The Curse

By sweet_aria

328K 13K 3.1K

[AGREZOR SERIES #2] More

The Curse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 7

8.6K 334 43
By sweet_aria

Chapter 7

Nag-init nang husto ang pisngi ko. It seemed normal to him to talk like this. Parang sanay na sanay sa mga babae.

Pinilit kong balewalain ang sinabi niya kahit alam kong halatang-halata ang epekto nito sa mukha ko.

"Lahat ba ng nakikilala mong babae sa inuman, ganyan mo kausapin?" Binantayan ko ng tingin ang iniihaw.

He crossed his arms across his chest and shook his head. "Nope. I don't usually talk with girls."

Doon ko na siya tiningnan at nakatutok ang mga mata niya sa grill. His face was serious as always. He could really intimidate people just by his stance. He intimidated me as well, but I needed to act normal.

He was a handsome young man whom I had sex with. May nangyari na sa amin at hindi maganda kung ipapakita ko sa kanya ang epekto niya sa akin.

"Maniwala sa 'yo," sabi ko na lang kahit alam kong totoo. Phoebe had already proved and told me that. Sila ang madalas na nagkikita-kita at mas kilala siya ni Phoebe kaysa sa akin. "Pero nakikipag-sex ka sa kanila?"

Imposibleng wala siyang karanasan dahil ang galing niya. Lalo na ang dilang iyon.

Lintik, Ragna. Ang bastos ng isip mo!

"I've had sex with a lot of girls, yes. Whenever a girl shows she's attracted to me, we do it." He moved his head and looked at me. Nagtama ang mga mata namin.

Tumikhim ako at muling ibinalik ang tingin sa grill. "So you mean kahit kanino ka na lang pumapatol?"

"Of course not." Binaliktad niya ang mga nakasalang.

"Just hot and gorgeous girls, right?" Nadamay lang ako.

Napangisi ako dahil sa lakas ng loob ko na makipag-usap sa kanya tungkol dito.

Hindi siya sumagot. Sa gwapo niyang iyan, imposible na pumatol na lang siya kung kani-kanino.

Lumapit sa amin si Admiral kaya hindi na ako nagsalita pa. Inilipat ni Rogue ang mga naluto na sa table. Pagkatapos namin mag-ihaw ng sapat na dami ay pumunta na ako sa shower.

"Woah! Hot! Best friend ko 'yan! Best friend ko 'yan!"

Nilingon ko si Phoebe na nasa gilid ng pool at pinagtatawanan ako. Ramdam ko tuloy na nakatingin silang lahat sa akin maging si Manang Cecilia na may ipinakisuyo si Admiral.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. Makababa lang ako sa tubig malilintikan ka sa akin, Phoebe!

Itinuon ni Phoebe ang mga braso sa gilid ng pool, mukhang walang balak na tantanan ako.

"Bagal naman magtanggal ng shorts," nakangisi niyang sabi. "Dalian mo kaya!"

"May pagnanasa ka ba sa akin? Kadiri ka!" sabi ko na lang dahil sa matinding pag-iinit ng pisngi. Bakit nga ba rito ko naisipang maghubad?

I rolled my eyes at Phoebe and went inside the shower room. Sa labas kasi ay may shower din. Once done, I immediately got out and directly went to the pool. Nakita ako ni Phoebe at agad siyang lumayo papunta sa malalim, muling tumawa dahil alam niyang may gagawin ako sa kanya.

"Halika! Punta ka rito dali!"

Tumigil ako sa gitna nang naalalang hindi nga pala ako marunong lumangoy. Gumilid na lang ako. Saglit pa ay may lumapit sa akin. Nagbago ang ngiti ni Phoebe at doon pa lang ay alam ko na kung sino ito.

"You don't know how to swim?" he asked.

Nabubwisit ako sa mukha ni Phoebe kaya hindi ko magawang tingnan ang nasa likuran ko. Napakamang-aasar talaga. Kung wala lang si Phoebe sa lalim ay kanina ko pa nahigit nag buhok niya.

"Hindi pa ba obvious?" mahina kong sabi.

Sumisid na si Phoebe at doon ko lang nilingon si Rogue. Titig na titig na naman siya sa mukha ko na para ba itong may dumi.

"Grabe kang makatitig," puna ko, itinatago ang ilang.

"Your fault. You're so gorgeous." He pursed his lips, obviously suppressing a smile.

Hindi ko natagalan ang tingin niya. Wala akong maisip na sabihin kaya nanahimik na lang ako. Pero kahit ano talagang gawin ko ay nakakailang pa rin dahil alam kong nakatingin pa rin siya.

"What's your course?" he suddenly asked.

"Nursing."

"Me, architecture," he said though I didn't ask. "Is that your dream course?"

Tumango ako. Bata pa lang ay nasa isip ko nang magiging nurse ako. When I graduated kindergarten, there was a segment in the program where we had to dress up for what we wanted to be in the future. At uniform ng nurse ang sinuot ko noon.

"It suits you."

I looked at him. His eyes were serious and somewhat unhappy. Tumabi siya sa akin at medyo dumistansya ako, pero lumapit pa muli siya hanggang sa magdikit ang aming mga braso. Nanahimik na lang ako.

"I don't like architecture." He let out a sigh.

Tumutok ang mga mata ko sa kanya. Dumiretso ang tingin niya sa unahan namin.

"My father wants me to pursue it. And I don't want to disappoint him." Tiningnan niya ang mga kamay niya sa tubig. "It's good that you can pursue what you like."

Hindi man siya tuluyang magpakita ng emosyon ay alam kong hindi siya masaya. Nahihirapan kaya siya sa course na kinukuha niya? Mukha namang hindi. He looked really intelligent.

"Ano bang gusto mo?"

"I want to be an actor."

I was astounded at his answer.

"Just like you, I have dreams when I was still a kid."

I couldn't question him 'cause everyone had his own dreams. Nabigla lang ako dahil wala sa itsura niya na iyon ang pangarap niya. Pero kung mag-aartista ang isang tulad niya ay imposibleng hindi sumikat. Napakagwapo niya at alam kong isa iyon sa magiging advantage niya sa iba kung sakali.

"I just like being onstage. I like acting. Back then, I was part of a theatre group and it made my elementary and high school years so much fun."

"Bakit mo kinukwento sa akin ang mga 'to?"

"'Cause I'm courting you," he answered. "I searched on the internet on how to court a girl. It says I should be honest with her, so I'm telling you these things."

Pinagdikit ko ang mga labi, pinipigil ang pangngiti. The fact that he had put an effort into searching on the internet made my heart flutter.

"Through acting, I can show emotions people usually suppressed in themselves. I can pour out emotions through it."

I just nodded my head. It was also my first impression of him, he was reserved.

"Mahihirapan na kaming lapitan ka sakaling mag-artista ka," biro ko para pagaanin ang usapan.

He chuckled and it was so pleasing to the ears. Mas isinandal ko pa ang likod sa tiles. Bigla akong napatingin ulit sa kanya nang gumapang ang kamay niya sa braso ko at hinawakan ang kamay ko. Nagtama ang mga mata namin. Hinayaan ko siya dahil baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya rito pagkatapos ng inamin niya sa akin. My eyes roamed the area and I was thankful that the three were having some chitchats.

"Rogue..." mahina kong tawag sa kanya.

"Hmm?"

"We shouldn't hold hands like this. Hindi pa tayo." Hindi ko na napigil ang ngiti ko.

Sa peripheral ko ay napangiti rin siya. "We don't have a label yet, but we can do anything we want."

Hindi na ako nagsalita. So ganito pala ang pakiramdam. It felt good. I had never done this before with a guy. Mayroon man akong nakakahawakan ng kamay ay sa laro lang o activity sa school.

Tumagal iyon at hindi pa sana kami maghihiwalay nang lumapit sina Admiral at Venus sa amin. Agad akong bumitaw sa kamay niya at dumistansya.

"Are you guys okay?" Venus asked. Tumigil sila sa harapan namin.

Tumango ako at nagpilit ngumiti.

"Masyado yatang seryoso ang pinag-uusapan n'yo," pagpansin ni Admiral.

"Ngayon ko lang siya nakitang makipag-usap nang ganoon katagal with a girl," bulong ni Venus kay Admiral pero narinig pa rin namin.

"Why don't you two go back there and leave us alone?" Seryoso ang mukha ni Rogue na nakatingin kay Admiral.

"Bakit? Naistorbo ba namin kayo?" tanong pa ni Admiral, nagbabadya ang ngisi sa mga labi.

"Obviously not, Admiral," Rogue said sarcastically.

Inakbayan ni Admiral si Venus at itinaas ang isang kamay. "Okay, okay! Aalis na kami!" natatawang sabi nito.

Umalis nga rin agad ang dalawa at naglandian na roon sa kabilang sulok.

"Kukuha lang ako ng barbecue, gusto mo ba?" tanong ko.

Hinarap niya ako at akmang hahawakan ulit ang kamay ko pero nilayo ko na ito.

"Gusto mo ba?" pag-ulit ko.

He sighed and gave me a slow nod. Nilagpasan ko siya at mabilis akong pumunta sa hagdan. Kumuha ako ng dalawang barbecue stick sa mesa.

Binalikan ko siya at umupo ako sa gilid ng pool. Inabot ko sa kanya ang isang stick. Kumagat ako sa hawak ko, kumunot ang noo niya.

"Ano?" tanong ko habang ngumunguya.

"I want that," he said.

Ako naman ang pinangunotan ng noo. "Parehas lang na barbecue 'to." Tiningnan ko ang nasa magkabilang kamay ko.

Lumapit pa siya sa akin at humawak sa magkabila kong hita. Agad akong kinilabutan sa ginawa niya. He crossed his arms over my thighs and opened his mouth.

Inilibot ko ang tingin bago ko ilapit sa bibig niya ang kinagatan kong barbecue. Tumango-tango siya habang nakatingin sa akin.

"It's tasty," he said, his eyes were still fixed on me.

Aalisin ko sana ang mga kamay niya sa hita ko pero umiling siya. I let out a sigh.

Ang awkward lang kasi. I was just wearing a bikini and he was just inches away from my private part!

"Rogue..."

"Get used to my presence, Ragna."

Nagkatitigan ulit kami. Pagkaubos ng nginunguya niya ay muli niyang tiningnan ang hawak kong barbecue. Inilapit ko muli ito sa bibig niya.

Kahit kumakain ay sobrang hot niya. Ayoko siyang tingnan pero hindi ko mapigilang panoorin ang paggalaw ng bibig at panga niya habang ngumunguya.

Kinain ko ang natirang meat sa stick at inilapag ito sa tabi ko. Inubos din namin ang isa pa.

"Pakawalan mo na ako—"

"Let's go to the cinema in the weekend," he cut me off.

"Next week? Kailangan kong magpaalam sa parents ko." Pinagpag ko ang mga kamay ko.

Marahan siyang tumango. "I'll come by your house at 9 am. I need to talk to them as well."

Bigla akong dinatnan ng kaba. Mabilis akong napailing. "'Wag na. Magkita na lang tayo rito."

"No."

"Baka hindi ako payagan kapag pumunta ka sa bahay. Ayaw pa ng papa ko na magpaligaw ako sa ngayon."

Natahimik siya. Matagal bago siya tumango at tinalikuran ako. Lalayo sana siya pero agad kong hinawakan ang magkabila niyang balikat. Bumaba ako sa pool.

I turned him to face me. Kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko na hawakan siya tulad nito ay hindi ko alam.

Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko at tumigil ito sa mga labi ko. Agad din naman niyang inalis ang mga mata roon. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit ako patungo sa gitna. Nanlaki ang mga mata ko nang dinadala niya ako sa lalim.

"Rogue!" tawag ko sa kanya.

"'Yan! Ganyan nga, Kuya Rogue! Napakaduwag niyan sa tubig!" sigaw ni Phoebe sa amin na sinundo pala si Dave sa labas. Hinubad niya ang roba at makahulugang tumingin sa akin bago binalingan ang manliligaw niya.

Gaga itong si Phoebe! Sa harap pa talaga ni Dave naghubad!

Naibalik ko ang tingin kay Rogue nang hindi ko na maabot ang sahig. Agad akong napayakap sa kanya at mahina siyang tumawa. His arm snaked around my waist and our bodies touched. Ang init ng katawan niya, para akong napapaso.

"Rogue, balik tayo sa mababaw," pakiusap ko. Natatakot ako dahil baka bigla niya akong bitawan.

"Don't be scared. I'm holding you," he whispered in my ear.

"Please," I begged again.

"No. Let's stay here."

Mukhang hindi talaga siya mapipigilan sa gusto niya. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

"Can you stop staring?"

"Have I told you already that you have the most beautiful face?" he said, almost a whisper.

Kakaiba ang naging epekto noon sa dibdib ko. Mabilis ang reaksyon nito, parang may humahabol.

"You're just saying that 'cause you're courting me. Alam ko na ang galawan n'yong mga lalaki," sabi ko para pagtakpan ang reaksyon ng dibdib. Hindi ko alam kung naririnig o nararamdaman niya ang tibok ng puso ko. Sana hindi.

"This is my first time," he reminded me. "How could you say that? Is it because you have a flock of suitors?"

Parang may nahimigan ako sa tono niya pero hindi ko na lang pinansin. Baka nagkakamali lang ako. Bago pa kami nagkakilala at imposible iyon.

"Sinabi ko na sa 'yo na hindi ako nagpapaligaw. Ngayon nga lang. Ang kulit mo kasi. Parang wala akong kawala."

Tumawa siya. 'Langya naman! Bakit ganoon? Nakakainis ang tawa niya kasi pakiramdam ko magugustuhan ko na siya kapag paulit-ulit ko iyong narinig.

"Well, I always get what I want." Tumaas ang kamay niya malapit sa dibdib ko at tiningnan ko siya nang masama.

"What are you doing?" Bumagsak ang tingin ko sa dibdib ko at ramdam ko na napatingin din siya rito.

That was a wrong move, Ragna!

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay hindi nga ako nagkamali. Titig na titig siya rito na para bang okay lang na gawin niya iyon.

"Alisin mo ang tingin mo dyan," mariin kong sabi.

Sinunod naman niya ako at muling nagtama ang aming mga mata. His lips curled into a smirk.

"Ano?"

"Nothing," he said calmly, but it sounded dangerous in my ears.

"Nothing nothing mo mukha mo! Kung nasa babaw lang tayo kanina pa kita iniwan. It's not funny!"

"Yeah, 'cause it's hot."

Bahagyang umawang ang bibig ko sa narinig pero agad ko rin itong itinikom. Napagmasdan ko nang husto ang gwapo niyang mukha. His face seemed perfect. Parang kahit sinong babae na makakita sa kanya ay talagang hahanga.

"Kung anu-anong sinasabi mo," sabi ko na lang.

He chuckled again. Tumabi kami dahil siguro, napapagod na siya sa pagkampay ng mga paa. Humawak ako sa gilid pero hindi niya pa rin ako binitawan.

"Bitaw na," utos ko.

He conformed but didn't leave my side. Isinampa niya ang mga braso sa sahig ng taas at inihilig niya roon ang ulo, pinapanood ako.

Ginaya ko siya at iniwas ang tingin. Bigla namang dumaan sa harapan ko si Phoebe at inangat ko ang tingin sa kanya. May dala siyang juice na may lemon sa nguso ng baso at sumisipsip siya sa straw roon.

"Hindi pa ba kayo gutom dalawa?" Pinalipat-lipat niya ang tingin sa amin. Wala man siyang ipinapakitang emosyon pero alam kong nagpipiit lang siya na asarin muli ako.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"It's almost eleven. Ahon na muna kayo at kumain na tayo."

Tumango ako at nangabay sa tabi. Sinundan ako ni Rogue.

Pumwesto kami sa harap ng table at hindi sa akin tumabi si Phoebe. Umupo sa dapat niyang upuan si Rogue. Tiningnan ko si Phoebe na busy pakikipag-usap sa manliligaw niya.

Inilipat ko ang tingin kay Admiral at pansin ko ang pagsulyap-sulyap niya kay Dave, halatang hindi gusto ang lalaki para sa kapatid. May tattoo si Dave sa katawan at ang mga mata ni Admiral ay pumasada roon.

Kumuha na lang ako ng pagkain ko at ganoon din si Rogue.

Pagkatapos magtanghalian ay saglit kaming nagpahinga. Inihanda naman nila ang alak. Mabuti na lang at hindi mainit ang panahon ngayon kaya masarap uminom. San Mig muna ang kinuha ko dahil baka kapag ginaya ko sila na hard ang iniinom ay tamaan agad ako.

Nagkwentuhan sila Admiral, Rogue, at Venus tungkol sa kurso nila kaya hindi ako makasali. Ito namang si Phoebe ay malapit ko nang sabunutan dahil sumosobra sa paglalandi kay Dave.

"Dito ka na matulog. Marami namang guest room," aniya sa manliligaw.

"Okay lang ba sa kuya mo?" tanong ni Dave na nagpatigil sa pag-uusap ng tatlo.

"Ang ano?" si Admiral na halatang nagpipigil ng inis.

"Dito ko na papatulugin si Dave. Mahirap kasing mag-drive pauwi lalo na at nakainom."

Tumaas ang kilay ko, hindi na napigilan. Alam kong concerned lang si Phoebe sa tao pero kakaiba ang ngiti ni Dave, parang may binabalak.

"Ragna..." mahinang tawag sa akin ni Rogue.

Hindi ko siya nilingon. Inabot ko ang paa ni Phoebe at mahina ko itong sinipa. She looked at me, arching her eyebrow.

Sa tingin ko pa lang ay nakuha na niya ito.

"Stop drinking if you can't drive later," Admiral said to Dave.

Napatingin ako sa kanya na hinawakan ang kamay ni Venus at lumusong sila sa pool. That was an obvious no.

Naiiling kong tiningnan si Rogue at nakatayo na rin siya. Inilahad niya ang kamay. Hindi ko sana ito tatanggapin pero hinawakan na niya ako at hinila ako palayo sa pool area.

"Hoy!" tawag ko sa kanya. "Saan tayo pupunta?"

"I'll just charge my phone." Dala niya ang cell phone at tiningnan niya iyon. Nakita kong low bat nga.

"Bakit mo pa ako isasama?"

Nilingon niya ako at kinabahan ako dahil ngayon ko lang napansin na namumula na ang mukha niya. Ilang oras na rin kaming umiinom at malakas ang tama ng alak na iniinom nila.

"Rogue..."

Pumasok kami sa guest room. Ini-lock niya ang pinto na mas nagpatindi ng kaba ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 46.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
32.7K 1.7K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
531K 19.5K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...