Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Semana Santa

101 4 0
By Sheree_Mi_Amour


Hello sa lahaaat. Faith once again. Walang magawa kaya magkukuwento nalang ako sa inyo.

Hello kay Rona A, yung nag-comment sa 'Huling araw ng Santa Cruzan' sensya na girl kung nagkataong kapangalan mo ang childhood best friend ko. Saka sa mga Pinay na ginawang chatbox ang comment sa story kong 'Babaeng pinaanak ang sarili'. Ingat kayo diyan sa ibang bansa. Alam ko mahirap ang malayo sa pamilya, pero tinitiis natin ang lahat ng hirap para sa kanila. Kudos po sa lahat ng OFW. May God give you the desire of your heart.

Sagot sa nagtanong sa post kong 'Huling araw ng Santa Cruzan' kung ano ba ang meron sa bahay ni Jagang. Kay Miss Eloisa V.L., here's the reason kung bakit takot akong dumaan sa tapat ng bahay ni Jagang.

Nangyari ito ng April, bago ang kwento kong 'Santa Cruzan'. Holy week o semana santa. Sa probinsya namin ay maraming mga de botong katoliko at talaga namang lahat ay walang pinapalampas na okasyon.

Sa hometown namin ay linggo pa lang bago mag-Lunes Santo ay may mga kumakanta na ng pasyon at talagang ginagayakan ang simbahan. Pagsapit ng Lunes ay may mga nagtatayo ng tindahan sa magkabilang daan ng simbahan, unahan sila sa magandang pwesto. Nagtitinda ang mga kadalagahan dahil ang mga kabinataan noon ay gumagala sa gabi at naghahanap ng magagandang dilag at yun ay tatambay sa simbahan at iinom. Makikipagbolahan, ganon.

Tapos paggabi hanggang sa matapos ang holy week na may kumakanta ng pasyon. May mga kabataang nakatoka para maging Usherette sa bawat gabi. Sila ang mga nag-a-assist sa mga bisita, sa pagpapakain. Kasi dun sa side ng simbahan ay may mahabang mesa at may mga nakalapag na mga pagkain dun. PUNI ang tawag sa kapampangan. Natatandaan kong mga niluluto noon ay sopas, pancit at arrozcaldo. Tapos may mga prutas sa gitna ng mesa.

Ang dalawa kong Ate noon na sumunod sa akin ay nagpatayo din ng tindahan sa Kuya namin. Si Ate Pattie, ikalawang bunso at Ate Annie, matanda sa kanya. Nakuha nila ang pwestong malapit sa simbahan kaya laging matao sa kanila. Pag umaga noon ay ako ang nagbabantay kasi kailangan nilang matulog pagkatapos mamalengke ng mga ititinda naman kinagabihan. Enjoy naman ako habang nagkukukot ng butong pakwan pag walang bumubili. Yung Paning's butong pakwan. Sinisipsip ko pa ang balat. Hanggang sabado ay ganun ang routine namin. Pero karamihan sabado nagtatanggal na ng tindahan.

Martes Santo ay simula na ng mga nakasanayang pagpapasan ng krus at paghataw ng kawayan sa likod ng mga nagsisisi daw sa kasalanan nila. Yung mga nagpepenetensya. Pero pag nakilala mo daw kung sino ang nagpepenetensya at binanggit ang pangalan ay manghihina daw. Mga kasabihan ng matatanda. Tapos mga dumaraan na may mga nagbibigay ng inumin sa nagpapasan.

Kami naman ng mga kaibigan kong sina Rona, Daisy, Alfred at Jerome ay nanonood din. Haha the bioman kung tawagin namin ang aming barkada. Wala kaming pinapalampas hanggang sa pagpunta nila sa ilog para maligo ay sumasama kami. Tapos ang ilog non ay kulay pula ang umaagos na tubig. Kasi nga puro sugat yung mga nagpasan ng krus sa kakakaladkad ng tao at yung mga naghahampas sa likod ng kawayan. Meron pa dun na kung may galit ang tagahataw talaga namang yun na ang pagkakataon para gumanti sa nagpapasan, which is not right.

Friday ay ginaganap ang senakulo. Yung costume talaga nila ay katulad ng napapanood natin sa TV. Ang pari ay umarkila pa ng taong gaganap bilang Hesus na talaga namang kamukha ng napapanood sa TV. Pagsapit ng 3pm, hayun na. Ang part na ipapako sa krus ang gumaganap na Hesus at pinagsugalan pa ang damit nya.

Marami ang nanonood sa ganon kahit na mainit. Nagtitiis. Takbuhan kami pag sa part na may aksyon kasi may mga armas nga sila na katulad ng sa TV.

Biyesnes ng gabi, nakatambay pa ako sa tindahan ng Ate ko. May bumibili ng halo-halo non tapos ako ang gumagawa. Nang may dumating na mga binata, manliligaw ng Ate Pattie ko. Umupo sila at uminom ng beer. Tapos naririnig ko ang lalaki na bumubulong sa Ate ko. Ako naman dumidikit sa ate ko haha. Naiinis sakin yung lalaki, ang sama ng tingin nya. Ang lalaking tinutukoy ko na manliligaw nya ay crush ko. Ang Ate namin at Kuya nya ay mag-asawa.  Palaging sinasabihan ng Ate namin si Ate Pattie na huwag siyang paliligaw don. Tama na daw siya sa pamilya nila. Tapos ang Tatay ko naman sinabihan ako na bantayan ko ang mga Ate ko at baka makipagligawan lang sa tindahan. Yung dalawang Ate ko pilit akong pinapauwi lalo pa't nainis kasi nakaupo ang Ate ko sa papag, ang lalaki naman ay sa upuan sa gilid ng papag. Ako nahiga sa papag, nag-unan ako sa Ate ko. Ang Ate ko naiinis na rin kasi ang kulit ko. Sabi ko sa lalaki kwentuhan ako kasi siyempre ganun naman pag crush gusto natin laging kausap haha. Pilit nalang ang ngiti sakin ni Kuya hanggang si Ate ko kinukurot na ako ng patago at tinitignan ako ng masama. Tapos sabi nya uwi na daw ako kasi baka hinahanap na ako ng mga magulang namin. Nag-second demotion pa ang isa kong Ate, oo uwi kana para lumaki ka sabi. Inis na inis ako kaya hinanap ko nalang sa simbahan ang tropa ko. Si Rona nalang ang nakita ko kasi ang Nanay nya ang kumakanta ng pasyon. Naglibot-libot kami hanggang sa tinawag na si Rona ng Nanay nya uwi na daw. E ako ayoko pang umuwi kaya nanonood nalang ako sa mga tao tapos nakapa ko ang butong pakwan ko sa bulsa ko. Sinipsip ko ang balat at noon ako inaya ng mga bata na maghabulan. Kakalaro di ko na napansin ang oras. Nakita ko nalang na kaunti na lang ang mga tao sa simbahan halos sa tindahan nalang ang mga tao. Nagpunta uli ako sa tindahan nina Ate. At nabigla silang dalawa ng makita ako kasi kala daw nila umuwi na ako bakit nandon pa ako.

"Eh Teng, gabi na dito na ako matutulog" sabi ko.
"Ayy di tayo kasya dito uwi kana don, kulit mo talaga." Sabi ni Ate Annie. Ikatlong bunso, ako ang bunso.
"Uwi kana nga tapos pati kami mapapagalitan dahil sayo", sabi ni Ate Pattie ko.

Naiinis ako ayoko talagang umuwi. Hindi dahil gusto kong maglakwatsa ang totoo takot akong umuwi mag-isa. Naiiyak ako habang pauwi. Dalawang kanto ang lalampasan ko tapos tig-anim na bahay bawat kanto. Ang dilim. Naririnig ko pa rin ang pagkanta ng pasyon habang papalayo ako sa simbahan. Nakadaan na ako sa isang kanto. Natatakot talaga ako. Eto naaaa.  Kinikilabutan ako pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Nanginginig talaga ako sa takot, sobra. Tatlong bahay nalang malapit na ako sa amin. Kabadong-kabado talaga ako. Kahit natatakot ay patuloy ako sa paglakad. Nasa tapat na ako ng bahay nina Jagang (ang babaeng pinatay at tinapon sa ilog ng BF nya. Isa sa mga kwento ko). Sa harapan nila ay mapuno. May santol na malabong ang dahon at may katabing puno ng buko. May kaimito, kamias, etc. Nasa tapat na ako ng punong santol ng makaramdam ako ng kakaiba. May umihip na hangin at may naramdaman akong gumalaw sa puno na nasa taas ng ulo ko mismo. DIYOS KO PO! Parang lumalaki ang ulo ko sa pakiramdam ko. Ayokong tingnan kasi baka ano ang makita ko pero parang lalong lumakas ang hangin at ako'y napatigil sa aking paghakbang. Yung dibdib ko kumakabog na ng malakas na tila anumang oras ay lalabas ang puso ko. Naririnig ko na ang DUGUDUG ng puso ko. Hindi ko alam bakit pa ako tumingin, gusto ko ring dagukan ang sarili ko nun e huhu. Pag-angat ng ulo ko para tingnan kung ano yun, MYGAD! May mga paang nakabitin sa puno ng santol na tila ba ang ulo ay nasa taas. Paa ang mga nakalawit! Gumalaw-galaw pa. Hindi ko alam kung dahil sa hangin. Hindi ako makakilos at parang hihimatayin na ako sa sobrang takot ko. Nanginginig ang aking baba at umiiyak ako. Gusto kong sumigaw walang lumalabas na boses. Binalak kong humakbang JUSKO di ko maigalaw ang mga paa ko. Tila ba napako ako sa aking kinatatayuan. Nang pagtingin ko uli tila ba ang baba na ng pwesto ng mga paa JUSKO PO! Sabi ko sa sarili ko sana panaginip lang ito. Napaupo na ako sa takot habang patuloy pa rin sa pag-iyak ng tahimik. Yumuko ako, di ko na alam ang gagawin ko talaga. Tinignan ko uli ang lapit na huhu na tila ba gusto akong dakmain ng mga paang ito. Kung anu-ano na ang naisip ko baka pilipitin ang leeg ko ng mga paa o baka isama ako paitaas. Tumutulo nalang ang luha ko at walang boses na lumalabas ng binalak kong sumigaw.

Walang anu-ano'y narinig ko ang aso kong tumahol, si Gretel (pag may aso kami laging ganyan ang pangalan, hango sa story na Hansel and Gretel). Palabas si Tatay ko. Nung nasa malapit na sila sa akin ay narinig ang pag-iyak ko ni Tatay at nilapitan ako. Agad-agad akong yumakap kay Tatay at tinanong nya kung napaano ako. Pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hanggang sa kinarga nya na ako, lalong lumakas ang atungal ko. Sabi nya uuwi na kami. Tumingala ako. Wala na ang mga paang nakabitin. Dun ako na-relieved. Kinabahan naman ang Tatay ko kung napaano ba ako, akala yata namolestiya ako. "May umano ba sayo Dungdong" sabi nya. Endearment sakin yun ng parents ko, it means 'love-love'. Umiling lang ako. Saka ako yumakap ng mahigpit sa leeg ni Tatay.

Tapos nahiga na kami habang pinipikpik ako. Nakatulog ako na umiiyak non. Kinabukasan ko na sinabi kina Tatay ang dahilan kung bakit ako umiiyak ng makita nya ako.

Kaya huwag na daw akong maggagala kasi baka kunin ako ng mga paang nakabitin.

Dun sa bahay talaga ni Jagang ay maraming nagpaparamdam. Saka kahit saang part don, kasi ang daming mga puno at itsura palang ng place ay creepy na talaga.

Hayy naku kahit kailan talaga walang buting maidudulot pag pasaway ang bata. Di bale sana kung kasama ko ang barkada ko non. Pag mag-isa ka lang nakakatakot. Yung mga batang nagbabasa dito ah, huwag pasaway.

Faith ♥️
Pampanga

Continue Reading

You'll Also Like

114K 3.4K 25
(COMPLETED) Alamin, tuklasin at buksan ang mga pahina ng DEATH NOTE. Mag-ingat lang baka ang pangalan mo ay nakasulat na pala. Matatakasan mo ba si...
64.7K 2.5K 32
#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang...
Turo Game By Nhico Divelton

Mystery / Thriller

32.6K 1K 25
Matapos ang bangungot na naranasan nina Marissa at Kevin sa bayan ng Kalu ay namuhay sila nang payapa at bumuo ng isang masayang pamilya. Lahat ng mg...
44.2K 1K 31
Limang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.