Deceive me, Love (Buenavista...

Від Eishstories

151K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... Більше

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 25

3.4K 41 35
Від Eishstories

Chapter 25
Double


Walang kahirap-hirap niya akong nabuhat. Ngayon, pinalupot ko ang dalawang kamay sa leeg niya bilang adisyunal na suporta. Binaon ko ang mukha sa dibdib niya. Ilang yapak pa bago ko naramdamang naupo kami sa kama. Nakakandong ako sa hita niya.

"Why are you crying?" he asked, slowly caressing my hair.

Umahon ako mula pagkakayakap ng leeg niya. Yumuko ako nang siya na mismo ang pumapahid ng luha ko sa pisngi. Kinukulong niya na pala ako ng hawak sa baywang, ni hindi ko napapasin. At mukhang 'di niya ako hahayaang makaalis sa posisyong 'to.

"Huh? W-Wala naman. It's nothing..." kinagat ko ang ibabang labi.

His eyes slowly narrowed, as if he knew I was lying. "You have to tell me why, Saint. So why are you crying?"

Inangatan ko siya ng tingin. Doon, nakita ko ang labis na pag-aalala, nakapinta iyon sa mukha niya.

"It's really nothing, Range. Ano..." biglang naputol ang dila ko lalo't wala naman akong irarason! "This... mali na pumunta pa ako rito sa'yo. Pasensiya na-"

He grunted. "Hindi ka iiyak ng ganito kung wala lang, Saint. Hindi ka naman mabilis umiyak kaya alam kong may problema ka. Don't give me that nothing crap. Nagsisinungaling ka," sumeryoso niyang saad sabay higpit ng hawak sa baywang ko.

Hindi ako makaalis lalo.

"Wala nga. But, okay. Since, mapilit ka," ngumuso ako. "It's a bit frustrating and insulting. That's all. Pero hindi mahalaga. Please, bitaw na-"

"No," mariing putol niya.

Then how can I tell him about what I heard in Lucas' room? Nakakahiya naman na siya pa ang pagsasabihan ko no'n, hindi ba? But whatever, since he asked why I cried, that is my answer. Iyon na lang ang irarason ko kaysa naman aminin ko ang katotohanan, na ang pag-ignora at hindi niya pag-uwi sa tamang oras ang iniyak-iyak ko rito.

I bit my lower lip harshly.

"Uh... I was about to just give his phone back. Naiwan niya kasi sa kwarto ko-"

Tumaas ang kilay niya sa nasabi ko, halatang galit. Lumaki ang mata ko kasi alam ko agad na baka iba ang iniisip niya!

"At ano ang ginagawa niya sa kwarto mo sa ganitong oras, Saint?"

I grunted too. "Patapusin mo muna ang kwento ko kasi! Mamaya ka na magtanong. Okay?"

He sighed heavily, then nodded.

"Lucas only helped me with the stairs, iyon lang. So back to my story, he left his phone... and of course... I'll give back, 'di ba?"

Umikot ang mata niya na animo'y naiirita sa pagpapatagal ko ng kuwento. "Uh-huh? Straight to the point, please."

"Narinig ko siya. I mean... sila sa loob. I-Iyon lang,"

Bumaba ang tingin niya sa telepono ni Lucas sa kamay ko. Kinuha niya iyon at itinapon sa malayong parte ng kama niya. Nang ibinalik niya ang tingin sa akin ay nakangisi na.

Parang masaya pa siya sa sinabi ko?

He scoffed. "You finally caught them, huh? Unang kita ko pa lang do'n ay alam kong manloloko-"

"Alam mo kasi ganoon ka rin? Tama? And he is not cheating. Hindi naman kami kaya paanong cheating 'yon?" a hint of insult unconsciously escaped me.

At imbis na mainsulto ang isang 'to, pinilig niya ang ulo pagilid na animo'y nag-i-enjoy sa usapang 'to. Hindi man lang ba niya i-d-deny na manloloko siya?

He snorted and laughed without a hint of amusement.

"Fuck me. Of course... he cheated! Nanliligaw pa lang niloloko ka na? Ano pa kung sagutin mo na? Hindi mo na dapat na sasagutin 'yon," niliitan niya ako ng tingin. "At umiiyak ka dahil gusto mo iyon? Gusto mo iyong gagong 'yon, Saint?"

Iyon na. Sige nga, Saint. Paano mo na ngayon sasagutin 'yan?

Paano ko ipagtatagpi-tagpi ang kuwento sa paraang paniwalaan niya ako? Kung sabihin kong umiyak ako dahil sa narinig, aakalain niyang gusto ko si Lucas. At mas lalong ayaw ko na iyan ang mangyari. Pero ayaw ko ring maging tapat?

Damn it!

Nakainsulto ang paraan ng pagtango ni Range. Animo'y may naiintindihan siya sa pagkatahimik ko bigla. Umakma akong magsasalita pero agad niya akong inunahan.

He nodded disappointingly again. "You wouldn't cry this heavily if you don't fancy that guy-"

"Hindi ko nga gusto si Lucas, Range. Ano ba! Paulit-ulit tayo ng usapan?"

"Uh-huh? Then why are you crying like someone died? Kung makaiyak ka ngayon ay parang gumuguho ang mundo mo?" iritado niyang giit, halatang napipigtas na ang pasensiya niya.

Naniniwala talaga siyang umiyak ako dahil mahal ko si Lucas?

"Ikaw..." sabay kagat ko ulit ng ibabang labi. "Hindi mo kasi ako pinapansin buong araw tapos hindi ka pa umuwi mula noong umalis ka kanina. Nag-alala ako ng husto. Uh... iyon ang rason ko kung ba't ako umiiyak. At hindi dahil sa narinig ko sa kwarto ni Lucas."

His jaw dropped. Natawa siya kalaunan pero sa paraan no'n, parang hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa akin.

"And why did you tell me that story about the phone then?" he asked while stifling a smile.

"Duh? Side story?"

After my words, his loud laugh echoed.

Pasalamat ako na medyo madilim ang kwarto at hindi niya makikita ang pagpula ng pisngi ko sa hiya. Mas uminit ang pisngi ko nang napagtanto na hubad pala siya sa ilalim ng puti niyang tuwalya! At ngayon ko pa talaga napansin ah? Kanina pa kami sa posisyong 'to!

"I was about to go home when the rain poured heavily. At mahirap mangabayo kapag malakas ang ulan. Pinatila ko muna ang ulan kaya ako natagalan sa plantasyon. Umiyak ka nang dahil doon? Did you wait, Saint?" he asked, still grinning.

Kahahahiyang tumango ako sa mga tanong niya. Totoo naman kasi na medyo nahihintay ako sa pagdating niya. Pero ang mas iniisip ko ngayon, sa segundong 'to ay kung paano ba ako makakaalis mula sa pangkukulong niya.

"Uh. Babalik na ako sa kwarto, Range..." ani ko nang binitawan niya bigla ang baywang ko.

Agad akong tumayo mula sa pagkakakandong sa hita niya. Inayos niya ang upo sa kama at tinuko ang dalawang siko palikod. Tinitignan lang ako mula ulo hanggang paa nang may malapad na ngisi sa labi. Siguro'y natutunugan niyang naaasiwa ako sa hubad niyang katawan at mas pinapalala niya ng husto.

Ngayon pa talaga ako maaasiwa ah? Ngayon pa?

"What do you mean go back to your room? Dito ka matutulog ngayong gabi," sabay tayo niya.

Napaatras ako.

"B-Bakit ba rito?" nanginginig ang boses ko. "Doon na, Range! Kung gusto mo ihatid mo ako hanggang pintuan. Feasible?"

"Nope," sabay iling.

Pilit kong pinapapirmi ang mata sa mukha niya para hindi iyon bumaba kung saan-saan. Pero hindi ko na yata kayang magpigil pa, bumaba ang tingin ko sa tuwalya niya sa baywang. Lumunok ako.

"Magdamit ka nga kaya muna? Naaasiwa akong tignan ka kung ganiyan kang hubad,"

Bumaba rin ang tingin niya sa sarili bago ako tinignan pabalik. His corner lips rose.

"You've seen me naked multiple times before so what's the big difference now? Ganiyan pa rin 'yan, Saint." ngumisi ulit.

"Yeah. But that doesn't mean I'd like to see it now? Magbihis ka-"

I knew it. I fucking knew it!

Pumikit na talaga ako dahil alam kong huhubarin niya ang tuwalya sa harapan ko para idiin pa ang punto niya sa akin. Mabilis man akong pumikit, nakita ko pa rin, mas mabilis kasi siya.

Damn him!

Hindi ko minumulat ang mga mata. Umalingawngaw ang tawa siya sa buong kwarto. Doon, mas nag-iinit ang tainga ko. Sa pagkakataong 'to, magpapasalamat pa ako sa lupa kung lalamunin niya man ako. Pinaypayan ko ang mainit na mukha.

Kalauna'y nagtagal siya sa loob ng walk-in closet. Nakita ko na iyon na oportunidad para mauna nang matulog. Moments later, the bed hollowed. Inatake akong muli ng pamilyar niyang amoy.

Ramdam ko na tinipid niya ang buhok na nakatabon bahagya sa mukha ko. He then laughed.

"You aren't that great of an actress. 'Wag mo akong tulugan lang dito, Saint," lalo siyang natawa.

Umikot ako sa kaniya, nakapikit pa rin.

"Tulog na ako kaya matulog ka na rin."

Humalakhak siya.

Ramdam kong inayos niya ang sarili para makahiga rin. Now, I am feeling his warm breath on my cheeks. Ganoon kami ka lapit sa isa't isa. But I refuse to open my eyes just yet because this happiness might be short-lived. And I don't get to relive it tomorrow if I don't savour everything now. Masaya ako pero natatakot ako na bukas ay wala na 'to ulit, na babalik ulit kami sa pag-iignora sa isa't isa.

"I am sorry..." he said out of nowhere.

Pumikit ako lalo sa paghigpit ng dibdib ko roon. Range has no fucking idea on how many nights I cried, waiting and praying for this day to come. The day he finally wore his heart on his sleeve. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na 'to.

Hindi ako makapaniwalang... ito na 'yon. Na dadating ang araw na hihingi siya ng tawad sa lahat. Kasi sa totoo lang, sa prangkahang usapan, kahit wala itong sorry niya, unang lapat pa lang ulit ng tingin nami'y alam kong susugal ulit ako, isusugal ko lahat kung sasabihin niyang puwede pa naming subukan ulit. Kaya nga nang nahanap niya ako sa barnhouse, abot langit ang saya ko no'n. Kahit 'di ko pa pisikal na aminin.

Minulat ko ang mata.

Agad akong sinalubong ng maganda niyang mata. Pilit kong tinitignan ang mata niya kung taos-puso ba iyon at mukhang taos-puso naman. Mukhang nagsisisi nga siya o talagang iyon lang ang gusto kong paniwalaan. Either way, wala akong pakialam.

To be honest, he kinda showed me his life here before, right? Hindi niya lang pinakita ang mansiyon sa akin. Pilit niyang iniiwasan ang tanong ko noon lalo na kapag pumipersonal. He didn't deny, he simply didn't wanna answer me.

Suminghap ako. "Wala na 'yon. Hindi ako galit. Dapat nga ako pa ang mahiya sa huli kong nasabi sa'yo? Iyong bintang ko sa inyo ni Claudia?"

Totoong hindi na ako galit. Oo, sa unang araw ko rito ay nagalit ako pero kalauna'y parang bulang nalusaw ang galit na iyon. Lalo pa nang hinanap niya ako ng akala niyang nawala ako. Doon, napagtanto ko na baka ngayon, iba na.

My jaw dropped when he subtly kissed the tip of my nose.

"There was no bet at all, Saint..." pain is evident in his tone now. "They're all here to tell you that no bet happen between us that includes you. Oo, inaamin kong napag-usapan pero hindi ko iyon itinuloy. At mas lalong wala akong planong ituloy,"

I simply can't hate him, can't I? Is it because after all the pain he inflicted in me, I still love him?

Kahit ano pa ang gawin niya, babagsak na pa rin ako sa pagiging martyr. Iintindi pa rin kasi kahit anong iwas ko, kahit anong tanggi ko, siya lang ang nakikita kong mahalin sa buhay na 'to. Wala nang iba.

Ngumuso ako. "Did you get the sports car, though?"

He groaned. "It didn't happen, Saint."

Natahimik ako bigla. Kailangan ko ring mag-sorry sa ibinintang ko sa kanila ni Claudia, iyong akala ko na piniperahan niya iyon. Honestly, sobrang nahihiya akong na i-open pero kailangan. Mabigat din kasing dalhin 'to sa dibdib. Mabuting mapag-usapan na dahil 'andito na kami.

"And I am sorry also for accusing you with useless things before too. Hindi ko nga alam o baka pilit ko nang kinalimutan kung ba't ako umabot sa ganoong konklusyon..." tumawa ako pero may halong kaba na. "Nagpaniwala ako agad sa sabi-sabi ng iba sa'yo, nagpabulag ako sa inis imbis na hintayin ko ang oras na handa ka nang magpaliwanag ng side mo,"

He is just silent.

I chuckled to bring the mood up. "I was... impatient. Hindi ba'y aamin ka na rin dapat ng katotohanan?"

"Yes. That night too, Saint..." his thumb caressed the back of my palm. "I am truly sorry for my deceit. And you don't need to say sorry for anything cos it was all my fault. Hindi ka mag-assume ng ibang bagay kung una pa lang ay klinaro ko na sa'yo. Hindi ko alam kung ba't ako umabot sa buwan. Siguro'y natakot ako na mawawala ka kapag inamin ko na lahat sa'yo. Little did I know, the more I was dreading about the truth, the more you're slipping away,"

I bit my lower lip. Ako na ngayon ang hindi alam ang isasagot pabalik.

"Then are we starting over fresh? Like... this time around, no more secrets? Na kung may hindi man pagkakaintidan ay pag-uusapan natin nang may malawak na pag-iisip?"

He nodded.

"My friends are willing to explain our side to you, Saint. Talagang walang pustahan na naganap sa pagitan namin na patungkol sa'yo. They are truly sorry for-"

Natawa ako. "Ginawa niyo ba ang pustahan na iyon dahil ang suplada ko sa inyo sa Manggahan? Para turuan ako ng leksyon?"

Lumaki ang mata niya saka napakunot ng noo. "What? No. All this time, you thought that was our reason? Iba ang rason at ang pinsan ko ang may kasalanan."

Wait, may pinsan siya?

"May pinsan ka?"

"Yes, and he's to blame. Well, at least, blame him?"

Medyo natawa ako roon dahil seryoso siya. Kawawa naman kung iyong pinsan niya ang masisisi? Hindi ba dapat ay lahat kami?

Kakagising ko lang. Honestly, I woke up light after years. Siguro dahil nailabas ko lahat ng dinadala kong bigat kagabi.

Tulog na tulog si Range sa tabi ko.

Last night, I prevented him from spilling everything to me. Isa pa, what you don't know won't hurt you, right? Pinagpaliban ko nang alamin kung ano ang rason niya kung ba't niya tinago ang totoong pagkatao. Even before, a part of me always knew naman, na tinago niya ang pagkatao dahil takot siya na makatagpo ng pag-ibig na nakapalibot lang sa kayamanan niya o nang pamilya niya. Siguro'y sa rami ng babaeng dumaan sa kaniya, lahat iyon kung hindi pisikalan ay nauugnay sa pagiging Villaverde niya.

Even if he claims to be a pessimist of love before me, I knew that a part of him always longed a love like his parents.

Parati niya kasing kinukwento noon, hindi niya lang siguro na pahapway niyang naiku-kwento na hanga siya sa pagmamahalan ng mga magulang niya. And yes, he plays around, dates around, but I knew a part of him was waiting for someone to just swift him off his feet. Nag-aantay siya ng pagmamahal na hindi lang nakaiikot sa pisikalan o pera. Iyong pagmamahal na totoo at tapat.

Sa totoo lang, masakit isipin na tingin niya'y maghahabol ako sa kayamanan nila. I knew his sorry was for putting me to that pedestal just because he's too guarded. Did I prove him right, though? Kasi nang nalaman kong hindi pala siya mahirap, at ipapamana pala sa kaniya ang plantasyon, nagkumahog akong umalis.

Hindi naman ako interesado sa yaman niya o kahit ano mang kaya niyang ibigay sa akin dahil edukada akong tao. I can provide for myself, but what I can't provide myself is the genuine love he's given me before and for the past few days we've been together.

Bigla akong nabalik sa ulirat nang biglang bumukas ang pintuan ni Range. Sumungaw si Nanay roon bago tuluyang pinapasok ang sarili sa kwarto. May dala siyang tray na may kape, dalawa 'yon kaya mas nakapagtataka. Ang weird lang din na hindi siya gulat na makita ako rito, iyong inaasahan niyang nandito ako?

Nilapag niya ang tray sa breakfast table bago inilagay ang hintuturo sa bibig, pinapatahimik ako.

"Maaga pa, hija. Mamaya mo na gisingin 'yan. Mamaya na rin kayo bumaba roon," saway niya nang gigisingin ko sana ang katabi.

"Ah. S-Sige po..." iyon na lang ang nasabi ko nang agaran siyang lumabas.

Gaya ni Nanay, maingat din ang galaw ko palabas ng kwarto niya. Isa pa, hindi ako makakaalis at makakabalik ng kwarto ko kapag nagising 'yon. Minadali ko na ang pagligo at pagbihis bago bumaba ulit ng kusina. Gusto ko kasing tanungin si Nanay kung ilan nga ba ang kwarto ng mansyon.

Sa hamba pa lang ng kusina, natigil na ako. Nandito na kasi si Range at halatang kakagising lang, gulo-gulo pa ang buhok. At kahit na mabilis ang kabig ng dibdib, nagawa ko pa ring umupo sa tabi niya.

This is fucking awkward!

Pasimple niyang inabot ang kamay ko sa ilalim ng counter. Akala niya siguro'y limot ko na iyong sabi ni Marcus, huh? P'wes, ngayon natin alamin kung ilan na ang babae mo, Range.

Sinadya ko ang pagtikhim kaya napatingin si Nanay sa akin. Nahinto siya sa paghango ng niluluto.

"Nay, may tanong ako sa'yo..."

Tinuloy niya ang paghango saka tumango. "Sige. Ano ba ang tanong mo? Kung masasagot ko'y bakit hindi ko-"

"Ilan ho ang mga kwarto sa mansyon?"

Nagulat siya sa tanong at pasimpleng tinignan ang katabi ko tila nanghihingi pa ng tulong.

"I-Ilan, hija?" medyo ilang niyang sagot.

"Saint," banta ni Range sabay kumos ng kamay ko.

Agad ko siyang hinawi.

"Oo, Nay. Ilan po lahat?"

"Hmm? Sitenta'y sais lahat. Bakit mo na natanong, hija?"

Seventy fucking six?

Bumagsak ang panga ko. Gulat, hinarap ko si Range na ngumumuso lang kay Nanay. Nakita ko pa ang pagsenyas niya na para sana manahimik si Nanay. Iritado kong hinilig ang likod sa likod ng upuan.

Range sighed defeatedly.

"Sabi po kasi ni Marcus ay ganoon daw kadami ang babaeng ng isang 'to. Tama po ba ang bilang na 'yan?"

Humalakhak si Nanay. "Ano ka ba, Saint? Ang liit ng sitenta'y-sais kung iyan ang batayan mo sa mga babae n'yan. I-doble mo-"

"Nanay. Kagabi lang po kami nagkaayos niyang at ngayon mukhang ay ginalit mo ulit. Paano na 'yan?" si Range, naiinis na.

Pekeng natawa si Nanay Leticia at bahagya akong tinignan. "Ah... ganoon ba? Ba't kasi hindi mo ako pinigilan kanina?"

Doble, huh?

Продовжити читання

Вам також сподобається

163K 7.2K 33
"I have wandered in the different paths of life ... but only death can end the cycle of this bullshit ..." - Glaiza "The feeling of being alive is n...
242K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
83.9K 1.9K 43
𝙵𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟺 𝙏𝙝𝙚 𝙇𝙖𝙬𝙮𝙚𝙧 Dennilah Kadynce Lexington is a brat, party girl, and a hidden artist, who's head over heels wit...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...