Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

473K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
A Big NO
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Simbang Madaling-araw
Da Moves
Effort
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Bittersweet
Smile
#SelosKills
Truth or Consequence
Past and Present
palusot.com
Loner Or Nagpapaka-loner?
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Sampal
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

Medyo Awkward

9.9K 357 8
By theashtone

Medyo Awkward

Butterflies in your stomach.

Eh paniki na tong lumilipad sa tiyan ko eh.

Nakaupo lang ako sa gilid ng bed ko. Nakahawak sa tiyan ko. Alam ko may mali sa mga nangyayari, pero bakit ganito? Alam ko hindi ko dapat to nararamdaman but I can't help it. Kahit mismong pagkalabit sakin ni Grey eh awkward na sakin.

At ang nakakainis, casual lang siya makitungo sa akin. Parang wala siyang ginagawang katripan sakin kung itrato niya ako. Then dun na ulit papasok sa isip ko yung idea na baka wala lang yun sa kanya. Na ako lang tong overreacting. Pero deep inside me may konting frustration akong nararamdaman everytime na maiisip ko yung ideang wala lang yun sa kanya.

At mas kinilabutan ako dun sa ideang biglang lumabas sa isip ko nung birthday ni Grey.

So, wala pala akong pag-asa Grey kasi Kun din ako? Hanggang ngayon eh kinikilabutan pa rin ako kapag naiisip ko yun.

Napahawak na lang ako sa ulo ko at inuntog-untog yun sa bed ko.

"You're both guys! You're both guys! Kaya wag kang masyado overreacting!" Sabi ko.

"Keith? May kausap ka?" Napatalon ako sa gulat, si Ate Jasmine.

"Ah wala.. Kumakanta lang ako," sabi ko naman agad sabay ayos sa sarili ko.

Tinitigan niya ako for a moment. "Nakahanda na yung breakfast. Sunod ka na lang," sabi niya.

Well, its Monday again. At malapit na namang matapos ang first month ng taon. Medyo nagiging busy na ako ng konti dahil patapos na ang school year, tambak na ng projects at mga exams.

Nakaligo na ako kaya dumiretso na ako sa kusina. Medyo nagtaka ako kasi naka pambahay pa si Ate Jasmine.

"Wala kang trabaho?" Tanong ko habang kumakain na.

"Yeah. Wala naman akong gagawin ngayon sa kumpanya. But I'm reviewing the designs na binigay sakin," sabi niya. Alam ko kasi eh Head Designer na siya sa clothing company na pinapasukan niya. Agad agad ngang na-promote eh. Iba na talaga pag may experience.

"So, kumusta ang birthday ni Grey?" Tanong niya sakin bigla.

"Well, it went fine naman," tipid kong sagot. Trying hard na ako magpaka-casual sa tono ng boses ko.

"Kumusta yung adobo?" Tanong ni Ate Jasmine.

"Sabi ni Grey, masarap naman daw," sabi ko naman.

"Ayiieeeeh! Sweet niyo talaga!" Sabi niya.

"SWEET?!"

Di niya ako pinansin.

"Sabi ni Grey dito daw siya natulog," sabi ni Ate Jasmine.

"WHAT?! Sinabi niya yun?!" Gulat kong tanong.

"Yeah. May dapat ba akong malaman?" Tanong niya. Pero bigla siyang tumitig sakin at nanlaki ang mga mata. "OH MY GOD KEITH! DON'T TELL ME-"

"Shut up! Kung ano man yang iniisip mo tanggalin mo na yan. Walang nangyaring something samin-"

"Wala nga ba?" Sabi ng isang boses sa likuran ko.

Sa gulat ko eh agad akong yumuko para itago yung mukha ko. Kaso hayun, sa mesa ako naumpog.

Aray..

"Hello Grey! We're just talking about your birthday! Pasensya na wala ako ah. So, kumusta?" Sabi ni Ate Jasmine.

"Ah. Yun ba? Well nag-enjoy naman ako. Masarap naman yung luto ni Keith na adobo and as always, mas nag-enjoy ako sa after-party," sabi ni Grey sabay hampas sa batok ko.

"SHUT UP GREY."

"Hmm.. I see. Ano ba meron sa after-party na yan?" Tanong ni Ate Jasmine.

"Nakalimutan kasi ni Keith na bilhan ako ng regalo. Kaya I have to- let's say- punish him afterwards," sagot ni Grey.

"Mukhang nagustuhan naman ata ni Keith yung punishment na yan," sabi ni Ate Jasmine.

Nagtaas na ako ng mukha. "Ay oo Ate Jasmine. Ginawa akong teddy bear slash log pillow slash punching bag! Ganda di'ba!" Sabi ko sabay tayo.

"Late na ako, bye." Sabi ko sabay pulot ng sling bag ko at diretso labas sa bahay. Maya-maya pa ay narinig ko na si Grey na nakasunod sakin.

"Badtrip?"

"Ay hindi. Ang ganda ng gising ko actually!" Sagot ko naman.

"Oh hayan," sabi niya sabay abot sakin ng isang box ng chocolates.

"Ano to?" Alanganin kong sabi.

"CHOCOLATES malamang," sabi niya.

"No, thanks." Sabi ko naman.

Binato niya sakin yung box. "Kunin mo na. Arte pa," sabi niya.

"Okay thanks!" Sabi ko naman.

"Kaso may kapalit yan," sabi niya.

"ANO?! Kung balak mo na namang gawin akong teddy bear no, thanks! Sayo na lang yan!" Sabi ko sabay balik sa kanya nung chocolates.

"Ipagluto mo ko ng adobo," sabi niya.

"WHAT?!" Gulat kong sabi.

"Ulitin ko pa?" Irita niyang tanong.

"No. Di na ako magluluto ulit nun, tsaka busy ako," sagot ko naman.

"Ako na bahala sa ingredients! Magluluto ka na lang. So pwede na? PLEASE?" Sabi niya.

"Oo na! Pag masama lasa ng adobo wag na wag mo akong masisisi!" Pagbabanta ko naman.

"Thanks!" Sagot naman niya.

Napatitig ako sa chocolates na binigay niya. Hayy.. Tonsilitis mapapala ko nito. Pero di ko pa rin maiwasang di matuwa. Ngayon lang niya kasi ako binigyan ng chocolates ever since.

Napangiti na lang ako ng konti habang nakatitig sa chocolates. Pero napansin ko that Grey is watching me out of the corner of his eye.

"Ano?! Bigla mo na lang akong yayakapin kasi ngumiti ako?" Irita kong tanong nung nakatitig pa rin siya sakin.

Ngumiti lang siya. "Its really good to see that you're smiling," sabi niya.

I rolled my eyes. "Wag kang tumingin kung naririndi ka," sagot ko.

Ewan ko rin pero lately eh parati na lang akong may tendency na ngumiti kahit sa mga mabababaw na mga rason o bagay. Siguro madali na sakin na ngumiti kasi nagawa ko na siya ulit.

•••

So nung hapon na wala akong ibang nagawa kundi ang sumabay kay Grey papunta sa supermarket para bilhin ang ingredients sa adobong pinapaluto niya.

Binilisan ko na lang ang pamimili ng mga ingredients, gusto ko na mahiwalay agad kay Grey. The more na nakakasama ko siya, the more na tumitindi yung paniki ko sa tiyan.

Di na ako makatingin sa kanya ng diretso di gaya ng dati. Kahit nga simpleng paghawak sakin eh nagugulat ako. Makatabi ko lang si Grey nag-iinit na pisngi ko. Everytime na tumitingin ako sa kanya eh naaalala ko lang yung katripan niya.

"HALA KA!" Biglang lumitaw sa kabilang shelf ang mukha ni Grey.

Sa gulat ko eh muntik ko pa mabitawan yung shopping basket na dala ko. Lumapit sakin si Grey na hawak hawak ang tiyan sa kakatawa.

"GREY!! Ulitin mo pa yun, lalagyan ko ng lason yung pagkain mo!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang dibdib ko.

"Uy. Sorry. Seryoso mo kasi eh. Pasensya na," sabi niya. Medyo nag-alala siya bigla nung nakita niyang hawak hawak ko yung dibdib ko.

"Papatayin mo 'ko," sabi ko pa sabay upo.

"Huy. Sorry. Okay ka lang?" Medyo tarantang tanong niya sabay upo sa tabi ko.

"Joke lang," sabi ko sabay tayo. Siya naman yung pinagtawanan ko. "But seriously, never do that again, pasalamat ka di ako nerbyoso," sagot ko sabay talikod.

"So, tumawa ka na rin sa wakas? Sabi niya nung naabutan na niya ako sa counter.

"Oh? Masama?" Sabi ko na naglalagay na ng pinamili ko sa counter.

"Di naman. Maganda nga yan eh. At least napatawa na kita," sabi niya.

I just rolled my eyes.

"Alam mo may nag-iba sa aura mo," sabi niya na sinisipat ako ng mabuti nung naglalakad na kami pauwi.

"Ano?" Tanong ko naman.

"Parang umaliwalas yung mukha mo. Tsaka bumait yung aura mo. And for the first time, malalamangan mo na ako sa kagwapuhan," sabi niya.

"WOAH! ANG NIPIS NG MUKHA MO GREY!" Sigaw ko pa.

"I'm telling the truth," he said coolly, "iba kasi ang effect pag nakangiti ka parati."

Tinitigan ko lang siya. "So ano ang gusto mo? Ngingiti ako kahit walang rason?" I asked sarcastically.

Si Ate Jasmine eh gulat na gulat pagkakita sa dala ko.

"Oh? Anong meron?" Tanong niya pagkapasok ko sa sala.

"May nagpapaluto ng adobo sakin," sagot ko naman coldly.

Ngumiti bigla si Ate Jasmine. "Hayy.. Kinikilig ako sa inyo."

"Kilig your face. Akyat lang ako," sabi ko naman.

Pagkapalit ko ng damit eh agad naman akong bumaba sa sala. Si Ate Jasmine naman eh inintriga ako bigla.

"So, he'll be coming over for dinner?" Tanong niya.

"Yah," sagot ko naman.

Tumawa lang si Ate Jasmine. "Oh? Anong pinagpuputok ng butsi mo?" Sabi ko na winawagayway sa kanya yung kutsilyong hawak ko.

"Manhid ka ba Keith? Or tanga ka lang talaga?" Tanong bigla ni Ate Jasmine.

"What are you talking about?" Baling ko sa kanya, nakakunot ang noo.

Tinitigan niya ako for a few seconds. "Wala ka bang napapansin Keith?" Tanong pa niya.

"Napapansin?" Nagtataka kong tanong.

"Nevermind," sabi niya na bumaling na lang sa mga sketches niya.

Sakto naman ang pagdating ni Grey nung malapit nang maluto yung adobo.

"Nagpaalam naman ako kay Mama na dito ako kakain," sabi niya nung kinonsensiya siya ni Ate Jasmine na tinakasan niya si Tita Jessica.

"Ang bango ah," sabi ni Grey sabay lapit sakin. Nakatalikod ako kaya di ko siya pinansin.

Pero nakaramdam ako ng ulo na sumandal sa balikat ko, kasabay nun halos ay isang kamay ang humawak sa kamay kong kasalukuyang naghahalo sa adobo.

"Galing mo pala magluto ah," bulong niya.

Napatalon naman ako at tinutok sa kanya yung kutsarang hawak ko.

"Grey!" Tumingin ako kay Ate Jasmine, buti na lang at busy siya sa sketching, di niya napansin yung pambubulabog ni Grey.

"Ano?" Tanong niyang pa-inosente.

"Never do that again!" Singhal ko naman sabay balik sa adobo ko.

"Ito naman. Bawal ka bang hawakan?" Tanong niya.

"Bawal!" Sagot ko naman.

"Nayakap na nga kita-"

"GREY SHUT UP!" Sigaw ko naman.

Ngumiti lang si Grey sabay kuha ng isang mansanas sa mesa.

"Nagpapatayan na ata kayong dalawa ah," bungad ni Ate Jasmine, "Hoy, Kito, luto na ata yan na adobo. Alisin mo na sa apoy."

"KITO?" Ulit bigla ni Grey. "Nickname mo yun nung bata ka pa di'ba?"

"NUNG BATA AKO. And you can call me now KEITH or IVAN. Kung sinisipag ka eh tawagin mo akong KEITH IVAN SEKI KUN," irita kong sabi habang nilalagay yung adobo sa isang bowl.

Tumawa lang silang dalawa. "May iced tea diyan sa loob ng ref. Meron pa diyang salad na ginawa si Ate Jasmine, pakikuha na lang. Alangan naman ako lang ang puro trabaho dito?" sabi ko.

"Opo Mayordomo," sabi ni Grey.

After ng ilang minuto eh naka-set na nga yung mesa. Agad namang naupo yung dalawa at after makapag-dasal eh nagsilamon na kami.

"Masarap ka naman pala magluto ah," sabi ni Ate Jasmine.

"Nagulat nga ako eh. So pwede ka na niyang mamuhay mag-isa?" Sabi ni Grey.

"Tapos ano kakainin ko? Adobo lang araw-araw?" Sagot ko.

"Tsaka Keith can't live without his PA," sabi ni Ate Jasmine na pinadaanan ako ng tingin.

Pero seriously, napatitig ako kay Grey nung sinabi niya pwede na ako mamuhay mag-isa. Alam ko biro lang yun pero di ko pa rin maiwasan na di mapaisip. I can't rely kay Grey forever.. Syempre dumarami ang priorities niya at ang pagiging PA niya sakin is more of a hindrance para sa kanya.

After ng konting usapan pagkatapos naming magdinner eh hinatid ko na si Grey sa gate ng bahay namin.

"So, thank you sa adobo! Sa uulitin!" Sabi niya.

"Oo na," sagot ko sabay bukas sa gate.

"Wala man lang smile?" Sabi ni Grey.

Ngumiti naman ako ng pekeng bungisngis. "Masaya ka na?"

"Ang plastik ng ngiti mo," sabi ni Grey.

"Eh sa wala ako sa mood ngumiti ngayon eh, may magagawa ka? Bilis na. Goodnight! Layas!" Sabi ko at pinagtulakan ko siya palabas ng gate.

Isasara ko na yung gate nung bigla na niya namang tinisod yung paa ko sabay salo sakin, but this time, wala akong nagawa kundi humawak sa likod niya, kaya ang siste eh parang magkayakap na kaming dalawa.

"Ayaw mo kasing ngumiti eh. Kaya isang hug na lang," sabi niya sa tenga ko.

"Grey! Bitawan mo na ako- baka- baka may makakita satin dito!" Sabi ko na naghahabol ng paghinga.

Kasabay nun ay isang matinis na tili mula kay Ate Jasmine.

"Bye Ate Jasmine! Goodnight!" Bati niya nung bumitaw na siya sa pagkakayakap. Napahawak na lang ako sa gate, nanghina ata ang tuhod ko sa nangyari.

"Bye Grey! Ingat sa pag-uwi!" Sagot naman ni Ate Jasmine.

"Keith. May pinaiwan pala si Grey sakin," sabi ni Ate Jasmine pagkapasok ko sa bahay.

"What?" Nanghihina kong sabi.

"Ibigay ko daw to sa'yo na-"

Then pinakita niya sakin ang isang life-size na stuffed toy na nasa sofa na hindi ko napansin dahil sa busy ako kanina.

"And the message is- Hi Keith! Sana nagustuhan mo tong maliit na regalo ko. Sana pag yakap mo to eh maibsan ang moodiness mo. And sana maalala mo ako sa pamamagitan ng stuffed toy na to. Sabi niya na nagbabasa ng isang papel sabay tili.

Napaupo na lang ako sa sofa, hawak hawak ang ulo ko. Gusto kong mahimatay.

What is he playing at??!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 30.5K 41
Tunghayan ang istroya ng mag EX-BESTFRIENDS/EX-BOYFRIENDS na sina Josh at Ryan. Alamin kung dahil sa isang kasunduang muling maglalapit muli sakanila...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
16.1K 1.1K 22
Payapa, tahimik ang buhay sa probinsya.Buong buhay ni Islaw sa probisnya na sya lumaki hindi nya hinangad na pumunta sa lungsod dahil para sa kanya...
106K 6.9K 59
Meet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilal...