My Weirdest Valentine

بواسطة GleeviAustere

41 4 25

This story will have an unfinished version in my first account @AoiFerocious . I can't open that account that... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 3

3 1 3
بواسطة GleeviAustere


Buti na lang ay binitawan din siya ni Valentine makalipas ang sampung segundo. May experience naman na siya sa pag halik sa ex niyang si Diana pero iba ang naramdaman niya nang mahalikan niya si Valentine.

Nakatulala lamang siya kay Valentine habang ito naman ay matamis siyang nginitian.

"Wedding picture!" Pagtawag pansin sa kanila ng isang babaeng may hawak na polaroid camera.

Hinila siya ni Valentine upang pumusisyon para sa picture. Pinalibot nito ang kamay niya sa sariling bewang, niyakap siya nito sa tagiliran at isinandal ang ulo sa kaniyang dibdib. Itinaas pa nito ang isang paa at ngumiti na sa camera, wala na siyang magawa kundi ngumiti na lamang.

Akala niya ay tapos na ngunit humirit pa ng isa si Valentine. Pareho pa rin ang pwesto ng katawan nila pero nakaharap ang mukha nila sa isa't isa. Well, naka tingala si valentine habang naka yuko naman si Saint dahil sa height difference nila.

"Last one, Ria!" pag rerequest pa uli nito kay Ria na nagpipicture sa kanila.

"Tama na Valentine, dalawa na 'yon. Andami pang magpapakasal" Pagsusuway ni Saint sa kanya.

Ngumuso ito sa kanya at unti-unti nanubig ang mata nito. Isa ito sa mga kahinaan niya, napabuntong hininga tuloy siya at napasabi na lang ng "Sige na nga, last one."

"Yey!" Hindi niya alam kung bakit parang natutuwa siya na makitang masaya si Valentine.

Akala niya ay normal lang na pose ang gagawin pero nagulat niya ng bigla siyang talunan ni Valentine. Buti na lang ay nasalo niya ito sa likod at baywang. Ang kinalabasan ay naka bridal carry siya sa kanya.

Itinaas ni Valentine ang kamay na may bulaklak at ang isa ay naka lagay sa likod ng batok ni Saint para sa suporta. Pagka-flash ng camera ay agad itong bumaba sa braso niya.

Excited itong pumunta sa kumuha ng litrato nila at nakita niyang inabot nito kay valentine ang tatlong piraso ng polaroid pictures. Tila kumikinang ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang mga polaroids. Niyakap nito ng mahigpit si Ria at patakbong pumunta sa kanya.

Napangiti na naman si Saint dahil sa ka-cute-an nito. Ang weirdong babaeng ito na biga na lang dumating sa buhay niya. Hindi niya mawari kung sino ba talaga ito pero natutuwa siya dito.

Hindi siya close sa mga babae, mas lalong ayaw niya ng mga clingy at magaslaw na babae. Pero parang exception ata itong si Valentine. Hindi siya nakaka-irita, kundi nakakatuwa pa.

Nang dumating si Valentine sa harap niya ay pinakita niya kay Saint ang tatlong polaroids.

"Alin, gusto mo dito?" Natatakpan ng polaroid ang kalahati ng mukha niya pero alam ni Saint na nakangiti ito.

"No thanks, sa'yo na lang lahat 'yan." Ni hindi na niya tinapunan ng tingin ang polaroids sa kamay nito.

Pero ang babaeng ito ay tiningnan na naman siya at ngumuso, maya-maya ay nagtutubig na ang mata nito.

"A-ayaw mo ng wedding pictures na'tin?" Napahilamukos na lamang siya ng mukha at napa buntong hininga, dahil ginamitan na naman siya ni Valentine ng puppy eyes nito.

Kinuha niya sa kamay nito ang litarato kung saan nakasandal sa dibdib niya si Valentine.

Nakita niyang halos pumalakpak ang tainga nito nang kunin niya ang litrato. Si Valentine naman ay itinago na ang polaroids na likod ng phone nito nang nakaharap. Clear ang phone case nito kaya naman, kitang kita ang litrato nila.

Kung titingnan ang polaroids ay mukha talaga silang ikinasal. Pero ang twist ay, arrange marriage lang ito at napilitan lang siyang pakasalan ang babae. Kaya naman mukhang luging lugi ang mukha niya.

Pero tila walang pakialam si Valentine dito, dahil napakalawak ang ngiti nito habang pinagmamasdan ang phonecase nito.

Inilagay niya din ang polaroids sa likod ng phone case niya ng patalikod. Para hindi makita ang litrato nila, dahil baka maraming mag tanong tungkol dito. 'Di iyon napansin ni Valentine dahil masyado itong engrossed sa litrato nilang nasa phonecase nito.

"Tapos na naman tayo dito ano? So, aalis na ako. Bayad na naman siguro ako sa pag piyansa mo saakin." Akmang aalis na sana siya ay biglang may inilabas ito mula sa kanyang dibdib.

Literal na dumukot ito sa loob ng kanyang hinaharap at inilabas ang isang artwork wallet at flash drive.

Halos lumuwa ang mata ni Saint nang makita ang ginawa ni Valentine. Ngunit, mas gulat siya sa inilabas nito. Ito ang nawawala niyang wallet at ang flash drive niyang nasa bag na naglalaman ng lahat ng importante niyang files.

Hahablotin na sana ni Saint ang mga ito sa kamay ni Valentine ngunit, mabilis nitong nailagay muli ang mga gamit sa loob ng kaniyang panloob.

"What the hell Valentine?! Paano napunta iyan sa'yo?!" Gigil na sambit niya sa babae. Kung pwede lang dukutin yu'ng mga gamit niya sa loob ng bra ni Valentine ay nagawa na niya. Ngunit, malaki ang respeto niya sa mga babae at hinding hindi niya kayang bastusin ang mga ito.

"I stole it. Well, I ordered someone to steal it for me. I'm such a sneaky genius, ain't I hubby? Hihi." tila proud pa na sabi nito sa kanya. Naka lapat pa ang kanang palad nito sa dibdib, kung saan naroon ang kanyang wallet at flash drive. She even giggled in delight.

Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Pagka-mulat niya ay naka ngisi si Valentine sa kanya.

"Give it back to me, Valentine. Now!" May otoridad at halong inis sa boses ni Saint. Pinipigilan lamang niyang mainis kay Valentine.

'Kumalma ka Saint, babae 'yan' pagpapakalma niya sa sarili.

Tila batang umiling-iling si Valentine sa kanya habang naka nguso.

"Ayo'ko nga bleh." Nakapamaywang nitong sabi sa kanya at dumila pa na tila nanunuya.

"Okay, what do you want?" Na-gets agad ni Saint na may gusto na naman itong makuhang kapalit.

"Well, dahil kasal na tayo ay kailangan nating mag honeymoon!" Masayang sabi nito.

"Honeymoon?! What the fuck are you talking about woman? Just give me the goddamn flash drive and wallet!" Naka kuyom na ang mga kamao ni Saint dahil napupuno na siya kay Valentine. Binabawi na niya ang sinabing nakakatuwa ito.

Pinaka ayaw pa naman niya ay ang pinapakialamanan ang kanyang mga gamit. Bakas sa boses niya ang galit. Kung ang mga normal na tao siguro ay natakot na sa kanya. Pero itong si Violet ay 'di talaga natinag. Matamis pa rin itong naka ngiti sa kanya,

"Honeymoon or no wallet and flash drive for you. Just choose honeymoon hubby, para matapos na tayo dito." She mischievously said while still smiling sweetly.

"You want to have sex with me?" deretsahan niyang tanong sa babae. Honeymoon daw ang gusto, eh ano bang ginagawa sa honeymoon? Hindi ba sex.

Napahawak si Valentine sa dibdib niya na tila pinoprotektahan ang sarili mula sa kanya.

"Sexual harassment ka hubby ha!" pang aakusa nito kay Saint.

"What the f--Ano bang ginagawa pag honeymoon ha?!" masungit na sabi ni Saint. Siya itong nag aya ng honeymoon, tapos aakusahan siya ng harassment. 'Baliw talaga ang babaeng 'to.'

"I know naman hubby, pero I have something different in mind. P-Pero, kung 'yan talaga ang gusto mo..." Unti-unti nitong binaba ang sleeves ng gown sa balikat, na tila inaakit siya.

Halos lumuwa ang mata ni Saint sa ginawa ng babae. Tila nanuyo ang kaniyang lalamunan nang makita ang makinis at maputi nitong balikat. Ngunit iwinaslik niya ang iniisip niyang iyon.

"The fuck?! No! Stop that." Frustated siyang napa sabunot sa buhok at umiwas ng tingin. Pumuputi na ata ang buhok niya sa stress dahil sa baliw na babaeng ito.

"Ano ba kasing gusto mo ha?" Iritableng tanong niya kay Valentine.

"Date tayo sa buong campus. Parang honeymoon, minus the you know. Pero, kung gusto mo pa rin, willing akong ibigay sa'yo." Pabebe nitong sabi sa kanya. Tila nag papa-cute pa ito sa kanya, na medyo gumagana na. Pero hindi niya ipapahalata siyempre.

"Fine. Let's just get this over with." Mabilis na siyang nag lakad papunta sa make-shift dressing room. Naka sunod lang sa kanya si Harry.

That girl is so weird and unpredictable. Hindi niya alam kung ano ba ang laman ng utak nito at kung ano-ano ang mga naiisip. Biruin mo, out of nowhere ay sumulpot na lamang ito at inaya siyang mag pakasal.

Padabog siyang nag hubad ng suit at nag palit na muli ng school uniform niya. Habang nag bibihis siya ay nagsalita si Harry.

"Pre, ang weird pala ng napangasawa mo. Pero atleast maganda, swerte mo na dun bro!" Inirapan na lamang niya ang gagong kaibigan at padaskal na binubutones and uniporme niya.

Medyo badtrip siya kay Valentine dahil blinack mail siya nito. 'Paano na niya nakuha yung wallet at flash drive ko? Dapat siya ang pala itong kinukulong sa jail booth, sa salang robbery and extortion!'

"Maganda nga, baliw naman." kinuha niya ang bag mula sa sulok at hinalungkat ito, sakaling may ninakaw pang iba mula sa gamit niya.

"Pano pre, alis na ko ha. Magd-date pa kami nung bebe ko. Bye pre!" at lumarga na ito palabas ng dressing room.

Patuloy lang niyang ininspeksiyon ang bag habang nag iisip.

'Sino kaya ang pinakuha niya ng wallet ko sa bulsa pati yung flash drive ko?'

Nang ma check na niya ang bag kung may iba pang nawawala ay agad na niyang pinuntahan si Valentine.

Nasa labas na ito ng dressing room at nakapameywang sa harap niya na may malawak na ngiti.

Suot na muli nito ang pink cropped t-shirt at denim skirt. Pero ngayon ay naka pig tails na ito, lalo itong nag mukhang bata dahil sa hair-do niya at samahan mo pa ng maliit na height nito.

May sling bag ito na kanang balikat, na pakiramdam niya ay nasa loob ang mga gamit niyang ninakaw sa kanya.

Walang emosyon ang kanyang mukha pero malawak pa rin ang ngiti nito sa kanya. Iniisip niya kung papaano niya nanakawin pabalik ang gamit niya, nang hindi napapansin ni Valentine.

"Hubby are you ready?" tanong nito sa kanya.

"Yeah, whatever."Bagot niyang sabi dito at kinabig ang backpack niya.

Nagulat siya nang bigla itong lumapit sa kanya at isinukbit ang kaliwang braso sa braso niya. Nginitian siya nito muli at biglang sumigaw.

"To the Honeymoon!"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------<3

Guys give me some tips on how to retrieve a wattpad account. Iddelete ko na lang yung account na Aoiferocious para ito na talaga yung main and only account ko.

Enjoy Reading, Follow and Vote!!

Stay Safe and Have a nice Day!!

Gleivia<3

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...