The Cold Guy

By annneo6

57.2K 1.3K 14

What if you meet the man of your dreams? What if he wants someone else? What will heal you? Are you going to... More

The Cold Guy
chapter 1: Fiance
chapter 2: Slave
chapter 3: Lutang!
chapter 4: Savior
chapter 5: Text
chapter 6: Tagaytay
chapter 7: Bangka
chapter 8: Cold
chapter 9: Mini House
chapter 10: A Promise
chapter 11: Baryo
chapter 12: Friends
chapter 13: Maskara
chapter 14: Punishment
chapter 15: Tulong
chapter 16: Cry
chapter 17: Bintang
chapter 18: Sorry
chapter 19: Heart beat
chapter 20: Party
chapter 21: Goodbye Baryo
chapter 22: Pia
chapter 23: Secret
chapter 24: Bitch
chapter 25: Swimming
chapter 26: Mahal?
chapter 27: Goodbye Tagaytay
chapter 29: Restaurant's Anniversary
chapter 30: The Secret
chapter 31: Activity
chapter 32: The Truth
chapter 33: Girlfriend
chapter 34: Celebration
chapter 35: Ex
chapter 36: Idol
chapter 37: Friendship
chapter 38: All Black
chapter 39: Pangalan
chapter 40: Shopping
chapter 41: Timezone
chapter 42: Spin the Bottle
chapter 43: Teammates
chapter 44: Acquaintance Party
chapter 45: Acquaintance Party
chapter 46: Acquaintance Party
chapter 47: Kiss, Marry, Kill
chapter 48: Dead threat
chapter 49: Picture
chapter 50: Lannie
chapter 51: Plan
chapter 52: Grupo
chapter 53: Date
chapter 54: Simula
chapter 55: Ex Girlfriend
chapter 56: Tawag
chapter 57: Jane's Birthday
chapter 58: Libre
chapter 59: Manila
chapter 60: Finding lolo
chapter 61: Lola's story
chapter 62: Accident
chapter 63: Amnesia
chapter 64: Sino ako?
Epilogue

chapter 28: Brokenhearted

851 21 0
By annneo6

Trace POV

Matapos naming kumain tumambay muna kami sa sala at nagkwentuhan.

"Pupunta din pala sila ate Trisha mamaya" masayang sabi ni ana kay elle na kinatuwa niya.

"Wahh, miss na miss ko na siya"

"Makikita mo naman na siya, sayang nung sinundo mo ko sa airport at hinatid mo ko dito, pero agad kang umalis nung pumunta siya dito"

"May emergency kasi nun eh"

"Trisha?" Sabay-sabay kaming napalingon kay pia sa sinabi niya na kinanuot ng noo ko.

"Why?" Agad na sabi ko na kinagulat niya.

"A-ah, w-wala, w-wala" utal-utal na sabi niya na mas lalo kong kinataka.

Kilala niya ba yung kapatid ko?

"Kilala mo ba siya?" Takang sabi ni miguel na kinalunok niya.

"H-hindi eh, b-baka same n-name lang"

Bakit kailangan mautal? Kung magtatanong ako sa kaniya, hindi niya sasagutin, kaya si trisha na lang tatanungin ko.

"Galit pa ba siya?" Kinakabahan na sabi ni vince na kinangiti ni ana.

"Hindi, saka nagka-usap na kami tungkol diyan" nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni ana.

"Saan mo nga pala nakilala si trisha?" Tanong ni jake dito.

"Sikat kasi yung boutique niya sa america, then lagi akong pumupunta doon para magpasukat at mamili ng damit na benibenta niya, ate trisha's likes koreans things kaya nagkasundo kami, lagi kaming magkasama halos hindi na kami magkahiwalay kaya pati yung school na pinapasukan namin ni elle pinupuntahan niya kasama yung boyfriend niya noon asawa niya na ngayon, haha"

"Kamusta na kaya si kuya josh?" Masayang sabi ni elle.

"Loko-loko pa din atah?" Ani din ni karl na kinatawa niya.

Napatingin sakin si jake na tinawanan ko lang. Napatingin ako kay pia na kausap at katawanan si drake na kinainis ko. Lumapit ako saka siya inakbayan na kinagulat niya. Lumapit din si ana kay drake saka niya ito kwenentuhan na mas lalo kong kinainis.

Bakit ba ako naiinis, arghh

Nagtambay lang kami ng ilang minuto saka namin napag-isipan na umuwi na. Sumakay ako sa loob ng van ganun din yung mga kasama ko.

"Oh, ana sasama mo pa maleta mo?" Gulat na sabi ni jane na kinatingin din ni ana dun.

"O-oo, sinabi ko naman sa inyo kanina na weekend lang ako umuuwi dito diba?" Deretsong sabi ni ana na kinailingan ko.

"Ganun?"

"Oo, may pasok na tayo bukas, remember?"

"Oo nga pala, namiss ko yung campus, huhu"

"Halikan mo kapag nakita mo ulit"

"Your so mean" tinawanan na lang siya ni ana, saka kami nagbyahe. Una muna naming pinuntahan yung bahay nila jake.

"Salamat, salamat ana" sabi niya saka bumaba ng van kasama yung maleta niya.

"Sige, sunduin ka namin mamayang 5:00pm" tumango lang siya bago pumasok sa gate nila. Sunod naman naming pinuntahan yung bahay nila jane.

"Wahhh, I miss my family and of course my house, huhu" napailing na lang kami sa sinabi ni jane saka bumaba. Sunod naman ay kila miguel.

"Tatawagan na lang kita pag-uwi ko" sabi ni elle dito na tinanguhan niya at hinalikan niya muna ito bago pumasok sa gate nila.

"Sino muna ang hihahatid kami o si trace?"

"Kayo muna" sabay salpak ko ng headphone sa tenga. Hinawakan ako ni pia sa kamay na kinatingin ko dito.

"May problema ba?" Takang sabi ko sabay baba ng headphone.

"Wala, mamimiss agad kita" napangiti ako saka siya inakbayan.

"Magkikita pa naman tayo mamaya"

"Bakit kasi hindi na lang ako sainyo makituloy?" Napatigil ako saka napabuntong hininga.

"Next time, samin ka makituloy"

"Talaga? Promise?"

"Promise" yinakap niya ako na mas lalo kong kinangiti.

"Thank you"

"As always welcome my Queen"

Napatingin ako sa rear mirror at gusto kong tumalon sa gulat ng makita ko yung mata ni ana na nakatingin sakin, pero nagtaka ako ng makita ko yung mata niyang malungkot na kinabilis ng tibok ng puso, agad niyang iniwas yung paningin niya na kinalungkot ko na hindi maipaliwanag na dahilan.
Nang makadating kami sa bahay nila elle bumaba na sila.

"I'll see you later" ngiting sabi ko kay pia saka sinara yung pinto ng van, napatingin muli ako kay ana na nakatulog. Tsk.

Tumingin na lang ako sa daan. Maya-maya nakadating na kami sa bahay. Gigisingin pa sana ni manong si ana ng pigilan ko siya.

"Ako na, thank you" nilagay ko muna yung maleta ko at maleta ni ana sa loob saka ko siya binalikan. Binuhat ko siya ng pa bride style papasok sa loob.

Tsk, hindi na lang dito natulog.

Napatitig ako sa mukha niya habang inaakyat ko siya sa kwarto niya. May mahahaba na pilik mata, matangos na ilong at labi niyang mapula at malambot. Napailing na lang ako saka binuksan yung kwarto niya saka hiniga siya sa kama.

Tinignan ko pa saglit yung mukha niya bago bumaba. Umupo ako sa sofa saka napapikit sa pagod. Minulat ko ulit yung mata ko para uminom sa kusina ng makita ko si manang na nagdidilig ng halaman.

"Oh, nandiyan na pala kayo"

"Opo, kakadating lang" tuluyan akong pumasok sa kusina saka uminom. Pabalik na sana ako sa sala ng tumunog yung phone ko, saka sinagot ng si mommy ang tumatawag.

"Hello mom?"

"Kyahh, baby miss na miss na kita"

"I miss you too mom, why are you calling me? Is there anything problem?"

"No, it's all good, how's ana?"

"She's fine"

"Really? So, inaalagaan mo naman siya dahil kung hindi bad ang baby ko"

"Mom! Kaya niya naman yung sarili niya"

"Trace"

"Oo na, oo na, inaalagaan ko siya"

"Then, where is she?"

"She's sleeping"

"OH MY GOD, did you two already make love?"

"MOM! NO! that's will never happen!"

"HAHAHA, baby I'm joking so, don't serious it"

"Tsk"

"Basra baby, huwag mong sasaktan si ana ah, at ingatan mo siya at alagaan. Sinasabihan kita trace ah, makinig ka"

"Yes, mom I will, I miss you and I love you"

"I miss you too and I love you too" yun lang saka ko binaba yung tawag. Tumawag lang pala siya para mangulit.

Binuhat ko yung maleta ko at maleta ni ana. Pinasok ko muna yung maleta niya sa kwarto niya bago ako pumasok sa kwarto ko saka humiga.

Elle POV

Tulad ng sinabi ko kay miguel, tinawagan ko siya pagka-uwi ko. Pina-upo ko sila sa sofa saka nag-pakuha ng inumin namin.

"Dalawa lang guess room namin dito" turo ko sa magka-bilaang kwarto. "Solo na lang ni pia yung isa, at kayong tatlo naman sa kabila"

"Asan si tita?" Tanong ni karl habang luminga-linga. Umiling ako saka napabuntong hininga.

"Nasa Italy for business" nang dumating na yung pinakuha ko binigyan ko sila ng tubig.

"Magpahinga muna kayo, kung nagugutom kayo sabihin niyo lang kay yaya ipagluluto niya kayo. Mauna na ako sa taas. Yaya, pakiasikaso sila" baling ko dito na tinanguhan lang niya. Umakyat ako sa kwarto ko saka nilock iyon.

Ano kayang mang-yayari mamaya? Eh, kung silang dalawa na lang kaya ni pia sa kwarto, tsk elle. Eh, may nangyari naman na sa kanila ah! Kahit na elle magtataka yung dalawa tsk.

Humiga ako sa kama saka nag-isip. Napatigil lang ako ng may tumatawag and it's jenjen.

"Oh, napatawag ka?"

"Wala manlang hello?"

"HELLO"

"Haha, loka-loka"

"Napatawag ka? Miss me?"

"Of course, napatawag lang ako dahil ang baklang PJ, brokenhearted kaya nagwawala"

"Ah? Sino naging boyfriend niya?"

"Si mark, na feeling gwapo tsk"

"Oh eh, nasaan ang bakla?"

"Nandito nagpapakalasing kasama ni john, hindi nga namin maiwan-iwan baka mag suicide ang bakla"

"Tsk, talagang huwag niyo siyang iiwan, kilala mo naman yan, kapag brokenhearted kung ano-ano iniisip"

"Huhuhu, b-bakit? Hik b-bakit mo ko i-iniwan! L-lahat ginawa ko, p-pero anong ginawa mo huhuhu, grabe ka, n-nagpadala ako sa p-panloloko mo, hayop ka, p-pagsisisihan mo toh" rinig ko sa kabilang linya na si pj na sumisigaw habang umiiyak. Pero Napatigil ako sa huli niyang sinabi.

Hindi pwede! Baka ulitin niya ulit yung ginawa niya na halos mapatay niya yung babaeng pinalit sa kaniya. Jusko. Tapos lagi siyang nang bubully ng studyante, normal samin yun pero hindi naman yung pisikalan kapag nang bubully kami pero kapag brokenhearted siya pisikal yung gagawin niya. Buti na lang wala siyang nasaktan nun dahil inutos ni ana sa kaniya na huwag gagawin yun parang makakapatay na siya. Lahat ng studyante takot kay ana pati samin pero mas malala talaga kay ana, kapag inutos o sinabi niya sundin mo na agad, wala ng pero-pero dahil gagawin ka niyang katulong sa bar kahit kakilala o kaibigan niya pa ikaw dahil ginawa niya na toh kay john noon.

"Elle? Are you there?" Napabalik ako sa realidad ng magsalita si jenjen.

"O-oo naman! Kamusta si pj? Bantayan niyo siya, dahil kung hindi baka mangbully ulit yan ng pisikal"

"Yun na nga ang iniiwasan namin! Kapag ginawa niya yun magsusumbong ako kay ana"

"Huwag mong gagawin yun, lagot tayong lahat"

"Oh eh, anong laban namin ni john kay pj duh"

"So, gusto mong sumugod diyan si ana para gantihan yung lalaki at yung pinalit sa kaniya? Alam mo namang kapag nagsumbong ka walang ano-ano gaganti si ana dun sa dalawa, pisikalan pa!"

"Oh eh, anong gagawin namin?"

"Mag-isip ka ng paraan, gantihan niyo yung babae lalo na yung lalaki huwag masiyado perong pisikal! Kundi lagot tayo!"

"Sige, sige, sige, kami ng bahala"

"Bantayan niyo yan ng maigi! Naku, naku, naku kapag nalaman ni ana yan magtago na tayo sa lungga natin!"

"Edi, mas lalo naman kapag naglihim tayo?"

"Oo nga noh!"

"Tsk"

"Sige, akong bahala dito kay ana kayo naman kay pj! Maliwanag?"

"Maliwanag!" Yun lang saka ko na binaba yung phone ko.

Pare-pareho tayong lagot nito! Peste kapag may ginawa lang samin si ana, kawawa yung lalaki at babaeng yun!!

"Elle hija, aalis kayo diba?" Biglang sigaw ni manang sa labas ng kwarto. Napatingin ako sa relo at ganun na lang gulat ko ng 4:10pm

"Anak ka ng.... Ang bilis naman" dali-dali akong naligo at nagbihis ng maroon up shoulder dress saka ko pinatungan ng maong na jacket pero manipis saka flat sandal white. Nagtali lang ako ng ponytail bago lumabas. Kumatok ako sa dalawang guest room para tawagin yung apat.

"Guys, naka-ayos na ba kayo?"

"Oo" sigaw din ni vince saka binuksan yung pinto. Naka-white t-shirt siya at black pants saka white shoes. Tumango lang ako saka sumigaw din sa kwarto ni pia pero ganun na lang gulat ko ng sabay silang lumabas ni drake.

Huwag ka ng magulat elle, alam mo namang mag-nobyo at nobya sila!

Tinignan ko din yung suot ni pia na maiksing simple red dress saka high heels.

Teh, kapag umupo ka kita na cycling mo! Hindi naman bar punta natin!

"Tara na sa sala" aya ni karl na tinanguhan ko. Tinignan ko din yung drake na yung na tingin ng tingin sa legs ni pia na makinis at maputi. Napailing na lang ako saka sumunod sa dalawa.

"Saan pala kayo nag-aaral?" Tanong ko kila vince saka umupo sa tabi ni karl.

"Dun din lang sa tagaytay, kung alam ko nga lang na nandito kayo, why not sa pinapasukan niyo na lang din kami"

"Late na din naman na tayo nagkita-kita"

"Yun na nga eh, sabagay hindi naman natin alam kung anong takbo ng mundo"

"So, edi bukas absent kayo?"

"Umaga lang naman, dahil kapag tanghali na babalik na kami sa tagaytay" tumango-tango na lang ako kasabay nun ang pagdating nila pia at drake.

"Ang bilis niyo namang maging close?" Takang kunwari kong sabi.

"N-nakikita-kita ko k-kasi siya sa r-resort nun, oo tama nakikita ko siya nun tapos hindi ko naman alam na joker pala siya, haha" palusot ni pia sakin, ngumiwi na lang ako saka lumapit kay drake.

"Ayos lang ba na maging kaibigan din kita?" Masayang sabi ko dito na kinagulat niya.

"O-oo naman"

"Napipilitan ka atah? Haha"

"H-hindi nagulat lang ako"

"Eh, bakit kay pia hindi ka naman ganito?" Napalunok siya sa sinabi ko na kinangisi ko ng palihim.

"A-ah k-kasi------beep, beeppp" naputol niya yung sasabihin niya ng may bumusina sa labas. Kita ko din na nakaginhawa siya.

Wrong timing naman yung dalawa!

"Oh, nandiyan na sila, tara na" aya ni vince, tumayo kami saka naglakad papalapit sa gate saka namin nakita yung van na black.

"Iba na naman?" Tukoy ni pia sa van na itim.

"Mayaman eh!" Yun lang saka ko binuksan yung van nakita ko naman agad si trace na nakangiti na agad kay pia pero ng pasadahan niya ng tingin si pia kumunot yung noo niya. Tinignan ko muli yung mukha ni pia na naka-make up pa pala.

"Bakit ang iksi ng damit mo?" Inis na tanong ni trace dito. Tinignan ng lahat yung suot ni pia na kinataka din nila.

"K-kung ayaw n-niyo, m-magpapalit n-na lang ako"  utal-utal na sabi ni pia ng aakmang tatalikod siya may nagsalita sa passenger seat at dun ko lang nakita si ana na nakatingin sa rear mirror.

"Huwag na, ayos na yan"

"What?" Hindi makapaniwalang sabi ni trace dito.

"Natural lang sa babae magsuot ng ganiyan sa party. Right elle?"

"A-ah? Yeah, maraming ganiyan ang suot sa america" sang-ayon ko kay ana na nakangisi na. Napatingin ako sa driver na nakatingin lang ng deretso sa cemento.

"I told you, so let's go, they're waiting for us" yun lang saka kami pumasok sa loob ng van. Umupo ako sa harap nina pia at trace.

"S-sorry na please, don't get mad at me" senserong sabi ni pia kay trace na nakatingin lang sa dinadaanan namin.

"But next time, don't wear like that" turo ni trace suot ni pia na ngumiti at niyakap ito.

"I will"

Bakit ba kasi naisipan niyang magsuot ng ganiyan? Eh, alam niya namang simple lang yun, oo sikat yun at dinadayuhan ng madami---hindi kaya magpapa-pansin siya sa mga tao?

Nang makadating kami sa bahay nina miguel, nakangiti kong binuksan yung pinto, saka niya ako sinalubong ng yakap .p

"Baby na miss kita" masayang sabi niya saka mas lalong hinigpitan yung yakap.

"S-sira ka, hindi na ako m-makahinga"

"Ay, sorry, sorry, sorry" natatawa siyang kumalas sa yakap saka umupo sa tabi ko at sinara yung pinto ng van.

"Kila jake muna tayo!" Biglang sabi ni ana na tinanguhan namin. "For sure kasi na nag-aayos pa si jane"

"Tsk, ang bagal pa naman nun kumilos" natatawang sabi ni karl na kinailingan namin. Nang makadating kami sa bahay nina jake agad niyang binuksan yung van saka luminga-linga.

"Hindi daw siya makakasama" sabay na sabi ni trace at ana kay jake na mukhang nadismaya.

"Bakit daw?"

"May lakad daw sila" yun lang saka pumasok sa loob ng van si jake. Napangisi ako ng palihim dahil dun.

Sabi ko na nga ba may gusto siya kay jane, haha.

Napatingin ako kay jake na nakatingin lang sa dinadaanan namin. Saka ako tumingin kay miguel na nakangisi kay jake.

"Mukhang ang lungkot mo, dre"

"Ah?"

"Tsk, tsk, tsk" napapailing na singhal ni miguel kay jake

Continue Reading

You'll Also Like

86.1K 4.2K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
88.2K 2.2K 21
✿ ⚘ β₯βˆ΄Β°γ€‚ ━ π™π™‰π™†π™‰π™Šπ™’π™‰ π™‰π™π™ˆπ˜½π™€π™ ❛ hey baby, meet me at Starbucks, 7:40 am !! ❜ ❛ oh hell no, 7:40 am is to early for me to drink coffee ❜ ❙ ✎...
848 64 8
What if paggising mo e parte ka na ng fanfiction story na isinulat mo? Ikaw ang bida at partner mo ang hinahangaan mong ENHYPEN member na si Heeseung?
99.6K 3.9K 81
fan fiction only. this is the story of a natalie, the simple girl who fell in love with her boss, Sandro Marcos