in! Huwag ka ngang maarte. Gusto mo bang malate?"

I don't want to be late kaya kahit ayoko sana ay sumakay na ako para maihatid niya.

Habang nasa daan ay pasipol-sipol ang gago. Nakikinig siya ng music sa airpods niya.

Teka. Hindi ba ito pumapasok sa school?

"Hoy! Hindi ka ba nag-aaral? Siguro ay kamote ka sa klase noh?" kantiyaw ko.

He gave me a smug look.

"I have online classes. Pero papasok na rin ako sa school one of these days."

I'm glad. Mabuti naman at hindi lang pala pagtambay ang ginagawa niya maghapon sa bahay.

Pagdating namin sa PHS ay binigyan ko muna siya ng malakas na batok bago ako bumaba ng sasakyan.

Syempre. Lintik lang ang walang ganti.

***

Upon entering the classroom, I was welcomed by my busy classmates.

Abala sila sa pag-uusap. Napansin ko namang ang iba sa kanila na may hawak-hawak na envelope. Then, I was reminded about the invitation. Sinabi pala kahapon ni Blaze na i-check ang locker namin ngayong umaga.

I put down my bag and hurriedly went to the lockers area.

I think I should buy an outfit for the party. Kailangang maayos ang porma ko kapag pumunta ako.

I'm confident. Alam kong isa ako sa mga inimbita nila.

I opened my locker. Pero bakit wala itong laman? Does it mean that I'm not invited?

Nakakagago naman pala ang devil's circle na 'yan. This can't be! I should be in that party.

Pagkabalik ko sa classroom ay nakita ko si Blaze na kausap sina Uno at Bullet.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Linapitan ko siya.

"I think you forgot to give me an invitation." I said.

He gave me a "what are you talking about" look.

Imbes na siya ay ang epal na si Uno ang sumagot sa akin.

"Bakit ka naman namin bibigyan ng invitation? Sino ka ba sa akala mo?"

Hindi ako nagpatinag sa kanya. I'm not scared of him. He must know who I am.

"Because I'm a Dela Rosa."

Nagtinginan sina Uno at Bullet. Pagkatapos ay bigla silang nagtawanan. Napa-high five pa sila.

Ang ibang mga kaklase namin ay nakiki-usyoso na. These guys are really making a scene.

"Who cares if you're a Dela Rosa?" Finally ay nagsalita na rin si Blaze.

"Do you care if this guy is a Dela Rosa?" tanong naman niya sa mga nanunood sa amin.

Walang kumibo. Ang iba ay umiling bilang pagsagot na wala silang paki-alam kong isa akong Dela Rosa.

"See? Nobody cares! So stop barking like a dog."

Out of nowhere, a fist landed on my face. Sinuntok ako ni Uno.

I was caught off guard. Ininda ko ito kaya bahagya akong napayuko. Pero sinundan niya ito ng malakas na tadyak. Napahiga na ako sa sahig.

"I'm a Dizon. Bullet is an Avila. Blaze here is a Grande. Don't show off your ugly surname. Remember what I said to you yesterday?"

During our brief encouter yesterday, he told me that I'm not the only priviledged person in this class. Lahat daw sila ay mayayaman at makapangyarihan.

"Don't be too full of yourself. Consider this as a warning."

Muli niya akong binigyan ng malakas na tadyak.

Habang nakahilata ako sa sahig ay pinagtatawanan lang nila ako.

I can't believe this. Kahit kailan ay wala pang gumawa sa akin ng ganito.

Gago talaga ang Uno na 'yon. Humanda siya sa akin.

***

I was sent here in the infirmary. Inalalayan ako ni Sir Henz.

"Are you alright?" he asked me.

Wala lang naman sa akin ito. Sanay na ako sa mga ganitong bagay.

This physical pain is nothing to me. But the way they stepped on my ego is not acceptable at all. Ngayon lang may gumawa ng ganito sa akin.

Muli namang nagsalita si Sir Henz.

"Listen to me young man. Your section is different from the others. Siguro naman ay napansin mo na 'yan."

Alam ko. I belong to the infamous hell section.

"You are new to that section, so technically, you are a stranger to them. Alam mo ng hindi basta-basta ang mga kaklase mo. You all came from well-off families. Mga anak kayo ng mga kilalang politiko at mga businessmen. Hindi sa yaman o kapangyarihan nasusukat ang puwesto mo sa section ninyo. Eventually ay malalaman at matututonan mo din 'yan."

Nagpa-iwan muna ako dito dahil ayokong bumalik sa classroom.

His words actually make sense. Everyone plays a different game and in order for me to win, I must know how to play the game.

My phone rang. Finally, the bastard has called back.

***

Nandito na ako ngayon sa bahay. Kanina ay naka-usap ko na rin si Jacob.

Last time, I called him to ask about the devil's circle. Wala siyang masyadong alam sa kanila kaya magtatanong daw siya sa mga kakilala niya.

The dude did a great job. He sent me an email containing information about the members of the devil's circle.

I learned that the devil's circle is composed of six members. Ang anim na ito ang mga kinakatakotan hindi lamang ng hell section kundi ng buong Patterson High School.

Uno Dizon is the Vice Mayor's son. I also learned that they own the biggest shopping mall in the city. His mother is a well-known surgeon.

Bullet Avila is the stepson of a renowned lawyer. May-ari sila ng malaking law firm.

Ice Mendoza. Anak ng isang pharmaceutical magnate. His mom, just like Uno's, is a doctor. A cardiologist to be specific.

Scott Anderson is half-Filipino, half-American. His mom is a congresswoman. Ang tatay naman niya ay isang businessman.

Blaze Grande's family own a chain of five star hotels. His older sister is a prosecutor.

Damon Villaflor is the heir of an airline company. He's an only child. He also came from a family of politicians.

Hindi na ako masyadong nabigla sa mga nalaman ko. Isang bagay lang ang talagang kinabigla ko.

Hindi pala talaga basta-basta ang devil's circle dahil sila ay mga top students din. Mahirap paniwalaan pero totoo ito. Matatalino ang mga gago. Hindi lang talaga halata lalo na 'yong Uno.

Knowing things about them is a great start, I guess.

Pamilyar na ako kina Uno, Bullet at Blaze pero hindi kina Ice, Scott at Damon.

I received another email from Jacob. I concentrated reading it and I must say that the content is indeed a revelation.

Now I'm ready to the play the game with them.

They better watch their backs.

#

Continue Reading

You'll Also Like

8K 545 54
You're the past, she's the present. She's more than someone and you're just nothing. No parts in this book may reproduced, or transmitted by any for...
378K 25.3K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
MERCY HIGH By yoj

Mystery / Thriller

2.5K 735 37
MERCY HIGH An unknown school... A place where you don't know when it's your turn. A place where death is just around the corner. Dragon bell... Som...