Chapter 18 Big Chaos

5.8K 112 12
                                    

Chapter  18

     Kim’s POV

                         Maaga akong nagising dahil excited ako pumasok sa school ngayun, namiss ko kasi mga barkada ko si Maja at si Mel, dumalaw namn kasi sila minsan sa hospital at dahil yun sa pakiusap sa kanila ni Xander. Pag labas ko ng kwarto nakita ko si ate angel na palabas din ng kwarto nila

“goodmorning” bati nya sa akin “goodmorning ate angel, ok nap o ba ang lahat ng gamit nyo pwede akong tumulong maaga pa namn eh, tsaka si Xander tulog pa.” sabi ko habang sabay kaming bumaba ng hagdanan “hindi na tapos na rin namn ehh tsaka wala namn kaming masyadong gamit nasa mga box nay un na pinadala namin nong isang araw.” Sabi nya, “oh ganon po ba, mag prepare nalng siguro ako ng breakfast natin, ikaw ate maupo ka nalng jan ako na magluluto para sa inyo.” Ngumit lang sa akin si ate Angel.

“ikaw ang bahala.. alam ko namn kasing kayang kaya mo na, kaya pag nasa states na kami ikaw na ang magluluto ng pagkain ng asawa mo, yung hindi sunog or hindi luto.” Sabay nyang sabi at tawa kami ng tawa. Di namin napansin na nakalapit na pala si baby Angelica sa amin. Nagulat kami bumaba siya sa hagdanan mag isa.

“baby goodmorning..sino kasama mong bumaba?” tanong ng mommy nya sa bata. “si tito gwapo o, he went outside po to pick up newspaper” sabi ng bata, ako man at nagulat. Nakita kung pag bukas ng pinto at si Xander ang naroon…

“naku xander akala ko namn bumaba na ang anak ko mag isa…” sabi ng ate nya “paglabas ko kasi nakita ko rin na palabas siya kaya sinama ko na, bakit ang aga nyo atang gumising, don’t tell me excited kayo umuwi ng states.”

“hindi nman, tlagang routine ko na ang gumising ng maaga, itong asawa mo gusto ka daw ipagluto ng breakfast kaya siguro maaga..”  natawa ako sa sinabi ni ate…eh lahat namn ipagluluto ko, pero special nga lang yung kay Hubby ko noh. Ngumiti ako hidni ko namalayang nakalapit na pala si xander sa tabi ko..

“ano namn ang iningingiti ng asawa kung subrang ganda kahit na bagong gising” sabi nya sabay nakaw ng kiss sa pisngi ko. “anak lets go upstairs and wake up your dad…” sabay alis ni ate angel…

“aga mo namn gumising, why don’t we have breakfast…” tumingin ako sa kanya “wag mong ituloy yan Xander sinasabi ko sayo….babalian kita ng buto sige ka..” sabi ko sa kanya

“bakit sabi ko why don’t we have breakfast outside sa backyard..bakit anong iniisip mo…ahh.. don’t tell me your thinking that kind of breakfast pwede rin.”  Ngiti nya sa akin

“Xander ano ba…magtigil ka nga…(Aray)” natalsikan ako ng mantika sa kamay “hey are you ok saan ang masakit..” hinawakan nya ang kamay ko at hinipan ito.. hinila nya ako patungo sa sink at hinugasan ito..

“xander ok lang ako kunti lang namn yun ehh” tumingin siya sa akin ng masama “anong kunti lang tignan mo nga oh” nakita ko ang pulang pula ng kamay ko kung saan tumalsik ang mantika, aaminin ko masakit nga namn… “umupo ka na lng jan ako na ang magtutuloy ng niluluto mo.” Sabi nya “pero…ok sige ikaw na” tumingin lang siya ay para na akong kuting na umupo at pinagmasdan siya habang nagluluto suot ang apron nito at subrang gwapo nya.

MY LOVELY BRIDEWhere stories live. Discover now