The Substitute Teacher

By Real_Blink22

111K 2K 268

Jennie Kim is the definition of perfection in Lisa's eyes. The Substitute Teacher really got her head over he... More

DISCLAIMER
TEASER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen (M)
Chapter Seventeen (M)
Chapter Eighteen (M)
Chapter Nineteen
Chapter Twenty (M)
Chapter Twenty-one (M)
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six (M)
Twenty Seven (M)
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three (M)
Thirty Four (M)
Thirty Five (M)
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine (M)
Forty (M)
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven

Chapter Five

1.9K 57 1
By Real_Blink22

Circle of Friends

Lisa's POV


"Joke lang. Hahahaha! Masyado kang seryoso Lisa." hagalpak na tawa niya. Puta, hindi yun nakakatuwa ah!




"Gusto mo bang bumangga tayo? Mag-drive ka na." wika ko na may halong tampo. Ngiting aso naman ang isinukli niya.




"Ehh. Wag ka nang magtampo. Ito naman. Malay mo, baka ikaw talaga ang tinutukoy ko. Hahaha!" natatawa niyang tugon. Hinampas ko naman siya kaagad. Hindi na ako nagsalita pa dahil magpa-park na kasi siya.


+++


Matapos makapag-park ay diretso ako sa pakay ko. Tatambay na muna ako malapit sa office ni Ma'am Jennie para makita ko pagdating niya at maumpisahan ang araw ko nang masaya kaya kailangan ko siyang makita.




Pumasok na ako sa gate nang may nag-cling sa akin. Oo nga pala, kasama ko pala si RoseAnne. Dinala ko nalang siya sa bagong tambayan ko simula ngayong umaga. Ang benches na malapit sa faculty office kung saan makikita ko lang ang dadaan at papasok sa loob.




"Bakit tayo andito Liz?" takang tanong ni Rosé.




"Wala lang. Dito kasi ako tumatambay minsan eh." pagsisinungaling ko sa kanya. I saw how she made face but I wasn't really sure if it was clear that she has done it. Namamalik-mata lang siguro ako kaya binalewala ko nalang yun.




"Teka Liz. Ano ba ang account names mo sa mga social media? I-aadd kita." tanong niya habang nakahawak sa kaliwang kamay ang cellphone niya. Naka-ready na ito sa Facebook app. Mukhang ise-search niya kaagad dun.




"Lalalalisa_m sa IG. Lalisa Manoban naman sa FB." sagot ko. Nagpapasalamat ako dahil may naalala ako. I need to check if Jennie accepted my friend request on Facebook.



"Yes!"




Napatalon ako sa tuwa nung makita kong na-accept ang request ko. Hindi ko in-expect na accepted agad friend request ko kaya laking tuwa ko. What a great day!!




Nagtaka naman si Rosé sa inasta ko kaya nagtanong siya.




"Anong nangyari!?"




"Ahhh wala. Hehe." sagot ko naman. Hindi naman pwedeng i-share ko sa kanya yung pag-accept ni Ma'am Jennie sa'kin dahil magtataka lang siya at uulanin ako ng tanong panigurado.




"Wala daw. Pero makatalon daig pa nakipag-rebound sa basketball." dinig kong sambit niya at ibinalik na niya ang atensyon sa cellphone niya.




Binalewala ko nalang yung sinabi niya. Hindi pa kasi nagsi-sink in sa akin ang pag-accept sa'kin ng Jennie ko.




Ini-stalk ko account niya. Tangina! Ang ganda talaga! Gusto ko ngang paulanan ng heart reaction lahat ng posts niya kaso baka mag-freak out si Ma'am at sabihin pang stalker ako. Hindi pa naman maganda first impression niya sa akin. Huhu.




Nakangiti akong nag-scroll down pa hanggang sa may nag pop-out na notification. Nung tiningnan ko ay friend request pala galing kay Chaeng. Kaya in-accept ko kaagad.




Nakita kong ngumiti siya sa akin. Ibinalik naman niya kaagad ang atensyon niya sa cellphone niya. Ilang segundo lang ay nagsalita ito.




"Ano ba naman 'to Lisa. Puro naman pusa nasa pictures mo, tapos mga shared memes. Wala ka bang picture na sayo lang? Mag selfie-selfie ka naman."




"Eh nakakatamad mag-picture eh." sagot ko naman. Nakakatamad naman talagang mag-selfie. Kailangan pang humanap ng magandang angle kung saan ka maganda. Tapos magi-edit pa kapag pangit. Isa pa, wala akong pang-filter na applications. Basta! Katamad yang selfie-selfie na yan. Hindi naman ako katulad nang ibang babae na halos lahat ng galaw pinipicturan.




"Halika nga. Selfie tayo. I-post mo 'to sa wall mo or sa IG mo ha!" pag-aalok niya. Wala naman akong nagawa kasi lumapit na siya at naka-ready na ang camera ng cellphone niya. Kaya pinagbigyan ko nalang.




"Oh diba! Ang ganda mo nga dito oh! Isi-send ko 'to sayo mamaya. Upload mo ha." request niya.




"Okay okay." tipid na sagot ko.




Ilang saglit pa ay napadako ang mata ko sa dyosa na dumating. Heto na naman tayo. Tulo-laway na naman.




Naglalakad siya sa pathway patungong office. Tangina! Parang tumigil ang oras. Wala akong nakikitang ibang tao kundi isang dyosa lang na naglalakad. Nangangatog ang tuhod ko. Babagsak ata ako sa lupa. Ganoon ang epekto ng existence niya sa akin.




Lalo akong nawalan ng lakas ng hinawi niya ang hibla ng buhok niya para maisabit sa tenga. Bakit ba ganito. Napaka-perpekto niya. Ang mukha, ang katawan, ang gestures, lahat-lahat perfect.




"Heyyy! Lisa!" tawag atensyon sa akin ni Rosé kaya medyo nagulat naman ako.




"Ah yes, why?" sambit ko nalang.




"Ano bang nangyari sayo? Natulala ka diyan. Ano bang tinitingnan mo?" wika niya at sinundan ang tingin kong saan ako nakatingin kanina. Mabuti nalang at tuluyan nang nakapasok si Ma'am Jennie sa opisina niya.




"Wala wala. Tara na. Malapit nang magsimula klase natin." sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay niya. Tumayo naman ito at sumunod nalang.


+++


"Chu! Good morning. This is Rose Anne Park. Our new friend. You can call her Chaeng or Rosé. And Chaeng, this is Jisoo. May bff." ngiting pagpapakilala ko sa kanila.




"Oh hello Jisoo. Nice to meet you!" bati ni Rosé kay Jisoo sabay abot ng kamay. Ngumiti naman agad si Jisoo at tinanggap ang kamay ni Rosé.




"Nice to meet you too Chaeng! Nakakatuwa naman. Nadagdagan na tayo." wika ni Jisoo. Halata ngang masaya siya sa bagong kaibigan namin. May pa palakpak pa ito. Mukhang shunga lang. Hahaha! Kaya nga mahal ko 'to eh.




"Oo nga. Pansin ko, kayo lang dalawa palaging nagsasama. Wala ba kayong ibang kaibigan?" tanong ni Rosé.




"Naku! Itong si Lisa kasi eh. Mapili kung sinong kakaibiganin. Marami namang gusto, pero sinisimangutan lang nito eh!" litanya ni Jisoo sabay mahinang batok sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin.




Jisoo's right. Mapili ako ng kaibigan. I don't know. It's just that whenever I look at their eyes, those who want to befriend me, I can sense already that they just wanted something from me. Maybe because of what I experienced when I was a kid. Maraming nawi-weirduhan sa'kin.




Marami namang lumalapit, at kapag tinataboy ko, lumalayo na agad. Kumbaga, hindi sila seryoso. May gusto lang silang makita o makuha galing sa akin, yun ang palaging nararamdaman ko. Kaya nga nagtaka talaga ako kung bakit ang dali lang para kay Rosé na kunin ang tiwala ko. Siguro, iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Wala akong nasi-sense na gagamitin lang niya ako o tatraydurin pagdating ng panahon. Siguro yun ang dahilan kung bakit magaan agad ang loob ko sa kanya. Para akong may super powers pagdating sa mga taong gustong makipagkaibigan. HAHAHA! Judgmental na ako kung yun ang tingin nila sa akin, pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Hindi ako mabubuhay ng mga paninira at tsismis. Hindi ako napapakain nun.




Si Jisoo naman, nakilala ko nung first year high school ako. Simula noon ay palagi na kaming magkasama. Ganun din pareho kay Rosé, magaan agad loob ko sa kanya noon. Ang nakakatuwa pa doon ay magkakilala parents niya at parents ko. Magka-batch daw ito noong highschool palang sila.




"Alam niyo, maupo na tayong lahat. Dadating na instructor natin ngayon." pagkasabi ko ay siya ngang pagdating ng instructor. Sa pagkakatanda ko, si Ma'am Krystal ito. Second subject pa namin si Ma'am Jennie pero okay lang naman. At least nakita ko na siya kanina.





Maganda din itong si Ma'am Krystal. At matalino din. But I find her weird though, because I always caught her glancing on me. And will smile seductively. I mean, seryoso ba siya? Hinding-hindi niya ako maaakit dahil die hard ako sa Jennie ko. Kahit nga kapag tinatawag niya ako minsan, pinapatunog sexy ang boses niya. Hello!! Teacher siya no? Hindi pwede dahil baka ma-demote siya dahil ipapatawag ko talaga siya sa guidance counselor. Pwera nalang kong si Ma'am Jennie dahil talagang magpapa-alipin talaga ako doon. Wews!! Hahaha!



+++


"Goodbye class." pagpapa-alam ni Ma'am Krystal matapos ang klase niya sa amin. Sa'kin pa nakatingin ito habang naggo-goodbye at may pa smile pa. Ngumiti nalang din ako dahil baka masabihan pa akong walang respeto sa mga staff ng school na'to.




"Tara. Sa cafeteria tayo. Nakakagutom ang leksyon ni Ma'am Krystal eh." pag-aya ni Jisoo sa amin. Agad naman akong sumang-ayon dahil ibig sabihin nun, ay madadaanan ko ang crush ko. Eehee!




Tinawag din ni Chuu si Rosé para yayain din. Sumama naman ito.




Nang binabaybay namin ang daan patungong cafeteria ay may sinabi si Rosé.




"Pansin mo ba Jisoo, na parang nagpapa-cute si Ma'am Krystal kay Lisa?"




"Hahaha! Actually Rosé, matagal na yan. Simula palang ng first day of school. Nung first time naming meeting sa kanya, introduction yun dahil nga first day of school, panay follow-up questions siya kay Lisa noong si Lisa na nag introduce sa sarili niya. Hahaha! Halata ngang na badtrip 'to si madam natin dito dun eh. Hahaha!" wika ni Jisoo. Hindi ko malilimutan yun. Biruin mo, halos sampung question ibinato tungkol sa personal ko na buhay. Invasion of privacy yung ginawa niya nun eh, hindi introduction. Kaya sinong hindi maba-badtrip? Eh ako lang tinanong ng ganun habang mga kaklase ko, names lang nila, upo agad. Sana hiningi nalang niya number ko at tinext nalang ako. Hmmp. Hindi rin naman ako magbibigay sa kanya. Hahaha!




"Nako Liz. Mag-ingat ka sa haliparot na yun. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang taong yun, sa hulma palang ng mukha. Hahaha!" sabi ni Rosé na ikinatawa ko din. Iba 'tong mga kaibigan ko, mana sakin. Kaya nga magkaibigan kami dahil similar kami pagdating sa pangdya-judge ng tao eh. Hahaha!




"Subukan lang niya, makakatikim talaga siya akin. Teka, I mean hindi makakatikim. Ay puta ang labo! Tara na nga!" sabi ko at hindi na ako naghintay pa na may magsalita pa. Hinila ko nalang sila patungong cafeteria.


+++


Sa kasamaang-palad, wala si Ma'am Jennie sa office niya. Kaya medyo badtrip ako ngayon. Hindi ko lang pinapahalata sa mga kasama ko. Lalung-lalo na kay Jisoo. Jusmeyo, wala pa namang preno mang-asar ito kapag nasimulan na niya. Pero kung siya naman asarin, pikon kadalasan. Haha!




Si Rosé naman, mukhang hindi pa tamang panahon para sabihan ko siya about kay Jennie. Ewan ko ba. Parang may pumipigil sa akin na sabihan siya.





Habang kumakain kami ay may napansin akong magandang babae mula sa juniors yata. Isa siya sa bumubuo ng government sa school. President or vice president, hindi ako sure. Basta, nasa dalawa lang. Kilala ko ito dahil ito ang crush ni Jisoo. Si Jihyo.




Agad naman akong tumingin kay Jisoo. Kumakain lang ito at medyo tahimik. Hmmm.




"Chuu! Alam ko na kung bakit natahimik ka? Hehe." pagsasalita ko sa kanya.




"Lisa please, wag ngayon." nahihiyang sambit niya.




"Chuu! Di ko alam na duwag ka pala? Eh halata naman na may gusto din sayo yang si Jihyo eh. Bakit ayaw mong pormahan? Naku! Marami pa namang nagkakandarapa diyan." wika ko sa kanya.




"Talaga ba Lisa!? Crush ba niya yun!?" gulat na tanong ni Rosé sa'kin.




"Please naman guys. Hinaan niyo boses niyo baka may makarinig." asar na wika ni Jisoo sa amin ni Chaeng. Napipikon na nga. Hahaha! Kaya shut up nalang ako at ganoon din si Rosé.




Ilang saglit lang ay lumapit si Jihyo sa amin. Kapag nagkikita kami kahit saan ay lumalapit talaga ito sa amin para bumati. Pero alam kong way niya yun para magpa-pansin kay Jisoo.




"Hi guys. Hi Jisoo!" ngiting bati ni Jihyo sa amin pero kay Jisoo nakatutok. Alam na!




"Oy Jihyo! Hello!" bati ko naman sa kanya.




"Hello. Ako nga pala si Rosé. Nice meeting you!" bati naman ni Chaeng kay Jiyho. Habang si Jisoo naman ay panay yuko lang. Parang dinadasalan ang pagkaing nasa harap niya.




"Hoy Chuu! Hi daw sabi ni Jihyo oh!" bulong ko kay Jisoo. Walang nagawa si Jisoo kundi bumati rin pabalik. Pero matapos bumati ay nakipagtitigan na naman sa pagkain niya. Simpleng 'Hello' lang ang sinabi nito kay Jihyo. Mukhang na-dismaya naman si Jihyo sa hindi pagpansin ni Jisoo sa kanya kaya nagpaalam na ito para bumalik sa pwesto niya kasama ang kasamahan niya kaniya.




"Alam mo Jisoo, ang cute-cute niyong dalawa ni Jihyo. Bagay na bagay kayo. Parehong torpe hahaha!" pang-aasar ni Chaeng.




"Kung liligawan mo yan Chuu, hindi pa mag-iisang segundo, sasagutin ka na nun agad. Ang duwag mo lang kasi eh! Eh kung ako kaya manligaw sa kanya Chuu, okay lang ba? Alam mo, maganda siya ha. At mabait pa. Sarap siguro magmahal yang si Jihyo." pang-aasar ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Yung tinging nakamamatay. Hahaha! Pikon talaga eh!




"Joke lang. Hahaha!" nasabi ko nalang. Tumawa lang din si Rosé.





Nakakatuwa na may kaibigan na ganito. Sana ganito nalang lagi sa buhay. Puro tawanan.






To be continued...



✓✓✓



Vote. Comment. JenLisa pa rin mga ulol! 😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...