LILITHβœ“

By lollybam

906 231 289

"I like you so much, I want to hug your internal organs." -- Credits goes to the rightful owner of the book c... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
EPILOGUE

Chapter 15

21 4 0
By lollybam


HULING KABANATA

Sabi nila, mali ang ibigin ang isang taong may iniibig nang iba. Sabi nila, mali ang agawin kung ano ang pagmamay ari na ng iba. Sabi nila, maging masaya ka sa kung ano ang meron ang iba.

Punyeta.

Papano ako magiging masaya kung ang lahat ng dapat ay akin ay napunta lang sa kanya?

Papano ako magiging masaya kung sya nalang lagi!?

Papano ako magiging masaya kung sya nalang ang laging aking uunahin!?

Kung una palang alam kong magkakaroon ako ng isang kapatid na tulad nya...

Kung una palang at nalaman kong mabubuhay ako ng ganito kasama sya...

Kung una palang at nalaman ko nang magiging hadlang sya...

Edi sana, nasa sinapupunan palamang kami ay pinatay ko na sya.

Sana ay namatay nalamang ang aking kapatid.

Sana ay wala nalang akong kakambal.

Sana ay hindi nalang nabuhay si Amelia.

---

"Matanong ko lang, bakit sa lahat ng gusto mong maisumpa ay ang sarili mo pang kapatid?.. ang matindi pa dun, kakambal mo pa?"


Tinignan ko sya bago ako humingang malalim at binigyan sya ng isang sarkastikong ngiti.




"Wala na kong ibang sasabihin pa tungkol dyan kundi, akin dapat ang kung anong meron sya."






Sinimulan na ang orasyon. Kung ano ano ang ginagawa ng matandang ito na nasa aking harapan. Bumubulong bulong sya at kung ano ano ang sinasabi na labis kong hindi nauunawaan.


Hiningi nya sa akin ang larawan ni Amelia.. at ang larawan ni Leo..



Leo..



Napangiti ako bigla.





Pagkatapos nito ay ako na ang iibigin mo.






Oo, sinumpa ko si Amelia. Sinumpa ko ang sarili kong kapatid.






Pagkatapos nito ay ako na ang mamahalin ni Leo. Makakalimutan na nya si Amelia. Bubuo kami ng sarili naming pamilya. Wala syang ibang maaalalang babae, kundi ako lang. Ako lang at hindi si Amelia.




Una palang naman, hindi naman nya alam na may nabubuhay na kambal na nag ngangalang Ophelia at Amelia.







At ang mangyayari kay Amelia? Hindi ko alam pero ang sabi ng matandang ito ay labis daw na mawawala sa katinuan si Amelia at parang mabubuhay na isang hayop.






"Mabuti." Nakangiti kong tugon sa kanya. Tumayo na ako at binigyan sya ng malaking halaga ng pera. Akmang lalakad na ako paalis nang bigla nya akong tawagin.








"Ophelia.." Nagtataka akong muling lumingon sa kanya. Punong puno ng takot ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.






"Bakit?" Naguguluhan kong tanong.








"Hindi ko matatanggap ang pera na ito." Tumayo sya at muling pilit na inilagay sa kamay ko ang ipinambayad ko sa kanya. Base sa mga kilos nya, para syang nanginginig at naging balisa. "Marami akong mga nakita, Ophelia.. Hindi ito magiging maganda. Hindi maganda ang aking mga nakitang mangyayari. Sobrang lakas ng iyong natawag, Ophelia." Nanginginig nyang hinawakan ang aking kamay. "Si Amelia.. Si Amelia.. may anak sil---"






Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan nang bigla nalamang tumirik ang mata ng matandang ito at walang malay na bumagsak sa sahig.







Sunod sunod na kabog sa aking dibdib ang aking naramdaman. Sinubukan ko syang gisingin ngunit tila hindi ko na naramdaman pa ang kanyang pag hinga at ang kanyang pulso.






Sa takot ko ay mabilis akong nagtatakbo paalis.

---

Ikinasal kami ni Leo. Ramdam kong mahal na mahal nya ako. Namuhay kami ng tahimik at payapa. Hanggang sa ako ay nabuntis.






Pinangalanan ko syang Lilith.





Nung una ay malusog at maayos nang mailuwal ko sya sa mundong ito, ngunit nang mag-laon ay doon ko nakita ang mga pagbabago kay Lilith.





Hindi sya tulad ng mga pangkaraniwang bata.





Meron kaming naging kapit-bahay. May anak itong bata na kasing edad ng aking anak. Madalas silang maglaro hanggang sa isang araw nakita kong kinakain ni Lilith ang pusang alaga ng batang iyon.





Sinikreto ko ang nangyaring iyon kay Leo. Sakto rin naman kase dahil lilipat na kami ng bayan na kung saan may malaking lupain na pagmamay ari ang aking asawa.







Si Amanda, ang unang Yaya ni Lilith. Si Annabele na asawa ni Artur.. lahat sila ay pinatay ko. Bakit?





Walang iba kundi dahil mas nagiging masigla at mas nagiging mukhang tao ang anak kong si Lilith.







Lahat— lahat ay gagawin ko upang mabuhay lang ng ayos ang aking anak.





Kase alam mo kung anong pinakamasakit sa pagiging Ina? Iyon ay yung kinukutya kutya sya at sinasaktan ng ibang tao sa tuwing hindi nya ako kasama.









At iyon ang pinaka ayaw kong maranasan ni Lilith.







Gusto ko syang mamuhay ng normal.






Gusto kong maramdaman nyang maraming nagmamahal sa kanya.







Gusto kong maramdaman nyang sya ang mundo at ang buhay ko.







Lahat handa kong gawin para sa kanya.. para kay Lilith.

---


Ngunit hindi ko akalaing, ang pakikipag sumpaan kong iyon sa demonyo ay matinding kapalit ang gusto.




Ngunit ngayon, sino na nga ba ang demonyo?




Sa dami ko nang pinatay para kay Lilith, para mabuhay ang anak ko..


Hindi ba, mas nagmumukha na akong demonyo?



Naalala ko din na nung ibinalik ng matandang iyon ang mga perang ipinambayad ko sa kanya ay nag ipit sya doon ng isang papel..

Papel kung saan nasusulat ang mga maaaring mangyari.

"Buhay para sa isa pang buhay"

Hanggang dito nalang muna, saka na ulit ako magsusulat dito. May naririnig kase akong nagtatawag mula sa labas ng bahay.

Pakiramdam ko ay yun na yung pinaka aantay ko.

Makakakain na ulit si Lilith ng maayos.

Tama, baka sya na yon.


Ang bago naming katulong.

Si Yaya Merly.


----

Isang linggo ang lumipas. Hinanap ko si Amelia. Si Amelia na tunay kong mahal. Si Amelia na sya naman talagang aking iniibig noon pa man.









Iba man ang kanyang itsura ngayon ngunit mapapansin ang pagiging magkamukha talaga nila ni Ophelia.







Kung si Ophelia ay namuhay ng maayos kasama ako, kabaliktaran naman ang sinapit ni Amelia.








Kung tutuusin ay dapat akong maawa at manabik sa muli naming pagkikita.








Ngunit bakit ni isa doon ay hindi ko maramdaman?









Inuwi ko sya sa bahay ko.










Kasama si Lenard.









Ang sabi ay anak namin ito.








Naaalala ko sya, sya yung batang lalaki na nakita ko nung nakaraan na nakatayo sa labas ng aming bahay.










Hinanap ni Amelia si Ophelia at pilit din akong tinatanong ni Lenard tungkol sa batang nakatira dito noon.










Sinabi kong naghiwalay na kami ni Ophelia at isinama nun si Lilith.









Hindi ko alam kung naniniwala ba sila ngunit wala akong pakealam..









Kumakain sila ngayon.








Iba ang bawat tingin sa akin ni Lenard. Parang wala syang tiwala sa sarili nyang ama.









Pero kahit ako mismo, ayokong kumain. Hindi din ako magtitiwala sa sarili kong niluto para sa kanila.









Ayokong kumain dahil ayokong kainin ang karne ng sarili kong asawa.









Matapos nilang kumain ay umalis si Lenard. May pupuntahan lang daw sya. Hinayaan ko sya kase wala naman akong pakealam.










Sa totoo lang, wala na akong ginawa kundi ang umupo, titigan si Amelia, tumango, umiling at lutuan si Amelia ng mga pagkain.











"Mauubos na pala ang ating karne." Ani nito nang matapos syang makakain. Namamayat na si Amelia ngunit malinis na sya ngayon. Lagi ko kasi syang pinapaliguan at binibihisan ng maayos.








Pansin ko din na parang nagbago sya at unti unti nang bumabalik sa dati magmula nang ako ay kanyang makita.








"Hayaan mo, di kana makakaramdam ng gutom." Tanging sabi ko bago ako tumayo mula sa aking pagkakaupo. Marahan din syang tumayo at lumapit sa lababo upang hugasan ang kanyang mga kamay at upang ilagay din doon ang kanyang mga pinagkainan.









"N-Nagwalis ako kahapon sa bakuran, mistulang may hinukay doon. Magulo kase ang lupa. Anong ginagawa mo nitong mga nakaraang araw?" Rinig kong tanong nito.









"Wala naman." Tangi kong sagot bago ko binuksan ang cabinet at nilagyan ng mga bala ang aking baril.









Hindi ko masabi sabi na doon ko kase inilibing ang aking anak na si Lilith.







Gusto kong ilibing din doon si Ophelia ngunit wala na akong magagawa pa.







Pinagputol putol kase ni Lilith ang katawan nito kung kaya't ginawa ko nalamang sahog para sa ulam nila.








"Leo---"









*BANG!*











PUNYETA!








Ilang beses pa ba ako magiging daplis lagi ang tira?









Gulat ang mukha nang bumagsak si Amelia sa sahig. Hawak nito ang balikat nyang nagdudugo na.









"L-Leo.. parang awa m-mo na---"









*BANG!*








Sabog ang kaliwang mata nya. Sumambulat ang dugo nito ngunit buhay pa din. Aba, ibang klase.









Chineck ko kung ayos pa ba ang aking baril.








Ayos pa.









Huminga ako ng malalim bago ko muling dahan dahang itinutok sa kanya ang hawak ko.










"L-Leo... mga demonyo k-kayo!"








Hirap na hirap at halos nagsusumamo sya h'wag ko lang syang magawang patayin ngunit bakit?











Bakit ganito ang aking nararamdaman?








Gusto kong pumatay at parang nawala ako sa sarili kong katinuan matapos kong mabasa ang nasusulat sa notebook na iyon ng aking asawang si Ophelia..








Sabi nya.. buhay para sa isa pang buhay.







Naniniwala ako doon.







Kung kaya't papatayin ko sya upang mabuhay ang aking pinakamamahal.









Ang aking Lilith.










"Mabilis lang 'to. Kailangan kita kase gusto kong makasama ulit si Lilith." Para na akong isang baliw nang akin syang ngitian habang may tumutulong luha sa aming mga mata.








Gusto ko lang naman makasama ulit ang anak ko..









May mali ba don?









*BANG!*








"Sabi sayo, mabilis lang e."








Binuhat ko si Amelia.








Pinasan ko sya sa aking balikat na animo'y isang sako lamang ng bigas.








May nakausap na akong matanda tungkol sa ganitong gawain.








Tinuruan nya ako.







Sinabihan ko syang ibibigay ko ang buong lupain ko ngunit tumanggi sya at ayaw nyang magpabayad.







Hinayaan ko sya dahil wala akong pake kung ayaw nya.






Sinabi nyang hindi ito maganda.







Pero para sa akin wala nang mas gaganda pa sa naiisip kong muling mabubuhay ang aking anak na si Lilith at akin syang muling makakasama.










Natapos ang orasyon.











Inilibing ko na ang katawan ni Amelia bago ko hinukay naman mula sa pagkakalibing ang katawan ng aking anak.








Ang sabi ng matandang iyon, painumin ko ng tubig matapos kong hukayin ang patay.








At tama nga sya.








Tama din ang kung anoman ang nabasa kong isinulat ni Ophelia.









"Buhay para sa isa pang buhay."

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 723 71
Kilala si Eva Alexandra Carson bilang isa sa mga kilalang negosyante. She has everything, she has her beauty, talent, money, power and Intelligence...
284K 7.2K 30
Humanoid Series #1 Amethyst Rei was just a normal employee but for some reason, she was kidnapped and auctioned from a black market auction! The one...
2.1M 42.8K 69
"Anong gagawin mo kung minumulto ka ng matalik mong kaibigan? Humihingi ba siya ng tulong? O kasama ka sa mga nagkasala sa kanya?" Highest Rank: #1...
6.6K 372 29
This undying love story is about a young girl that's been living for all of her years with her strict parents . She's not allow to talk to any boys b...