Herrera Series 7: Owning the...

By KNJTHNDSME

347K 14.4K 1.2K

Nang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26-27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter

Chapter 33

7.1K 347 36
By KNJTHNDSME

Chapter 33

ISANG malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ni Roxanne galing sa kanyang ama na matalim ang tingin sa kanya at nagtatagis ang bagang na kadarating lamang.

Naroon rin si Everest at Eros na nabigla sa ginawa ng ama niya. Ang kanyang Lolo naman na nakaupo sa bench ay hindi sila tinapunan ng tingin.

"Dad!" Suway ni Everest. "What was that for?"

"That's for putting your Mom in danger!"

Kahit pa nabigla siya sa ginawa nito ay hindi niya magawang sisihin ang ama. Kasalanan naman kasi niya.

Kung hindi niya pinilit ang ina, hindi sana ito maisusugod sa ospital. Hindi sana malalagay sa alanganin ang buhay nito.

Ngayon ay nasa ospital sila dahil isinugod ang kanyang ina nang mahimatay ito kanina.

Ikinubli niya ang sama ng kanyang pakiramdam upang huwag siya nitong kaawaan. Ngunit kahit ano ata ang gawin niya, hindi niya makikita sa ama ang simpatya nito para sa kanya.

Hindi na kailanman siya nito titingnan ng gaya dati. At ngayon na alam na niya kung bakit, wala na siyang karapatan pang magreklamo o magdemand ng atensyon mula sa ama niya.

"Have you had enough?! Hindi pa ba sapat na binibigyan mo ng problema ang ina mo, ngayon naman gusto mo siyang patayin? After all we did for you—"

"I never asked for it." Kalmadong putol niya sa ama. "Pero sinusuklian ko naman lahat ng iyon. I am trying to be your perfect daughter. I topped in my class. Kahit na hindi mo ako tingnan gaya ng dati, ayos lang. Kasi deserved ko naman. Naging pabaya ako kay Sebastian and I know you blamed me for that! Kayo ba? Have you had enough? Kulang pa ba 'yong parusang binibigay niyo sa akin? Hindi pa ba sapat 'yong mga ginagawa ko para pahalagahan niyo kahit na papaano?"

Hindi na niya napigilang maging emosyonal. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa sakit na nararamdaman niya, pero kakaiba. Nag-uumapaw.

"Hanggang kailan niyo ako sisingilin sa buhay ni Sebastian? Hanggang kailan niyo ipaparamdam sa akin na ako ang may kasalanan?" Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ang kanyang nag-uumapaw na emosyon ay gustong kumawala. "Kahit anong gawin ko, kung iba ang pagtingin niyo sa akin, walang magbabago. I am still the irresponsible daughter to you. But now, I know why. Because I am just your adopted."

Si Eros at Everest ay para bang nabuhusan ng malamig na tubig sa labis na pagkabigla. Nilingon ni Eros ang Lolo nila na tahimik lang na nakaupo ngunit natigilan sa kanyang tinuran.

"Roxanne." Lumapit sa kanya si Everest saka bumaling sa ama. "Dad, iuuwi ko muna si Roxanne. Pag-usapan nalang natin 'yon kapag gising na si ti—"

"You knew?" Putol niya kay Everest. "All along? Ako lang ba ang hindi nakakaalam sa totoong pagkatao ko?"

Tiim ang bagang na umiling si Eros. "I didn't know." Bakas parin sa mukha nito ang pagkagulat. "I guess we aren't aware of these matter, until now."

"Ikaw, kuya? You knew?" Baling niya sa kapatid. "And you never told me?"

Nag-iwas ng tingin sa kanya si Everest. Ang ama naman niya ay lumambot ang ekspresyon. Lumapit rin ito sa kanya.

"Roxanne. Is that why your Mom fainted? Because you confront her?"

Umiling siya. "She spilled it out, Dad."

Halos nanghihinang ibinagsak ng ama ang kamay. Ang kaninang matigas nitong tindig ay biglang nanlambot. Punong puno ng emosyon ang mga mata.

Naalala niya ang emosyong iyon. Noong araw na ilibing nila si Sebastian ay iyon rin ang emosyong ipinakita nito.

Hindi na ito nagsalita pa. Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang mas lalong mapahagulhol. Umalalay sa kanya si Everest pero kaagad rin niya iyong inalis.

"Kaya ba hindi niyo ako magawang tingnan sa mga mata? Nang mawala si Sebastian, ni minsan hindi niyo na ako nilambing." Aniya. "Sa murang edad, itinatak ko sa isip ko na ako ang may kasalanan. Ako ang dapat sisihin dahil ako ang naging iresponsableng anak."

"Let's go home. Saka na nating pag-usapan 'yan." Wika ni Everest pero hindi niya ito pinakinggan.

"After that, you never looked at me. You always gets mad at me for no reason. Kahit hindi mo sabihin, alam ko, gusto mo akong itatwa. Kahit hindi mo ibigkas sa mga labi mo, ang mga mata mo naman ang nagsasabi kung gaano ka kasuka sa akin."

"Roxanne, please. Magpahinga ka muna. Saka na natin ito pag-usapan." Nagmamakaawa na ang tono ni Everest pero hindi parin niya ito pinakinggan.

"—But Dad, if I hadn't let Sebastian go that day, would you still look at me the same? If I'd be the one that died that day, would you get mad at Sebastian?" Mapakla siyang natawa. "Probably not. Hindi naman kasi ako kawalan sa'yo. I am just your adopted, anyway. Kayang kaya mo akong palitan kung gusto mo. Pero si Sebastian, even though he didn't come to Mom's womb, he still your own flesh. A hard one to replace."

Pinunasan niya ang mga luha niya na bumasa sa kanyang pisngi, ngunit kaagad rin iyong napalitan nang bumuhos muli ang panibagong luha.

"Hayaan mo, Dad. From now on, you will never see me again. Hindi ka na mamomroblema aki—"

"What are you talking about, Roxanne!" Ang kanyang Lolo na ang sumabat. Ang malakas at nakakatakot nitong boses ay umalingawngaw sa hallway ng ospital dahilan para mapukaw nila ang atensyon ng mga taong nasa malayo. "Don't you dare do something stupid!"

Napabuntong hininga siya.

Ngayon na alam niyang hindi siya miyembro ng pamilya. Pakiramdam niya ay wala na siyang dahilan para matakot at sundin ang mga sinasabi ng mga ito.

"I made my decision. This is my life now."

Napamaang ang kanyang Lolo. Hindi ito makapaniwala sa tinuran niya.

"I want to know who my biological parents are."

"Are you.." hayon na naman ang nakakatakot na ekspresyon ng kanyang ama. Nagtatagis ang bagang nito sa galit. "Are you going to give up everything just to find your biological parents? Including your Mom?"

Hindi iyon ang nasa isip niya. Ni minsan ay wala sa isip niya na itatwa ang ina. Kahit pa hindi niya ito tunay na ina ay mahal na mahal niya ito. Ito parin ang kikilalanin niyang ina.

Pero, gusto niyang makilala ang tunay niyang mga magulang. Gusto niyang malaman kung bakit siya ng mga ito hinayaang mapunta sa iba.

Matapang niyang hinarap ang ama. "May karapatan naman siguro akong malaman ang tunay kong mga magulang, hindi ho ba?" Saad niya.

"Fine!" Asik ng ama. "But don't expect too much!"

"I won't."

Natahimik ang kanyang ama. Gano'n rin sina Eros at ang Lolo niya. Si Everest naman inaaya na siyang umalis.

Ayaw narin naman niyang makipagtalo sa kayang ama dahil mukhang marami pa itong gustong isumbat sa kanya.

May mahalaga rin siyang sasabihin rito ngunit hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan nila.

Kaya naman hinayaan nalang niya si Everest nang hilain siya nito.

Naglalakad sila sa mahabang hallway at tahimik lang siya.

"How are you feeling?" Tanong ni Everest.

"I am fine." Napahawak siya sa kanyang tiyan. "I am hungry."

"Gusto mo bang kumain?"

"Yeah, but not here."

"Gusto mo bang maghanap ako ng restaurant? Your favorite restaurant are near the hospital—"

"Gusto kong kumain sa karendirya."

Napamaang si Everest. "Karendirya? Why? It's not like I don't want to eat there. But you.."

Nagkibit balikat siya. "I just feel like eating there. That's all."

Hindi naman nagtagal nang makahanap sila ng karendirya. Harap lang ng ospital iyon at halos lahat ng mga nurses ay kumakain roon.

Dahil kilala sila ng mga nurses sa ospital ay hindi maiwasan ang pagtinginan sila ng mga ito. Marahil ay nagtataka kung bakit sila naroon.

"Wala ba silang sariling canteen sa loob?" Naiinis na tanong ni Everest. Hindi kasi ito makasingit sa dami ng tao.

"I assume mas masarap ang pagkain rito sa labas." Aniya. "Isa pa, kung ako rin naman, hindi talaga ako makakakain sa loob ng ospital. I don't like the smell."

"Kailan ka pa naging sensitive sa ospital?"

"Just now."

"Why?"

Napakamot siya sa tuktok ng kanyang ilong. Hindi rin naman niya maipaliwanag.

"Anyway, what do you want to order?"

"Lumpiang shainghai."

"That's it?"

"Plain rice and water."

"Iyon lang?"

Tumango siya saka bumaling sa paligid upang maghanap ng mauupuan. Ngunit puno ang paligid. "Let's just eat in the car."

"Not in my car." Tanggi ni Everest.

"Arte mo!" Inis niyang sigaw sa kapatid.

"Ayoko rin magkaroon ng ibang amoy ang loob ng kotse ko. Baka isipin ni Sapphire may dini-date ako sa loob ng sasakyan."

Napaingos siya. "Kung kailan apat na ang anak niyo, saka pa siya magseselos?"

"Hindi mo naman alam, kasi wala ka pa namang asawa. Kapag may asawa kana, tignan ko lang kung hindi ka mapraning."

Hindi na siya sumagot pa. Bigla kasing pumasok sa isip niya si Lucien na kaagad naman niyang iwinaksi.

Hindi nagtagal ay nasa unahan narin si Everest. Hinintay niya ito sa labasan.

Nasa gano'ng sitwasyon siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na tao sa kanya. Dumaan ito sa harap niya ngunit okupado ang isip nito kaya naman hindi siya nito pinansin.

Kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag pero labis ang pagkagalak ng puso niya na muli itong makita.

Kahit pa man galit siya rito ay hindi parin niya maitatanggi na mahal niya ito. Higit pa sa galit na nararamdaman niya. Pero dahil nagkasala ito sa kanya ay hindi niya magawang pakinggan ang anuman sa mga sasabihin nito.

Nanlumo siya nang makita ang bagsak nitong katawan. Hindi na niya nabilang pa ang araw na hindi niya ito nakita, pero hindi pa naman iyon gano'n katagal para hindi mapansin na nangangayat ito.

Hindi rin nito naalagaan ang sarili. Ang matayog nitong tindig ang bagsak na animo'y wala ng pag-asa.

Hindi niya alam kung dahil ba sa kanya kung bakit ito nagkagayon. Pero sa nakikita niya, iba ang naging epekto niyon sa binata.

Napagtanto niya kung gaano siya naging makasarili at hindi manlang inisip na masakit rin iyon para rito.

Hindi lang siya ang dapat intindihin at pakinggan. Hindi lang siya ang nasa relasyon. Hindi lang siya ang nagdurusa.

"Lucien?" Tawag ni Everest sa binata na kaagad na nagtaas ng tingin.

"Everest."

Sinikap ni Everest na huwag siyang balingan. "Anong ginagawa mo rito?"

"Inilipat kasi ang Mommy ko rito." Hindi man niya kita ang mukha nito dahil sa nakatalikod ito ay halata naman sa boses nito ang lungkot. "I am sorry. Your grandfather offer us for help. Tatanggihan sana namin dahil sobra sobra na ang tulong niya. Isa pa, alam niyo naman na nagkasala kami sa inyo."

"It's fine. Sera and Eros will take good care of your Mother. I'll assure you that."

"S-Salamat." Tugon nito. "Kamusta na siya?"

Napalunok siya. May kung ano sa puso niya na nasasaktan para rito. Ang tono nito na umaasa sa sagot na hindi niya alam kung ilang beses na nitong tinanong.

Habang nakatingin siya sa nanghihina nitong likuran ay hindi niya napigilang mapaluha.

"Why don't you ask her that yourself?" Pagkasabi niyon ay itinuro siya ni Everest.

Hindi na siya nagreklamo pa. Sa mga oras na iyon, hindi na niya inisip pang iwasan si Lucien.

Lumingon ito sa kanya at siya naman ay kaagad na pinunasan ang luha niya.

Ang walang buhay nitong mukha ay napalitan ng sigla ngunit naroon parin ang  pag-aalinlangan.

"Roxanne/Lucien." Sabay nilang tawag sa isa't isa.

Mas naging klaro sa kanya ang bagsak nitong katawan. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at bakit parang hindi nito naalagaan ang sarili.

Maitim na ang gilid ng mga mata nito at mapula narin ang mga mata. Hindi niya alam kung ilang araw itong hindi tumingin sa salamin dahil mahaba na ang mga balbas nito.

"Oh, may table na." Sabi ni Everest na kaagad inilapag ang tray sa bakanteng mesa. "Both of you, sit down. What do you want, Lucien?"

"A-Ako na." Tugon ni Lucien pero hindi inalis ang tingin sa kanya. "Salamat nalang."

"I insist. I'll order lumpiang shanghai ang sinigang for you." Pagkasabi niyon ay iniwan na sila nito.

Napabuntong hininga siya saka nagtungo sa bakanteng mesa. Umupo siya sa silya na dikit sa pader. Si Lucien naman ay nag-aalangan na sumunod at umupo sa kabila na kaharap niya.

"Kamusta ka na?"

"I am fine." Wala mang emosyon ang sagot niya ay masaya naman ang puso niya na marinig muli ang boses ni Lucien. "You?"

"I'd be lying if I say that 'I am fine' but no. I am not."

Napangiwi siya saka napatakip ng ilong nang maamoy ang alak rito. Malayo naman ito sa kanya pero naamoy parin niya.

Hindi naman iyon gano'n kalakas pero kakaiba ang naging reaksyon ng ilong niya.

"You've been drinking?"

"Yeah," walang buhay nitong sagot. "I can't sleep so."

Nakaramdam siya ng awa rito. Gano'n rin naman siya pero hindi niya akalaing gano'n ang mangyayari sa binata.

"Hindi ko alam kung maswerte ba ako na makita ka o ano e. Pero masaya ako na makita ka. Kahit hindi mo ako pakinggan, ang mahalaga sa akin ay makita kang maayos."

Napaingos siya. "Yeah, sure. Thanks."

"Alam ko namang hindi mo na ako mapapatawad. Masyadong malaki ang kasalanan ng Papa ko sa inyo, lalo na sa'yo. You told me about your brother before and yet, I just stood silently. I cowardly stood infront of you, afraid that you might get mad at me for not telling you the truth." Nanginginig na ang boses nito pero palit parin nitong sabihin iyon.

"Hindi mo maibabalik pa ang buhay ng kapatid ko. It's impossible. Kahit pa umamin ka sa akin. Alam mo kasi, hindi lahat ng kasalanan madaling mapatawad. Pero imbes na linisin mo ang sarili mo, mas lalo mo pang tinabunan ng dumi. Pinalala mo lang ang sitwasyon at iyon ang hindi katanggap tanggap."

"I am sorry."

"Kaya naman kitang patawarin. But the fact that you stayed with me the whole time, knowing who I was, how I suffered from my past is very much unforgivable." Napahikbi siya. Gusto niyang pakawalan ang sakit sa puso, pero ayaw niyang makatawag ng atensyon sa mga taong naroon. Lalo na at personal iyon na bagay.

"I just can't believed that after I told you most everything about my life, you choose to hide yours. You've become selfish. Takot kang maiwanan pero hindi mo inisip ang mararamdaman ko. Hindi mo ako inisip."

"I am sorry." Kinuha ni Lucien ang kamay niya na kaagad naman niyang binawi. Dahil doon ay nalungkot ang binata.

"Sabi mo ay hindi mo ako sasaktan. But look at me now, Lucien. I am miserable!"

"Tell me. What should I do to make it up to you?" Desperado nating saad. "Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. Anything to make you come back to me."

"Anything?"

"Y-Yes."

"Get lost."

A/N: Isang malaking SORRY po sa inyo
Sobrang tagal bago ako maka-update. May sakit po kasi ako ngayon at kailangan ko pong maglie low muna sa gadgets.

Huwag po mabahala, hindi mo ito Covid 😅 lagnat, ubo at sipon dahil sa maulang panahon.

Huwag po tayong magkasakit. Sa panahon ngayon, mas mahalaga na alagaan natin ang katawan natin.

Salamat po. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...