Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

151K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 28

3.3K 33 28
By Eishstories

Chapter 28
Friends


Kanina pa ako nakatitig lang sa mukha niya habang tulog na tulog. I already prepared beforehand for this outreach. Alam kong nakakapagod kaya nakiusap na ako ng adisyunal pang two days off. So now I have a couple days to drown myself in fantasy here, before reality hits me back in Iloilo. Saka ko na puproblemahin si Lucas pagbalik ko roon.

"Range..." maharan kong tinapik ang pisngi niya.

He furrowed his brows slightly.

"Iniwan na nila ako. Paano na?" dagdag kong sinabi nang bahagya siyang gumalaw pero hindi nagigising.

Nang matignan ko ang orasan, magtatanghali na. Naiwan na nga talaga ako ng team kung umalis sila ayon sa schedule namin ala-siyete aalis.

Great.

So what to do now? Aaksayahin ko nga ba ang off dito o ano? Takot din naman akong bumalik ng Iloilo kung kumprontasyon lang ang aabutin ko ro'n.

Range groaned. "Just stay here for a bit, Saint."

Napasinghap ako sa suhestiyon niya. Hindi dahil ayaw ko kundi dahil iyon naman talaga ang plano ko. Susulitin ko na lang muna ang pantasya ko nang dalawang araw pa.

At dahil wala siyang plano na bumangon, mauuna na akong mag-ayos. Dinala ko ang sarili sa banyo kahit nahihirapan sa sakit ng ulo. Honestly, last night was a fucking blur. Ni hindi ko na matandaan ang nangyari pagkatapos ng sagutan namin ni Lucas sa foyer. Yes, I remember Range dragging me upstairs to continue drinking. But after that... what happened? I mean, we were fully clothed. I don't think 'something' happened.

Given that, I sighed as a sign of massive relief.

May pinagsasabi nga lang ako sa kanya lalo't lasing na lasing ako kagabi? Like... typical useless stuff I say when drunk?

Pagkalabas ko ng banyo, tulog pa rin si Range. Minadali kong magbihis bago dinala ang sarili sa baba para makatulong kay Nanay kung sakali. Nakakahiya naman na tinanghali na nga ako ng gising, ang tamad ko pang tumulong.

Sa baba, paglagpas ko sa dining room, maingay roon. At imbis na sa kusina ako dumiretso, sumungaw ako dining room. Dito, masaya nang kumakain ng tanghalian sina Marcus. Nilingon ako ng lima.

"Oh, Saint?" si Diego, mukhang gulat na makita ako.

I pursed my lips and brought myself inside the dining room. Gusto kong yumuko lalo't baka kung ano na ang iniisip nila sa pagkakataong 'to. Well, whatever. Halata naman siguro ang rason kung ba't ako nagpaiwan, hindi ba? Pero kasi...

"Uh. Hindi ako nakagising nang maaga kanina, naiwan ako. Sobrang naparami siguro ang nainom ko kagabi," patikhim kong sinabi.

All of them seemed to not mind, but I said that for my own peace of mind. Ayaw ko lang na baka lagyan nila ng malisya ang pananatili ko rito lalo't wala naman talaga. Bago ko pa lalong pahiyain ang sarili, umupo na ako sa bakanteng upuan sa kaliwa ng kabisera. It looked as if they purposely emptied this seat for someone.

Weird.

Base sa hitsura nila, mukhang tutulak sila ng plantasiyon. I wonder if I can tag along with them?

"Pupunta kayong plantasiyon, Marcus?" tanong ko sa katabi.

Nahinto siya sa pagkain saka napatango. "Oo. Sumama ka na tutal maiiwan ka ritong mag-isa kapag hindi. You'd be hella bored here."

A familiar musk hit my nose like a train-wreck. I stiffened. Awtomatiko akong napaayos nang pag-upo sa pagdating ni Range. Mamasa-masa ang buhok niya at halatang kagagaling lang sa pagligo.

I coughed intentionally. At parang wala lang naman sa kaniya pero ba't... naiilang ako nang husto?

"You have a habit of running away after you sleep with me, Saint," kaswal niyang pahayag na animo'y kami lang ang 'andito!

Lumaki ang mata ko. Nasipa ko bahagya ang paa niya sa ilalim ng lamesa kaya minasamaan niya ako ng tingin. He even mouthed 'what'.

My eyes narrowed at him. "Kanina ka pa ginigising. Ikaw ang ayaw."

Sumadyang napatikhim si Marcus kaya sabay namin siyang binalingan ni Range.

"Gusto raw ni Saint na sumama ng plantasiyon. She's be bored here, you know. Isama mo na,"

Range directed his attention at me. "Do you want to do that?"

I nodded. "If you're willing to bring me. Kung sabagal lang ako sa gagawin mo. H'wag-"

"No. We will go, Saint. Finish your food and we'll go together,"

Napakagat ako ng ibabang labi sa pagpayag niyang isama ako. Minadali ko nga ang pagkain, takot na baka magbago pa ang isip niya. Tumulak din kami paalis pagkatapos kumain ng lahat.

Ang sabi ni Range, mabilis lang biyahe patungo ng warehouses. Iyon nga lang, dahil sa akin, mabagal ang patakbo ng lahat. Doble tuloy ang oras na ginugol namin papunta.

Una akong pinababa ni Range kay Maximus. Napapako na ang kuryoso kong tingin sa unang warehouse kung sa'n na binababa ang mga kaing ng mangga galing sa mga truck. Labas-masok ang mga trabahante roon.

Range, however, tugged me when I verged to walk in a wrong direction. Tinuro niya ang ikatatlo at pinakamalaking warehouse. Doon ako napatingin.

"Sa opisina muna tayo, Saint. Mamaya ka na maglibot," mariing saway niya nang umakma akong pupunta sa unang warehouse.

Imbis na mabusog ang kuryoso kong mata sa nakikita sa loob ng ikatatlong warehouse, mas lalo lang 'ata akong nagaganahang maglibot-libot. Hindi na maalis-alis ang atensiyon ko sa conveyors belts. It's hypnotizing.

"That's enough, Saint." Range called when he saw me still fixated on the conveyor belts. Nasa hagdanan na pala s'ya at bahagya na akong naiwan.

Nalungkot ako bigla nang ipasok niya ako sa opisina. Pinasadahan ko ng tingin ang loob, sa dulo'y ang malapad niyang desk at swivel chair. Sa kaliwa ko naman ang U-shape sofa na inuupuan na ng mga kaibigan niya. It's minimalist, wala masyadong gamit. Puwera na lang sa mga papeles sa desk niya.

Binitawan ako ni Range at dumiretso sa desk niyang puno 'at ng pipirmahan. Ako, umupo na sa sofa. Biglang silang natigil sa pag-uusap. Noah leaned curiously at me.

"What do you think about the facility, Saint?" tanong niya.

I pouted. "Well... it's massive. Ang dalawa bang warehouse, ganito rin sa loob?"

Noah enthusiastically nodded.

Mariin kong tinignan ang lima.

Nakakapagtataka na 'andito pa silang lahat? Ang sabi ni Range, gusto raw nilang humingi ng dispensa sa akin. I don't think that's needed anymore. Isa pa, mahirap naman kung nag-aaksaya sila ng panahon para lang samahan si Range sa kapritso niya. Alam ko namang may mga sari-sarili silang negosyong inaasikaso na mas importante rito, sa amin.

"Come, Saint..." ani ni Maverick nang napatayo siya. He directed his attention to Range. "Ililibot ko sa baba, Range. She'd be bored waiting for you here, man. Yes?"

Range looked at me slyly, then nodded. Hindi nga lang siya nakapagsalita nang pumasok na ang may edad na babae dala ang isang dangkal na papeles.

Sinamahan ako ni Maverick sa baba. Pinagbihis muna ako ng staff ng protective gears bago ako pinapasok sa mismong processing area. Mabuti na lang at nagyaya si Maverick na ilibot ako. Baka naman kung hintayin ko pa si Range, tapos na ang trabaho nila rito, wala na akong aabutan.

Maverick pointed the first conveyor belt. Napatingin ako.

"Ito ang first washing area. At sa dulo, doon naman ang second washing area."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Bawal kasing huminto dahil fall risk daw.

"Ang unang dalawang warehouse, ganito rin sa loob. Same layout, actually. Washing area sa unahan, packing ang pinakadulo," dinagdag niya.

"For export ba 'to, Mave?" tanong ko nang marating namin ang mismong packaging area.

Dito, mas marahan ang trabaho. Makikita mong repetitive masyado ang ginagawa nila. Babae halos ang nagmamano rito. Maingat at isa-isa nilang nilagagay ang mga naproseso nang mangga sa boxes. Mukhang pang-export nga 'to kahit 'di pa sagutin ni Maverick ang tanong ko.

Tumango siya.

"Yes. Oro Verde supplies mangoes to the all South East Asian countries, and of course, Europe," napaturo siya sa isa pang facility sa likod. "Iyan ang isa pang facility. D'yan ginagawa ang mga local products, dried mangoes and other delicacies of sorts."

Paliwanag ni Maverick, maliit daw ang facility for local products. Hindi ko alam kung ano ang batayan niya ng maliit pero hindi iyon maliit lang para sa akin. That facility, by the looks of it, can produce and process thousands of products in an hour. I can't fathom that.

Windang na windang ako nang pauwi na kami galing ng plantasiyon. Nalulula, kahit na isang parte pa lang ng negosyo nina Range ang nakikita ko. It is... a bit intimidating even thinking about it.

Tahimik ako sa kalagitnaan ng biyahe namin pauwi. Iniwan kami ng mga kaibigan niya lalo't pinabagal niya ang pagpapatakbo kay Maximus. We're just casually strolling Oro Verde. We are that slow.

Range chuckled out of the blue. "Ba't ang tahimik mo? How's the facility? Did you enjoy the tour with Mave?"

I slightly pouted. "It's okay. Mave explained each bit of the facility well. Ang lapad pala-"

"Damn it, Saint. Are you wearing a fucking bra?" aniya at pagalit na tinaas braso hanggang sa underboob ko.

I fucking blushed, but can't shoo his hold away. Mahuhulog ako kapag iyan ang ginawa ko. Uminit ang buo kong katawan sa ginawa niya.

Muntik na akong atakihin sa puso sa bilis nang pagpagpapahinto niya kay Maximus. Siguro'y nakumpirma niya nga'ng wala akong suot na bra. Pinilig niya pagilid ang ulo para mas matignan ang halter top ko.

"Hindi ako nagbra. Nipple tape-"

Napapikit ako nang biglaan niya namang pinatakbo nang matulin si Maximus, animo'y nagmamadaling makauwi. Pumikit ako at napakapit sa lubid nang wala sa oras.

"Range!" reklamo ko nang hindi na makayanan ang bilis namin.

Mas diniin niya ako sa dibdib niya. Mukhang hindi naman niya naririnig ang mga reklamo ko rito. Tinapik ko nang mabilis ang braso niya papalayo nang mas tinaas niya iyon. Hindi na underboob ko lang ang hinahawakan niya!

"Your hand, Range!"

He frustratedly clicked his tongue. "Stop moaning or we'll both fucking fall to our deaths. Hindi ka magba-bra tapos magrereklamo ka ngayon?"

Umikot ang mata ko. May nipple tape naman kaya ano bang issue niya?

Bago pa ako makareklamo ulit, narating na namin ang mansiyon. Nauna at nagmamadali siyang bumaba bago niya ako na pinihit pababa. Hindi na magkamayaw ang pagkunot ng noo niya sa galit.

Nagpamaywang siya sabay turo ng mansiyon sa likod ko. "Go and put a bra now, Sainthia."

Natawa ako pero walang halong biro. "Mainit. Ayaw ko. Isa pa, hindi naman halata ah? Halata ba para sa'yo?"

Range, without any further fuss, surveyed my top. Pinamulhan ako ng pisngi sa sarili kong kagagahan. He sighed languidly, as if he's desperately trying to calm down.

He hissed. "Fine. You can do what you want, wear what you want anyway. You win, and I lose. Every time," madrama niyang dinagdag na siyang kinatawa ko ng husto.

He glared at me before turning his back harshly.

Nainsulto ko yata paraan ng pagtawa ko. Dinala niya ang sarili sa gilid ng mansiyon, iniwan ba namab ako kay Maximus? I stifled a laugh, looking at his back slowly disappeared. Sumunod naman ako sa likod niya. Here, I caught him bringing his Wrangler Jeep back to life.

Kuryoso akong lumapit sa Jeep niya. "What are you doing? Aalis ka ulit?"

"Get in, Saint," suplado niyang inutos.

Sa takot, parang tuta akong sumunod. Nagseatbelt muna ako bago siya tinignan. Kagat-kagat ang ibabang labi lalo't medyo bumabalik na memorya ko sa sasakyang 'to.

Range annoyedly glanced back at me.

"Don't get me started with Palagay, Saint. Alam ko 'yang iniisip mo. H'wag mo nang ituloy pa," pagputol niya sa akma kong pang-aasar.

I chuckled. I commend him for catching me there. Aasarin ko nga siya pero naunahan niya ako. Dismayado akong napanguso.

"I remembered us making out. Isn't that enough for you?"

Pinanlakihan niya ako ng tingin, naiisulto na.

He snorted. "So the only way to make you remember is to make out?"

Hindi ako nakasagot. Kung sasagot ako'y 'di na yata bababa pa ang galit niya sa akin. Hindi ko rin naman kasalanan na nalimutan ko ang pangalan niya ng Palayag ah? If I remembered, would it even make a difference about how our relationship would've turned out? Mukhang hindi naman. Mukhang iyon talaga ang kapalaran naming dalawa.

After minutes of his angry driving, he parked us in a middle of nowhere. Sa Oro Verde pa rin naman kasi napapalibutan pa kami ng mangga. Hindi ko lang alam kung saang parte ng plantasiyon 'to. Bumaba na ang araw kaya hirap na akong maaninag pa ang paligid.

"Where are we exactly?"

"At the edge of Oro Verde," aniya habang pinapatay ang makina ng Jeep.

Pagod niyang hinilig ang likod sa upuan bago ako binalingan. Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"And we're here... because?"

Tinuko niya ang siko sa naka-open niyang window. Ginamit niya ang hinlalaki para dantayan ang ibaba niyang labi. Doon ako nadistract sabay na rin sa malisyoso niyang pagtawa.

"What do you want us to do here? Walang tao rito, Saint," his tone was mischievous, as if he's implying we'd so something... dirty.

I groaned. "Mag-uusap? We'll talk here?"

Umiling siya at natawa pa. "And I bet you don't remember your words last night too, huh? You don't remember since you have guts to face me today."

Sabi ko na nga bang may nasabi akong walang katuturan sa kaniya kagabi eh! Iyan naman kasi ako kapag nalalasing, nagiging tapat sa damdamin.

Hindi naman siguro...

"Straight to the point, Ranger. Ano bang sinasabi ko sa'yo kagabi ah? Bastos ba o bulgar?"

He amusingly caressed his bottom lip using his thumb again. Bigla siyang napaayos ng upo para mas maharap ako nang maigi. Siguro nga'y bastos. Tignan mo naman ang ngisi niyang 'to, abot-langit na.

He fakely shook his head. "You don't force anyone to sleep with you, Saint. Hindi ko inaakalang ganoon ka pala?" patuya niyang giit.

Then I wasn't making it up in my head earlier in the shower? Naalala ko nga'ng medyo namilit ako sa kaniya kagabi. Hindi ko naman inaakala na totoo iyon at hindi panaginip lang. Gusto kong pisikal na isapo ang noo lalo't bumabalik ang sarili kong mga salita sa 'kin.

Nakakahiya!

I raised a brow at him, trying to safe my last bit of dignity left within me. "And you really denied me? Totoong humindi ka kagabi? Sus. Ikaw pa, Range?"

"Of course, I refused..." he laughed harshly. "It was such a pain to stop you from touching yourself last night. You said you can satisfy-"

Lumaki ang mga mata ko! Mabilis kong tinabunan ang bibig niya para 'wag niyang maituloy ang sasabihin.

Did... I actually wanted to touch myself last night... inside his room? At katabi niya? And the possibilities of that being true is greater than all the numbers combined knowing I was pissed, drunk last night.

Shit naman, Saint!

Mas pinamulhan ako ng mukha sa pagtawa niya sa ilalim nang pagkakagapos ko ng bibig niya. At bago niya pa ako nahawi, umayos na ako nang pag-upo. I couldn't bare to look at him, so I'd better escape now. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng Jeep para makalabas at makauwi ng mansiyon, mag-isa.

Uuwi akong mag-isa kaysa naman kausapin siya rito sa pilyang paraan.

"Sainthia..." he called me, chuckling still.

Iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko'y napihit niya na ang palapulsuhan ko pabalik. I bounched back harshly to his chest. I brought my eye to the dirt in great shame. I sighed.

"Uuwi na ako-"

Malalim din siyang napasinghap. "Alam mo ba ang daan pauwi? You don't know the way home, Saint. And you know damn well you're stuck here with me until I decide for us to go. Mamaya na tayo uuwi,"

Tumingala ako sa kaniya. Doon, nakita ko ang tapat niyang emosyon. The west wind made his longer-than-usual hair dance in motion. Yes, small thing, but was enough to create rumbles on my stomach. Pinaakyat ko ang kamay sa balikat niya para roon ko ipirmi bilang pagsuporta sa sarili.

He heaved. "Maverick told me what you said to him earlier,"

Sa rami no'n, hindi ko na alam ang ibig niyang sabihin. "Which bit then?"

"The one where you denied me again. Sinabi mo raw sa kaniya na... hindi mo alam ang estado natin ngayon. I want to ask you first why you said that before I comment," his tone of voice gave him away, he's obviously disappointed with what I said.

Napanguso ako kahit na kinakabahan. "I-I just don't know what to say to him earlier when he asked me about us. Iyon lang. I wasn't sure if we were on the same page. Baka lang kasi na nag-a-assume ako na tayo na ulit... tapos hindi pa naman pala. I'm sorry,"

Mabigat ang buntonghiningang pinakawalan niya. Umakma siyang may sasabihin kaya mabilis akong nagsalitang muli.

"And I feel like we're rushing this whole thing, too. When I said I was willing to try again, I might just be mistaken? I might've decided, irrationally. Hindi ko alam..."

Umatras ako para mabigyan ng espasyo ang pagitan namin. Alam ko na kung mas magkalapit kami'y ako lang ang kawawa, nawawala ako sa tamang katinuan.

Ang gusto ko lang ay pag-isipan namin 'to nang mabuti at hindi nagpapadalos-dalos lang. Whatever we felt this week might just be longing we felt after our bad break-up. But not entirely love. Not all will have it sweeter the second time around. We can't assume it will be.

His eyes narrowed. "Irrationally?"

Marahas akong napatango. "Yes. We... we can start again. But as friend first? I can give you friendship."

His lips curved annoyedly, it was as if he couldn't comprehend what he had heard from me. Kahit ako ay hindi rin alam kung ba't ko pa sinabi bilang suhestyon.

Range laughed without humor. "Damn it, Saint. I certainly don't want to just be friends with-"

"Friends with benefits. Ayaw mo?" I cut him hastily.

His mouth languidly widened. Kung kanina'y halos hindi siya makapaniwala sa narinig, mas lalo na ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
44.4K 1.8K 39
AGUSTIN SERIES #1 (COMPLETED) Priyanka Guevarra, a carefree and just the right amount of wild seventeen year old girl who had this huge crush on Lore...
22.1K 459 39
Fernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfrien...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...