Sven's Eponine

By Veldet_Ayesha

209K 4.4K 458

WARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being... More

SE-1
SE-2
SE-3
SE-4
SE-5
SE-6
SE-7
SE-8
SE-9
SE-10
SE-11
SE-12
SE-13
SE-14
SE-15
SE-16
SE-17
SE-18
SE-19
SE-20
SE - 21
SE-22
SE-23
SE-24
SE-25
SE-26
SE-27
SE -28
SE-29
SE-30
SE-31
SE- 32
SE- 33
SE - 35
SE- 36
SE- 37
SE -38
SE 39
SE 40
SE 41
SE 42
SE 43
SE 44

SE- 34

1.6K 57 7
By Veldet_Ayesha


34

Dhie, sumabay na ako kna Boss, need dw kc maaga now since ishoot pa nmn ung MV nung OST this morning. Sorry, you can fetch me later nlng. Love you!

I tap the sent button.

Sa unang pagkakataon ay nagawa kong magsinungaling sa kanya. Sa sobrang gulo ng aking isip ay hindi ko alam kung ano nga bang dapat kong gawin. I don't even know if staying here is one of the right thing to do for now.

Hindi ko mapigilang muling sumulyap sa nahihimbing na binata. Bakas pa rin ang mga marka sa kanyang leeg. Ni sa hinagap ko hindi ko akalaing magagawa niya ang mga bagay na iyon.

Malayong malayo sa Silk na noon ay halos naging sentro ng aking pangarap at panaginip. Para sa akin noon, he was like an epitome of every girl's perfect Dream Guy.

And I don't even know that he has a Bipolar Disorder.

Dahil kahit minsan naman ay hindi sumagi sa isip ko na mayroon pala siyang ganitong klaseng kondisyon.

"Alexa?" Naramdaman ko ang mahinang pagtakip sa aking balikat, "Alam ko hindi ka pa nag aalmusal. Let's go out side for a while." Nginitian ako ni Tita.

"Sige po." Muli kong sinulyapan ang tulog na binata bago tuluyang lumabas ng silid niya. Wala na doon si  Anee, si Allison naman ay nginitian ako saka pumasok sa loob ng silid. Siy siguro ang magbabantay ngayon kay Silk. Kanina pa kasi nakaalis si Boss.

Tahimik akong sumunod kay Tita Margarette. Pagkadating namin sa parking lot ay agad niyang pinatunog ang puting Montero saka ako nilingon at iginiya papasok sa front seat.

"Let's go and take a break fast first."

---------------------------

"How's Sven?"

Nag angat ako ng tingin matapos humigop sa mainit na kapeng nasa lamesang nasa aking harapan.

"He's okay naman po."

Gusto ko sanang magtanong kung bakit niya biglang nakamusta si Sven, ngunit nagpigil ako. Hindi ko alam nag buong kwento nila basta ang alam ko, hindi ganoon kalapit ng boyfriend ko sa Mommy niya.

"Mabuti naman kung ganoon, you know I'm grateful and also thankful noong naging girlfriend ka niya." Tipid siyang ngumiti at hinalo ang kanyang sariling inumin. "I mean he became more mature when you became his Girlfried, noon kasi kung sino sino nalang ang babaeng nakikita ko na naka angkla sa kanya. Almost ever month, minsan weeks nga lang iba naman. He's really different compared to Silk."

Agad akong napatigil sa paghiwa ng cake sa platito at napasulyap kay Tita Margarette. Hindi rin niya naitago ang mabigat na pagbuga ng hangin at ang animo nahahapong ngiti sa kanyang labi.

"Silk was just 14yrs old when our Family Doctor confirmed to us, that he has a Bipolar Disorder."

Fourteen years old? Pero bakit kahit minsan hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong sintomas nito?

"Altho, there are those time na bigla nalang nag-iiba ang timpla niya, ang mood niya. One moment he looks so very much euphoric, then in a snap he would get annoyed at bigla na lang maiirita. You can't really take a grasp on his mindset. On how he thinks. So, we decided na komonsulta sa Family Doctor namin."

Hindi ko mapigilang mkaramdam ng awa, lalo na at hindi na naitago pa ng Ginang ang pagtulo ng luha niya.

"To cut the story short, After finding out his real condition. our Doctor suggest us some medications, behavioural therapy as well as mood stabilizer. Alam mo kung bakit Hija?"

Mas lalo akong nakaramdam ng awa ng pilit siyang tumawa at pinahid ang sunod sunod na pagpatak ng luha.

"Because Bipolar disorder is a lifelong mental illness. And there's a high chance na paulit-ulit lamang itong babalik sa kanya, dahil walang lunas
sa kalagayan ng Anak ko."

Umawang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Does it means, he will always be like this?

"Seriously, sa mga panahong nagkakaganito siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Muli ay malungkot siyang ngumiti sa akin. "So, kakapalan ko na ang mukha ko. Can I ask you a favor Hija?" hinuli niya ang aking kamay at mahigpit iyong hinawakan.

Hindi pa man niya sinasabi ang pabor na hihingiin ay nagsimula ng maginit ang mga mata ko. Hindi lng dahil sa awang nararamdaman ko para dito. Kung hindi sa katotohanang hilingin niya ang bagay na iyon sa akin. Lumipat ang tingin ko sa isang maliit na asul na libro na inilapag niya sa mesa, matapos niyang bitawan ang aking kamay.

"This is my Son's Diary. Cedrick gave this to me, nakita daw niyang nakasiksik sa ilalim ng unan ni Silk."

Why Tita is giving this to me?

"Lahat ng nararamdaman niya, ng iniisip niya, lahat ng nangyayari sa kanya. Isinusulat niya diyan. Even the first time he met you, the first time you smile at him."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko, kasabay ng automatikong paggalaw ng aking kamay upang buksan ang bandang kalahati ng kwaderno.

Hey,

Sometimes I wish I could turn back time and change my past. I should've not look in your eyes, I should've not gave you smile, I should've avoided you, when you call my name.

I should've not let my self to fall for you. I should've not let myself to be hurt again, by someone who so fcking close to me...

Because it's killing me to see you smiling only for my Brother...

Kinuyom ko ang aking palad upang pigilan ang pag-ahon ng pagsisisi sa aking dibdib. Tama, kasalanan ko. Pinaasa ko siya, he was broken when we met. I gave him hope, I gave light on his darken path. Ngunit, agad kong binitawan ang kamay niya, noong handa na siyang muling magsimula ng bago.

Ako, ang nagtulak sa kanya upang muling mahulog sa balon ng kalungkutan.

Muli kong nilipat ang pahina at sa nanlabo kong mga mata ay naaninag ko parin ang petsa kung kailan niya ito sinulat.

Noong nakaraang linggo lamang.

Hey,

I couldn't save her.

I know her pain, but I ignore it.
I know her struggles, but pretended to be blind on it.
I know how many times she calls my name.
I know how many times he cried my name.

I killed her, I killed the girl I fell in love with just because she can't love me the way I'm loved he---

Mabilis kong sinara ang kwaderno at hindi na tinapos pang basahin ang mga iba pa niyang sinulat. Agad kong pinahid ang tumulong luha.

"I'm sorry I should've not showed you his diary."

"Okay lang po." kahit ang totoo. Unti-unti ng nagiging sigaw ang tinig sa aking isip, na kanina ay mistulang napakahinang bulong lamang.

It was your fault Alexa!

Your one of the reasons why his depression triggers!

You lead him into nothing! Kasalanan mo kung bakit nagkaganito siya!

"Maaari ba?" binalot ng mainit na palad ni Tita Margarette ang nanginginig kong mga palad.

"Si Silk, tulungan mo siya. Nakikiusap ako. Tulungan mong gumaling ulit ang anak ko."

----------------------------

"Dito na lang po Manong."

Inabot ko ang five hundred paper bill sa Grab Driver at hindi na nag abalang kunin ang sukli. Halos kaladkarin ko na ang paa patungo sa entrada ng pad ni Sven. Akma kong ppindutin ang doorbell ng matigilan ako at mapatitig sa magarang disenyong ng kanyang tinitirhan.

He's just nineteen years old. Pero may sarili na siyang Apartment. May sarili na siyang kotse. May ipon, mayaman, kahit pa siya ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan.

Bakit pakiramdam ko ngayon, parang napakababa ko sa kanya?

Ilang beses akong nag doorbell ngunit lumipas na ang ilang minuto ay walang Sven na lumabas upang pagbuksan ako ng gate. Altho, may susi naman ako nito, ayoko namang basta na lamang pumasok sa loob.

Muling lumipas ang ilang minuto bago ko tuluyang nilabas ang duplicate key na binigay niya sa akin noong nakaraang linggo. Agad akong sinalubong ng panlalaking pabango na napakapamilyar sa akin, para bang niyayakap ako nito kahit pa alam kong wala siya dito. Dumiretso ako ikalawang palapag ng bahay at binuksan ang silid niya mismo. Hindi ko alam ngunit napakabigat ng pakiramdam ko. 

Parang gusto kong umiyak ngunit hindi ko alam saang dahilan ba dapata ko umiyak. 

Matapos kong hubarin ang jacket ko ay padausdos akong naupo sa gilid ng kama at doon tumalungko at tumitig sa pader. Nabaling lamang ang tingin ko ng sumilip ang silahis ng araw mula sa glass window at tumama iyon sa frame na nakapatong sa kanyang beside table. Inabot ko ang frame at pinakatitigan iyon. 

It was me and him. 

Kusang umangat ang humaplos ang aking daliri sa salaming harang ng picture frame. Parehas kaming nakangiti doon. Bago pa man mag-init ang mga mata ko ay ibinalik ko na iyon sa kinalalagyan nito kanina, ng mapansin ko ang isa pang frame na nakatayo roon. Silang tatlong magkakapatid. Nasa gitna nakatayo si Sven, nasa magkabilang gilid ang dalawa niyang kapatid. My eyes zoomed into Silk's smiling face. Para bang napakasaya niya kung pakatitigan mo siya. Sinong mag-aakala na may ganoon pala siyang sakit? 

At ikaw ang dahilan kung bakit siya dumaranas ng ganoon ngayon.

Nanginig ang aking mga kamay sa pagkastigo ng sarili kong isip. Ako ba talaga ang dahilan? Ako ba talaga ang may kasalanan? Ako ba ang nagtulak sa kanya upang malugmok ulit siya? Ako ba talaga ang dahilan kung bakit hindi niya ng magawang ngumiti ng totoo ulit?

"Alexa?" 

Kasabay ng pagbagsak ng hawak kong larawan ang sunod sunod na pagtulo ng aking luha. Sinalubong ako ng nagtatakang tingin ni Animony. Hindi ko nga lang alam kung sino ang mas nagulat.

Ako ba o siya? 

Ilang segundo lamang ang lumipas ay agad na sumulupot ang humahangos na si Sven sa likod ni Anee. Wala akong maramdaman. Mali pala.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Ngunit nakita ko na lamang ang sariling nakangiti sa kanila. Mabilis na nakalapit sa akin ang aking Nobyo at nagtatakang hinawakan ako sa magkabilang braso. Ang mga mata niya ay nanunuri habang ang mga kilay niya ay salubong. 

"What happened? May nangyari ba? Bakit naiyak ka? May masakit ba sa iyo?"

Marahan akong umiling at pinahid ang luha. I didn't dare to ask him kung bakit magkasama sila ni Anee. Pakiramdam ko wala akong lakas sa kahit na anong komprontasyon. Ni hindi na nga ako nagprotesta ng igiya niya ako palabas ng silid at dinala sa kitchen area niya, pinaupo niya ako sa bar stool saka ikinuha ng tubig. 

"Bago ka magalit. Anee is here dahil nakiusap sa akin ang Lola niya and si Lola as well, na isama ko siya since she knows Piano very well." 

Ibinaba ko ang baso ng tubig at tumingin sa kanya. Yah, Anee is a Pianist. Ngunit hindi ko na alam kung kailan ko siya huling nakitang tumatugtog. Altho, alam kong hindi lang iisang Grand Piano ang mayroon sa bahay nila. She's rich after all. "Bumili ka ng Piano?" 

"Baby Grand Piano." He smiled at me, muli niya akong hinatak sa kamay pabalik sa kanyang silid. Pagdating doon ay naabutan ko si Anee na halos kalalabas lang ng banyo, nginitian lamang siya ni Sven bago ako muling hinatak patungo sa kanyang Music Room. "I'm going to put it here." 

Pinagmasdan ko siya habang nakatayo sa gitna ng silid. Kumpleto ang mga instrumento niya roon, maliban sa Drum Set dahil hindi naman daw siya marunong nito. Iyong gitarang niregalo ko sa kanya ay nakalagay sa glass case. 

"Sven, I have to go. Pupuntahan ko pa kasi si Silk." Sabay kaming napalingon sa sumulpot na boses na Anee. 

"Oh, I thought you wanted to take a dinner here?" 

"Hindi na, I'll go ahead na." Agad siyang tumalikod at naglakad palabas ng silid. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng sulyap. Gusto ko mang pagak na tumawa ay hindi ko magawa, dahil nag-iinit na naman ang mga mata ko. Hanggang kailan ba ako magtitiis sa ginagawa niyang pag ignora sa akin. Kasi aminin ko man o hindi.

Para bang nagkulang ang buhay ko ng mawala si Anee sa akin. Hindi ko magawang makaramdam ng totoong kaligayahan, mula noong huling beses na nginitian ako ng matalik kong kaibigan.

---------------------------------------------------------

Kinaumagahan ay sa Ospital agad ako dumiretso, matapos kong makapag almusal. Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Sven kanina habang papunta kami doon. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya ng kalagayan ni Silk, but I am sure wala akong nabanggit na kahit na ano sa kanya, tungkol doon.

Maybe it was Anee. Sa pagkakatanda ko kasi sinabi niya kagabi na pupuntahan niya si Silk. Tho, I am really not sure.

Akala ko nga magagalit si Tita or si Silk ng makita nila si Sven na kasama ko. Ngunit hindi naman. I felt relieved ng hindi naman nila ako komprontahin. But, the thin that really caught my attention was kung paano pakitunguhan ni Sven ang Mommy niya.

I mean it's so unusual for me na makakita ng isang anak na animo Boss niya ang kausap. He sounds so professional at hindi ko rin matandaan kung sinalubong man lang ba niya ng tingin ang Mommy niya. Palagi kasing nakaiwas ang tingin niya rito.

Even if I want to ask him why is he behaving like that ng ihatid ko siya sa parking area. Hindi ko narin nagawa pa. Coz it seems like his mood suddenly swing off. Gone was the playful Sven.

Tumigil ako sa pagbabalat ng Mansanas at sinulyapan ang Binatang animo lumilipad na naman ang isip, habang nakatitig sa kisame. Bukas ay pwede na siyang ma discharged at makabalik sa trabaho. Ngunit, inabisuhan pa rin kami ng Psychiatrist niya na hangga't maaari ay wag naming hayaang mapagisa ang Binata at palagiang kausapin.

Alam ko hindi ko naman na dapat pa problemahin iyon, pero ayaw akong lubayan ng konsensiya ko. Lalo pa at nakikita namin kung paanong nagbabago ang mood niya sa tuwing nabibigyan ko siya ng atensiyon. Wag nga lang sanang dumating sa puntong  sa akin na dumepende ang lahat ng desisyon niya sa mga susunod na araw.

Dahil alam namin pareho hindi ko maaaring ibigay buong oras at atensiyon ko, dahil sa bunsong kapatid niya.

"Alexa."

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang malumanay na tinig ni Tita Margarette. Noon ko lang din napansin na nakapikit na si Silk at mukhang nakatulog na.

Magkasabay kaming naglalakad patungo sa chappel at huminto sa mismong harapan ng malaking poon ni Hesus, kung saan may mga natirik na kandila sa bakal na lalagyan na naroon.

Kumuha rin si Tita  isang kandila at nagsindi sa isa sa mga naroon gamit ang isang may sinding kandila, saka pinagsalikop ang mga palad matapos niyang maitayo ang hawak na kandila. Sa nakapikit niyang mga mata ay hindi nakaligtas sa akin ang pagtakas ng ilang luha at naglandas iyon sa kanyang pisngi.

Tita Margarette is silently crying.

Hindi ko alam kung gaano kabigat ang pakiramdam niya, ngunit sapat ng makita ang isang Magulang na hinayaang makita ng ibang tao ang kanyang pagtangis, upang masabi kong sa mga oras na ito ay sobra sobra na marahil ang kanyang nararamdaman.

"Tita, tama na po..." marahan kong hinaplos ang likod niya at pilit itong pinakalma. Ang tahimik niyang pagluha ay nauwi sa hagulgol. "Magiging maayos din po ang lahat."

"Si Silk, nakikiusap ako. Tulungan mo ang anak ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya mawawala din sa akin."

"Tita Margarette!" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lamang siyang padausdos na lumuhod sa harapan ko. Dammit! Iyong iilan taong naroon ay napatingin na sa amin. "Tita, please tumayo po kayo. Nakakahiya po."

"Pakiusap, si Silk. Piliin mo ang Anak ko, hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin, kapag nawala si Silk."

Unti-unti kong naramdaman ang paggapang ng kilabot at realisasyon sa aking buong sistema. She's asking me to choose Silk. She's asking me to choose him over Sven. "Tita..."

"Dalawang taon, o kahit na isang taon. Save my son please, don't let him lose his own sanity. Sa iyo lang nakikinig si Silk, ikaw lang ang gusto niyang makausap. Isinara na niya ang pintuan niya para sa iba. Ikaw na lang ang nakikita niya. Nagmamakaawa ako. I know I am going to be unfair with Sven, but I know him. He is strong, that's how I raised him."

Nagsimula na ang sabay sabay na pagtulo ng aking luha. "Are you asking me to break up and hurt your own other Son?"

"Yes, I know Sven. He loves his Brother as much as I love him. He will understand, I'm sure of it." mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, sa luhaan niyang mga mata ay banaag ang determinasyon at kasiguruhan. "I'm begging you Alexa, save my son. Save him for me..."

Hindi ako tumango. At hindi rin ako nagsalita. Ngunit sa sulok ng aking puso at isip, alam kong sa pagkakataong ito ay hindi si Sven o si Silk ang magsasakripisyo.

Kung hindi ako.

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

105K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
114K 3.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
3.6M 89.9K 46
[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. S...