Defy The Game (COMPLETED)

By beeyotch

12.2M 536K 445K

(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue (Part 1 of 5)
Epilogue (Part 2 of 5)
Epilogue (Part 3 of 5)
Epilogue (Part 4 of 5)
Epilogue (Part 5 of 5)

Chapter 14

184K 8.7K 10.7K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG14 Chapter 14

"Niko."

"Hmm?"

"Galit ba sa 'kin si Vito?"

"I don't think so. Why'd you ask?"

Nasa libro lang iyong libro ni Niko. May klase kami sa Crim II mamaya. Maaga akong dumating kaya naman tumabi muna ako sa kanila. Medyo naninibago ako kay Niko dahil nag-aaral siya. Na-trauma siguro dahil muntik na siyang bumagsak sa Crim I. Na-realize niya na na may mga prof na hindi niya madadaan sa pagngiti niya.

"Pagdating ko kasi lumabas siya," sagot ko.

Akala ko babalik din siya tapos may kukunin, pero ilang minuto na ang naka-lipas, 'di ko pa rin siya nakikita.

"He's not mad, trust me."

"Seryoso ba? Kasi parang ayoko ng sumabay sa kanya pauwi..."

Isang linggo na na sobrang tahimik kapag nasa loob kami ng sasakyan niya. Nung una, sinusubukan ko pa na mag-open ng topic para may pag-uusapan kami kaya lang ay sobrang igsi naman ng sagot niya hanggang sa ayoko na ring magsalita...

"He's not mad," sabi niya. "But if you don't wanna ride with him, I'll drive you home, okay?"

"Hindi na. Kay Mauro na lang ako sasabay," sabi ko kaya lang ay natigilan ako nang matawa siya. "Bakit ka natawa?" tanong ko.

Umiling siya habang naka-tingin pa rin sa libro niya. "Nothing."

"Ano nga kasi?"

"You know the answer, you're just refusing to acknowledge it."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Ha?"

"I'd help you, but also, I don't want to," magulong sabi niya. "Besides, it's fun to—" sabi niya at saka napa-tingin sa pintuan nang bumukas iyon. "Damn it, Assia, I wasn't able to finish reading!" pagpapatuloy niya habang mabilis na iniscan iyong pahina na binabasa niya.

Nakita ko na kasunod ni Vitong pumasok si Atty. Tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. Grabe. Ano ba'ng problema niya? Parang okay naman kami tapos bigla na lang siyang sobrang tahimik...

Bumalik na ako sa pwesto ko.

Nag-aayos pa si Atty ng gamit niya. Wala pa si Mauro. Naka-tingin ako sa pinto habang hinihintay siya. Grabe. Ang hirap talagang maging working student... Baka may pinagawa pa sa kanya o kaya naipit siya sa traffic. 'Wag sana siyang matawag ngayon...

"What was the last topic?" tanong ni Atty sa beadle namin. Sinabi ng beadle na nasa Crimes Against Public Interest na kami. Habang inaayos ni Atty iyong sa class card, sa wakas ay dumating na si Mauro. Lahat kami ay napa-tingin sa kanya. Alanganin lang siyang ngumiti at nag-good evening kay Atty bago dumiretso sa pwesto.

"Muntik na ko," bulong niya sa 'kin.

"Crimes Against Public Interest na tayo," sagot ko sa kanya.

Nagsimula na iyong klase. Sobrang nakaka-kaba. Iba iyong approach ni Atty kumpara sa klase namin nung Crim I. Dati, maraming cases... Dito naman, sa sobrang dami ng concept, halos wala ng cases. Ang problema lang ay dapat kabisado namin lahat ng elements sa bawat crime. Paano kaya nito sa finals? Halos 300 ata na crimes ang kailangang kabisaduhin. Isama pa iyong Obli. Baka mabaliw ako nito.

Sobrang nagpapasalamat ako na hindi ako natawag ngayon dahil aminado ako na nalilito ako sa topic. Ayoko kasi talaga na magkaroon ng pangit na recitation. Kailangan kong maka-graduate on time. Kailangan kong maka-pasa ng unang take. Marami pa akong kailangang gawin sa Isabela.

"Di ka lilipat?" tanong ni Mauro. Maaga kasing nagdismiss si Atty dahil may meeting yata siya. Naglipatan iyong mga ibang kaklase namin.

"Hindi na," sagot ko habang kinukuha iyong reviewer na ginawa ko kaninang lunch. Mabuti na lang at hindi ako pinapagalitan ni Atty. Villamontes kapag sumisingit ako ng pag-aaral sa office. Sabi niya lang basta gagawin ko nang maayos iyong trabaho ko, papabayaan niya akong magreview. Kaya nga kahit minsan inaabot na ako ng madaling araw para tapusin iyong pleadings ginagawa ko pa rin. Ayoko kasi na malipat ako sa iba.

"Andun mga kaibigan mo, oh," sabi niya.

"Ayaw mo ba kong katabi?"

Natawa siya. "Arte," sagot niya. "Sama lang kasi ng tingin sa 'kin nung si Vito."

"Sa 'kin masama tingin nun."

"LQ kayo?"

"Ha?"

"Lover's quarrel, ganon."

"Alam mo, mag-aral ka na lang," sabi ko sa kanya. "Ang pangit ng recit mo nung huli."

Natawa si Mauro. "Grabe naman."

"Puro ka kasi date."

"At least may love life."

"Nandito ako para mag-aral."

"Pwede naman sabay," sagot niya.

'Di ko na siya pinansin. Medyo naging close na rin kasi kami ni Mauro dahil tinutulungan niya ako kapag nagfa-file ako. Tapos may isang beses na nagulat ako dahil pinakilala niya ako sa tatay niya na nililigawan niya raw ako. Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. At saka lang siya nagpaliwanag pagkatapos na sa NBI daw kasi nagta-trabaho iyong tatay niya at matagal na siyang pinaghihinalaan. 'Di pa raw niya sinasabi. 'Di ko na tinanong kung bakit kasi choice niya naman 'yun. Pero sayang kasi ang cute nilang tignan dalawa ni Achi, 'yung boyfriend niya na lawyer na. 'Dun nga ako nagtatanong minsan kapag may nalilito akong concept, e.

Habang naghihintay kami, nagpa-turo ako kay Mauro tungkol sa Obli. Tinuro na kasi sa kanya 'to ni Achi. Mabuti na lang magaling magpaliwanag si Mauro kaya naiintindihan ko. Pinahiram niya rin sa akin iyong notes ni Achilles na binigay sa kanya.

Nang dumating si Atty, nagsimula na naman iyong recitation. Nakaka-pagod talaga ang araw na 'to. Wala pa kaming kalahati ng sem, pero grabe na iyong pagod ko.

Natawag kaming lahat sa recitation. Required kasi ni Atty na isang sentence lang ang sagot mo sa mga tanong niya na situation. Basta sasabihin mo lang kung yes or no tapos may legal basis. Mabilis lang kaya natatawag kaming lahat araw-araw. Hindi talaga pwedeng umabsent dahil sayang iyong grades.

"Magkikita ba kayo ni Achi?"

"Hindi. Uwi na ko."

"Ah... Pwede pasabay?"

"Di ka ba sasabay kay Vito?"

"Di muna siguro."

"LQ nga kayo?"

'Di ko na pinansin iyong sinasabi niya. Napa-tingin ako doon sa tatlo tapos ngumiti ako at kumaway. Ayoko munang sumabay kay Vito. 'Di ko alam kung ano ang problema niya sa 'kin... Bigla niya na lang akong 'di kinakausap.

"Hey, where are you going?" tanong sa akin ni Niko. Bigla niya akong inakbayan bago pa man ako maka-labas ng classroom.

"Uuwi na," sabi ko.

"There's your ride," sabi niya sabay turo kay Vito. Tumingin ako kay Vito. Naka-tingin din siya sa akin. Biglang tumawa si Niko. "You can go now," sabi ni Niko kay Mauro. Tumingin sa akin si Mauro. "We'll get her home," sabi ni Niko.

Nagkibit-balikat si Mauro bago ako iniwan. Tumingin ako kay Niko. "Ang sama naman nito. Bakit mo pinaalis iyong tao?"

Nagkibit-balikat din si Niko. "My work here is done. Let's go," sabi niya sabay hatak kay Sancho at saka iniwan kaming dalawa ni Vito.

Sabay kaming naglakad papunta sa elevator. Hindi na lang din ako nagsalita. Kinakausap ko naman siya dati tapos hindi niya ako pinapansin... Natatakot lang kasi ako na kausapin siya tapos hindi niya na naman ako papansinin...

Pagpasok namin sa elevator, nakita ko sa reflection ng pintuan na naka-tingin siya sa akin. Naka-tingin din ako sa kanya. Para yata kaming tanga dalawa.

"May nagawa ba akong ayaw mo?" tanong ko nang hindi ako maka-tiis. "Kasi kung meron..." sabi ko at saka nagbuntung-hininga. "Sorry na..."

Nakita ko na lumambot iyong ekspresyon sa mukha ni Vito.

"You did nothing wrong," sabi niya.

"E bakit 'di mo ako kinakausap?"

"I was just thinking."

"Isang linggo kang nag-isip?"

Napa-ngiti siya nang bahagya. "I've been thinking for a whole lot longer."

Napa-buntung-hininga ako. "Pwede ka naman sigurong mag-isip habang kinakausap pa rin ako..." sabi ko sa kanya. Bumukas na iyong pinto nang elevator. Sabay kaming lumabas. Sabay kaming naglakad. Nakaka-miss.

"Ang daming nangyari na gusto kong ikwento sa 'yo kaya lang 'di mo ako kinakausap," sabi ko sa kanya. Sinimulan ko sa mga nangyari sa akin sa trabaho pati iyong si Rose sa boarding house na laging masama ang tingin sa akin. Gusto ko sanang ikwento si Mauro at Achilles kaya lang ay hindi ko pwedeng ikwento kay Vito.

"A lot happened to you this week."

Tumango ako. "Sobra. Nakaka-pagod."

"You want ice cream?"

Umiling ako. "Ayoko ng ice cream. Gusto lang kitang kausap. 'Wag mo na kong 'di papansinin bigla."

Nakita ko iyong pag-awang ng labi ni Vito.

Medyo nanlaki ang mga mata ko dahil baka iba ang maisip niya sa sinabi ko. Baka isipin niya na nilalagyan ko ng malisya iyong kabutihan na ginagawa niya sa akin. Alam ko naman na mabait lang talaga siyang tao. Kaya medyo naiinis ako kapag sinasabihan kaming dalawa ng LQ. Baka kasi marinig ni Vito tapos mailang siya sa akin. Siya pa naman iyong pinaka-close ko rito sa Maynila.

"Kasi ikaw na 'yung parang best friend ko rito," mabilis kong sabi.

"Oh," sabi niya habang bahagya pa ring naka-awang ang labi.

"Kaya kung may nagawa ako... o kung may magagawa ako... paki-sabi agad," sabi ko habang may maliit na ngiti sa labi. "Magsosorry agad ako saka magpapaliwanag—"

"Okay," sabi niya kaya natigilan ako sa pagsasalita. "We're fine."

"Talaga?"

Ginulo niya iyong buhok ko at saka bahagyang ngumiti. "I'm sure," sabi niya. "Anyway... thoughts on ice cream?"

* * *

Sa awa ng panahon, bumalik na si Vito sa dati. Nag-uusap na kami kapag hinahatid niya ako sa boarding house. Sandali nga lang dahil malapit lang naman iyong school sa boarding house. Minsan naman nakakapag-usap din kami sa room kaso ay hindi madalas dahil mas madalas na kapag dumadating ako, pasimula na iyong klase.

"Please!"

"May gagawin nga kasi ako bukas."

"What? I'll do it for you."

"Maglalaba ako. Marunong ka bang maglaba?"

"No, but I have money."

Sinamaan ko ng tingin si Niko. "Oo na. Bukas."

"Thanks!" malaki ang ngiti na sabi ni Niko. "I'll pick you up tomorrow? Say 10?"

"Oo na..."

Kanina pa ako kinukulit ni Niko na turuan siya sa Oblicon. Nasigawan kasi siya kahapon. Tapos bagsak iyong quiz niya. Normally wala naman siyang pakielam kaso nung nakita niya iyong grades nung dalawa, parang binagsakan ng langit at lupa iyong mukha ni Niko.

"How about 9? Breakfast, my treat? Then let's drop your clothes in the laundry shop or something," sabi ni Niko tapos ay nakita ko na naman na tumatawag iyong tatay niya sa kanya. "Bye! See you tomorrow!" sabi niya bago mabilis na umalis. Automatic iyon kapag tinawagan siya ng tatay niya, bigla siyang aalis.

"What was that?" tanong ni Vito nang maka-habol sa amin. Kinausap kasi siya ni Shanelle, may tinatanong ata. Malapit na kasi iyong parang foundation week sa school at si Niko, bored ata nung araw na iyon at vinolunteer si Vito para sumali sa parang pageant. Kitang-kita ko na namula iyong mukha ni Vito sa galit kay Niko kaya lang ay wala na siyang nagawa dahil naipasa na sa admin ng school iyong listahan.

Dapat nga maging proud siya—bawat section kasi ay may representative tapos mula doon ay pipili ng representative ng year level. Si Vito iyong nanalo tapos si Shanelle iyong sa babae.

"Nagpapa-turo lang si Niko bukas."

"Oh... Can I join?"

"Di ba kayo magkikita ni Shanelle?" tanong ko. "Malapit na iyong... pageant."

Nakita ko iyong inis sa mukha ni Vito. "Right. I'll fucking wring Niko's neck, I swear to fucking god," sabi niya. Bihira ko nang marinig magmura si Vito kaya lang tuwing napapasok iyong pageant sa usapan, parang handang-handa na siyang ibaon sa lupa si Niko.

Natawa ako. "Kailan nga ulit 'yun? Manonood ako. Aabsent ako sa trabaho para manood," tukso ko sa kanya.

"Are you making fun of me?"

"Hindi, ah... May talent portion ba 'dun?"

"Can we please not talk about that?" Bahagya akong natawa dahil halata na napipikon na si Vito sa pinag-uusapan namin. "What time will you study tomorrow? Can I join?"

"Sabi ni Niko 9 daw..."

"Okay. I'll be there by 8? Breakfast together?"

"Okay... Dun ka na lang sa kanto. Dun kita pupuntahan."

"What? Why?"

"Si Rose kasi..." sabi ko sa kanya. "Basta. Sa kanto na lang, ha?"

Pakiramdam ko kasi malapit na siyang lapitan ni Rose para kumprontahin. Ilang beses na akong nagtatago sa kwarto ko kahit gusto kong bumaba dahil lagi akong kinukulit ni Rose kung kami na ba ni Vito. Hindi ko alam bakit nakikielam siya. Kaibigan ko lang naman si Vito. Nakaka-hiya na ganoon iyong iniisip niya.

"Okay..." sabi niya kahit halata na naguluhan siya sa sagot ko.

"Vito!" pagtawag ni Shanelle sa kanya.

Tumingin sa akin si Vito. Ngumiti lang ako sa kanya tapos tumango kasi parang nagpapaalam siya sa akin na kakausapin niya si Shanelle. Pumunta ako sa isa sa mga bench at saka naupo roon. Naka-tingin lang ako sa mga tao na naglalakad.

Medyo tumagal iyong usapan nila. Nakita ko na patingin-tingin sa akin si Vito. Napapa-tingin na rin ako sa relos ko dahil inaantok na ako. Ang dami ko kasing ginawa sa trabaho tapos halos wala pa akong tulog. Natakot din kasi ako sa bagsak na quiz ni Niko kaya napa-aral ako.

"Dito ka pa?" tanong ni Mauro nang makita ako.

"Wait lang," sabi ko sa kanya tapos lumapit ako kina Vito. "Vito..." pagtawag ko at mabilis na napa-tingin silang dalawa sa akin. Ngumiti ako kay Shanelle. Ang ganda niya talaga. Parang 'di nga siya law student, e. Parang bata pa siya. "Marami pa yata kayong pag-uusapan. Sabay na lang ako kay Mauro pauwi. Inaantok na kasi ako."

"I'll drive you home," sabi ni Vito. "Just text me—" sabi niya kay Shanelle.

Umiling ako. "Sabay na lang ako kay Mauro. Text kita kapag naka-uwi na ako," sabi ko kay Vito bago ako nagpaalam at lumapit kay Mauro.

"Ewan ko talaga sa 'yo," sabi niya. "Kawawa si Vito sa 'yo."

'Di ko na lang siya pinansin. "Sa tingin mo ba may papasok na prof kapag foundation week?"

"Minsan may pa-attendance."

"Ah..."

"Bakit? Aabsent ka?"

Hindi ako sumagot. Gusto ko sanang umabsent para maka-bawi sa tulog. Baka kasi kagaya lang nung last sem na teacher's week tapos naglalaro lang kami palagi o kaya may party... Hala. Party na naman. Mapapa-gastos na naman ako.

"Wag ka ng umabsent! Masaya naman 'yung party!"

"Ayoko nga ng mga laro."

Tumawa si Mauro. "Sana masama ka sa banana game," sabi niya at saka sinimangutan ko siya. Ang sama ng ugali. 


***

This story is 5 chapters ahead on Patreon x

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
1.7M 78.7K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
15.2M 586K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...