The Ruthless CEO (Savage Beas...

By Maria_CarCat

11M 355K 150K

What he wants. He gets... By hook or by Crook More

The Ruthless CEO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 20

153K 5.2K 2.1K
By Maria_CarCat

Don't cry








Mabilis kong hinabol ang aking hininga ng tumigil sa may burol ang kabayong sinasakyan namin. Rinig ko pa din ang mahihinang pag ngisi ni Senyorito baby mula sa likuran. Humaba ang nguso ko, halos yakapin ko na ang kabayo dahil sa pagod. Parang ayoko ng umulit. Maglalakad na lang talaga ako pauwi.


Walang kahirap hirap siyang bumaba duon. Pagkatapos ay kaagad siyang naglahad ng kamay sa akin. "Let's go" yaya niya. Napanguso ako, nilingon ko ang pinanggalingan namin. Wala akong nakitang kahit anino ng mga kasama namin.


Dalawang kamay na ang nilahad ni Senyorito baby. Mukhang handang handa na akong saluhin para sa aking pagbaba. "Baka po..." hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil sa kaba.


Mahirap sumakay at mas mahirap din pala ang bumaba dahil parang nakakalula. Nang medyo nahirapan ako ay siya na mismo ang humawak sa magkabilang bewang ko. Uminit ang pisngi ko ng maramdaman ko ang matigas niyang kamah duon, mas lalong lumiit ang bewang ko dahil sa pagkakahawak niya.


"Ay! Kalabaw!" hiyaw ko ng mabilis niya akong hinila pababa. Kaagad kong pinulupot ang magkabila kong braso sa kanyang leeg. Yes! Nakayakap na din sa wakas!


Nhiting ngiti ako habang niyayakap ang leeg ni senyorito baby. Pwede bang ganito na lang palagi? Pwede bang yakap yakap ko na lang siya palagi? Ang bango! Sobrang bango.


"Bitaw na, nakababa ka na" sabi niya sa akin. Mula sa pagkakapikit ay dumilat ako.


Dahil sa lapit ng mukha naming dalawa ay bumitiw na lang din ako kahit ang totoo ay ayaw ko pa. Inayos ko ang maiksi kong buhol na medyo nagulo dahil sa pangangabayo namin kanina. Ramdam ko ang pananatili ng tingin niya sa akin.


"Maglalakad na lang po ako pauwi. Ayoko na talaga sa kabayo" reklamo ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin, hindi pa siya nakuntento at humalukipkip pa siya sa aking harapan. Para tuloy akong maliit na batang, handa ng pagalitan.


"Why?" seryosong tanong niya sa akin. Tumingala ako sa langit, ang ganda. Hindi masyadong mainit at hindi naman ganuon na makulimlim. Tama lang.


"Eh kasi po, ang sakit sa legs. At nakakapagod" paliwanag ko sa kanya. Kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.


"At nakakahingal..." dagdag ko pa ng muli akong humugot ng malalim na paghinga.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko kung paano dahan dahang bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Naginit ang magkabilang pisngi ko, bigla akong nakaramdam ng hiya.


"Puro ka kasi buto" sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata, bahagya ding kumunot ang kanyang noo.


"You should eat a lot, Tathi" mariing sabi niya sa akin.


Napanguso ako. Bumaba din ang tingin ko sa aking katawan. Sabagay, kita ko ang katawan ng mga tipo niyang babae. Yung malaman, tapos curvy. Maliit ang bewang, malaki ang hinaharap at matambok ang pwet.


"Ayaw niyo po ng payat? Wala po akong boobs, pero may pwet naman po ako" laban ko sa kanya. Bahagya pa akong tumagilid para ipakita sa kanya iyon. Sandaling bumaba ang tingin niya duon at mabilis ding bumawi. Mariin siyang napapikit kaya naman mas lalo ko siyang tiningnan.


"Ayoko ng madaldal" medyo pagalit na sabi niya ng muli siyang dumilat at nasa malayo na ang kanyang tingin.


"Hindi po ako madaldal" giit ko. Naniniwala talaga akong hindi ako madaldal. Medyo maingay, pero hindi madaldal. Basta! Magkaiba iyon.


Nilabanan niya ang tingin ko. Imbes na matakot sa kanya ay nginitian ko pa siya. "Sinasabi ko lang po ang naiisip ko. Hindi po kasi ako sinungaling" pagbibida ko pa sa kanya kaya naman mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Siguradong inis nanaman ito.


Sa huli napabuntong hininga na lamang siya na para bang suko na siya. Hindi na siya makikipagtalo at ako na ang panalo. Sabi na, hindi ako madaldal.


Umakyay kami sa may burol. Iniwan namin ang kabayo at tinali sa maliit na puno ng mangga. Libre tyansing ulit ako ng hawakan niya ang kamay ko habang paakyat kami duon. Kung hindi lang masyadong halata ay magkukunwari ulit akong medyo nahihirapang makaakyat para makayakap ulit.


May puno ng acasia duon, malaki iyon ay halos katabi na ng burol. Iyon din ang nagsisilbing silong sa may lugar. "Senyorito, talikod po kayo. Picturan ko po kayo" sabi ko sa kanya at ako pa mismo ang nagpwesto sa kanya sa magandang spot para mapicturan. Sinimangutan niya ako.


"Ayoko, Tathriana" matigas na sabi niya kaya naman nagpuppy eye ako.


"Baby naman..." paawa effect ko. Napangisi din ako sa dulo dahil medyo nakaramdam din ako ng kilig dahil sa sinabi ko.


Nagtiim bagang siya. Kita ko ang mas lalong pagdilim ng tingin niya sa akin. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo..." problemadong sabi niya.


Wala sa sarili niyang sinunod ang gusto ko kaya naman mabilis akong nagclick, natawa ako ng wala siyang kamalay malay sa ginawa ko. Nakasimangot siyang lumingon sa akin kaya naman mabilis kong itinago ang cellphone ko mula sa aking likuran.


"Hindi ko na din po alam ang gagawin ko sa inyo. Ang sungit sungit mo po" problemadong sabi ko sa kanya, ginawa kung paano niya iyon sinabi kanina.


Naginit ang pisngi ko ng makita ko ang bahagya niyang pagnguso, nagiwas siya ng tingin pero nakita ko pa din ang pagkakakagat niya sa kanyang pangibabang labi. Hay naku, kunwari pa itong si Senyorito.


Umupo ako sa malaking bato. Ichecheck ko kung ano ang pwede kong gawing wallpaper. Busy ako sa pagswipe sa aking gallery ng maramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nang tingalain ko siya ay nagulat ako ng makita kong nakatapat na din ang cellphone niya sa akin. Para bang pinipicturan din niya ako.


"Pinipicturan niyo po ako?" tanong ko. Sana naman sinabo niya para naman nakapaghanda ako. Baka ang pangit ko duon mamaya, nakakahiya naman.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, marahang umiling. Sungit!

"Naghahanap lang ako ng signal" palusot niya. Alam kong palusot lang iyon, malakas ang pakiramdam ko. Palusot.com

"Weh...weh..." pangaasar ko sa kanya kaya naman sa huli ay napahalakhak din siya.


Napangis ako. Nagawa ko pang suklayin ang aking buhok. Umayos ako ng upo at matamis na ngumiti.


"Ayan na po. Pwede mo na akong picturan" pagprepresinta ko. Ngumisi siya.


"Ang kapal ng mukha mo" natatawang sabi niya sa akin pero itinapat pa din niya ang cellphone niya sa akin. Imbes na pansinin ang sinabi niya ay mas lalo akong ngumiti sa harap ng kanyang camera.


Tumayo ako ng makita kong ibinaba na niya ang cellphone niyam tapos na siyang kuhanan ako ng picture. Lumapit ako sa kanya para tingnan ang mga kuha niyang litrato. Nagulat ako sa una kong pagdungaw ay kaagad kong nakita kung ano ang wallpaper niya. Picture namin iyon nung nasa loob kami ng sasakyan niya, yung kumain kami ng burger king.


Imbes na punahin siya ay hinayaan ko na lang. Mahirap na, baka mainis pa at biglang palitan.


"Tayong dalawa naman po. Tapos timer? Suwestyon ko. Walang sabi sabi kong kinuha ang cellphone niya, mas mamahalin iyon at mas maganda ang camera kaya naman iyon na ang gagamitin namin.


Isinandal ko iyon sa isang malaking bato. Mula duon ay makukuhanan kami ng full body. Kita ang malaking puno ng acasia sa aming likuran, ang ganda din ng ulap sa background. Hays bagong wallpaper nanaman, hirap na hirap na akong mamili eh.


Nang lingonin ko siya ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Tahimik na pinapanuod ang aking bawat galaw. Nag ngising aso ako, baka mamaya magalit siya dahil nakapatong sa lupa ang mamahalin niyang cellphone. Wala akong pambayad duon.


"Hanggang 10 lang po iyan" nagmamadaling sabi ko at kaagad kong tinakbo ang layo naming dalawa. Tumabi ako sa kanyang gilid ay naghandang ngumiti sa Camera.

Tiningala ko siya. Nasa akin pa din ang tingin niya. Itinuro ko kung nasaan ang cellphone niya.


"Duon po ang tingin, Senyorito" sabi ko. Nagulat ako ng mabilis niyang ipinulupot ang braso niya sa aking bewang. Hinila niya ako patungo sa kanyang harapan kaya naman para na siyang nakayakap sa aking mula sa likuran.


"Grow up fast, baby" bulong niya sa akin. Halos mamanhid ang aking buong katawan. Shuta! Ito nanaman, nanghihina nanaman ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng baby.


Nakuha ang unang shot, halata ang gulat sa aking mukha sa mantalang si Senyorito baby naman ay nakahilig sa akin na parang bumubulong.

Napangisi siya dahil sa aking pagkabato. "Isa pa" anunsyo niya. Siya na mismo ang lumapit sa kinaroroonan ng cellphone niya para pindutin ang timer. Akala ko ba ayaw niya?


Muli siyang bumalik sa aking likuran. Ngayon dalawang kamay niya na ang nakayakap sa akin. "Smile Tathi. Gagawin ko itong wallpaper" sabi niya kaya naman kaagad lumaki ang ngiti ko.


Halos tumalon ang puso ko sa saya. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa nangyari. "Senyorito..." tawag ko sa kanya. Busy siya sa pagkalikot sa kanyang cellphone.


"Hihintayin ko po kayo ha. Pag 18 na ako" paalala ko sa kanya. Nagtaas pa ako ng kilay sa kanya para ipakitang hindi ako nakakalimot, hindi ko talaga iyon kakalimutan.


Nginisian niya ako. "Siguraduhin mo. Baka pagpasok mo ng college..."


"Wala po. Kahit po madami akong maging kaklase na lalaki, kahit gaano kagwapo!" laban ko.


Sinimangutan niya. "Shut up. Ngayon ngang nandito ako" pagpaparinig niya. Humaba ang nguso ko, tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.


"Malapit na po kayong umalis?" malungkot na tanong ko sa kanya. Tinanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Hindi ko maiwasang hindi isipin iyon lalo na sa tuwing nararamdaman kong patapos na din ang summer, magpapasukan na at kakailanganin niya ng bumalik sa maynila.


Mas malaki ang chance na makalimutan niya ako kesa makalimutan ko siya. Hindi lang iyon, pupunta din siya ng spain. Sobrang layo nuon.

Napawi ang ngisi niya. Nagtiim bagang siya at tinitigan ako. "I need to..." paos na sabi niya sa akin.

Napatango ako. "Oo nga po, hindi niyo naman bahay iyong kila governor. Tsaka hindi naman po talaga kayo taga rito" sabi ko. Paalala ko na din sa aking sarili. Pakiramdam ko, hindi tamang hinayaan ko ang sarili kong magkagusto sa kanya.


Nanatili siyang tahimik na nakatitig sa akin. Napabuntong hininga ako. "Sana, duon na lang ako nagkacrush sa taga dito din. Yung hindi aalis" sabi ko. Nasa isip ko iyon kaya naman hindi ko na napigilan ng lumabas sa bibig ko. Wala talagang preno, Tathi. Shuta!


Hinawakan niya ang siko ko para paharapin ako sa kanya. "Wag mong sabihin yan" matigas na sabi niya sa akin. Hindi ko pa din siya hinarapa. Nanatili ang tingin ko sa malayo.


"Hindi ko po napigilang sabihin" pagamin ko.


"Babalik ako. Babalikan kita dito...lagi akong babalik" paninigurado niya sa akin.


Tsaka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan siya. "Bakit po?" tanong ko, syempre dapat sigurado. Dapat alam ko kung bakit.


Pumungay ang mga mata ko ng lumipat ang kamay niya sa aking pisngi. Marahan niyang hinaplos iyon. "Kasi ikaw ng gusto ko, Tathriana. Hindi pa pwede ngayon..." pagamin niya.


Biglang dunami ang kung anong makukulit na insecto sa aking tiyan. Halos makiliti ako.

Napakagat labi ako habang nakatingala kay Senyorito baby. "Gusto ko din po kayo..." pagamin ko. Paulit ulit na pagamin ko, ang kapal na talaga ng mukha ko.

Napangisi siya. "We need to wait. Hindi pa ngayon..." seryosong sabi niya sa akin. Napatango ako, tama naman. Ayoko din namang sumama ang imahe niya dahil sa akin. Siguradong hindi magiging maganda ang dating nuon sa ibang tao. Wala pa ako sa legal na edad, siya ay 23 na.


Wala na kaming imikan ng bumalik kami sa may rancho. Nanduon na din sina Senyorito Luigi at ang mga kasama niya. Hindi naman nila kami gaanong napansin dahil sa ginagawa nila, maliban na lang sa mapanuring mata ni Aaron at sa matalim na titig ni Adelide sa akin.


Muli akong binuhat ni Senyorito baby ng bumaba na kami ng kabayo. "Andito na pala ang katulong niyo..." rinig kong sabi ng isa sa babaeng bisita. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila.

"May kailangan po kayo?" tanong ko kay Senyorito Luigi.


Nginitian niya ako, hinawakan niya ako sa balikat kaya naman lumipad din ang tingin ko duon. "Wala, Tathi. Ok na" sabi niya sa akin kaya naman napatango ako at tipid na ngumiti.

Lalayo na sana ako ng kaagad kong marinig ang pagtawag sa akin ni Aaron. Nakangisi siya sa akin. "Pwedeng pakilinisan? Naputikan kasi" sabi niya sa akin sabay turo duon sa sandals ng girlfriend niya na napuno ng putik. Saan nanaman kaya nagsuot ang dalawang ito? Sa aming lahat sila lang ang naputikan.


Tumango ako at pupuntahan na sana ng magduet pa sina Senyorito Luigi at Senyorito Baby.

"Wag na, Tathi"


"Tathriana"


Una kong nilingon si Senyorito baby. Galit siyang nakatingin sa nakangising si Aaron.


"Aaron wag na. Hindi yan gawain ni Tathi" iritadong suway ni Senyorito Luigi sa kanya.


"Katulong niyo si Tathi. Wala namang masama kung utusan siya. Bayad ang ser..."


"Shut the fuck up!" matigas na pagputol ni Senyorito baby sa kanya. Nanatiling nakangisi si Aaron. Nilapitan na din siya ng inis na si Senyorito luigi.

Nasa amin na ngayon ang atensyon ng lahat. Bigla akong nakaramdam ng panliliit dahil sa mga nangyayari. Tama naman si Aaron, katulong ako dito. Hindi ako kabilang sa kanila. Hindi kailangang ipagtanggol ako dahil tama lang naman iyon.


"Ayos lang po" sabi ko at tsaka mabilis na kinuha ang putikang sandals ng girlfriend niya. Hindi na ako nagpapigil pa. Tumakbo na ako palayo duon para malinis iyon.

Sa likod ng kwadra ng mga kabayo ay may poso. Duon ako dumiretso para maglinis. Hindi naman nila ako sinaktan, totoo naman lahat ng sinabi nila pero naiyak na ako. Pakiramdam ko tuloy ang liit liit ko.

Tahimik akong umiyak habang patuloy na nagtatagal ng putik duon. Napasinghap ako ng may mainit na palad ang humawak sa aking braso.

"Tathriana" malalim na tawag ni Senyorito baby sa akin. Kahit hindi ko siya lingonin. Alam kong siya iyon.


Mas lalong nabalot ng lungkot ang puso ko.  Ramdam ko ang pagaalala sa kanyang boses pero at the same time, ramdam ko din ang malaking agwat ng buhay naming dalawa. Kahit paulit ulit kong isiping gusto niya din ako. Hindi maalis na hindi ako nababagay para sa kanya.


Napaawang ang bibig ko ng tanggalin niya sa kamay ko ang maduming sandals. Nabasa din tuloy ang kanyang kamay. Pumatay siya sa akin, nagigting ang kanyangpl panga habang nililinisan ang aking mga palad.


"Hindi mo gagawin iyan. Hindi ako papayag" matigas na sabi niya.


Nagpatuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Trabaho ko naman po iyon" sabi ko. Kumunot ang kanyang noo, halos makiliti ang palad ko dahil sa paglilinis niya dito.


"Hindi kita kailanman tiningnan ng ganyan. Hindi ka katulong o hardinera..." sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.


Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. "Kaibigan po ang turing niyo sa akin?" tanong ko. Tumikhim siya.


"Sa ngayon sige, kaibigan. Pero ayokong hanggang duon lang. Hindi lang kaibigan, Tathriana. Pero sige ngayon...iyon na muna" seryosong paliwanag niya sa akin. Parang galit pa din.


"Sinasabi ko na nga ba!"


Pareho kaming napaiktad dahil sa pagdating ni Aaron. Nakangisi itong nakatingin sa amin. Bigla akong natakot, mabilis kong binawi ang kamay ko kay Senyorito baby at mabilis na tumayo.


"Kaya pala. Hindi ko inakalang..." hindi makapaniwalang sabi ni Aaron. Halos hindi nga niya maituloy ang sasabihin niya.


"I don't give a fuck, for your fucking opinion" matigas na pagmumura at sabi ni Senyorito baby. Kahit pa ganuon ay nanatili siyang kalmado sa aking tabi, walang bahid ng takot ang kanyang mukha, galit lang siya.


"Grabe ka kung makapagbakod ah. Bata iyan Cairo. Alam mo ba ang ginagawa mo?" mapanghamong tanong ni Aaron sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng takot.


Nilingon ko si Senyorito baby. Nanatili siyang kalmado. "Pwede kang makulong, masisira ang pangalan mo. Nakakahiya iyon. Cairo" pagpapatuloy ni Aaron.


Mas lalo akong nataranta. Gusto kong tumulong pero wala akong magawa, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa.

"Senyorito..." tawag ko sa kanya.

Nilingon niya ako. Muling tumulo ang masasagang luha ko. Natatakot ako para sa kanya. Mas lalo siyang nagalit dahil duon. Itinaas niya ang kamay niya, marahang pinunasan ang luha ko.


"Damn baby, don't cry" matigas na sabi niya sa akin.


Muling napatawa si Aaron. Mabilis ko siyang nilingon. Ngayon, galit na din siya. "Malalaman ito ni Luigi, at ng buong sta. maria...nakakahiya ang bisita ni Governor. Cradle snatcher" nandidiring sabi niya.


Mabilis akong lumapit sa kanya. "Hindi po iyan totoo. Hindi po ganuon si Senyorito!" laban ko kay Aaron.

Nakangisi silang lumapit sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa aking braso. "Putangina! Bitaw!" galit na galit na sabi ni Senyorito baby.


Nagulat ako ng makita kong handang handa ba siyang sumugod kay Aaron para saktan ito. Mabilis akong kumawala sa hawak niya at sinalubong ito.


"Wag na po...wag na po" pagpigil ko sa kanya. Niyakap ko siya para hindi na siya makatuloy. Natatakot na ako, ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko. Ayoko ng ganito.


"Sira ka ngayon, Cairo" natatawang sabi ni Aaron. Mariin akong napapikit habang yakap si Senyorito, gusto kong kumalma siya. Kung makikipagsuntukan siya kay Aaron ay mas lalong lalaki ang away.


"Ako ang bahala dito. Shhh..." pagpapatahan niya sa akin.


Hindi ako mapakali sa aming bahay kinagabihan. Buong akala ko ay sasabihin na kaagad ni Aaron. Wala naman kaming ginagawang masama, narinig niya lang marahil ang paguusap namin. Mukhang gagamitin niya iyong pangblack mail kay senyorito baby. Siya ang lubos na maapektuhan dito.


Kasalana kong lahat ito. Sana pala hindi na lang ako naging aggresibo. Sana pala hindi ko na lang inamin na gusto ko siya. Hindi ako nagisip ng kung anong pwedeng kahinatnan ng lahat ng ito. Hindi ako nagisip!


"Mama. Pwede po bang absent na muna ako? Masama po ang pakiramdam ko" paalam ko sa kanya kinaumagahan. Natatakot akong pumunta sa mansyon. Baka pagnakita ako ni Aaron duon ay mas lalo lang lumakas ang loob niyang paglaruan kami ni Senyorito baby. Gagamitin niya iyon laban sa kanya at maaari siyang humingi ng kung anong kapalit.


"Sige. Sasabihin ko kay Manang bobby" sabi ni Mama kaya naman bumalik ako sa paghiga sa kama. Muli akong tumitig sa kisame. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatunganga duon. Hanggang sa maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone.


Senyorito baby:

Tathriana. Natatakot ka?


Senyorito baby:

Ako na ang bahala kay Aaron. Rest for today. Pumasok ka bukas, don't make me miss you.


Wala akong sinagot na message niya. Natatakot akong baka pagsumagot ako ay mabasa iyon ni Aaron. Napaparanoid na ata ako.


Bukas ang balik nila ng manila. Tama lang iyon na hindi niya ako makita ngayon. Pagpasok ko bukas ay wala na sila kaya naman makakahinga na ako ng maluwag. Sana nga, sana makausap niya si Aaron. Hindi para sa akin kundi para sa kanya. Sa pangalan niya.


Buong umaga akong nakakulong sa kwarto. Lumabas lang ako nung hapon para bumili ng mirienda. Balik din ako sa bahay pagkatapos nuon. Busy si Mama sa negosyo dahil wala si Papa. Hindi pa din malinaw sa akin kung ano ang trabahong pinuntahan niya sa malolos. Ang alam ko lang, galit si Mama dahil duon.


Dala dala ko ang binili kong turon at palamig paakyat sa aking kwarto. Nagulat ako ng makita kong umiilaw ang cellphone ko na nasa kama. May tumatawag sa akin.


Senyorito baby Calling...


Nagdalawang isip pa akong sagutin iyon. Sa huli ay tinanggap ko na ang tawag.


"Hello po..."


"Give me your thoughts. Gusto kong malaman ang nasa isip mo" seryosong sabi niya mula sa kabilang linya.


"Wala po akong naiisip" sabi ko.


"Hindi ako naniniwala. Gusto kong maging madaldal ka ngayon" matigas na sabi niya kaya naman napanguso ako. Umupo ako sa dulo ng aking kama.

"Ayoko pong makulong ka. Ayoko pong masira ang pangalan mo" tuloy tuloy na sabi ko.

"Uh huh. Ano pa?" seryosong tanong niya mula sa kabilang linya.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Sasabihin ko lang ang nasa isip ko. Hindi ko ito mapipigilan.

"Nami-miss po kita..." pagamin ko.

Bayolente akong napalunok. Natahimik ang kabilang linya. Hanggang sa narinig ko ang pagbuntong hininga niya.


"I miss you too..." paos na sabi niya. Hakos umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha.

"I don't want to cloud your mind. But rest assure na hindi ako takot kay Aaron. Kung nasa tamang edad ka lang at gustuhin niyang ipaalam sa lahat na gusto kita, baka tulungan ko pa siya" paninigurado niya sa akin.


















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

934K 30.2K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
366K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
155K 6.2K 76
[ B x B ] Nakatagpo kana ba ng Demonyong Gwapo at makisig ang katawan? Kung hindi pa basahin mo'to baka pangarapin mo rin sya. hahaha! ------------ M...