Let Me Be Your Mistress My De...

By Shining_Thinker

348 79 5

This is a story about how Allison Rae Alcantara become the Mistress of her First Love Ps. This is the first t... More

Authors Note
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN

CHAPTER THREE

29 9 0
By Shining_Thinker

Maaga ako nagising ngayon dahil gusto ko ako mag luto ng Breakfast ni Mommy. Pumunta muna ko sa palengke para maka bili ng gagamitin kong sangkap para sa lulutuin ko ngayong umaga at para na rin sa tanghalian at gabihan.


Nang makabalik sa bahay ay tulog pa din sila Mommy at Ninang, napuyat siguro kagabi, pano ba naman halos mag mamadaling araw na nung natapos sila sa pag chichikahan nila halatang-halata na namiss nila ang isa't isa.


Ganyan na talaga sila Mommy at Ninang noon pa man. Magkaibigan na kasi sila mula pagkabata pa lang kaya di mo rin mapag hihiwalay ang dalawa na yan kahit madalas na nagtatalo.


Malaki ang utang na loob namin kay Ninang dahil parang sya na ang tumayo kong ama dahil tinulungan nya si Mommy hanggang sa mapanganak na ako, kaya nga kami ang sinisisi nya kung bakit di daw sya nagka jowa dahil mas inuna nya kami kesa sa love life nya, alam ko naman na nagbibiro lang siya na kami ang may dahilan kung bakit wala siyang love life dahil kahit noon pa naman daw ala na talaga siyang love life sabi sakin ni Mommy. Mahal na mahal ko yang Ninang ko na yan dahil mula pagka bata pa lang apaka bait na sa akin ni Ninang kahit na minsan nag mamaldita sya.


"Ayy taray may ano?, bat ang aga mo ata nagising ngayon ha Allison, suko ka na bang palitan si Sleeping Beauty sa patagalan sa pagtulog?" Tanong sa akin ni Ninang habang nakatingin sa akin na animoy naka kita sya ng isang milagro.

"Grabe ka naman Ninang di ba pwedeng gusto ko lang gumising ng maaga para mapag luto kayo ng agahan". Tugon ko kay Ninang habang nilalamas ang kanin na isasangag ko.


Biglang lumapit sa akin si Ninang at sinalat ang noo ko

"Ala ka namang sakit ha, teka ikaw ba talaga yan Allison?........ Kung sino ka man na nasa katawan ni Allison layuan mo ang katawan ng inaanak ko" sabi ni Ninang habang niyuyugyog ang katawan ko. Diko naman naiwasang matawa.

"Ninang Mojo JoJo ako ito ang pinaka maganda mong inaanak sa balat ng lupa" sabi ko habang tinuturo ang sarili.


"Ayy ikaw nga yan, sayang naman kala ko naman may kumuha na sayo edi sana ala nakong mahangin na inaanak" kunwari disappointed na hayag ni Ninang.


" Ninang edi kung nakuha ako ala ka nang inaanak, ako lang naman talaga ang inaanak mo remember? Hahaahah" natatawa ko naman na tugon kay Ninang. Napatawa na rin si Ninang

" Ayy oo nga pala ikaw nga lang pala ang inaanak ko hahahahaha".


Napuno ang kusina ng tawanan namin ni Ninang. Maya maya pa nagising na din si Mommy.

"Wow, mukang masarap ang niluluto ng anak ko ha, ano ba yang niluluto mo?".

" Gising ka na pala Mommy tamang tama luto na tong adobo kaya maupo na kayo ni Ninang at mag hahain nako" masayang sabi ko kay Mommy na ngayon ay umupo na sa upuan katabi si Ninang.


Natapos ang umagahan namin na puno ng tawanan at asaran, pareho naming inaasar ni Mommy si Ninang na makakalimutin na dahil nakalimutan niyang ako lang naman ang inaanak niya. Napag kwentuhan din namin ang tungkol sa raket namin ni Melody mamayang gabi, ala naman na silang masyadong comment at pinag ingat nalang kaming dalawa ni Melody.



Saktong alas-singko nang dumating si Melody sa amin para sunduin ako, alas siete pa talaga ang bukas ng Bar pero maaga kami pupunta dahil mayroon pang orientation na gagawin dahil parang may program pa ata mamaya sa Bar. Okay lang naman na maaga din kami pumunta para ma familiarize ko yung lugar para naman di ako maligaw, medyo may kalakihan daw kasi yung Bar sabi sakin ni Melody at isa pa dapat maaga din kaming umalis dahil medyo may kalayuan din ang Bar mula sa amin.



Alas-sais na kami nakarating ni Melody dahil walang masakyan. Nang makarating kami doon ay saktong nag sisimula na ang orientation.



"Okay, So I guess nandito na ang lahat" wika ng babaeng naka salamin na sa tingin koy Manager nitong Bar na ito.


"Okay may tatlo kayong dapat tandaan pag nag simula na ang Party sa Bar, ang Una, Always smile. Dapat lagi kayong naka ngiti para naman matuwa ang mga guest natin, kahit na medyo naiinis na kayo sa ilang lasing na Customer, still try to smile, I don't care even if it's a fake smile as long as your smiling it's fine with me. I want every staff on this Bar be remembered as a happy and lively staff not a grumpy one is that clear?" Tanong samin ni Ms.Manager. Sumagot naman kaming lahat dahil baka mapagalitan pa kami, muka pa namang mataray itong si Ms. Manager, ala siguro tong jowa, ganyan din kasi si Ninang e.

Diko mapigilan na mapahagikgik dahil natawa ko sa naisip ko.

"The girl at the back, what's so funny ?" Nagulat naman ako dahil bigla akong natawag ni Ms. Manager

"Ah w-wala po may naalala lang po" kanda utal utal kong sabi.


"Care to share?" Tanong nya sakin, napailing naman ako kaya tumigil na siya at nag patuloy sa orientation.

"So for the second rule, Don't make fun on Customer, is that clear Ms. Girl at the back?". Napatingin naman ulit ako sa kanya at napatango nalang dahil halos lahat ng kasama namin dito naka tingin sa akin, 'hays pa epal naman nitong si Ms. Manager pinapahiya pa ako '

"And for the last rule be Obedient, you need to follow all the orders of the Customer as long as it's right and it will not harm you..... so that's all,  you can change your clothes now on changing station because the Party will begin in less than half an hour".


Matapos ng orientation nag tungo na kami ni Melody sa changing station.



"Huy besh mataray ba talaga yung si Ms. Manager?" Nagtataka kong tanong kay Melody.


"Hay nako besh ganon talaga yung si Ms.Manager insecure lang siguro sayo yun kasi tignan mo ang ganda mo kaya tayaka ala sigurong Jowa kaya laging galit".


"Alam mo kaya ako natawa kanina kasi naalala ko si Ninang Georgie sa kanya, ganon din kasi si Ninang Georgie parang laging galit, pano ala kasing love life." diko mapigilang tumawa habang sinasabi ko kay Melody ang dahilan kung bat ako biglang natawa kanina.


Nag makapag palit na ay pumunta na kami sa loob ng Bar. Maganda at malaki nga ang Bar, bawat parte ng Bar na ito ay Sumisigaw ng karangyaan pang mga Alta nga talaga itong Bar na ito. May makikita ka ring mga waitress kagaya ko na nagkalat sa Bar na namimigay ng inumin sa mga naunang bisita.

Simple lang ang suot naming uniform, isang white fitted long sleeve na may pares na fitted black skirt na above the knee ang haba. Ang suot kong sapatos ay yung sapatos ko noong nag aaral pa ako, tutal matino pa naman iyun kaya "G" lang. Naka tight bun din ang buhok ko para mas neat tignan.


Nang dumami na ang tao ay nagsimula na rin kaming mag libot ni Melody para mag lagay ng mga inumin ng bisita. Maya maya pa ay tumugtog ang isang malakas na kanta, hudyat na mag sisimula na ang party.


Nag kumpulan ang mga tao don sa may stage para pakinggan ang magsasalita doon. Busy lang ako na nag seserve ng inumin dito sa mga guest nang mag simula nang mag speech yung tao dun sa stage.


Dahil sadya akong chismosa ay nakinig din ako tutal ala naman ganong tao sa table dahil naka kumpol silang lahat don sa stage.


"So, I would like to thank everyone for your hardwork" simula nung nag sasalita sa stage.

'Ang gwapo naman ng boses ' Komento ng isip ko nang marinig ang boses ng nag sasalita sa stage.

Diko gano makita ang nag sasalita dahil masyadong madami ang tao na naka kumpol doon sa harap ng stage.


"Congratulations everyone, dahil nakapag close na tayo ng deal sa pinaka target nating investor" nag si palakpakan at hiyawan naman ang mga tao.



"Siguro nag tatrabaho sa office ang mga to". Sabi ko sa sarili ko dahil kapansin pansin na puro naka corporate attire ang mga guest dito. Na curious naman tuloy ako kung sino ang nag sasalita doon sa may stage.

"Sino kaya yung nag sasalita sa stage?" Tanong ko kay Melody ng makalapit ito sa akin.

" Di ko alam besh e, baka iyan boss nila" di siguradong pahayag ni Melody.

" Baka nga, nakita mo ba itsura" tanong ko pa ulit kay Melody.

"Hindi pa nga besh e, pero sabi nung isang babae don sobrang gwapo daw" sabi ni Melody sabay turo sa kapwa namin waitress na nag sabi sa kanya.


Mas umiral naman ang curiousity ko don sa nag sasalita kaya ti-nry kong pasimpleng tignan yung itsura nung lalaki ang kaso diko pa rin makita dahil medyo malayo kami at madaming taong naka harang sa stage......


"Besh, gusto kong makita kung super gwapo ba talaga nung lalaki don kasi tignan mo boses pa lang yummy na, malay mo iyon na pala forever ko" nagmamakaawang sabi ni Melody sa akin.

"Besh, nasa trabaho pa tayo tyaka baka mapagalitan pa tayo ni Ms. Manager" pakipot kong sabi kahit gusto ko rin naman makita yung lalaki sa stage.

"Dali na besh, mag kunwari nalang tayong nag aalok ng inumin para maka lapit tayo don, ano game ka?" Nangungumbinseng pahayag ni Melody.


"Hayys, sige na nga" kunwaring labag sa loob na sabi ko pero ang totoo mas excited pa ko sa kaniyang tignan ang lalaki na yun sa stage.


"Wine po?" Kunwari naming alok sa mga tao don sa harap ng stage.

"Wine po Mam?" Tanong ko pa ulit kahit naka focus ang tingin ko don sa may stage,

'kainis di ko pa din makita'


Hinanap ng mata ko si Melody dahil nawala na siya sa paningin ko. Nakita ko sya na malapit na siya sa stage at kunwari nag aalok din ng wine sa mga guest. Binilisan ko naman ang lakad ko at nakipag siksikan sa madaming tao para makapunta sa harap ng stage.

"Wine po, Sir? " tanong ko sa matandang lalaki na nakikinig don sa speech nung lalaki.

" Uhm, yes thankyou" sabi nung lalaki

"Ah ayaw niyo po okay" sabi ko kahit diko naintindihan ang sinabi ng lalaki, naka pako lang kasi ang atensyon ko doon sa harap ng stage.....


Hinanap ulit ng mata ko si Melody at nakita ko siya doon sa may harap ng stage na nakatulala habang yakap ang wine na sineserve niya.

"Hoy besh bat ba nakatulala ka diyan sobrang gwapo ba talaga niya kaya napatulaley kana" sabi ko kay Melody nang makarating ako don sa may harap ng stage.

Napatango lang ng dahan dahan si Melody kaya dahan dahan din akong lumingon dun sa stage............


" Oh.... My.....F*cking......Wine" tangi kong nasabi nang makita ang lalaki na nag sasalita sa stage.






_____________________________________________

A/N : Sana magustuhan nyo ang storyang ito.

You can follow me also on my social media account.

IG: Shining_Thinker
FB: Shining Thinker

Keep Shining 🌟🌠

-Shining_Thinker

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
566K 46.5K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
261K 29.9K 76
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
1.4M 34.2K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...