The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 36

129K 3.9K 964
By Maria_CarCat

Kamukha













"Nagmana? Sino?" nagtatakang tanong ko kay Kenzo. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Mas lalo akong nadikit sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang kanyang pagiling.

"Wag mo sabihing nanunuod ka niyan. Dahil sa girlfriend mong si Kiana?" mapait na tanong ko sa kanya. Bahagya siyang natawa, nagawa pang tumawa ng gago. Hayop talaga!

"Hindi ko siya girlfriend, Sera" laban niya sa akin pero napairap ako.

Pilit akong kumawala sa kanyang yakap. Hindi matatapos ito hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang Kianna na iyon.

"Gusto ko ng matulog" sabi ko sabag ayos ng higa. Hinayaan niya ako, nakatingin lamang siya sa akin ng umayos ako ng higa patalikod sa kanya.

Napatitig ako sa may pader. Naramdaman ko ang kanyang paggalaw, mukhang iniligpit na niya ang kanyang laptop. Lumundo ang kama ng lumapit siya sa akin, kaagad niya akong niyakap sa likod. Ramdam na ramdam ko tuloy ang hininga niya sa leeg ko.

"Let's give this marriage a shot" malambing na bulong niya sa akin. Nanatili ang braso niyang nakapulupot sa aking bewang. Hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakatitig sa kawalan.

"Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na nakaya kong mabuhay ng walong taong wala ka sa akin..." marahang sabi niya. Bayolente akong napalunok.

"I lost interest in everything. Muntik ng hindi ko itinuloy ang pagdodoctor dahil gusto kong lumipat sa bussiness...baka sakaling bumalik ka" paos na kwento niya. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib.

"Kung gusto mo ng bussinessman, pipilitin kong gustuhin iyon para hindi mo ako iwanan" pagpapatuloy pa niya.

Unti unting uminit ang gilid ng aking mga mata. Naghirap ako sa loob ng walong taon, ang daming nangyari sa akin. Halos hindi pa nga ako nakakalaya sa lahat ng nangyaring iyon. Ngayon lang sumagi sa isip kong marahil, nahirapan din si Kenzo sa mga taong iyon. Anong nangyari sa kanya?

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Halos isubsob na din niya ang mukha niya sa aking leeg. "Miss na miss kita, Sera. Hindi na ulit tayo maghihiwalay. Hindi na ulit" madiing paninigurado niya sa akin.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. Nakatulog kami na ganuon, paggising ko kinaumagahan ay nakayakap pa din siya sa akin, ang pinagkaiba nga lang ay nakayakap na din ako sa kanya pabalik.

"Morning" bati ni Kenzo sa akin pagmulat ng aking mga mata. Mukhang kanina pa siya gising at matagal ng nakatingin sa akin. Mabilis akong nagiwas ng tingin, hindi ko alam kung anong itsura ko. Baka mamaya ay may muta pa ako o kung anong dumi sa mukha.

"Morning" balik na bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin, naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi dahil duon.

"Sabay tayong maglunch mamaya? Susunduin kita, tapos ako na din ang susundo sayo. Sabay tayong uuwi" tuloy tuloy na sabi niya sa akin, hindi kaagad pumasok iyon sa aking isip. Medyo nabigla pa dahil sa mabilis na pagbabago ng lahat.

"Hindi ko naman kailangan...kung busy ka, kaya ko naman" medyo magulong sagot ko. Basta ay hindi lang ako gaanong pabor sa gusto niya. Alam kong busy din siya, oo nga't asawa niya ako pero hindi ibig sabihin ay obligasyon niyang gawin ang lahat ng iyon. May profession siyang kailangan siya. Hindi na ako makikipaglaban pa duon kagaya ng hindi na din ako makikipaglaban pa sa pwesto ni Kianna. Kung sino man siya.

Hinawakan niya ang baba ko, iginaya niya ang paningin ko paharap sa kanya. "Gusto ko Sera. Gusto kong gawin ito" paninigurado niya sa akin. Diretso ang tingin niya sa aking mga mata. Para akong nawawala dahil sa lalim nuon.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa sa biglaang pagbabago ni Kenzo. Pero hindi ko din kasi maibigay sa kanya ang hundres percent ng tiwala ko dahil madami pa din siyang hindi sinasabi sa akin. Isa na duon ang totoong katauhan ni Kianna.

"Baka may kasalanan?" sita ni Gust. Napanguso ako.

Tinanggihan ko ang imbitasyong lunch ni Kenzo. Mas nauna si Augustine na magset ng lunch kasama ko at mas gusto ko siyang kasama. Sa kanya lang naman ako nakakapagkwento.

"May kasalanan naman talaga. Yung Kianna nga, ayaw niyang ipakilala" inis na giit ko. Halos mamurder yung chicken dahil sa pagtusok ko ng tinidor.

Bumaba ang tingin niya sa aking plato. "Kahit mahuli mo ang lalaki sa akto, hindi aamin iyan. Hindi lalabas sa bibig ng mga iyan ang katotohanan" masungit na pangaral niya sa akin na para bang alam na alam niya ang mga gawaing iyon.

Napabuntong hininga ako. "Hindi naman daw niya girlfriend. Eh ano?" problemadong tanong ko sa kanya. Nababaliw na din ako kakaisip, hindi ko din maintindihan kung bakit sobra akong interisado sa kanya. Para bang may parte sa pagkatao kong gustong gusto siyang makilala.

Lumipad ang tingin ni Augustine sa kung saan. Para bang nagiisip din siya ng malalim.

"Parang gusto ko na lang tanggapin yunh tulong nila Castellana. Tutulungan daw nila ako eh" kwento ko sa kanya.

Napatango siya. "You should try, wala namang mawawala. Ang kaso..." sandali siyang natigilan kaya naman medyo nabitin ako.

"Kailangan mong ihanda ang sarili mo. I know you, Sera. Matapang ka, pero at the same time marupok ka ding gaga ka. Baka mamaya kung anong malaman mo..." sita pa niya sa akin kaya napanguso ako.

"Kaya ko naman. Kakayanin ko iyon" paninigurado ko sa kanya. Gusto kong paniwalain si Augustine duon, at the same time gusto ko ding paniwalain ang sarili kong kaya ko nga talaga. Sana nga ay makayanan ko nga talaga.

Nakatanggap ako ng message kay Kenzo pagdating ng alas singko ng hapon. Tinutoo niya yung sinabi niya sa akong susunduin niya ako kaya naman mabilis kong niligpit ang mga gamit ko ng sabihin niyang nasa baba na siya ng building.

Umilaw ang head lights ng kanyang mustang pagkadating ko sa parking space. Mabilis ko siyang nakita kaya naman kaagad akong dumiretso duon. Nanatili ang seryoso niyang mukha, kahit ganuon ay nagawa pa din niya akong pagbuksan ng pintuan.

"Salamat" tipid na sabi ko sa kanya.

Pinanuod ko siyang umikot pasakay sa driver seat. Tahimik pa din siya, parang wala sa sarili.

"Wala bang girlfriend o asawa si Augustine?" seryosong tanong niya sa akin, para akong matatawa ng marinig ko ang salitang girlfriend. Kung si Gust ang nandito ngayon ay baka nasuka pa iyon.

Marahan akong umiling. Sinulyapan ako ni  Kenzo ay nasaksihan ko kung paano nagigting ang kanyang panga. "Ang mahalaga alam niyang kasal ka sa akin. Alam naman niya, hindi ba?" matigas na paninigurado niya sa akin.

Napakagat labi ako at napatango tango. Dahan dahan siyang tumango at mariing napapikit.

"I want to be possessive of you. But at the same time, I'm afriad I might lose you again because of it" problemadong sabi niya sa akin, napanganga ako.

"Kung pwede lang kitang pigilang hindi makipagkita sa kanya..."

"You can't do that. Kaibigan ko si Ausgutine" mariing sabi ko sa kanya.

"I know" madiin ngunit may pagtatampong sabi niya. Nasa bintana sa kanyang gawi ang tingin niya ngayon, para bang asawa niyang ipakita sa akin ang kanyang mukha.

Napatikhim ako. "Hindi naman kita pinagbabawalang, makita si Kianna..." sabi ko. Sumulyap siya sa akin, nagiwas ako ng tingin.

"Kung mahalaga para sayo si Kianna. Mahalaga din si Augustine sa akin" laban ko sa kanya.

Nang tingnan ko siyang muli ay nakita ko kung paano kinain ng pait at sakit ang kanyang mukha. "Mahalaga siya sa akin..." giit niya. Nasaktan ako dahil sa muli niyang pagpapamukha sa akin nuon.

Bumagsak ang tingin ko sa baba. Hindi na ako umimik pa, hanggang sa nagsimula ng magdrive si Kenzo pauwi sa condo.

Kinuha ko ang opurtunidad na makausap sina Castellana at Amaryllis ng sumunod na linggo. Sinalubong kaagad nila ako ng ngiti at yakap. Matapos iyon ay tumagos ang tingin nilang dalawa sa aking likuran. Alam ko kaagad na si Kenzo ang tinitingnan nila.

"You can't leave." matigas na sambit ni Piero dito.

"I won't" tipid na balik niya dito. Napanguso ako, hindi nga siya umalis pero panay naman ang text niya at tawag.

"Yung Kianna ba ang kausap niya?" tanong sa akin ni Castellan ng pareho kaming napatingin kay Kenzo sa malayong bahagi ng garden. Pang ilang tawag niya na iyon simula kanina.

Nagkibit balikat na lamang ako at nagiwas na ng tingin. Ayokong makita ulit yung mukha niyang bigong bigo sa tuwing ibababa niya yung tawag. Para bang napipilitan lamang siyang makasama kami dito dahil mas gusyo niyang nanduon siya kay Kianna.

"Hindi talaga siya umaattend every sunday?" panguusisa ko sa kanilang dalawa. Umiling lamang sila tanda na hindi nga talaga siya nagpupunta dito. Nandito lamang siya ngayon, dahil bumabawi sa pagiwan niya sa akin nung nakaraang linggo.

So, sunday is for Kianna huh?

"So anong plano mo?" tanong ni Castel sa akin. Tahimik lamang si Amaryllis sa gilid at nakikinig.

"Baka madamay kayo. Baka pagawayan niyo lang yan ng mga asawa niyo dahil sa problema namin ni Kenzo" nagaalalang sabi ko. Ayoko namang madamay din sila kahit ganuon naman talaga ang mangyayari sa oras na tulungan nila akong dalawa.

"Ako, wala akong pakialam kung awayin ako ni Tadeo" matapang na sabi niya sa akin. Nagulat ako, matapang talaga siya!

Nilingon niya si Amaryllis. "A-ako din wala. Paparusahan lang naman ako ni Piero. Pero ok lang" pagsangayon din niya.

Kumunot ang noo ko. "Parusa? Baka saktan ka" nagaalalang sabi ko.

Napangisi si Castellana. Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Amaryllis. "Magandang parusa iyon, wag kang magalala" pilyang sabi niya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang dalawang ito, parang may sariling mundo na din.

Matapos ang ilan pang paliwanag ay nasabi ko na din sa wakas kung ano talaga ang gusto kong mangyari. Ilang beses ko itong pinagisipan.

"Gusto kong makilala si Kianna" desididong sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi naman na sila nagulat, mukhang ako lang talaga at ang desisyon ko ang hinihintay nila.

"Kayang kaya kong pasukin ang mansyon ni Kenzo" seryosong sabi ni Castellana na ikinagulat ko.

Hindi nagulat si Amaryllis. Bagkus, parang suportado pa niya ito. Napakurap kurap ako, hinihintay ko na tumawa silang dalawa at sabihing nagbibiro lamang si Castel pero hindi nila ginawa. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata.

"Pero kailangan mo munang magpagood shot, kailangang planuhin natin ito. Itataon natin na wala si Kenzo o masyado siyang busy. Pagaaralan ko din muna ang pasikot sikot sa mansyon niya at kung ilang tao ang nagbabantay duon" seryosong sabi ni Castel. Halos manuyo ang lalamunan ko dahil sa pagiging seryoso niya, para bang expert siya sa gawaing ito at magaling siya.

Napanguso siya pagkatapos, nanatiling nakakunot ang noo ng bumaling kay Amaryllis. "Ang damot ni Kenzo. Hindi man lang nagpapasok sa bahay niya." sumbong niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ko, kaya hindi talaga ako naniniwala sa dalawang ito na isang agent at hired killer kuno si Castellana dati.

Sumangayon si Amaryllis. Bayolente akong napalunok. Pae pareho lang naman kaming hindi pa nakakapasok sa masyon ng tanginang Kenzo na iyon. Mas lalo tuloy ako nangangating malaman kung anong tinatago niya.

"Basta, Sera. Magpagood shot ka muna. Alamin mo lahat ng lakad at schedule niya. Ako na ang bahala sa bahay at sa bantay" paalala niya sa akin.

Tumango pa din ako kahit hindi ako sigurado sa gagawin namin. Sabay kaming bumaling ni Castel kay Amaryllis. Gulat pa siya dahil sa ginawa namin.

"Ikaw?" tanong ni Castel sa kanya. Napaawang ang kanyang bibig, marahan niyang sinuklay ang kanyang fulls bangs.

"Pwede ko kayong ipagdrive" sabi niya kaya naman napatawa si Castel.

Napailing na lamang ako. Sigurado ba talaga ang dalawang ito? Para kaming nagplaplano ng isang laro larong mission.

"Wala ako sa office ng lunch time. Pupuntahan ko si Kenzo" sabi ko kay Gust sa kabilang linya. Ang gaga, walang kapaguran sa gala dinamay pa ako at si Abby.

"Hay naku. Gabi gabi na nga kayong...pati sa clinic pa!?" giit niya na para bang may gagawin kaming malaswa duon. Napairap ako sa kawalan habang hinihintay na mag send ang email na ipapadala ko kay Papa.

"Napakadumi ng utak mo. Hay naku" sita ko sa kany. Napangisi ako ng marinig ko ang mga reklamo niya mula sa kabilang linya, naiimagine ko kung gaano kabusangot ang mukha niya ngayon.

"Tangeners niyong may mga lovelife! Kagigil!" patuloy na reklamo niya kaya naman binabaan ko na siya ng tawag.

Kabado ako habang inisip ko kung paano ko uumpisahan ang sinasabi ni Castel na pa-Good shot sa gagong si Kenzo. At dahil iyon na lang ang maambag ko sa mission namin kuno ay kailangan kong mageffort. Nakakahiya naman na ako na nga ang humingi ng tuloy nila ay ako pa itong walang maiaambag.

Eleven o'clock pa lang ay umalis na ako ng office para magtungo sa hospital. Nagtake out ako ng lunch sa isang restaurant para sa aming dalawa. Pasado na ba itong pa-good shot? Or over? Mahahalata kaya? Hindi ko alam! Bahala na, tangina!

"Good noon. Mrs. Herrer" nakangiting bati sa akin ng guard. Pero nagulat pa ako at naging uneasy dahil duon. Hindi pa din ako gaanong sanay na dala dala ko na ang apelyido ni Kenzo.

Dumiretso ako sa kanyang office. Nasa hallway pa lang ako ay natanaw ko na siya. There is the target, Doctor Kenzo Alfonzo Arenas Herrer. The mission is fucking on! Puta!

Pumait ang timpla ng mood ko ng makita kong kasama niya si Fidez. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nilang dalawa. Pareho silang nakasuot ng white coat, may nakasabit na stethoscope sa leeg ni Fidez, sarap sakalin!

"Kenzo" tawag ko. Muntik pa akong mautal. Hayop!

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Nang makabawi ay kaagad siyang lumapit sa akin, ni hindi na nga niya napansin si Fidez, iniwan niya itong nakanganga pa. Mukhang may nabitin na sasabihin.

"Sera. What are you doing here?" nakangting tanong niya sa akin, halatang excited o ewan. Hindi kaagad ako nakasagot dahil hinalikan niya ang aking labi.

Fuck! The mission Sera. Wag kang kabahan.

Bumaba ang tingin ko sa hawak kong paper bag. Nakita ko din ang pagbaba ng tingin niya duon. "Bumili ako ng lunch para sa ating dalawa" sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko, kinuha niya ang paper bag para siya ang humawak.

"Tara sa clinic" yaya niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at tangkang hihilahin ng marealize ng gagong nasa likuran namin ang kaibigan niya.

Kita ko ang galit at disappointment sa mukha ni Fidez. Sorry naman, may mission ako. Ang sabi ni Castellana, ituloy ang mission, masagasaan ang masasagasaan.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa kanya pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang hawak sa akin na para bang hindi na ako pwedeng bumitaw. Pinasok ko ito at hindi na ako pwedeng lumabas. Napairap si Fidez.

"It's ok. I'll have andrew with me" matigas na sabi niya sa amin pero kita ko ang tilim ng tingin niya sa akin.

Pinanuod namin siya ni Kenzo na naglakad palayo sa may hallway.

"Kung gusto mo siyang kasa..."

"I want to eat my lunch with you" putol niya sa sasabihin ko. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpahila sa kanya patungo sa kanyang office. Siya ang bahala.


Nakangiti akong binati ni Linda ng makita niya ako. Medyo nahihiya pa din ako sa kanya dahil sa nangyari bago kami ikasal ni Kenzo. Mas may edad siya sa amin kaya naman feeling ko nabastos ko siya nung nagwala ako.


Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang may kalakihang frame sa likod ng office table ni Kenzo. Litrato namin iyong dalawa ng ikasal kami sa munisipyo. Kaagad anong bumitaw sa hawak niya at mabilis na nilapitan ang frame.


"Bakit ito!?" giit ko. Nakakainis. Ang panget panget ko duon sa litratong napili niya. Kung bakit ba naman kasi iyak ako ng iyak nung araw na iyon.


Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod. "Maganda ka pa din naman diyan" sabi niya sa akin pero hindi ako nagpadala.


Hinalikan niya ako sa ulo. "Papalitan natin iyan. Magpapakasal tayo sa simbahan" sabi niya kaya naman napatameme ako. Alam kong gusto naming magwork ang marriage na ito, pero hindi sumagi sa isip kong gusto niya din akong pakasalan sa simbahan, buong akala ko ay pang munisipyo lang ako.


Panay ang ngiti ng gago habang kumakain kami. Hindi ko tuloy naiwasang hindi mapatitig sa kanya. "Bukas, ako naman ang pupunta sa office mo" sabi niya na ikinagulat ko kaya naman, nasamid ako.


Nagulat siya, mabilis niya akong dinaluhan dahil sa pagaalala. "Wag na. Ako na, dito na lang..." pagpigil ko. Mas magandang dito na lang dahil mas marami akong malalamang impormasyon.


Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanha. Damn, hindi ko alam kung paano ito, si Castel naman ang magaling sa mission na ito. Shit.


"Sera, may kasalanan ka ba? May ginagawa ka bang kasalanan?" seryosong tanong niya sa akin. Halos magsitayuan ag balahibo ko sa katawan. Shit! Mabubuking na ba ako? Buking na ba?


Marahan akong umiling sa kanya. Nagawa ko pang hawakan ang kamay niyang nakapatong sa may lamesa. Kita ko din ang pagbaba ng tingin niya duon, bayolente siyang napalunok. Tong gagong to! Hinawakan ko pa lang ang kamay. Napaka!


"Gusto ko lang maging mabuting asawa sayo..." para akong maduduwal dahil sa aking sinabi.


Nagigting ang panga niya. "Sinusubukan ko" pahabol ko pa, medyo ngumuwi na. Ayoko ng mga ganito, nakakagago!


Ang epekto ng paghawak ko sa kanyang kamay ay binigyan ng malisya ng gagong si Kenzo. Wala tuloy akong kawala sa kanya nung gabi pagkauwi namin sa condo.


"Ugh. Kenzo!" daing ko ng dumiin siya sa akin. Halos mamanhid ang palapulsuhan ko dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak.


Nanatiling nakaawang ang labi ko para kumuha ng hangin. Ang buhok ko ay sabog na sa may kama dahil sa klase ng paggalaw niya. Marahas, madiin at mabilis.


"Aray! Kenzo!" hindi ko na napigilang mapadaing.


Hindi siya tumigil sa kanyang paggalaw. Napakapit ako sa kanyang braso ng halos sumakit na ang likod ng ulo ko dahil sa pagkahiga ko sa kama at ang paggalaw nuon. Yumakap ako sa kanya at idinikit ang noo ko sa kanyang dibdib.


"Ahhh..." daing ko. Mas ginanahana ata ang gago dahil sa mas nagdikit ang aming katawan. Naipit ang dibdib ko sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa akin.


We did it thrice. Wala naman siyang kapaguran. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas niya. Nang pakawalan niya ako ay halos mawalan ako ng ulirat. Siya ba mismo ang nagbuhat sa akin para iaayos ako ng higa sa kama.


"Sorry bout that. It's a bit rough" pagamin niya.


Napabuntong hininga ako. "Lagi naman" laban ko.


Niyakap niya ako. Nakiliti ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. "Sabik lang..." paos na sabi niya. Muli akong namanhid, naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.


"Ano? Palagi kang sabik?" asik ko sa kanya. Tumawa ang gago.


"Uhm. You look seductive always, Baby. Anong magagawa ko?" nakangising sabi niya sa akin kaya naman hinampas ko ang braso niyang nakayakap sa akin.


"Napaka mo!"


"Ugh. 8 years!" daing niya kaya naman nilingon ko siya.


"Impossibleng wala kang naging babae!" laban ko. Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin.


"You know, I'm busy. And I have this..." sabi niya sabay pakita ng palad niya. Nanlaki ang aking mga mata kaya naman napahalakha siya.


"Tangina mo! kenzo!" mura ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang natawa.


Base sa mga nalaman ko sa kanya ay magiging busy siya sa friday para sa isang operation. Kinuha ko talaga ang lahat ng detalyeng kakailangan ko para hindi siya magduda. Ng sabihin ko iyon kay Castel ay kaagad niyang sinet ang pagpunta namin sa mansyon ni Kenzo. Sigurado na siyang papasukin niya iyon. Walang takot.


Friday ng hapon ng magkita kita kami. Dala ni Amaryllis ang kulay itim na civic. Unang kita ko pa lang ay alam kong kay Piero na iyon. Itim, kasing itim ng aura niya.


Si Amaryllis ang nagdrive, si Castellana ang sa back seat at ako naman ang sa front seat. Nasa iisang subdivision lang kami pero kailangan daw talaga ang sasakyan.


"Ito talaga ang pinili kong dalhin para pang mission talaga" nakangising sabi ni Amaryllis. Nagapir sila ni Castellana kaya naman napasapo ako sa aking noo.


"Ganyan talaga?" tanong ko kay Castellana ng makita ko siyang nagbibihis sa may back seatm isang kulay itim na body hugging iyon. Parang yung nakikita kong sinusuot ng bidang babae sa isang action movie. Kinindatan niya lamang ako.


Dalawang beses iikutan ng sasakyan ang mansyon. Sa unang ikot ay pinagaral muna ni Castel ang galaw at posisyon ng mga bantay. Sa pangalawang ikot siya bumaba. Medyo kinabahan pa ako para sa kanya. Ipinarada ni Amaryllis ang sasakyan sa isang bakanteng lupa. Sapat na ang layo nuon sa oras na lumabas si Castellana.


"Sigurado ba to?" nagaalalang tanong ko kay Amaryllis.


Napanguso siya. "Kayang kaya ni Castel iyon. Nakikipagbarilan nga yun eh" sabi niya sa akin kaya naman muling nalaglag ang panga ko.


Hindi ko na talaga alam kung anong meron sa dalawang ito. Mukhang mga inosente pero ang weird. Habang pumapatak ang oras ay mas lalo akong kinakabahan para sa kanya.


Ilang minuto bago magisang oras ay nakita na namin ang paglabas ni Castellana. Mabilis siyang sumakay ng sasakyan.


"Kamusta?" tanong ko.


Nanatili ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. Parang biglang nanlamig ang aking simura.


"Anduon yung Kianna?" tanong ko. Bumagsak ang tingin niya sa sahig. Napasinghap ako ng tumango siya sa akin. Inaasahan ko na ito pero ang sakit pa din pala.


"Anong itsura? Maganda ba?" mapait na tanong ko.


Mariing napapikit si Castel. "Sera. Bata si Kianna" sabi niya na ikinagulat ko.


Hindi kaagad ako nakagalaw. Ayaw iyong iproseso ng utak ko. "Pitong taong gulang na batang babae..." sabi pa niya. Namanhid ang buong katawan ko.


"May anak sa ibang babae si Kenzo?" tanong niya sa akin. Hindi niya alam, hindi  nila alam. Ito ba ang itinatago niya?


Hindi ko napigilan ang aking luha. "May anak sa ibang babae si Kenzo?" paguulit ko. Sobrang sakit nuon. Sobrang sakit nuon para sa akin.


Sinubukan akong aluin ni Amaryllis. Marahas akong umiling. Kinain na ako ng aking emosyon. Hindi pala isang babae ang kalaban ko, anak niya. Wala akong kalaban laban duon.


Naramdaman ko ang hawak ni Castel sa akin. Nilingon ko siya kahit nanlalabo ang aking mga mata.


"Kung hindi ko lang alam na nagkahiwalay kayo. Iisipin ko anak mo iyon" sabi niya.


"Bakit?" tanong ni Amaryllis.


Ako ang tiningnan ni Castel. "Kamukha mo siya" sabi niya sa akin.




























(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

100K 1.6K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7M 228K 65
His Punishments can kill you
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
832K 28.5K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.