MY LOVELY BRIDE

By itsmeeNayumi

194K 3.4K 343

Kailangan ko ba talagang pakibagayan sya...pero parang Hindi namn fair sa akin.kasi kahit namn Hindi ko gawin... More

MY LOVELY BRIDE
Chapter 1 Wedding
Chapter 2 Jealousy
Chapter 3 Realize
Chapter 4 Ang Pagbabalik
Chapter 5 Akin ka lang
Chapter 6 Mystery
Chapter 7 Same Bed?
Chapter 8 Two Sided
Chapter 9 Tibok ng Aking Puso
Chapter 10 Pag-ibig Na Kaya??
Chapter 11 Wedding Ring
Chapter 12 School War
Chapter 13 HeartAche
Chapter 14 Revealing
Chapter 15 Reconcile
Chapter 16 Bad Dreams
Chapter 17 Loving You Everyday
Chapter 19 Who is Mateo?
Chapter 20 Mateo's Plan will it be successful?
Chapter 21 Xander help
Chapter 22 ????
Chapter 23 Duel between Xander and Mateo
Chapter 24 The Finale
A NEW BEGINNING FOR KIMBERLY AND ALEXANDER

Chapter 18 Big Chaos

5.8K 112 12
By itsmeeNayumi

Chapter  18

     Kim’s POV

                         Maaga akong nagising dahil excited ako pumasok sa school ngayun, namiss ko kasi mga barkada ko si Maja at si Mel, dumalaw namn kasi sila minsan sa hospital at dahil yun sa pakiusap sa kanila ni Xander. Pag labas ko ng kwarto nakita ko si ate angel na palabas din ng kwarto nila

“goodmorning” bati nya sa akin “goodmorning ate angel, ok nap o ba ang lahat ng gamit nyo pwede akong tumulong maaga pa namn eh, tsaka si Xander tulog pa.” sabi ko habang sabay kaming bumaba ng hagdanan “hindi na tapos na rin namn ehh tsaka wala namn kaming masyadong gamit nasa mga box nay un na pinadala namin nong isang araw.” Sabi nya, “oh ganon po ba, mag prepare nalng siguro ako ng breakfast natin, ikaw ate maupo ka nalng jan ako na magluluto para sa inyo.” Ngumit lang sa akin si ate Angel.

“ikaw ang bahala.. alam ko namn kasing kayang kaya mo na, kaya pag nasa states na kami ikaw na ang magluluto ng pagkain ng asawa mo, yung hindi sunog or hindi luto.” Sabay nyang sabi at tawa kami ng tawa. Di namin napansin na nakalapit na pala si baby Angelica sa amin. Nagulat kami bumaba siya sa hagdanan mag isa.

“baby goodmorning..sino kasama mong bumaba?” tanong ng mommy nya sa bata. “si tito gwapo o, he went outside po to pick up newspaper” sabi ng bata, ako man at nagulat. Nakita kung pag bukas ng pinto at si Xander ang naroon…

“naku xander akala ko namn bumaba na ang anak ko mag isa…” sabi ng ate nya “paglabas ko kasi nakita ko rin na palabas siya kaya sinama ko na, bakit ang aga nyo atang gumising, don’t tell me excited kayo umuwi ng states.”

“hindi nman, tlagang routine ko na ang gumising ng maaga, itong asawa mo gusto ka daw ipagluto ng breakfast kaya siguro maaga..”  natawa ako sa sinabi ni ate…eh lahat namn ipagluluto ko, pero special nga lang yung kay Hubby ko noh. Ngumiti ako hidni ko namalayang nakalapit na pala si xander sa tabi ko..

“ano namn ang iningingiti ng asawa kung subrang ganda kahit na bagong gising” sabi nya sabay nakaw ng kiss sa pisngi ko. “anak lets go upstairs and wake up your dad…” sabay alis ni ate angel…

“aga mo namn gumising, why don’t we have breakfast…” tumingin ako sa kanya “wag mong ituloy yan Xander sinasabi ko sayo….babalian kita ng buto sige ka..” sabi ko sa kanya

“bakit sabi ko why don’t we have breakfast outside sa backyard..bakit anong iniisip mo…ahh.. don’t tell me your thinking that kind of breakfast pwede rin.”  Ngiti nya sa akin

“Xander ano ba…magtigil ka nga…(Aray)” natalsikan ako ng mantika sa kamay “hey are you ok saan ang masakit..” hinawakan nya ang kamay ko at hinipan ito.. hinila nya ako patungo sa sink at hinugasan ito..

“xander ok lang ako kunti lang namn yun ehh” tumingin siya sa akin ng masama “anong kunti lang tignan mo nga oh” nakita ko ang pulang pula ng kamay ko kung saan tumalsik ang mantika, aaminin ko masakit nga namn… “umupo ka na lng jan ako na ang magtutuloy ng niluluto mo.” Sabi nya “pero…ok sige ikaw na” tumingin lang siya ay para na akong kuting na umupo at pinagmasdan siya habang nagluluto suot ang apron nito at subrang gwapo nya.

Dahil sa wala akong magawa nag set up nalng ako ng plate sa table sa labas para doon kami magbreakfast. Maaga pa namn kaya ok pa na doon kami kumain. Pagkatapos mag luto ni Xander ay tinawag ko na sina kuya at ate angel para kumain.

“oh Xander ang bilin ko sayo. Wag mo ng paiiyakin itong si Kim kundi uuwi talga ako sinasabi ko sayo.” Narinig kung sabi ni ate Angel kay Xander haba nag breakfast kami

“ate paulit ulit nalng ba…nasabi mo na yan at pangako ko sayo hindi hindi ko sasaktan si kim alam mo namn kung gaaano ko siya kamahal diba” muntik na akong masamid sa narinig ko. Ang sarap pala pakinggan pag talgang sinasabi ni Xander ang mga katagang yun.

“kim….” Narinig kung sabi ni Xander, hindi ko napansin nakatingin na pala sila sa akin di ko man lang naramdaman “may problema ka ba? Gusto mo wag ka munang pumasok ngayun?” 

“ano kaba Xander ok lang ako tsaka gusto ko na talgang pumasok ngayun, namimiss ko na mga kaibigan ko.” Sabi ko sa kanya. “oo nga namn Xander wag mong ikulong si Kimmy dito sa bahay, tsaka nasa tabi ka namn nya kahit papano wala na sigurong mangyayari sa kanya. “tama si ate angel xander kaya ko na ang sarili ko at wag kang mag alala kung si Mina ulit nag gagawa lalaban na ako promise ko yan.”

Ngumiti lang sa akin si Xander at pati si Ate angel. Matapos kaming kumain ay umakyat na kami sa taas para magbihis at baka malate kami sa school.

“ate angel magingat kayo ahh, tsaka wag kayong mag alala sa bakasyon pupunta kami ni Xander doon.” Sabi ko habang nagpapaalam na ako sa kanila kasi 3pm ang alis nila. “oo nga ate pupunta kami doon. Baka this Christmas makapunta kami.”

“naku kayo talga, basta tandaan nyo lang mga bilin namin, natural lang sa mag aasawa ang mag away pero hindi maghiwalay ng walang sapat na dahilan. Kim and xander behave ok…sige na pumasok na kayo baka malate namn kayo nyan….”

Nagpaalam na kami sa kanila dahil hindi na kami makakahabol mamaya sa airpot ni Xander dahil 4pm ang tapos ng class naming dalawa.

Xander’s POV

This is it..papasok na ulit si Kim sa school, sana talga wala ng maging aberya..

“ready ka na ba?” tanong ko kay kimmy

“im ready…lets go malate pa tayo, can’t wait to see Mel and Maja..” inalalayan ko siya sa pagpasok nya sa kotse, at pumunta ako sa driver seat. Pag pasok ko kinabit ko ang seatbelt nya at sabay kiss sa pisngi.

“Xander...ikaw ahh kakasuhan na talga kita.” Biro sa akin ni kimmy. “anong kaso namn ang isasampa mo mahal kung asawa?” tanong ko “will Pagnanakaw ng halik.” Tumawa lang ako pati rin siya at hindi nya rin napigilan ang ngumiti…

Pag pasok namin ng Campus ay marami ng studyante, nakita ko si kim na hindi mapakali, hinawakan ko ang kamay nya ay nanginginig ito at malamig ang kamay nya.

“don’t worry kim, everything will be alright just trust me ok. Lets go..” bumaba na kami at naghiwalay na kami ng daan.

Kim’s POV

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa class ko ay napapansin ko na lahat ng madaanan kung mga studyante ay tumitingin sa akin, nagbubulungan sa isa’t isa.  Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang daming pumapasok sa isip ko, anong pinaguusapan nila? Bakit sila nagbubulungan.? Kinakabahan na ako, hindi ko namalayang si Maja at hinila ako palabas ng classroom naming.

“maja bakit nakatingin sila sa akin, nalaman ba nila ang nangyari sa akin, may nangyari ba kay mina or something?” hindi magkamayaw ang tanong ko sa kanya. Palipat lipat ang mga mata ko kay Maja at sa mga studyante sa paligid namin

“Kim kailangan mong mabasa ito” pinakita nya sa akin ang papel na hawak nya.

Tumingin muna ako kay Maja bago ko tinignan ang papel na binigay nya. Nakasulat sa papel ang mga ito.

“Alexander Wu and Kimberly Sy ay palihim na nagpakasal, at palihim din silang nagsasama sa iisang bobong.” Email to Maja

“Maja anong…kanino galing itong sulat na ito?..” tanong ko kay Maja

“kim, totoo ba ang mga ito?”bigla nyang tanong sa akin,  hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong na yun ni Maja. Hindi dapat ngayun ang tamang oras maja para sabihin ang lahat, mapapahamak sila ni Xander. Pero hindi namn siguro magsusumbong si Maja

“hindi ito pweding kumalat Maja kahit si Mel ay hindi ko sinabihan dahil alam mo namn ang bibig ni Mel diba napakadelikadong secreto ito. Mahabang kwento sasabihin ko ang lahat pero ngayun kailangan kung makausap ko si Xander.”

“so it’s true?” tanong ulit ni Maja sa akin. tumango nalng ako… “alam mo ba kung sino ang may kagagawan nito Maja?”

“isa lang ang pinaghihinalaan kung may gawa, si Mina lang namn diba?” pero nagtaka ako kay Maja kung bakit si Mina agad sinabi nya, Pero possible rin dahil alam namn nila..

‘ang sabi ni xander nakausap na nya ito, pero bakit hindi pa rin siya tumitigil’ nagtatalo na ang isip ko.

Nagpaalam ako kay  Maja para puntahan si Xander sa kabilang building para kausapin ito. Natapos ang isang problema bakit ang bilis nmn ng kapalit, ngayung nagiging ok na ang lahat bakti papasok pa ang isang problema..

Bago ko marating ang  class ni Xander ay may isang kamay na ang humila sa akin at umakyat kami sa rooftop ng building nila.

“Xander…anong gagawin natin, kumalat na sa buong campus na kasal tayo” takot na takot ako. Niyakap ako ni Xander ng mahigpit.. “don’t worry, diba sabi ko sayo everything will be alright..” alam kung kinakahaban rin si Xander. “tiyak ko nakarating na ang mga ito sa papa natin.”

“sino man ang may kagagawan nito magbabayad siya sa akin..alam mo ba kung sino daw ang nag pasa ng mga email na ito sa buong campus?” tanong sa akin ni Xander

“hindi ko alam sabi ni Maja it coube be Mina? Enchong? Si maja imposible..”  sabi ko. “lahat possible Kim, isa sa kanila or isa sa mga nakapaligid sa atin ang may alam nito.”

Napaapo si Xander at hinawakan ang buhok nito. Nakita ko ang pagkalito nya sa nangyayari..

“kailangan natin pumunta sa office nila papa at sabihin bago pa nila malaman sa iba ang nangyari dito.” Sabi ni Xander..

Bumaba kami papunta sa kotse at nagtungo kami sa office ng papa namin.

“Claire nasan si papa?” tanong ni Xander sa Secretary   “naku Sir Xander nasa kalagitnaan sila ng meeting, with Mr Sy.” nagkatinginan kaming dalawa ni Kim.

“pwede ba kaming pumasok doon?” tanong ko.. “let me ask first ok.” Sabi ng secretary. Pagbalik nito ay pinapasok na nila kami sa loob.. nakita namin ang reaction ng dalawang matanda na nasa harap namin habang nakaupo kami sa sofa na nasa gilid.

“anong nangyari Xander?” unang tanong ni Mr. Wu kay Xander hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit..

“dad.. I mean sir hindi po namin sinasadya na lumabas ang secretong ito..” malumanay na sabi ni Xander..

“Hindi mo sinasadya..!!! how you can be this careless Xander,” galit na sabi ng papa ni Xander

Hindi na kami nagulat na ganito ang magiging reaction nila sa amin, may pagkakamali rin namn kasi kami.

“hindi ko kayo sinisisi kung isa sa mga kaibigan ninyo ang nagkalat ng email na ito. But may I remind you guys, hindi pweding malaman ng lahat ang secretong marriage na ito..”

“Why dad?, ano ba ang kinakatakot ninyong mangyari pag nalaman nila ang lahat, alam nyo bang nahihirapan na kami ni Kim na magtago, Oo aaminin ko dati hindi ako pumapayag sa set up na ito, pero dahil naramdaman ko na mahal ko si Kim at gusto kung ipakita yun sa lahat yung hindi kami nagtatagong dalawa at kung natatakot kayong may mangyari ulit kay Kim proprotectahan ko siya.” Sabi ni Xander pero pinipigilan ko siya..

“you don’t know Xander…” tumigil si Mr Wu sa pagsasalita at tumayo si Papa…

“kumpadre ako na ang magsasabi sa dalawa.” Tumingin sa amin si papa

“kaya namin napagpasyahan na I secreto ninyo ito ay dahil sa Reputasyon ninyo sa skwelahan..”

“Pero nagugulahan pa rin kami papa…Bakit kailangan itago? Reputasyon, pwede namn siguro naming sabihin na mag boyfriend kami diba.” Nakita kung nagtinginan ang dalawang matanda

“dahil yun ang kailangan Xander, para sa ikabubuti ninyong dalawa ni Kim, gusto ba ninyong pagkaguluhan kayong dalawa. Mabuti nalng walang nag tangkang magsabi sa media ang nangyari sa school ninyo. And I know you want to protect Kim, pero mapapahamak din kayo sa ginagawa ninyo.”

“Kumpadre we need to do something para hindi malaman ng Dean ng Skwelahan nila.”

Nakita kung bumulong ang papa ko sa papa ni Xander…

“xander ano na bang nangyayari..?” tanong ko kay Xander “hindi ko rin alam Kim ang alam ko lang may hindi tamang nangyayari dito.”

Tumayo ang papa ni Xander at lumabas lang ng kunti at pagbalik nito sinabi nyang nag padala daw siya ng investigatore para alamin kung sino ang nagpadala ng email sa buong campus at subukang I block namakapasok ito sa media para hindi makarating sa Dean. Kailangan nilang maging alerto sa gagawin nilang ito. Wala man silang naintindihan sa nangyayari pero alam nila may hindi sinasabing tama ang mga papa nila.

“I want you 2 go back to school, wag kayong magpapahalata na may nangyari.” Nag salita ulit si Xander

“dad…..we need to know what is happening..para maintindihan namin ang lahat. Yes nasa point na tayo ng bankruptcy ng companya. Wala na bang ibang paraan para I save ito . im sorry to be rude sir pero we will make this right we will tell them the truth..Pag hindi nyo sinabi sa amin ang totoo..” sabi ni Xander, na hindi ko inaasahang sasabihin nya..

“ are you threatening me Xander? …handa ka ba para sa magiging reaction mo about this..” sabi ni Mr. Wu na pati ako ay kinabahan…

Tumango lang si Xander para sa pag response nya sa tanong ng kanyang ama, nag aalinlangan lang siya ng kunti dahil humigpit pa ang hawak nya sa kamay ko..

“ok, kinailangan ko ang tulong ng papa ni Kim para dito, Alam ninyo na ang companya nila Kim ang nasa panganib pero both company is in danger not only that pero lahat tayo ay nasa panganib, May isang kaibigan na nag alok sa amin, hindi kami nag dalawang isip na hindi tanggapin ito dahil kailangan namin ng pera para sa companya”

Flashback

“Carlos we really need his help, kung hindi natin tatanggapin ang alok nya kukunin nya sa akin si Kim at yung ang ayaw kung mangyari, please Carlos..” sabi ng papa ni Kim

“Fred you need to calm down”

“Carlos hindi ka ba nagtataka sa alok ni Mr Uy, bakit kailangan nya ang anak ko, bakit ang anak ko lang?”

“hindi ko rin alam Fred, gusto mo bang tawagan ko na siya?”

“sige tawagan mo na..”

Habang kausap nila si Mr Uy sa conference room ay naging maganda namn ang kinalabasan ng pag uusap nila.

Nabayaran nila ng kunti ang utang ng bawat companya, pero hindi pa rin mapalagay ang ama ni Kim sa naging desisyon. Kaya kinailangan nyang kausapin ulit si Carlos para dito…

“Carlos I need your help..”  sabi ng ama ni kim

“ano yun, kahit ano, sabihin mo lang sa akin..”

“kailangan nating ipakasal si kim at Alex!”

“anong pinagsasabi mo Fred nahihibang ka na ba, kaka 18 lang ni kim Fred alam mo ba yan..”

“oo Carlos alam ko pero hindi ako matatahimik kung nasa panganib pa rin ang buhay ng anak ko, isang kamali lang natin Carlos mapapahamak ang mga familya natin, kaya we really need this..at pwede secreto ang lahat gusto ko very private ito…”

Naintindihan ni Carlos ang sitwasyon ni Fred dahil kung babae rin ang anak nito ganon din ang magiging reaction nya, total magkaibigan namn ang familya nila, napagpasyahan nilang ipakasal ang dalawa ng palihim na hindi nalalaman ng lahat, mga very close friend lang na magiging witness ng kasal na yun ang dadalo.

Naipaliwanag namn ng maayos ng dalawang ama sa kanilang anak ang sitwasyon, sinabi nila na kailangang mag merged ang dalawang companya, si Xander ay ayaw pang pumayag pero sa kalaunan ay wala rin namn siyang nagawa.

End of flashback

“Kaya sinabi ko sa inyo na hindi pweding malaman ng iba ang secretong ito. Gusto mo bang mapahamak si kim huh Xander, you just said na gusto mo siyang protectahan, gagawin mo ba ang tama?” tanong ng ama ni Xander sa kanya.

‘So yun pala ang nangyari’ sabi ng isip ko habang ayaw pumasok sa utak ko ang lahat ng sinabi ng papa ni Xander..

Tumayo si Xander at hinila ako palabas ng Office ni ama nito.. pumasok kami sa elevator pero hindi pa rin nagsasalita si Xander, nakita ko ang pagkabigla nya sa narinig na kwento ng ama.

Nasa loob ng kami ng kotse at nagsalita na ako..

“Xander….ok ka lang ba? Wag mo ng isip yun, walang mangyayari sa aking masama, ang mabuti pa umuwi nalng tayo ipagluluto kita.” Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko yun at nakuha ko pang humarap sa kanya na parang walang nangyayari.

Inuntog untog ni Xander ang ulo sa manibela ng sasakyan..

“Xander…..xander stop it…Ano ba Xander… you don’t have to be like this..walang mangyayari sa gingawa mo, lets just face the consequence, kung mayroon man.. sabi nga ng papa mo nagpadala na siya ng tao nya sa school para ipablock ang lahat ng access na mangyayari.”

“pero kasalanan ko ito..hindi ko dapat sinabi kay Mina…” naiiyak na sabi ni Xander

“Hindi pa natin alam kung si mina nga…alam rin ni Enchong ito..narnig daw nya kay Papa at mama na pinag uusapan tayo..” tumingin siya sa akin… “kaya tama na, wag na nating isipin ito, mas lalo lang tayong mapapahamak ehh..umuwi na tayo at magpahinga ipagluluto kita ng favourite mo…kahit ano..” ngumiti ako…

“Paano mo nagagawa yan?” tanong nya “ang alin?” sabi ko “Ang maging Positive kahit alam mong may panganib na darating..”

“Xander hindi sa lahat ng pagkakataon ligtas tayo, minsan rin oo mapanganib pero yun siguro ang kapalaran natin diba? Kaya mas mabuti kung hindi natin iisip diba…kiss nalgn kita” pinaulanan ko siya ng halik sa mukha nito at nakita kung ngumiti namn…

Next chapter love scene…toinks..hahaha

Comment your REaction po...salamat po...

Continue Reading

You'll Also Like

226K 3.6K 25
Miss Perfect. Yan si Alleja Denise Mendoza. But when she slept with an engaged man and lost her priceless possession, ma-coconsider niya pa ba ang sa...
49.4K 894 32
LOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yu...
48.2K 1.1K 27
STATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong...
436K 4.8K 86
One wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two...