Bloody Hell University (EDITI...

By Pherciefonie07

416K 15.1K 3.1K

We have symbol, we have fang, we bite, we kill, we study. Welcome to Bloody Hell University. A school for Vam... More

Teaser
Bloody I [EDITED]
Bloody II [EDITED]
Bloody III [EDITED]
Bloody IV [EDITED]
Bloody V - Top Blooder
Bloody VI - Three vs Three
Bloody VII - Survival of the Fittest
Bloody VIII - Face your Fate
Bloody IX - Top Ten
Bloody X
Bloody XI
Bloody XII - First Mission
Bloody XIII
XIV - First Encounter
XV - Chaos
XVI - Sheerina
XVII - A team
Characters
XVIII - Your Name
XIX - Winning Lost
XX - Reunited
XXI - Blackfist
XXII - The War has started
XXIII
XXIV - Farewell
XXV - Mia
XXVI - Revelation
XXVII - Investigation
XXVIII - Veruca
XXIX
XXX
XXXI
XXXII - Mobile Legends
XXXIII
XXXV - End
XXXVI - Epic
XXXVII - Death
The Last Battle

XXXIV

7.4K 332 153
By Pherciefonie07

Sheerina

Matapos kumain ay dumiretso kami sa sinasabi ni Meridette. Libre daw nya kaya napapayag kami. Kaming mga babae. Ang mga boys naman daw ay maghahanap ng consoles nila.

Meron naman sa bahay namin, ewan ko lang sakanila.

"Omg my nails is so pretty!" Sigaw ni Meridette ng makalabas kami ng nails salon. Tinignan ko din ang kuko ko at maganda nga talaga ang kinalabasan nito.

Kulay pula ang pinalagay ni Meridette, si Raven naman ay itim, at si Veruca ay wala. Pinalinis nya lang ang kuko nya.

Ganon din naman ang akin, katulad ng kay Veruca.

"Buti nalang nakakuha tayo ng discount." Sabi ni Veruca na mukhang nanghihina.

'Ano kayang nangyari sa babaeng to? Nung makuha namin sya mula sa headmaster, kapansin-pansin talaga ang panghihina ng kanyang katawan.'

"May discount o wala, i can pay it." Mataray na sabi ni Meridette. Pumasok naman kami sa bilihan ng console at mukhang patapos na rin ang mga lalaki.

Si Elliot ay parang batang tuwang-tuwa dahil may hawak sya na nintendo switch.

Kakaiba talaga ang mga bampirang 'to, bampira na nga, mayayaman pa

Ilang minuto lang at natapos na sila sa pamimili. Si Elliot lang ata ang may biniling laruan. Yung iba, puro cd ng ps4.

"Yes!!" Sigaw ni Elliot ng makalabas kami. Yakap-yakap nya ang nintendo switch nya.

"Kanina mo pa yakap yan." Puna sakanya ni Ellliot. Hinawakan naman sya sa braso ni Elliot atsaka ngumiti.

"Salamat hehe." Sabi nito kay Daemon. Siguro si Daemon ang bumili ng nintendo ni Elliot.

"So, uuwi na ba tayo?" Tanong ni Meridette. Hindi naman kami sumang-ayon sakanya.

"Carl, samahan mo ko." Sabi ni Raven kay Levicarl. Kelan pa nag ka-palayaw si Levicar

"San?" Tanong naman sakanya nito.

"Sa bookstore." Sagot ni Raven at pumunta ng bookstore. Mabilis na sinundan naman sya ni Levicarl.

Tumabi naman sakin si Chaos, i don't know pero kinakabahan ako. Ano ba 'to?!

"Where do you wanna go?" Tanong ni Chaos sakin. Kinagat ko ang labi dahil nagpipigil ako ngumiti! Ewan ko kung bakit ako nangingiti!

Umayos ka nga Sheerina!

"Ka-kahit san." Mahina at nauutal kong sagot. Bakit ba ganito 'tong dila ko? Umayos ka!

"Im asking you, where do you wanna go?" Tanong ulit ni Chaos, at mararamdaman mo talaga ang lamig sa boses nya!

Bakit ganito 'to?! Ang lamig ng boses!

Ilang segundo ang nagdaan pero walang salita ang lumabas sa bibig ko!

A-ang awkward!

Nagulat ako ng may biglang humila sa braso ko atsaka ako kaladkarin!

Ang ending, napatakbo ako ng wala sa oras!

Napatakbo ako na parang sobrang bagal!

Napatakbo ako at maging ang puso ko'y nakisali!

Umakyat kami sa escalator at nagtatakbo pa rin ng nagtatatakbo!

Pagod na ko! San ba kami pupunta?! Saan!? Nangangatog na 'tong binti ko!

And finally, tumigil na kami! Sa wakas!

"A-ano bang gusto ng mga babae?" Nahihiyang sabi ni Chaos. Ito ba ang dahilan kung bakit kami ikot ng ikot kanina?!

Dahil hindi mo alam kung saan ako dadalhin?!

'Chaos naman!'

Lumabas ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabing yun ni Chaos.

"First time mo no?" Mapang-asar ang tono na sabi ko sakanya. Kumunot naman agad ang kilay nya.

"What first time?" Nagtataka nitong tanong. Nagmamaang-aangan lang ba itong lalaking 'to o hindi nya talaga alam ang ibig kong sabihin?

"Wala. Tara sa department store. Bibili ako ng damit." Medyo badtrip kong sabi at inunahan syang maglakad. Naririnig ko pa ang mga sigaw nya.

"I'll buy it for you!" Sigaw ni Chaos at napatawa nalang ako.

Pagpasok palang ay marami ng nagtitinginan samin. Sobrang puti ba naman nitong kasama ko? Idagdag mo pa ang itim na itim na buhok nya.

"Bagay sila."

"Ang gwapo nung boy."

"Apaka-puti, sanaol."

"Shems bat may ganyan na mga tao?"

Bulong-bulungan ng mga tao dito sa loob. Anong bat may ganyang tao? Bampira si Chaos. Pati ako haha.

Naglakad-lakad lang ako sa loob dahil hindi ako maka-pamili ng damit.

"You must try this." Kinalabit ako ni Chaos at tsaka nya yan sinabi. May hawak-hawak syang dress na ang haba ay lagpas sa tuhod at ang manggas naman ay lagpas sa siko.

"Ano akala mo sakin? Buntis? Apaka-haba nyan Chaos." Reklamo ko dahil hindi ko nagustuhan ang dress na pinakita nya.

Sumama naman ang mukha nito at sinamaan ako ng tingin.

"Tsk." Sabi nito at tinalikuran ako. Napairap nalang ako dahil sa inasta ni Chaos. Parang bata.

Pero syempre, hindi ako makatiis.

Hinabol ko sya at kinuha ang dress sa kamay nya.

Dere-deretso akong pumasok sa dressing room para sukatin ang dress na ito. Kulay dark blue at  v-shape ito. Hindi rin naman masyadong malalim ang v nito, sakto lang.

Oo na, ako na hindi naka-tiis kay Chaos. Kasi naman sinabi ko sakanyang uubusin ko ang oras ko na kasama sya.

"Maganda naman pala." Sabi ko habang nakatingin sa salamin. Napangiti ako dahil maganda ang dress. Binun ko ang buhok ko para mas bumagay sa dress.

Lumabas na ko ng dressing room at nakita ko naman si Chaos na nakatalikod at nakaupo.

"Psst." Tawag ko sa pansin nya dahil mukhang malalim ang iniisip nito.

"Psst." Medyo malakas na ang pagkakasabi ko. At finally, tumingin na sya.

At promise! Sobrang awkward dahil nakatingin lang sya sakin at ayaw magsalita!

Ang awkward promise! Awkward level 999999!

"You.. you.." Sabi nya at talaga namang nakakapikon ang malamig nyang boses! Ewan ko kung bakit!

Basta mabuti nalang at nagsalita na sya!

"Ba-bagay ba?" Nauutal na sabi ko at pinipigilan kong yumuko. Naiilang kasi ako sa titig nya, grabe!

"You... you look beautiful." Sabi nya at nakatingin pa rin sakin. At wala na! Tuluyan na nga akong naging isang tunaw na sorbetes!

Hindi naman ako ganito e! Sheerina! Umayos ka nga!

"Let's buy it." Sabi ni Chaos at tumayo na. Dahan-dahan akong bumalik sa dressing room dahil ayaw gumalaw ng paa ko.

At dahil nga nababaliw ako ngayon, pinagsasampal ko ng mahina ang sarili ko.

Levicarl's POV

"Ano bang bibilin mo?" Hindi ko na maiwasan magtanong, 'cause she's spending a lot of time buying books.

Kanina pa kami paikot-ikot pero dalawa palang ang hawak-hawak nya.

"Basta, may hinahanap ako." Raven answered and she continue looking for books.

Napa-pito nalang ako at napasandal sa isa sa mga book shelves.

'Ang tagal-tagal. Bakit ba ganito mamili ang mga babae?'

"Yes! I finally found it!" Nagulat ako sigaw ni Raven. Kala ko tahimik lang ang babaeng to. Lumapit ako sakanya at hinablot ang libro nya.

Binasa ko ang title at itinaas ang libro. Mabuti nalang at matangkad ako.

"Give it back." Utos ni Raven, but i pretend that i didn't hear her. Instead, itinaas ko pa ang libro na nasa kamay ko.

"I think i'll keep this book." I said with a teasing voice. Napansin ko namang sumama lalo ang tingin sakin ni Raven.

I have to admit it, she's uhm.. kinda cute. Somehow.

"I said give it back." Madiin na sabi ni Raven pero i just smiled at her. Seeing her annoyed makes me happy. I don't know why. No reason.

"Give it back already. Kanina ko pa hinahanap yan." Inis na sabi ni Raven at nakakatawa ang kanyang kilay dahil sobrang taas na nito. Dinaig pa ang taas ng mt. Everest.

"It's mine now." I said at iwinagayway ang libro.

At dahil naiinis na nga sya, nagsimula na syang magtatatalon para abutin ito.

But again, she failed.

She's a short person anyway, ofcourse she'll fail.

"Levicarl." Madiin na sabi nya sa pangalan ko. Patay, tinawag na ko ng buong pangalan.

Should i return this to her?

My heart says yes, pero iba sinasabi ng isip ko.

Kaya ang sinunod ko ay ang utak ko.

Hindi ko sya pinansin at pinanatiling nakataas ang libro.

Pero sa pagkakataong 'to, she walk out.

'Yeah, you're really dead Levicarl.'

Mabilis akong nagtungo sa cashier para bayaran ang napili ni Raven.

"Raven wait!" I shouted at sinundan sya. Nang maabutan ay ibinigay ko ang libro nya.

Kinuha nya naman ito at naglakad ulit.

"Hey." Pagpapapansin ko sakanya dahil halatang galit sya.

Syempre, ikaw ba naman ang tagal mong hinanap ang isang bagay tas kukunin lang sayo ng iba.

"Hey i'm sorry." Sabi ko ulit. Patuloy akong humahabol sa lakad nyang walang kasing bilis.

Pakiramdam ko kamag-anak sya nung ostrich na nakawala sa daan e. Yung binalita.

Napanood lang namin kila Sheerina.

"Hey Raven, are you mad?" I asked her. But why did i ever asked that? Obviously she's angry.

Habang naglalakad, napadaan kami sa isang entablado at maraming mamamayan ang nandito.

And yeah, i know the reason why they are here.

It's a singing contest.

Nagsimulang kumanta yung lalaki na nasa stage. And i can say, he's really good.

Napansin ko din na nanonood si Raven. Kaya nilapitan ko sya at hindi naman sya lumayo.

Ilang minuto lang ay natapos ng kumanta yung lalaki. At nakikita ko sa mata ni Raven na talagang hanga sya sa narinig nya.

'Bakit parang kumikislap pa ang mata mo Raven? De hamak na mas gwapo naman ako don.'

"Raven, do you sing?" Napaisip lang ako dahil mukhang tuwang-tuwa sya sa naririnig nya. Pero hindi sya ngumingiti.

Pinapakita lang ng mga mata nya.

"A-ako?" Nauutal na sabi nya, siguro ay kinakabahan sya. Pero bakit naman?

"Yeah." I answered. Kapansin-pansin ang pagyuko ng kanyang ulo.

"Dati." Maikling sagot nya. Ah edi kumakanta nga sya? I bet she's a good one.

"Bakit hindi na ngayon?" Tanong ko dahil interesado ako. Interesado akong malaman ang storya nya.

"Nevermind." Sabi nya nalang at nawala ang kislap ng mga mata nya. Bumalik ito sa dating boring na boring ang itsura.

"You should sing. Now." Sabi ko sakanya at tinignan nya lang ako. Sa tingin nya ba nagbibiro ako? Im dead serious.

"Ang patimpalak ay open pa rin po! Oo tamang-tama kayo ng rinig! Mag-register lang kayo doon, doon sa gilid at makakasali na kayo! Kaya kung sino man ang mayroong ginuntuang boses dyan, aba, join na!" Sabi nung lalak- bakla? Bakla ba yung nasa stage o lalaki?

Pero anong sabi nya? Maaring umawit basta't mag parehistro lang.

Maigi kong pinagmasdan si Raven, i will make her sing.

Naglakad ako patungo sa rehistrohan. Mabuti nalamang at sobrang ikli lang ng pila.

Ilang minuto lang at ako na ang nangunguna sa pila.

"Uhm Miss." Tawag ko sa atensyon ng babaeng mukhang tagalista.

Ngumiti naman ito saakin at nagtanong.

"Kakanta po kayo Sir?" Nakangiti nitong sabi at panay ang galaw na parang kiti-kiti.

"No... pero yung kasama ko sana. Can i have the form?" Sabi ko at nakangiti pa rin nitong inabot ang papel na hinihingi ko.

Sinimulan ko itong sagutan at tsaka ibinigay sa babae.

"Sir, tatawagin nalang po kayo." Nakangiti nitong sabi at bumalik na ko kung nasaan si Raven.

"San ka pumunta?" Tanong nya at ang mga mata nya ay parang antok na antok na naman.

"Dyan lang." Sagot ko at sabay naming pinanood at pinakinggan ang mga kumakanta.

Natapos ang iilang mang-aawit. At panigurado akong si Raven na ang susunod.

Nangiti ako dahil sa iniisip ko.

'Nais kong marinig ang awit mo, Raven.'

"Up next, we have Raven! Raven lang? Wala kang apilido? Okay Raven! It's time to sing! Where are you?!" Sigaw nung lalak- bakla. Nalilito na ako sa announcer na ito.

Nang tignan ko naman si Raven, ganon pa rin ang itsura nya. Hindi nya ba narinig yung sinabi nung announcer?

"Raven, ikaw na daw ang kakanta." Sabi ko sakanya at tinignan nya lang ako na parang nagtataka.

"Raven where are you?!" Sigaw ulit nung lalak-bakla. Sigaw ulit nung tao sa stage.

Tinignan ko ulit si Raven at mukhang matatanggal na ang kilay nya sa sobrang taas. Pfft.

Itinaas ko ang kamay ko.

"She's here, she's here!" Sigaw ko at nakakunot ang kilay na tinignan ako ni Raven.

"Sing Raven." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.

Dahan-dahang bumaba ang napakataas nyang kilay at bumalik sa dati.

Nakita kong huminga sya ng malalim at nagsimulang maglakad patungo sa entablado.

Itinype nya ang kanyang kakantahin at maya maya lang ay nagsimula na itong tumugtog.

"Where you were here before..." Panimula nya. Nakapikit sya at talagang dinaramdam ang kanta.

"Couldn't look you in the eye..." Inaawit nya ang kantang Creep ng Radiohead.

Para akong lumulutang dahil sa ganda ng tinig nya. Malamig ito at mamalat-malat.

"Your just like an angel....
  Your skin makes me cry..."

Sinimulan nyang i-sway ang katawan nya. Sumasabay ang paa nya sa kanyang kanta.

"You float like a feather...
  In a beautiful world..."

"I wish i was special..
  You're so fuckin' special..."

I don't know pero sa oras na to, pakiramdam ko nasasaktan sya.

"You're one of a kind." Bulong ko. Bigla nalang lumabas ang salitang yan sa mga bibig ko.

"But im a creep...
  I'm a weirdo...
  What the hell am i doing here?
  I don't belong here..."

Pakiramdam ko may pinagkukuhanan sya ng kanta. Sa emosyon nyang yun, pati ako nadadala.

Ano nga ba ang storya mo Raven?

Daemon's POV

Kanina pa ko naiinis sa lalaking to. Kung saan saan na kami nagpunta.

Hindi na napapagod ang isang to?

Ngayon, hulaan nyo kung nasaan kami.

Syempre sa palaruan ng mga bata. That's Elliot, walang-hiya.

"Daemon gusto ko yon!" Sigaw ni Elliot habang tumatalon-talon sa laruan na tinatawag nilang 'Bowing-bowing' daw.

Itinuro nya ang cotton candy at nakanguso pa sya.

Napakamot nalang ako ng batok at pumunta sa tinuturo nya.

"One cotton candy." Sabi ko sa babaeng nagtitindi nito. Ibinigay nya naman ang binibili ko.

Pumunta na ko kay Elliot ulit na nakikipaglaro sa mga bata.

Iiling-iling nalang na kinagatan ko ang cotton candy.

"Hoy akin yan!" Sigaw ni Elliot ng makita nya ko. Tumakbo sya patungo sakin at hinablot ang cotton candy.

"Ah teka, ikaw pala mag-hawak hehe." Sabi nya at bumalik sa paglalaro ng bata.

Napabugtong hininga nalang ako.

"Ah." Sabi ni Elliot at kinunutan ko sya ng kilay.

"Ah sabi." Sabi nya ulit at ibinuka ang bibig.

Umupo ako sa tabi nya at sinubuan sya ng cotton candy.

"Ah." Sabi nya ulit at sinubuan ko na naman sya.

"Ah." Hindi nya pa yata nangunguya yung isa ah?

"Ah." Sabi nya at sinubuan ko ulit sya.

Inis nyang kinuha sakin ang cotton candy at tumingin sakin.

"Ang bagal mo. Ganito oh. Sabihin mo 'Ah'" Utos sakin ni Elliot at binubuka pa nya ang bibig nya.

"Anong trip mo?" Tanong ko habang nakakunot ang kilay.

"Bilis bakla." Sabi sakin ni Elliot. Namumuro na sakin ang lalaking 'to.

Ininganga ko na ang bibig ko at sinubuan nya ko ng cotton candy.

"Ganon dapat kabilis." Sabi nya at tinignan ulit ako ng masama. Anong nasinghot ng isang 'to?

"Wala na. Inubos mo yung cotton candy." Sabi ni Elliot. Huh?! Ako pa umubos e nakadalawang tikim nga lang ako?!

"Tara sa ice cream store." Sabi ni Elliot at sabay nga kaming tumungo don.

Nakita naman namin si Meridette at Veruca doon na kumakain ng dessert.

"Nandito ka pala." Pagpasok na pagpasok, yan ang bungad ni Elliot kay Meridette.

Pag nagsasama ang dalawang to, pakiramdam ko end of the world na sa sobrang ingay.

"Ow you're here pala." Sabi naman ni Meridette. Tss, hindi ko kayang awatin ang dalawang 'to.

Umupo si Elliot sa tabi ni Veruca at ako naman ay pumunta sa counter para mamili ng menu.

"One cookies and cream and one vanilla." Sabi ko sa lalaking nandito. Ibinigay nya naman agad ang order ko at nagtungo na ko sa table nila Meridette.

Kapansin-pansin ang pagkaputla ni Veruca.

Ah maputla nga pala talaga kami hehe.

What i mean is kapansin-pansin ang panghihina nya. At kung titignan mo syang mabuti, parang nasasaktan sya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Veruca at nginitian nya lang ako.

Sinimulan na namin kainin ang icecream na binili ko.

"Veruca i feel na may problem ka." Maarteng sabi ni Meridette kay Veruca. Sabi na nga ba't hindi lang ako ang nakapansin.

Kasi talagang kapuna-puna na parang may iniinda sya.

"Okay lang ako." Nakangiting sabi ni Veruca pero iba ang sinasabi ng mata nya.

"Don't be sad na. Look at that guy oh." Sabi ni  Meridette at itinuturo ang lalaking nasa cashier.

"Nasan dyan?" Tanong ko. Marami kasing lalaki ang nasa counter.

"Iyon oh, yung gwapo. Oh diba ang gwapo nya." Sabi ni Meridette at dinilaan ang ice cream habang nakatingin sa lalaking tinuturo nya. Pfft.

"Iyon? E hindi naman gwapo." Sabi ni Elliot. Ano na naman bang nasa isip nito? Pakiramdam ko may tumatakbo na naman sa napakalawak na isip ng lalaking 'to.

"Kung i-cocompare sayo, sad to say pero...mas gwapo sya." Sabi ni Meridette at napatawa ako ng malakas.

"Hahahaha!" Tawa ko ng malakas. At syempre, sinamaan ako ng tingin ni Elliot.

"Kanino ka ba kampi?" Inis na tanong nya. Apaka-isip bata.

"Wala." Sagot ko at inubos na ang ice cream.

"Dapat sakin ka kampi!" Sabi ni Elliot. Nahihibang na ba 'to? Lakas ng tama.

"Bakit naman ako kakampo sayo?" Nakakunot ang kilay na tanong ko. Kasi kung mag-aaway-away sila, wala akong kakampihan.

"Kasi kaibigan mo ko! Kaya dapat ako ang kimakampihan mo! Hays Daemon." Parang naiinis na sabi ni Elliot at hinihilot pa ang ulo.

Ah oo nga pala. Kaibigan ko si Elliot.

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
168K 4.9K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
2.8K 273 37
Don't you find it strange when Philippines doesn't have any Royal History unlike almost all of the country around the world? Well, Don't we really ha...
1.5K 262 21
Leonor, is a long lost child, sa edad na 4 years old ay magaling na siya makipaglaban, at higit sa lahat matalino siyang bata. Her parents is a polic...