PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

803K 22.5K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 24

16.4K 454 24
By Zaenixx

narsssss tanginaka, ka ito na.






CHAPTER 24






"MA'AM, ubos na po yung stock natin ng mga karne." Wika ng isang kasambahay habang nasa kusina ako at nag-iisip ng pwedeng ihanda mamaya sa hapunan.






Sinama ni Klaus si Kris sa munisipyo dahil baka nabuburyo na dito si Kris, ilang araw na rin siyang hindi nakakalabas ng bahay dahil nga ayaw pa rin akong palabasin ni Klaus kahit sinabi ni kuya Luther na pwede na.






"Ganoon ba? Sige ako na lang ang pupunta ng grocery store para bumili." Tugon ko.






"Nako, ma'am, hindi po pwede. Pagagalitan ho kami ni mayor kapag pinalabas ka namin." Sagot niya.






Ngumiti ako at umiling, "Akong bahala sa inyo, tatawagan ko na lang si Klaus para magpaalam. Tsaka isa pa, ligtas na naman akong lumabas kaya siguradong hindi 'yon magagalit ng sobra." Paliwanag ko.






Nagmatigas sila, "Nako, ma'am, pasensya na po. Hindi po talaga namin kayo mapapayagan, kami po ang malalagot kay mayor." Aniya.






Bumuntong hininga ako, "Sige tatawagan ko na lang siya para makasiguro." Wika ko.






"Sige po, ma'am." Aniya.






Naglakad ako papuntang sala kung nasaan nakalagay ang telepono at Directory book kung saan nakalagay ang mga numero na pwede kong tawagan. Mula sa munisipyo hanggang sa mga bahay-bahay ng bawat kaibigan ni Klaus ay nakalagay doon.






Dinial ko ang numero ng opisina ni Klaus sa munisipyo at wala pang ilang ring ay sumagot na ito, "Good morning, this is Mayor's office... How may I help you?" Boses ng isang babae ang sumagor na paniguradong sekretarya niya.






"Uhm, nandyan ba si Mayor?" Tanong ko.






"May I know your name, ma'am?" Tanong niya.






"Amber." Pakilala ko.






Ramdam kong natigilan siya, "Ma'am Amber, pasensya na po. Sandali po at ico-connect ko kay mayor." Ilang segundong nawala ang linya at pagbalik ay boses na ni Klaus ang naririnig ko.






"Good morning, is there something happened?" Bungad niya.






"Wala naman, gusto ko lang magpaalam." Direktang wika ko.






"What is it?"






"Pwede bang ako na lang ang pumunta ng Grocery para bumili ng mga groce——" Hindi pa man din ako nakakatapos sa pagsasalita ay mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko.






"Amber, no." Aniya.






"Amber, yes." Panggagaya ko sa kanya.






"Saglit lang naman 'yon at may mga kasama naman akong body guards. Tsaka 'di ba? Sabi naman ni kuya Luther ay ligtas na akong lumabas, ikaw lang naman ang over protective 'dyan." Dugtong ko pa.






"Still, it's a no. You know how dangerous for you to go outside with m——"






"Hindi naman ako mag-isa, may kasama ako 'di ba? Yung mga body guards. Gusto ko lang naman kasing lumabas muna kahit sandali," pagmamakaawa ko.






Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Okay, fine." Tugon niya kaya nabuhayan ako ng loob.






"Talaga?" Maligalil ang boses ko at tila tuwang-tuwa sa desisyon niya.






"But wait for us there, sasama kami ni Kris sa'yo." Kondisyon niya.






Napasimangot ako, "'Di ba may trabaho ka pa 'dyan? Ba't aalis ka?" Tanong ko.






"I already finished my works here, I assigned everything and the city is at peace now so there's nothing for me to be worried of." Paliwanag niya.






"Sa lahat ng mayor, ikaw lang pinaka-chill na nakilala ko." Pagbibiro ko.






"'Wag mo 'kong bolahin, hintayin mo kami 'dyan at sasama kami sa'yo." Aniya. Natawa ako at napailing sa kasungitan niya.






"Sa mall na tayo magkita, hihintayin ko kayo ni Kris sa parking lot." Suwestyon ko.






"Fine, papupuntahin ko na sila Primo 'dyan para masamahan ka sa pagpunta." Aniya.






Pumayag na lamang ako upang wala nang pagtaluhan pa dahil alam ko namang hindi rin magpapatalo ang isang 'yon.






Naghanda na ako sa pag-alis, naligo lamang ako ng saglit at pagkatapos ay naghanap ng masusuot. Napili ko ang isang yellow dress na hanggang tuhod ko, pakiramdam ko kase ay bagay sa akin ang damit na 'yon dahil na rin sa paalon-alon kong buhok na may kahabaan.






Nag-sandals lamang ako at pagkatapos ay hindi na nag-abalang maglagay pa ng kung anong kolorete sa aking mukha, kuntento na ako sa kung anong mayroon ako.






Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto namin, "Ma'am Amber, nandyan na po si sir Primo sa ibaba." Wika ng isang kasambahay.






"Pakisabi pababa na." Tugon ko.






Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa habang palabas ng kwarto. Ito ang unang beses na makakalabas muli ako, daig ko pa ang nakakulong sa malaking bahay na 'to dahil hindi ako pwedeng lumabas.






Siguro kung wala nga si Kris at ang mga kasambahay ay talagang hindi ako makakatagal sa sobrang inip.






Nang makababa ako ng hagdan ay unang bumungad sa akin si Primo na nakaupo sa sofa ng sala, nang lumandas ang kanyang mata sa akin ay natulala siya kaya napatawa ako.






"Ma'am Amber, ang ganda niyo po." Wika niya.






"Salamat," nakangiting tugon ko.






"Tara na?" Tanong ko, nabalik siya sa wisyo at napailing sa sarili bago ako igaya papasok ng sasakyan, nasa likod ako habang siya ay nakaupo sa driver's seat.






May nakasunod sa amin na isa pang sasakyan at mayroon rin sa unahan na puro mga body guards ang nakasakay.






Halos lahat ay heavily tinted at bullet proof ang bawat salamin.






"Primo, ilan taon na nga yung panganay mo?" Tanong ko.






"Magti-three na po sa susunod na buwan, ma'am." Nakangiting sagot niya.






"Gano'n ba? Sige, dalhin mo siya sa bahay sa susunod na linggo." Utos ko.






"Sige po, ma'am." Tugon niya.






May nakita kasi akong booking ng tickets online, gusto kong maenjoy ng anak niya ang birthday niya kaya nagpabook ako ng ticket para sa kanilang pamilya.






Balak ko nga rin sanang bilhan ang pamilya ni Bilmus pero mas maganda na kung sa espesyal na kaarawan sila pupunta.






Nang makarating kami ng parking lot ng mall ay hindi na muna kami bumaba dahil wala pa naman text si Klaus na nandito na sila. Ay huling mensahe lang niya ay malapit na sila ngunit kanina pa 'yon.






Inayos ko muna ang damit ko at nang mapalingap ako sa labas ng sasakyan ay nakita ko ang bulto ng isang pamilyar na lalaki. Naglalakad ito at may bitbit na mga plastic bags. Mukhang bagong grocery.






Nang pakatitigan kong maigi ay nanlaki ang mata ko, dali-dali akong bumaba ng sasakyan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Primo ngunit hindi ko na ito pinansin at dali-daling nagtungo sa kinatatayuan ni Benedict sa 'di kalayuan.






"Benedict!" Sigaw ko.






Nasa parking lot kami kaya nag-echo ang boses ko, naging dahilan 'yon ng mabilis niyang paglingon.






"Rosi?" Pinakatitigan niya pa ako ng maigi at nang mapagtantong ako ng ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.






Napatakip siya ng bibig, "Putang——Ikaw na ba talaga 'yan?" Paninigurado niya.






Natawa ako at sinuntok ang dibdib niya, "Gago, ako nga 'to." Wika ko.






Natawa siya at pinakatitigan ako, "Rosi'ng pader, ibang klase ka na!" Aniya.






Tumawa ako at napailing sa reaksyon siya, "Kumusta ka na?" Tanong ko.






Bigla siyang sumimangot, "Bakit bigla kang nawala? ang sabi ni aling Jessie kinuha ka na raw ng asawa mo? Totoo ba 'yon? May asawa ka na?" Tanong niya.






Tumango ako, "Nito ko lang rin nalaman kaya ayon, nabigla rin ako." Sagot ko.






"Ikaw ah, balita ko kila kuya Arnel snabbers ka na raw sa buong baranggay? Baka may girlfriend ka na ah, pakilala mo 'ko." Biro ko.






Mas lalo siyang napasimangot, "Alam mo bang ilang beses akong napaayaw kakatanggol sa'yo? Kalat sa buong baranggay natin na sumama ka raw sa mayaman kaya bigla kang nawala." Aniya.






Nanlaki ang mata ko, "Aba, ang mga chismosa talaga na 'yon." Wika ko.






"Sabi pa ni aling Marites nabuntis ka raw ng Amerikano at nagtago, tsaka alam mo bang nagpang-abot si Emma at Puresa?" Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya.






"Si Emma at Puresa?" Gulat na tanong ko.







"Oo, at ayun... Plakda si Emma sa putikan. Pinagkakalat kase niya na sumama ka raw sa foreigner kaya bigla kang nawala, kaya nung nalaman ni Puresa na si Emma yung nagpakalat no'n, sinugod niya at hindi tinigilan hanggang hindi magmakaawa." Pagkukwento niya.






"Anong sabi ni kagawad Roberto?" Pag-uusisa ko.






"Hindi makaganti dahil may bali-balita sa baranggay na protektado raw nila kapitan sila Puresa at pamilya mo. Kung sino raw ang kumanti sa kanila ay lagot kaya ayun, hari pa rin ng baranggay ang papa mo." Paliwanag niya.






Napailing na lamang ako sa sinabi niya, "Ang mga 'yon talaga," iling-iling na wika ko.






"Mag-iingat ka parati, Rosi. Kapag may nangyaring masama, tawagan mo lang ako. Ito ang numero ko, nagdial siya sa kanyang cellphone at pinakita sa akin. Inilabas ko ang aking cellphone at agad na sinave sa phonebook at numero niya, ibinigay ko rin ang numero ko.






"Sige. Oo nga pala, Benedict... Ikaw lang ang maaasahan ko sa ngayon kaya pwede bang pakibantayan sila Puresa at sila mama? Kapag may nangyari tawagan mo ako agad o kahit i-text mo lang ako." Pakiusap ko, tumango-tango siya.






"Akong bahala sa kanila." Tugon niya.






Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit, pagkalayo ko ay natawa siya. "Hindi ka naman pala flat." Aniya.






Sinamaan ko siya ng tingin ngunit natawa lang siya nag-peace sign.






Nang makapagpaalam na siyang aalis na ay bumalik na ako ng sasakyan, pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Klaus na hindi maipinta ang mukha.






Katabi niya si Kris na busy na kakalaro ng PSP.






"Nandyan na pala kayo?" Wika ko.






"Kanina pa." Malamig na tugon ni Klaus.








A/N: I've been busy this past few days for something related about Series #6 hehe. I'm doing this for about two days now and I'm really having a hard time.

Remember the sketch reference that I posted before? I decided to put it in digital and this is what happened hehe, not finish yet but I'll post the finish product at series #6.

Continue Reading

You'll Also Like

145K 3K 21
| LIGHT FAST PACE ROMANCE FICTION | Si Damon Callum Villa Monte, 30 years old at Mayor ng Cabuyao sa lungsod ng Laguna. Nasa ikalawang termino na siy...
369K 16.8K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...
246K 9.5K 38
WORD SANTILLAN is a self-proclaimed playboy who has allergies to serious relationships. Behind this playful chef's charming smile is a man who couldn...
150K 4K 37
Sharina Nikolina Villiones, the wild brat who is always want to get what she wants. She believes that love - no matter what the age or gender, is gre...