Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Compiled Stories 29

102 5 0
By Sheree_Mi_Amour


Katok sa Cubicle

Pearl po ulit. Maraming salamat po sa mga nagbasa ng aking naunang kwento.

Ang kwentong ito ay pumutok noong ako'y college pa lamang. Kinuwento lang samin 'to ng aming professor pero grabe yung epekto samin nito lalo na sa aming mga babae na mahilig gumamit ng CR. Hindi ko alam kung paniniwalaan niyo rin 'to pero para sakin ay nakakatakot siya lalo na kung ikaw mismo ang makakaranas.

Kwento ito ng isang babaeng kolehiyala. Hanggang gabi ang klase nila ng araw na 'yon kaya naman nang matapos ang isang subject nila ay dali-dali siyang nagtungo ng CR. Bukas ang ilaw ng CR nang pumasok siya dahil madilim na rin naman. May tatlong cubicle ito at sa gitna siya pumasok. Walang tao sa magkabilang cubicle at tanging siya lamang ang tao nang oras na iyon.

Habang umiihi ay nakarinig siya ng mga katok sa pinto ng cubicle na pinasukan niya. Ni hindi niya man lang narinig na may pumasok pala sa CR. Nagtataka man ay malakas niyang sinabi na, "May tao po dito." Pero sa halip na tumigil ay patuloy pa rin ang pagkatok nito.

Naiinis na siya dahil mayroon pa namang bakanteng cubicle bakit patuloy pa rin siya nitong kinakatok.

Sinubukan niyang silipin ang ilalim ng pintuan ng cubicle para tignan kung may tao, ngunit wala siyang nakita.

Ganuon na lamang ang kanyang takot nang pagtingala niya ay may babaeng nakabitin sa kisame na katapat niya. Doon na siya napasigaw at takot na takot na nagtatakbo.

Ang kumakatok pala ay siyang paa ng babae habang ang katawan nito ay nagpapaduyan-duyan nang nakabigti.

Doon rin nalaman ng mga estudyante sa paaralan na yun na may nagbigti palang babaeng estudyante sa CR na yon.

Kaya mula nang kinuwento yun ng prof namin, ay hindi na kami nagsi-CR mag-isa lalo na kung may panggabi kaming klase.

Experience in Parañaque

Way back 2009. Nagwo-work pa kaming magkakapatid sa Manila that time. Tatlo kaming magkakapatid na nasa Manila. Yung panganay ay Nurse sa Hospital in Pasay (di ko na mention yung name). Yung pangalawa ay Crew ng isang fastfood chain then ako Sales Lady sa isang mall sa Baclaran. Umuupa lamang kami ng boarding house sa Parañaque. Mabait yung may-ari pati, parang anak na ang turing saming tatlo. Kadalasan ako yung nauunang umuwi ng bahay saming tatlo, so ginagawa ko naglilinis, nagluluto at naglalaba na ako. Kalimitan gabi na ako nakakauwi. Pinakamaaga na ang 7pm.

One time, ako lang ang tao sa boarding house, naglalaba ako sa labas. Biglang may tumakbong bata sa likod ng kwarto namin. akala ko anak nung may-ari ng bahay. So ginawa ko, sumigaw ako na wag pumasok sa loob ng kwarto. Then walang lumalabas. Nagtago kasi yung bata sa likod ng pinto. Ginawa ko tumindig ako at pinuntahan ko. Pagbukas ko ng pinto wala siya don. Kinabahan na ako. Naiiyak na ako kasi di pa ako tapos maglaba. Napakarami pa naman ng labahin namin non. So pinagpatuloy ko pa din. Then ilang buwan ang nakalipas. Nagising naman ako ng mga past 12am na siguro. Nagbanyo ako at naiihi na ako. After kong makaihi may tao sa kusina. Nakaharap sa lutuan. Kamukhang-kamukha siya ni tatay. Alam ninyo yung feeling na gising ka na ewan na parang antok pa. ganun ang feeling ko ng oras na yun. magsasalita na sana ako na "tatay anong niluluto mo?" nang biglang nawala yung matanda tapos dun ako biglang nagising ng tuluyan. tumakbo ako pabalik ng kwarto. Naikwento ko kinabukasan dun sa anak, sabi baka tito daw nila. Matagal na daw patay yun, namatay sa sakit.

Hindi ko alam kung may third eye ba ako or wala. Minsan kasi nakaka-experience din akong managinip ng mga taong namatay na. Kadalasan dun sila naghahabilin, Nangungumusta sa mga asawa nila. Hindi ko alam. Nung tina-type ko nga ito feeling ko may tao sa likod ko kasi natindig balahibo ko. Marami pa akong kwento. Kapag na-post ito magkukuwento ulit ako.

Midnight Laundry

Itong kwento ko ay nangyari sa asawa ng kapitbahay namin at naikwento niya sa amin kasi malapit siya sa pamilya ko. Malalim na ang gabi noong naisipan ng asawa niya na maglaba sa labas ng bahay. Tawagin nalang natin siyang si Ate Daya. Hindi naman delikado sa lugar namin kasi dikit-dikit yung mga bahay at kahit malalim na ang gabi eh safe pa din kasi magdamag gising yung mga tambay. Bale nangungupahan yung mag-asawa at wala pa silang anak nung mga panahong iyon. Back to the story, naglalaba si Ate Daya kasi hindi pa nauwi yung asawa niya dahil naka-duty pa bilang Security Guard. Wala naman sa isip ni Ate Daya na merong mangyayari na kakaiba dahil safe nga siya. Sa kalagitnaan ng paglalaba, merong dumaan na isang batang babae at napaisip si Ate Daya bakit may nalabas na bata eh ang lalim na ng gabi. Tiningnan niyang maigi yung bata baka kasi anak lang ng kapitbahay namin, mukha daw 3-5 years old yong bata at malinis naman tingnan pero hindi niya talaga makilala kung kaninong anak yon. Patuloy lang sa paglalakad yung bata at yung likod nalang niya ang nakikita nang unti-unting naramdaman ni Ate Daya na parang may mali. Hindi niya iniwanan ng tingin yung bata hanggang sa dahan-dahang lumingon yung bata na nakangiti ng malapad and in a creepy way. Namalayan nalang ni Ate Daya na nakaharap na sa kanya yung bata na malapad pa din ang ngiti at hindi gumagalaw. Biglang napatakbo si Ate Daya sa bahay at nag-lock. Hindi na niya alam kung bata ba talaga yon o hindi.

Ikaw, nanaisin mo pa bang maglaba kahit disoras na ng gabi?

Finity.chic

Abandoned Hospital

Hi spookify readers. Just call me Jerome. I just want to share my experiences sa aming pagpasok sa isang abandoned hospital.

Nagsisimula nang magdilim at malapit na kami sa abandoned hospital, naglalakad lamang kami. Kaming lahat ay magkaka-schoolmates and classmates. Pagdating sa hospital ay tumambad agad sa amin ang mga guwardiya, pinapaalis kami ng mga ito sa kadahilanang bawal pumasok dito, kailangan ay may permiso ka mula sa office.

Napakalaki nito at ang creepy, puno ng vandals ang mga pader at napakadilim sa loob.

Tinanong namin ang mga guwardiya kung meron ba silang nakikita o nararamdaman dito, ang tugon nila ay oo, hinahayaan nalamang nila ito at sanay na rin sila.

Dahil sa aming curiosity ay nagpumilit kaming pumasok sa loob, nagkunwari kaming umalis upang di mahalata ng mga guwardiya at saka kami bumalik. 40+ kami at 15 lang kaming pumasok. Ayaw sumunod ng iba dahil sa takot. Sa mga oras iyon iniisip ko ay minsan lamang ito kaya't kailangan kong gawin. Sa likod kami dumaan. Umulan ng araw na iyon kaya't basa ang sahig, sama-sama kami na dala ang aming mga flashlights. Bawat silid ay iniilawan namin talagang nakakatakot dito at malamig ang hangin. Tahimik kami upang hindi marinig ng guwardya.

Sa pang anim na silid na aming nakita kalahati samin ay pumasok dito. Nang makarating kami sa gitna ay may malakas na tunog kaming narinig sa silid na iyon. Tunog ito ng nahulog na kahoy or anumang mabigat na bagay. Ngunit sa silid na iyon ay walang laman kaya't nagsigawan kami. Agad kaming nanahimik upang di marinig kaya't tumuloy na kami. Lahat kami ay napahinto ng makakita kami ng babaeng nakatayo sa hallway, nagtakbuhan lahat pabalik kaya't nagkatulakan, lumingon muli kami ngunit nawala na ito. nadesisyon kaming maghiwahiwalay (3 sa bawat grupo).

Nagsimula kaming maghiwa-hiwalay todo kapit sa bawat isa sa sobrang takot, ang aming grupo ay narating ang morgue kung saan may bumato sa aking ulo.
Ako: "Joshua ano ba!"
Joshua: "Bakit?"
Ako: "Huwag kang mambato"
Joshua: "Di ako yon"
Biglang may bumato rin sa kanya
Joshua: "Aray!"

Nagsimula kaming magtakbuhan. Habang tumatakbo kami ay napalingon ako sa likod at doon ako nakakita ng lalaking nakaputi masama ang tingin samin nito. Tila ba may nagambala kami sa lugar na iyon.

Sa pag-akyat namin sa ikatlong palapag ay may bumato na naman sa amin nakarinig kami ng tumatawang babae kaya't kinilabutan kami. Nagdesisyon kaming bumaba na ngunit sa pagbaba namin sa hagdan ay parang paulit-ulit lang ang aming dinaraanan. Di kami makababa. Para bang naengkanto kami almost 5mins kaming bumababa sa hagdan ngunit di kami makababa. Kaya't binaligtad namin ang aming damit at nakababa na kami, sa aming pagbaba ay may nakita kaming batang nakapula, tumatakbo ito at nakatingin samin. Napahinto kami sa gulat at takot. Nagkita na kaming lahat sa ground floor at sabay-sabay na lumabas. Maaaring may mas grabe pang naranasan ang iba naming kasamahan (ibabahagi ko ito sa susunod kong kwento).

Yun lamang po at maraming salamat sana ay nagustuhan ninyo.

-Pampanga

May iba pang kasama sa bahay ang Tita ko

Hello po. First time ko pong mag-post dito. Share ko lang po sainyo yung na-experience ko. Sana ma-approve mo po admin. Salamat!

Tatlo yung bahay sa residence ng tita ko. Yung una, kina mama't papa nya (lolo't lola), sunod yung bahay ni tita, at yung pangatlo wala ng nakatira doon matagal na rin kasi yung bahay na yon. Every weekend, doon kami natutulog ng kapatid ko kina tita kung wala ang asawa nya kasi dalawa lang sila ng anak nya natutulog sa bahay nila. Nung una, wala pa masyado akong nararamdaman pero habang tumatagal parang may kakaiba na.
Naglalaba ako ng mga damit that time, ako lang mag-isa. Mga 5pm na ako natapos. Sa lumang bahay ako nagsampay ng mga damit. Ang tahimik. Tapos feeling ko parang may nakatingin sakin. Parang may nakamasid sakin mula sa gilid at likod ko. Ramdam ko talaga meron. Akala ko pa nun pinuntahan ako ng kapatid ko kasi ramdam ko may pumasok tapos pagharap ko sa pintuan, walang tao. Malapit ng magdilim kaya binilisan ko kasi di ako mapakali.

Tapos na kaming mag-dinner, nauna na sa kwarto si tita, aayusin nya raw muna kasi don kami matutulog. Sa sala kami, nanonood yung kapatid ko ng TV tapos ako gumagamit ng laptop na katabi ng tv. Pasado 10pm pinatay na ng kapatid ko yung TV tapos pumasok na sa kwarto, ako na lang ang naiwan sa sala. Sabi ng tita ko patayin ko nalang yung ilaw sa sala. Kaya ayon pinatay ko. Madilim (syempre). Yung laptop na lang ang umiilaw at yung sa gilid ng pintuan ng kwarto ni tita. Yung feeling ulit na may kasama ako, kahit nakaharap ako sa laptop feeling ko sa likod ko may nakaupo sa sofa. Imbis na mag-laptop pa ako, in-off ko na agad. Natural lang yung kilos ko pero nagmamadali na akong pumasok sa kwarto!

Ready na yung higaan, pero di pa sila natutulog. Kahihiga ko lang tapos gusto kong mag-cr. Nagpapasama ako sa kapatid ko sa cr kaso ayaw nya kesyo malapit lang daw. I have no choice kaya lumabas ulit ako mag-isa. Binuksan ko yung pintuan sa dining room pati ilaw. Nung pabalik na ako, pinatay ko na yung ilaw kaya madilim ulit. Pagkasara ko ng pinto sa kusina, saktong pagharap ko ay may nakita ako! Babae, nakaputi ng damit at nakalutang tapos may usok guys huhu. Bigla akong nilamig. Lumabas sya sa katabing kwarto ng tita ko. Walang natutulog don! At kaming apat lang sa bahay! Di ko maklaro yung itsura nya basta mahaba buhok. Patakbo syang lumabas galing kwarto diretso sa sala. Di naman talaga as in takbo, parang inihip sya ng hangin kasi may usok na kasama. Kaharap ng kwartong yon ang sala. Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at kaba.  Madali akong pumunta sa kwarto ng tita ko. Inuna ko muna yung paa ko ipasok sa pinto bago yung katawan ko kasi baka may humila sa paa ko huhu. Grabe pa rin yung kaba ko. Hindi ko sinabi kay tita yung nakita ko baka di siya maniwala. Pagkaumaga umuwi na kami sa bahay, kinuwento ko agad kina mama at papa. Kahit mismo si mama pag pupunta don sa bahay nila tita mabigat yung paa nya. Lalo na raw sa cr. Hanggang ngayon di ko pa rin nasasabi sa tita ko yung nakita ko sa bahay nila. Umpisa non, di na ako nakikitulog sa kanila.

Apple, 2020
Visayas

Continue Reading

You'll Also Like

Turo Game By Nhico Divelton

Mystery / Thriller

32.6K 1K 25
Matapos ang bangungot na naranasan nina Marissa at Kevin sa bayan ng Kalu ay namuhay sila nang payapa at bumuo ng isang masayang pamilya. Lahat ng mg...
2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
6.8K 433 25
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza
87.5K 2.3K 60
๐’ž๐‘œ๐“‚๐“…๐“๐‘’๐“‰๐‘’๐’น ๐ŸŒธ Ako ay isang ๐˜„๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐˜†. Oo, white lady! Daig ko pa ang mga model ng shampoo sa haba ng hair ko. Akala nyo ba wala pan...