Subside Everything (SB19)

By LanehLarry

933 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... More

Subside Everything
Prologue
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #6
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #15
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #23
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #27
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #29
GITZ, BREAK! #30
Epilogue
SB19
PSICOM APP

GITZ, BREAK! #12

22 1 0
By LanehLarry

I'm the main vocal, heavenly voice of SB19. I'm Stell.

--

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang sarili kong boses na naririnig ko sa cellphone ni Justin. Hindi ko in-expect na magiging gano'n! Plano ko talagang pagalitan si Josh kaninang umaga dahil nga pinilit n'ya akong kumanta kagabi. Buti na lang at hindi ako namalat ngayong araw.

Nandito ako ngayon sa sala habang abalang tinatanggal ang mga gamit na pinamili ko sa box kagabi. Tinawag ako ni Ken

"Stell."

"Hmm?"

"Alis ako ngayon. Pinatawag ako bigla ng studio."

Binitawan ko ang cutter na hawak ko at nilingon s'ya.

"Bakit? May shoot kayo? Weekend, ah?"

Nagkibit balikat s'ya, "Ewan ko rin. Biglaan, eh. Ipaalam mo na lang ako kina Josh at doon sa dalawa. Magme-message na lang ako mamaya kapag dito ako uuwi."

Tumayo s'ya at tinapik ang balikat ko.

"Sige, dre. Ingat ka."

Lumabas na si Ken at ilang minutong tumambay sa terrace bago ko marinig ang pagtigil ng sasakyan sa harapan, ilang saglit din ay umalis na.

Nasa taas ang dalawa habang si Josh naman ay nasa likod para mag-ayos ng kung ano.

"Tapos ka na d'yan? Tulong ako."

Napalingon ako bigla sa tinig ni Justin na pababa ng hagdan.

"Ahh, sige. Pakuha na lang ako ng mga tupperware sa countertop. Nasa pinakataas 'yun kaya tumungtong ka."

Nang makaapak s'ya sa sahig ng first floor, duniretso s'ya sa kitchen para masunod ang utos ko.

Binubuksan ko ang pangapat na box na naglalaman ng measuring cups, rolling pins, cookie cutter, nozzles at iilang mga plastic bags.

Ang mga dry ingredients naman tulad ng flour, baking powder, baking soda, cornstarch, confectioner's sugar, yeast, cream of tartar at kung ano-ano pa ay nasa lapag na. Sinunod ko lang kasi ang listahan na ipinakita ni Ken kagabi sa akin.

"Okay na ba 'to? 'Eto lang nakita ko, eh."

Yakap-yakap n'ya ang tatlong malalaking tupperware at nasa loob naman ang maliliit na lalagyanan.

"Oo, sige. Akin na. Lapag mo d'yan. Tapos...kunin mo 'yung paper towel para mapunasan."

"Hindi mo na huhugasan?"

"Kalilinis lang n'yan ni Josh noong nakaraan. Okay na 'yan."

Tumango lang s'ya at tinalikuran ako. May binulong pa s'yang narinig ko naman.

"Sipag talaga.."

Natatawa akong nailing at binuksan na lang ang huling box.

Laman nito ang malaking mixer. Ang OA talaga ni Ken at talagang ito pa ang pinili. Para akong magnenegosyo sa panic buying n'ya kagabi.

On second thought, p'wede rin naman 'tong maging business kung mapeperfect ko ang pag-bake. Kaunting tulong lang sa mga kasama ko rito, gagana 'to.

"Nakalagay na, ayos lang ba---" Napatigil si Josh sa pagsasalita nang umangat ang ulo ko.

Pawis na pawis s'ya at bumabakat na ang katawan n'ya sa manipis na sandong suot n'ya.

"Nasaan si Ken?" tanong n'ya.

"Umalis. Pinatawag bigla ng studio, magme-message na lang daw s'ya kung dito uuwi." Inulit ko lang ang sinabi ni Ken kanina.

Tinanguan lang n'ya ako dahil naagaw agad ni Justin ang tingin namin. Hawak na n'ya ang paper towel.

"Ang laki naman ng oven na nilabas mo, Josh. Paano mo nabuhat 'yun?"

"May oven na tayo?!" gulat na tanong ko.

"Oo, naalala ko bigla. Nakatago s'ya sa likod ng mga yero sa likod. Nilabas ko. Baka gumagana, sayang, eh."

"Sabog! Matagal na 'yun! 'Wag mo nang paganahin. Baka masira lang," sagot ko.

"Ibabalik ko gano'n? Ang bigat bigat kaya no'n."

"Edi, magpatulong ka kay Justin." Ininguso ko s'ya.

"Psh. Tara, Justin."

Iginiya n'ya ang daanan at nawala na rin silang dalawa sa paningin ko.

Inabot ko ang pinakamalaking lalagyan at ang gunting sa gilid ko. Ibinuhos ko rito ang flour at sakto naman itong naubos. Nilagyan ko na rin ng label para mas madali.

Bago ko pa maibuhos ang susunod, niligpit ko muna ang mga pinagtanggalan ko ng mga laman.

"Tao po!" Narinig ko ang tawag mula sa labas.

Napatayo ako bigla.

"Delivery po! For Mr. Suson," dagdag n'ya pa.

Dali-dali akong lumabas at tumambad sa akin ang 'di katandaang lalaki hawak-hawak ang papeles. Nasa likod n'ya ang truck.

"Mr. Suson po?" tanong n'ya nang makalapit ako.

"Stell Ajero. Kaibigan ako no'ng nagpa-deliver."

"Ay gano'n po ba Sir. Sige po, pakipirmahan na lang po nito." Inabot n'ya sa akin ang papel na hawak-hawak n'ya. Habang pinipirmahan ko ito, may kumikilos sa likod n'ya.

Nanlaki ang mata ko nang ibaba nila ang malaking box sa harapan. Ibinalik ko ang tingin sa papel at nabasa ang pinapadala.

Bagong oven lang naman na nagkakahalagang 7,000 at binayaran agad ni Ken ito kagabi. Iba talaga.

"Sunod po kayo sa akin."

Tutal naman ay sila na ang nagbubuhat, sila na lang din ang maglagay sa loob. Sinundan nila ako papasok sa bahay at dumiretso sa kusina. Buti na lang malawak pa ang island counter kaya doon na lang namin ipinatong. Sakto naman pumasok ang dalawa.

"Kaya naman pala pinabalik 'yung luma kasi may bago. Lupet naman talaga," puna ni Josh.

"Hindi ko naman alam na oven pala ang nabili ni Ken." Napakamot ako sa ulo.

"Talagang 'yung pinakamahal pa talaga, ah?" Namamanghang usal ni Justin.

"Ahh, yes po, Sir!  Isa po ito sa pinakamahal na oven pero napakatibay nito. Naku po, sinasabi ko sa inyo, matutuwa't matutuwa kayo kapag ginamit n'yo na ito," sabat nung isang nagbubuhat.

"P'wede po ba nating i-testing?" tanong ko, nagbabaka sakali.

"Ay, sige po! Saan po ba ang outlet?"

At itinuro n'ya sa akin kung paano ito buksan at paano paganahin. Alam ko naman kung paano, sadyang naninibago lang talaga ako.

"Salamat po, Sir! Una na kami." Nakangiting paalam nila sa akin. Palayo na sila sa terrace at pasakay na sa truck nila.

"Okay...sige."

Nang makaalis sila, doon ako nagpakawala ng malakas na buntong hininga na sinundan naman ng tinig ng nasa likod ko.

"Oh, Sejun..."

"You really want to start your baking passion, huh?" Nangingiting tanong n'ya.

Napatitig ako sa kawalan. Sabay naming ipinatong ang siko sa railings at bahagyang napayuko.

"Oo naman. Iba ang saya ko kapag natitikmang masarap ang bawat bake ko..."

"Try natin ngayon, gusto mo?" dagdag ko pa.

"Kahit tulong lang ako. Is that okay?"

"Sus! Okay lang. Tara, pasok na tayo." Sakto namang sumikat ang araw.

Pumasok kasi sa loob at napansing nasalin na lahat ng ingredients sa kani-kanilang tupperware.

"Ako ang gumawa n'yan. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka," si Josh habang papaakyat.

Automatic namang kumilos si Sejun para kunin lahat ng nasa center table at ilipat sa dining table. Tumungo naman ako sa cabinet malapit sa CR para kunin ang aprons.

Tahimik kaming kumilos para mailipat na ang mga gamit at makapagsimula na. Maya-maya, iniabot ko sa kan'ya ang hawak ko.

"Thanks." Kinuha n'ya ito sa kamay ko at isinuot. Kaso,

"Pa-ribbon ako. Hindi ko abot," natatawang sabi n'ya.

Wala akong nagawa dahil nakatalikod na s'ya sa akin at ang tali at nakalaylay sa hita n'ya. Inabot ko ito at masinsing itinali.

Hindi s'ya gumalaw pagkatapos kong talian ang likod n'ya. Nanatiling nakatayo at nakatulala lang sa palagay ko.

Umalis ako sa likod n'ya habang itinatali ang akin.

"Anong una mong gagawin?" tanong n'ya.

"Hugas kamay."

Sabay kaming pumunta sa lababo para maghugas. Inabot ko naman ang nga saging sa ibabaw ng ref.

Plano kong gumawa ng banana cake.

"Suggest ka pa nga ng ibang iba-bake," utos ko.

"Chocolate cookies. I have chocolates sa mga pinamili namin kagabi. I don't know where did Josh placed that."

Well, I know.

Mahina akong natawa.

Natatawa talaga ako kapag nagiging conyo s'ya magsalita. Para namimilipit ang dila at hindi kayang magtagalog ng straight.

"What?!" atungal n'ya. Napansin 'ata ang pagtawa ko.

"Wala, ah! Bakit?"

Hindi s'ya nakasagot.

"Tignan natin kung marami tayong magagawng banana cake bago tayo gumawa ng cookies."

"Okay, ano first?" Naeexcite na tanong n'ya.

Bahagya akong napaisip sa mga gagamitin ngayon. Madali lang naman ang gagawin kaya mabilis lang din ito.

"I-mash mo muna ang bananas." Inurong patungo sa kan'ya ang isang piling.

Nasa lamesa na rin ang bowl kaya umupo na lang s'ya at nagsimulang tinidurin ang mga saging.

Inisa-isa ko namang tinignan ang mga lalagyanan para makita ang labels. Flour...baking powder...baking soda.. at asin na sinadya ko pa sa kusina.

Nang matapos si Sejun, ibinuhos ko na rito ang dry ingredients.

"Paki-microwave ng butter sa ref, 'yung kalahati sana," utos ko habang nagsasalin.

"Tapos ilabas mo na rin 'yung hand-mixer." Ininguso ko ang box sa tabi ng oven.

Tahimik n'yang sinunod ang nga utos ko. Narinig ko naman ng ilang saglit ang pagtunog  ng microwave. At inilapag sa harapan ko ang melted butter.

"Sa hiwalay na bowl, magbasag ka ng tatlong itlog, one cup ng asukal...'eto 'yung measuring cups..." Binigay ko sa kan'ya ito.

"Tapos, butter milk. Paki-tignan ulit kung meron sa ref o sa mga pinamili."

Hindi na ako makaalis sa pwesto ko dahil nakaharang na ang mga box.

Nag-preheat na ako ng oven kani-kanina lang.

Kalmado s'yang kumikilos at isa-isang inilapag ang kailangan. Nang matapos, pinaghalo-halo n'ya ito sa isang bowl at isinaksak na ang hand mixer.

"Gaano kalakas?" tanong n'ya.

"Bahala ka, basta matunaw lang lahat okay na."

Nagbuhos ako ng tubig sa hinahalo ko at nagsimulang hukayin ulit at durugin pa ang mga buo-buo.

Masyadong malayo sa akin si Sejun dahil malapit s'ya sa saksakan. Kailangan nang maihalo ang akin sa kan'ya. Wala akong nagawa kundi tumayo at lumapit sa kan'ya.

Kumunot bigla ang noo ko dahil nahihirapan s'ya sa paglaban ng galaw ng mixer.

"Mag-low ka lang kasi!" saway ko.

"S-sorry."

Inilapag ko ang bowl ko sa gilid at napunta ulit sa likod n'ya, katulad ng kanina.

Mula sa likod ko, napansin ko ang pagtindig n'ya dahil hinawakan ko ang kamay na sumasapin sa mixer na hawak n'ya at dahan-dahan kong iginigiya paikot sa bowl. Mariin n'yang hinahawakan ito dahil kaning dalawa na ang gumagalaw.

"'Yan...okay na 'yan," bulong ko.

In-off n'ya ang mixer habang hinihintay ang pagbuhos ng mixture mula sa bowl na hawak ko.

"Haluin mo lang ulit."

Umalis na ako sa tabi n'ya at hinanap naman ang mga tin box na paglalagyan at mailagay na sa oven. Pinahiran ko na rin ng natirang butter.

Dahan-dahan n'yang ibinuhos ito at saktong-sakto naman dahil nasimot pa ang bowl. Nilagay ko na ito sa oven at nagligpit ng mga kalat. Naupo kami para makapagpahinga.

"Ang tahimik mo pa lang magtrabaho," puna ko.

"Nasanay lang. Noong nasa company kasi kami, dapat tahimik lang. We might disturb others."

"Oh..."

"Eh, si Justin? Saan naman s'ya? Nabanggit n'ya kasing nagtatrabaho s'ya sa inyo kaya nagkakilala kayo. Tama ba?"

"Uhh, yes. Siguro, isang taon ko na s'yang kilala."

"Ohh. Ibig sabihin graduate na s'ya?"

"Oo," simpleng sagot n'ya.

"Alam mo..."

Napalingon ako.

"Hmm?"

"Familiar 'yung name mo."

"Name ko? Stell? Unique kaya 'yun!"

Bigla s'yang nailing sa gitna ng pagtitig sa akin.

"No, no! I mean..'yung full name mo. Parang narinig ko na noon."

Na-gets ko kaagad kung saan nanggaling ang sinasabi n'ya.

"You mean last month?" taas kilay kong tanong.

"Last month? Huh?"

"Ginawa talaga akong famous ni Ken, ah?"

"What do you mean?"

"Alam ko 'yun. Nagkaroon bigla ng issue no'ng lumabas si Ken dis-oras ng gabi habang akay-akay ako. Naging issue 'yun, 'di ba?

Unti-unting tumama sa kan'ya ang mga sinasabi ko dahil nawala ang kunot ng noo n'ya.

"Oh, yeah! Right..."

"Ano bang nangyari no'n?" maingat na tanong n'ya.

"Dahil sa sobrang kasikatan ni Ken at kilala talaga s'ya ng buong bansa... isang kibot lang n'ya, lahat gagawan ng k'wento. Lahat gagawan ng issue. Minor lang kung maituturing itong sa amin pero umabot ng isang buwan---"

"Nalaman kong tinurn down na ni Ken 'yun nung nakaraan," putol n'ya sa akin.

"Buti naman,"  maluwag na hiningang sabi ko.

"Wala si Josh noong gabing 'yun kaya s'ya ang pumunta sa akin. Lasing ako noon at hindi ko na kaya ang sarili ko. Buti na lang natawagan ko s'ya bago ang mag-black out."

"Bakit ka uminom?"

Nahihiya akong natawa, "Problema s'yempre."

"Pero, ayos na ako ngayon, ah! Saka nakakahiya rin kasi nandito kayo ni Justin," bawi ko.

"I'm really thankful na binuksan mo 'tong bahay mo para sa amin. Wala pa akong maisip na kabayaran pabalik para mag-thank you, eh. Willing to wait ka naman 'di ba?" natatawang turan n'ya.

"Ano ka ba! Okay lang. 'Tsaka malaking tulong na rin kayo kung sakaling may mangyari man..."

---

#STELLhasPAULen.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
21.1M 516K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...