The Ruthless CEO (Savage Beas...

Da Maria_CarCat

11M 355K 150K

What he wants. He gets... By hook or by Crook Altro

The Ruthless CEO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 21

147K 5.1K 1.6K
Da Maria_CarCat

Promise













Gumaan ang pakiramdam ko matapos ang pagtawag ni Senyorito baby sa akin. Sabagay, wala naman sa itsura niya ang matatakot sa mga banta ni Aaron. Wala din naman siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang sa akin lang ay ayokong masira ang pangalan niya. Pakiramdam ko talaga, ako ang may kasalanan nito. Masyado kasi akong mapusok at madaldal. Masyadong agresibo. Nakalimutan kong magdahan dahan, masyado akong kinain ng kapusukan ng bata kong puso.

Bumaba ako para sa hapunan ng tawagin ako ni Mama. Naabutan kong nakaupo na si Kuya Jasper at naghihintay na lang din ng pagupo ko at ni Mama. Napanguso ako ng maalala kong wala nga pala si Papa ngayon. Nasa malolos sila para sa isang trabaho.

"Next week na ang enrolment, hindi ba?" tanong ni Mama sa akin habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Tumango ako bago sumubo. Napabaling ako kay Kuya Jasper ng marinig ko ang kanyang pagrereklamo. "Ang bilis naman ng bakasyon. Hindi ko man lang naramdaman" sabi pa niya kaya naman bumigat din ang dibdib ko.

Hindi dahil sa magpapasukan na, kundi dahil sa oras na magsimula na ang klase isa lang ang ibig sabihin nuon. Aalis na si Senyorito baby, babalik na siya ng manila at lilipad patungo sa spain para mag aral ng masteral.

Ang iksi nga ng summer. Sana summer na lang palagi. Sana hindi na matapos ito. Nakakalungkot isiping aalis na si Senyorito baby.

"Sabihan mo kaagad ako kung kailan kayo mageenrol ni Charlie para maihanda ko na ang perang pang enrol mo" sabi ni Mama na kaagad kong tinanguan.

May entrance exam sa BSU para sa kinuha naming course ni Charlie. College of Social sciences and philosophy. Maganda din daw iyon bilang isang pre law course, hindi pa ako sigurado kung maitutuloy ko ito sa pagaabogado, pero susubukan ko pa din, baka kung sakaling may dumating na opurtunidad ay hindi na ako mahihirapan.

"Sa isang araw din po ang labas ng result ng mga qualifiers" paalala ko kay Mama. Tipid lamang siyang tumango sa akin. Alam kong hindi pa din siya kumbinsido na magabogado ako, masyado nga namang magastos iyon. Imbes na makapagtrabaho na ako after college ay magaaral pa ulit ako. Matagal na proseso ito.

Hindi ko maitatangging medyo kabado pa din ako habang naglalakad patungo sa mansyon. Ang ganda pa ng lakad ko habang binabaybay ang daan sa gilid ng isang malawak na taniman. Nagulat ako ng  may marinig ako mga yapak sa aking likuran, si Senyorito baby iyon. Mukhang kagagaling nanaman sa pag jojogging.

Napanguso ako ako ng makita ko ang mabigat niyang tingin sa akin. Kaagad niyang hinuli ang aking paningin kaya naman mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya. Bukod kasi sa nahihiya ako ay ang gwapo nanaman niya, baka mamaya ay wala sa sarili nanaman akong mapanganga sa harapan niya at kung ano ano nanaman ang masabi ko. Mahirap na.

"Morning" bati niya sa akin, medyo hinihingal pa.

Medyo nabigla pa ako dahil sa una niyang pagbati sa akin. "Good morning po, Senyorito" balik na bati ko sa kanya at tsaka ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa mansyon.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Naghuhurumentado pa din and puso ko dahil sa kanyang presencya. Ang lakas pa naman ng loob ko kahapon na sabihin sa kanyang miss ko siya sa cellphone. Tapos ngayong nandito na siya sa harapan ko ay pilit naman akong nagiiwas ng tingin.

"Paalis pa lang sila ngayon. Do you want to go somewhere else? Magpapalipas muna tayo ng oras" seryosong sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon. Nanatiling nakaawang ang bibig ko, akala ko pa naman wala na sila duon pagdating ko.

Marahan akong tumango. Ngunit hindi ko naman alam kung saan ko dadalhin si Senyorito baby. Alanga namang dalhin ko siya duon sa burol na pinagtatambayan namin, eh marami ngang nagmimilagro duon, baka kung ano pang isipin niya.

Hinarap ko siya. Nakapamewang siya at nanatili ang tingin sa akin. "Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin. Napanguso ako, wala nga akong maisip eh. Wag na sana niya akong tanungin pa ulit, baka may masabi nanaman akong hindi maganda. Hindi ko pa naman kayang pigilan ang bibig ko.

"May alam ka...."

Tinuro ko ang burol. Ayan kasi! Nagtanong ulit, sabing akong piliting magsalita eh. "Basta wag lang po duon, marami po kasing nagmimilagro duon sa burol" diretsahang sabi ko. Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. Napadaing ako ng muli niyang pinitik ang aking noo.

"Ang daldal..." nakangising sabi niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibababg labi. Ayaw nga pala niya sa madaldal, ayaw din ng Papa niya sa madaldal. Naku! Wala na talaga akong pagasa dito.

Sa may malaking lugawan sa kanto kami napunta. Hindi pa daw kasi kumakain ng breakfast si Senyorito baby. Wala naman akong ibang alam iyon lang. Sikat kasi iyon sa amin dahil masarap ang lugaw nila, may tapsilogan din sila at madaming pagpipilian.

"Kumakain ka naman po ng lugaw diba?" tanong ko sa kanya ng maupo kami. Pansin ko kaagad ang pagangat ng tingin ng mga tao dahil sa pagdating ni Senyorito baby. Agaw atensyon talaga ang isang ito. Kahit pa nakasimpleng puting tshirt lang siya, black shorts, at itim ding mamahaling rubber shoes ay malakas talaga ang dating niya.

"Minsan" tipid na sagot niya sa akin. Nasa menu sa harapan ang tingin niya kaya naman tipid akong napatango at tumingin din duon. Medyo busog pa ako.

"Kayo lang po ang kakain. Kumain na po kasi ako sa bahay" sabi ko sa kanya. Nilingon niya ako, nakataas ang isa niyang kilay.

"You'll eat with me" masungit na sabi niya. Pinasadahan pa niya ng tingin ang katawan ko bago siya umirap sa akin.

Wala na akong nagawa ng umorder siya para sa amin. Iginala ko ang tingin ko aa buong lugawan, medyo madami ang tao dahil umaga. Mayroon ding mga nagtatake out. Halos lahat ay napapalingon sa aming gawi dahil kay Senyorito baby. Nang lingonin ko siya ay nakita kong abala siya sa kanyang cellphone.

Hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko duon. Sino kayang katext niya?

"Wala akong katext. I'm just checking some email" seryosong sabi niya na ikinagulat ko. Habang sinasabi niya iyon ay nanatili ang tingin niya sa harap ng kanyang cellphone. Hindi pa siya nakuntento, itinapat pa niya sa akin ang cellphone niya.

"See? Emails" laban pa niya kaya naman napanguso ako. Hindi ko naman tinatanong at hindi naman niya obligasyong sabihin iyon sa akin. Ayos lang.

Bumaba ang tingin ko sa lamesa. "Here, check it out" sabi pa niya sabay lapag ng mamahalin niyang cellphone sa aking harapan.

Napatingin ako sa kanya. Kita kong seryoso siya sa gusto niyang mangyari. Bumaba ang tingin ko sa cellphone niya at uminit ang aking pisngi ng makita kong ang litrato sa lockscreen niya ay ang litrato naming dalawa.

Kinuha ko ang cellphone niya at ibinalik iyon sa kanya. Hindi na kailangan. "Wag na po. Nagtitiwala po ako sa inyo" sabi ko. Shuta! Tama ba iyon? Tama ba ang ginamit kong salita?

Napangisi siya. "Uh huh"

Mabilis niyang itinago sa kanyang bulsa ang cellphone ng dumating na ang order namin. Dalawang lugaw, dalawang order ng tokwa't baboy at dalawang lumpiang toge din.

"Ubusin mo lahat iyan" sabi niya na ikinalaki nh aking mga mata busog na ako pagalis ko ng bahay. Tapos ganito pa? Baka masuka suka naman ako nito. Shuta!

"Pero senyorito..." pagprotesta ko sana. Nagtaas ulit siya ng kilay. Halos manuyo ang labi ko ng unti unting nagseryoso ang kanyang mukha.

"Let me, take care of you. Hanggang nandito pa ako" marahang sabi niya. Imbes na matuwa at mas lalo lamang akong nalungkot. Ito na, ito na talaga. Nagpaparamdam na ang nalalapit niyang pagalis.

Bumagsak ang tingin ko sa lugaw. Sumubo ako kahit wala akong gana, kahit parang malalagutan ako ng hininga dahil sa sobrang kalungkutan.

"Eat up" sita pa niya sa akin ng makita niyang imbes na kumain ay napatigil pa ako. Gusto ko sana sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman, nalulungkot ako. Pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili.

Bago umuwi sa mansyon ay tumawag muna siya kay Manang bobby. Nang masiguradong wala na duon sina Senyorito Luigi at ang mga kaibigan niya ay nagyaya na siyang umuwi na kami.

"Oh may sakit ka ulit kahapon, Tathi?" salubong na tanong ni Manang bobby sa akin pagkadating namin sa mansyon.

Sinundan ko ng tingin ang pagakyat ni Senyorito baby patungo sa kwarto niya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay tsaka ko lamang hinarap at sinagot si Manang bobby.

Nakangiti akong umiling sa kanya. "Masama lang po ang pakiramdam ko" sabi ko kaya naman kaagad siyang tumango sa akin.

Dumiretso ako sa garden para simulan ang trabaho ko. Ilang araw iyong naantala dahil sa pagdating ng mga bisita ni Senyorito Luigi. Una kong pinuno ng lupa ang mga naglalakihang paso bago ko inilipat ang mga bagong biling halaman. Ang iba daw duon ay galing pa sa ibang lugar.


Naaliw na ako sa aking ginagawa ng maramdaman ko ang pagdating ni Senyorito baby. Kagaya nuon, diyan nanaman siya magtratrabaho sa may lamesa sa may garden. May kausap siya sa kanyang cellphone kaya naman nagiwas na lang kaagad ako ng tingin sa kanya.


Nagulat ako ng nagvibrate ang cellphone ko. Mabilis kong pinagpagan ang aking mga kamay bago ko iyon kinuha sa aking bulsa.

Senyorito baby:

I forgot to tell you something


Pagkabasa ko nuon ay kaagad akong napatingin sa kanya. Nanatili ang seryoso niyang tingin sa kanyang laptop. Napangus ako at nagtipa ng irereply sa kanya. Balil nanaman kami sa pagtetext. Pero mas ayos na ito kesa naman magusap kami palagi, baka maging sila Manang bobby ay makahalata na.

Ako:

Ano po?


Nilingon ko siya. Pinanuod ko kung paano niya kinuha ang cellphone niya at kung paano siya nagtipa duon. Nung nagvibrate ang cellphone ko ay nanatili ang tingin ko sa kanya. Buong akala ko ay iiwas ulit siya ng tingin, pero hindi. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi bago ko binasa ang message niya.


Senyorito baby:

You look beautiful today.


Halos mapasinghap ako at mapahilamos ng palad sa aking mukha. Kung hindi lang madumi dahil sa lupa ay kanina ko pa iyon nagawa. Shuta!

Ako:

Lagi naman po akong maganda :)


Oh ayan. Ang kapal talaga Tathriana! Pero napanguso ako sa nireply niya sa akin. Nakakainis naman! Ayun na eh, lilipad na ako napurnada pa.


Senyorito baby:

Not really. Baka dahil namiss lang kita kahapon.


Uminit ang magkabilang pisngi ko. Ni hindi ko na siya magawang lingonin. Ayoko na lang lumingon. Shuta talaga! Parang lalabas ang puso ko mula sa aking dibdib ang lakas lakas ng kalabog nuon.


Sa kitchen ako kumain ng lunch kasama sina Manang bobby. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng pumasok si Senyorito baby. Nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya, pakipot kaunti.


"Manang bobby. Aalis po ako ngayon papuntang Marilao" anunsyo niya. Kaagad nataranta si Manang.

"Pasasamahan po kita kay Tathriana" pagpresinta niya. Napatigil tuloy ako sa pagnguya. Napatingin din ako kay Senyorito baby, nakatingin na din siya sa akin.


"Hindi na po. Kaya ko na pong magisa" pagtanggi niya kaya naman kaagad na bumagsak ang aking magkabilang balikat.


Nang tuluyang makaalis si Senyorito ay naghagikgikan ang mga kasambahay na pinamumunuan ni Manang bobby. "Naku, mukhang may date si Senyorito. Sa marilao daw. Baka sa mall!" usapan nila.


Bumagsak ang tingin ko sa aking pagkain. Halos mawalan ako ng gana at panlasa. "Sabi sa inyo. Bagay sila ni Engr!" kinikilig pang sabi ng isa. Napanguso ako, gusto kong sumabat. Gusto kong sabihin sa kanila na ako ang crush ni Senyorito baby. Mabuti na lang hindi kumati ang bibig ko ngayon. Kung hindi, baka nabokya nanaman ako.


Wala na akong naintindihan pa sa mga sinasabi nila. Pinilit ko na lamang ang sarili kong ubusin ang pagkain sa aking plato.

Sumapit ang ala singko na hindi pa bumabalik si Senyorito baby. Kailangan ko ng umuwi dahil tapos na ang trabaho ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinasabi nilang date daw. Ayoko sanang isipin iyon pero hindi ko mapigilan.


"Tathi!" tawag ni Charlie sa akin ng makasalubong ko siya sa may bandang court. Pakiramdam ko ay hindi iyon coincidence, anduon talaga siya at mukhang hinihintay ako.

"Bukas daw ang labas ng result. Napaaga!" excited na sabi niya sa akin. Tukoy sa mga qualifiers para sa course namin. Naexcite din ako pero hindi ko maibigay iyon ng buo.

"School mate natin sina Jan pag nagkataon tsaka ang ibang mga basketball player dito, feeling ko talaga sa college ka unang magkakaboyfriend!" kinikilig na sabi niya sa akin. Hinampas ko  ang kanyang braso.

"Tigilan mo na nga kami ni Jan. Friend lang kami" giit ko sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Edi sige, sabi mo eh" pangaasar niya sabay irap. Buong akala ko ay yayain pa niya akong manuod ng basketball. Pero nang makita niyang wala siyang crush na naglalaro ay inaya na niya akong umuwi.


Tamad akong pumasok sa aking kwarto pagkauwi ko sa bahay. Iniisip ko pa din kung bakit hindi ako sinama ni Senyorito baby. Totoo kayang may date siya? Napatitig ako sa may kisame ng sumalampak ako ng higa sa kama. Nang mainip ay nagscroll ako sa facebook.


Napangisi ako ng makita ko ang post ni Charlie. Ilang minuto pa lang iyon, imbes na mag heart ay nag haha ako. Siguradong maiinis nanaman iyon.


Charlie Dafun:

At some point, you have you have to realize that some people can stay in your heart. But not in your life.


Wala pang ilang segundo ay nakatanggap na kaagad ako ng maaanghang na salita sa kanya. Hay naku, ang drama ng love life ng best friend ko!


Unti unting nawala ang ngisi ko. Muli kong binasa ang post ni Charlie. Bigla akong nalungkot. Aalis na nga pala si Senyorito baby.



Maaga akong pumasok sa mansyon kinaumagahan. Imbes na magmukmok at malungkot ay susulitin ko na lamang ang mga natitirang araw na nandito si Senyorito baby sa sta. maria. Ganuon na nga, yun na lang ang magagawa ko. Ang enjoyin kung ano ang meron ngayon.



Siya kaagad ang naabutan ko sa may kitchen. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa may coffee maker. Halatang bagong paligo siya at mukhang may lakad. Naka itim na polo shirt siya at pantalon. Aalis siya? Aalis na siya?


"Good morning po" bati ko sa kanya. Kaagad niya akong nilingon. Matamis ko siyang nginitian. Nagtaas siya ng kilay sa akin.



"Buti naman at nandito ka na, Tathi" biglang sabat ni Manang bobby sa akin. Nilingon ko din siya at binati din.


"Maaga kayong aalis ni Senyorito Cairo ngayon. Pupunta siya sa tito niya sa may san jose" paliwanag ni Manang bobby sa akin kaya naman napatango ako. Sinulyapan ko si Senyorito baby ngunit nakatuon lamang ang tingin niya sa may coffee maker.



"Sasama niyo po ako?" tanong ko sa kanya. Nilapitan ko pa talaga siya para itanong iyon.


Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Bakit ayaw mo?" mapanghamon niyang tanong sa akin.



"Syempre po gusto ko!" laban ko sa kanya kaya naman tumango siya.



"Nagbreakfast ka na?" tanong niya sa akin. Kaagad akong tumango. Pinanuod ko siya habang sinasalin ang kape sa may tasa.


Pagkatapos nuon ay dumiretso na muna ako sa may duyan. May tatapusin lang daw siya saglit bago kami umalis. Tanaw ko siya, busy siya sa mga tawag habang nagtitipa ng kung ano sa kanyang laptop. Masyado siyang busy, sobrang layo ng agwat naming dalawa. Masyado ng seryoso ang buhay niya samantalang ako ay palaro laro pa. Siguro naman pagtungtong ko ng college ay magbabago na din ako.



"Ok ka lang po?" tanong ko ng yayain niya na akong umalis. Kanina pa kasi siya nakasimangot. Nagkaganuon siya pagkatapos ng ilang tawag kanina.


Tipid niya lamang akong tinanguan. Tumahimik na lamang ako ng pagbuksan niya ako ng pinto at maingat na pinapasok sa kanyang sasakyan.


Habang nasa byahe ay napatili ako ng marinig ko ang isa sa paborito kong kanta sa may sterio niya. Napabaling siya sa akin.


"Paborito ko po yan" nakangiting sabi ko sa kanya, nakaturo pa ako sa sterio niya. Nginisian niya lamang ako.


It's not the flowers, wrapped in fancy paper
It's not the ring, I wear around my finger
There's nothing in all the world I need
When I have you here beside me,
Here beside me



Sa sobrang tuwa ko ay sinabayan ko pa ang kanta. Maganda naman daw ang boses ko sabi ni Charlie. Hindi ko alam kung binibiro niya lang ako pero sabi naman niya ok lang. Bahala na.



"So you could give me wings to fly

And catch me if I fall" nang kantahin ko ang parteng iyon ay nilingon ko si Senyorito baby. Saktong lumingon din siya sa akin. Napangiti siya pagkatapos ay napailing iling. Uminit ang pisngi ko. Tamang harana lang, Tathi!



Or pull the stars down from the sky
So I could wish on them all
But I couldnt as for more
'cause your love is the greatest gift of all



Hinayaan niya akong kumanta. Bahagya ko pang sinasayaw ang ulo ko habang nakatingin ako sa may bintana. Ito talaga ang paborito ko.




In your arms, I found a strength inside me
And in your eyes there's a light to guide me
I would be lost with out you
And all that my heart could ever want
Has come true



"Andito na tayo" anunsyo niya pagkahinto ng sasakyan. Ni hindi ko iyon namalayan dahil masyado akong nadala ng kanta.


Tumango ako sa kanya at tsaka ko tinanggal ang seatbelt ko. "Uy. Mamemeet ko na si Tito" nakangising sabi ko. Tiningnan ako ni Senyorito baby, nakangisi siya at tsaka nagkagat labi.



"Ewan ko sayo, Tathriana" nakangising sabi niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pag ngiti.




So you could give me wings to fly
And catch me if I fall
Or pull the stars down from the sky
So I could wish on them all
But I couldnt as for more
'Cause your love is the greatest gift of all



"Pupunta dito si Dad, next week" kwento niya. Hindi pa din kami nakakababa sa sasakyan. Nanatili akong nakatingin sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay.



You could offer me the sun, the moon

And I would still believe
You gave me everything
When you gave your heart to me



"Ipapakilala kita" seryosong sabi niya kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko na napigilan pang mapapalakpak. Yes! Meet the Daddy!




So you could give me wings to fly
And catch me if I fall
Or pull the stars down from the sky
So I could wish on them all
But I couldnt as for more
'Cause your love is the greatest gift of all


Ang kanyang tito Darren ang pinuntahan namin dito sa may San jose. May malaking palayan ito. Kahit ganuon ay nanatili silang nakatira sa isang simple ngunit nag kalakihang kubo. Parang ang sarap tumira duon, ang presko. Simpleng buhay.



"Tito" tawag niya sa isang matangkad, moreno at gwapong lalaki. Kahit may edad na ay gwapo pa din. Hindi naman gaanong matanda. Sakto lang, o baka baby face? O baka talagang lahi lang sila ng makikisig at gwapo.



Tumango ito. Pero lumagpas ang tingin niya sa akin kaya naman kaagad akong ngumiti. Naku Tathi. Ayusin mo!


"Hello po, Ako po si Tathriana" pagpapakilala ko. Nginitian din niya ako.



Matapos ang pagpapakilala ay pinapasok nila kami sa kanilang bahay. Duon ko din nakilala ang asawa niya. Si Tita Luna, may karga karga itong bata, ang kanilang anak. Panay ang gala ng paningin ko sa loob ng kanilang bahay. Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Senyorito baby.



"Medyo delikado po, Tito. Galit na galit ang mga tao" rinig kong sabi ni Senyorito baby sa tito niya. Napaawang ang bibig ko, chismis ito!


"Sigurado ba ang daddy mo na pupunta siya dito?" seryosong tanong ng kanyang tito.


Bayolente akong napalunok ng makita kong tumingin sila sa akin. Para bang, masyadong importante ang pinaguusapan nila.


"Uhm. Labas po muna ako" paalam ko. Nagtiim bagang si Senyorito baby.


"Wag kang lumayo" matigas na paalala niya sa akin.


Napanguso ako. "Bawal maglakad lakad?" tanong ko. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.


"Sa oras na lumabas ako at hindi kita nakita diyan, humanda ka" pagbabanta niya sa akin. Bago pa man ako makapagreact ay natawa na ang kanyang tito. Uminit ang aking magkabilang pisngi.


"Bata pa iyan, Cai. Palayain mo..." natatawang sabi niya. Mas lalong uminit ang pisngi ko. Nanatili ang seryosong tingin ni Senyorito sa akin.


Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Uhm...laya na po ba ako?" tanong ko. Napahalakhak ang kanyang tito, mas lalong nadepina ang panga ni Senyorito baby. Galit nanaman ito?



"Mukhang maaga kang tatanda, Cairo" pangaasar niya dito. Nag ngiting aso lang ako kay Senyorito baby at mabilis na lumabas duon.


Pagkalabas ng bahay ay kaagad akong naglakad patungo sa labas. Maglilibot na lang muna ako, mukha namang hindi delikado duon. Masarap ang malamig na simoy ng hangin. Napatakbo ako sa may palayan ng makita kong may ilang magsasaka na ang lumusong duon para magtanim.



"Kakauwi lang ni Afrit?" rinig kong chismisan ng tatlong kababaihan hindi kalayuan sa akin. Kagaya ko ay nakatanaw din sila sa may palayan.



"Yun ang masakit. Umalis lang siya para magtrabaho sa manila. Pagbalil niya dito ay kasal na ang nobyo niya sa iba, dahil nakabuntis!" chismis pa ng isa. Hindi ko na napigilan pang makinig sa kanilang pinaguusapan kahit hindi ko naman kilala kung sino iyon.


"Sayang. Bagay na bagay pa man din sila ni Darren" sabi ng mga ito kaya naman nagulat ako. Si Tito Darren ba ang pinaguusapan nila?


"Pumasok kasi itong si Luna sa eksena" pahapyaw pa ng isa. Gigil na gigil silang nagchismisan. Hanggang sa mas pinili ko na lamang na bumalik sa bahay nila.


Sa maiksing panahon na iyon ay kaagad akong nagkaroon ng teyorya sa aking isipan. Ang totoong nobya ni Tito Darren ay nagtrabaho sa manila, iyon ang afrit. At ng umuwi ang kanyang nobya ay nalaman nitong kasal na siya kay Tita Luna, dahil nabuntis niya ito? Chismis nga iyon, pero hindi ko iyon ikwekwento.


Hindi ba sapat ang pagmamahal niya para sa nobya niya? Porket malayo sila sa isa't isa? Ganuon ba yun?


"Saan ka nanggaling?" matigas ngunit mahinahon na tanong ni Senyorito baby. Bahagya pa nga akong napatalon dahil sa gulat. Ang lalim ng iniisip ko tapos, bigla siyang sisingit.


Tinuro ko ang palayan. "Duon po sa palayan. Nakipagchismisan" pagamin ko. Kahit hindi naman ako kasali, the fact na narinig ko ang kwento nila ay pakiramdam ko, kasama na ako sa chismisan.


Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Uh huh. At anong nasagap mo?" panghahamon niya sa akin. Napanguso ako.



"Chismoso ka Senyorito? Ayoko po ng chismoso" sabi ko sa kanya. Kita ko ang amusement sa kanyang mukha.



Kaagad niyang hinawakan ang braso ko. Nabigla ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya. "Ayoko din sa chismosa" laban niya sa akin.


Pinalobo ko ang aking pisngi. Bumaba ang tingin niya sa aking labi kaya naman dahan dahan ko iyong pinaimpis. "Edi hindi niyo na po ako gusto?" mapanghamong tanong ko sa kanya.



Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Hanggang sa magulat ako ng igaya niya ako patalikod sa kanya.


"Stay" anya at hinawakan pa ang balikat ko para hindi ako humarap sa kanya.



Halos maduling ako ng makita ko ang kulay gold na necklace, may heart na pendant iyon sa gitna. Ang kalahating parte ng heart ay napapalibutan ng maliliit na bato. Nanatili akong gulat kahit pa isinusuot niya ba iyon sa aking leeg.



"Senyorito..." tawag ko sa kanya. Pinaharap niya ako sa kanya. Napangiti siya ng makitang nakasuot na sa akin iyon.



"Para saan po ito?" tanong ko.



Tiningnan niya ako diretso sa aking mga mata. "To remind you, na babalik ako. Kahit anong mangyari..." seryosong sabi niya sa akin.



Shuta! Ano to? Farewell speech?



Aalis na siya? Paano pag kagaya sa tito Darren niya? Paano pag nagkaroon siya ng nobya sa manila o sa spain? Makakalimutan niya din ako.



Hindi ko napigilang hawakan ang damit niya. "Paano po pag nakabuntis kayo duon?" naiiyak na tanong ko. Tumawa siya.



"Paano po pag nakalimutan mo ako?" tanong ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.



"Aalis na ako next week..." paguumpisa niya. Mas lalo akong naiyak.



Ikinulong ng magkabilang palad niya ang aking pisngi. Inangat niya ang ulo ko para magpantay ang paningin namin.



"Araw araw mo akong binabaliw dito...sa tingin mo makakalimutan kita?" mapanghamong tanong niya sa akin. Hindi ako nakaimik.



"Eh paano lang po?" laban ko.


Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kwintas na isinuot niya sa akin. "That's why, I will leave my heart with you. Trust me, Tathi. I promise..." paninigurado niya.


But promises are meant to be broken, right?























(Maria_CarCat)

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

991K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
366K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
Game Over Da beeyotch

Storie d'amore

930K 30.1K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...