Out of my League [Completed]

By Priceless_smiles

380K 10.6K 2.3K

"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note and FAQs!

Chapter 39

6.2K 206 57
By Priceless_smiles

Chapter 39

Hindi na namin kinailangan ng karagdagang plano ni Alistair. Axl did leave me alone like what I told him. Hindi na siya kailanman nagparamdam sa akin.

Ilang linggo ang lumipas at tuluyan akong bumalik sa dating normal na buhay. At ang mga linggong iyon ay mabigat at mahirap para sa akin. I would cry myself to sleep every night. Sa umaga'y gigising ako na mugto ang mga mata.

I went back to school and tried to focus on my studies. Isang sem nalang ang titiisin ko at iyon ang ginawa kong inspirasyon para makaahon sa pagkakalubog dulot ng sakit sa pagtalikod kay Axl.

Nagkikita kami ni Alistair kapag may oras siya pero mas madalas nalang kaming mag-usap sa cellphone. He would update me about Axl, kung kamusta na ito. Maging ang pagpapalakas niya sa kaniyang lola ay ikinukwento niya sa akin.

To be honest, Alistair has sacrificed a lot more than what I did. He left his girlfriend, na nalaman kong isa pala sa mga kasambahay nila sa mansyon. He did that to save her, dahil tinakot siya ng lola na tatanggalan ng trabaho ang babae. He also did that to make sure he gets to the good side of his grandmother, nang sa gayon ay makuha ang loob nito at makumbinsing itama ang mga mali.

Ginagawa niya ang lahat kahit alam niya na wala naman siyang mapapala para sa sarili. He's very selfless indeed.

Ang sabi niya'y naiintindihan niya ang lola niya. Ipinagpalit ito ng kanilang lolo sa isang babae mula rin sa orphanage na tinutulungan. Naiintindihan ko rin ang galit na maaring dahilan kung bakit namuhi ito sa aming mga mahihirap.

"Wala bang kapatid sa labas ang daddy niyo kung ganoon?" Natanong ko isang araw nang ikwento niya iyon.

He chuckled, "Sadly, the girl my grandfather chose to be with cannot bear him a child."

Napatango ako. "Wala kayong pinsan?"

"Parehong only child ang parents ko, ganoon din ang grandparents at ang great grandparents."

Natawa ako, "Wow.."

Ganoon kami kapag may oras magkwentuhan. Pero lumipas pa ang ilang linggo at naging abala na ako sa mga final requirements para sa pagtatapos ko. Ni hindi ko namalayan na dalawang buwan na pala ang nakalipas.

"He's going to Bahrain tomorrow, to check on our business."

Tumango ako sa balita ni Alistair nang tumawag isang araw bago ang graduation ko.

"Magtatagal siya roon," dugtong nito.

Muli akong tumango. I realized that I couldn't say anything when we're talking about his brother. Masaya ako dahil maayos na ulit ang kumpanya. The issues subsided after a month at mukhang nakuha na nilang ibalik ang tiwala ng mga tao. I am happy that my sacrifice ended so well.

Pero narealize ko din na baka ito na ang tamang panahon para tumigil na.

"Alistair may gusto sana akong sabihin.."

"Yes what is it?"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Matagal ko na itong pinag-isipan at palagay ko ay handa na rin akong tanggapin na wala na talaga, na wala nang pag-asa para sa amin ni Axl.

"Can you..can you stop telling me about him?"

Saglit itong hindi nakapagsalita kaya naisip kong dugtungan ang sinabi ko. "I'm happy for all his achievements, I'm happy that he's back to his normal self. Maayos na rin ang kumpanya at wala na ang issue. I think I should move on with my life too."

He sighed, "Adrianna may usapan tayo."

Ngumiti ako, kahit hindi niya naman nakikita. "It's fine Alistair. Hindi na rin naman talaga ako umaasa na magkakabalikan kami pagkatapos ng lahat ng ito. I'm happy for him at katulad niya, gusto ko nalang din magfocus sa sarili ko."

"But you love him.."

Natigilan ako. Kinagat ko ang labi ko at napayuko. Yes I love him, siya lang ang lalaking minahal ko, siya ang una at hindi ko alam kung magmamahal paba ako ng iba bukod sa kaniya.

But love isn't about fighting for the one you love. Sometimes it's also letting go.

"Adrianna I know you love him, so why give him up now? You've sacrificed for him kaya bakit ka bibitaw?"

I smiled, "Do you believe in destiny Alistair?"

He chuckled, "I don't believe in destiny Adrianna. I only believe that if you want it so bad, you can make it happen."

"I don't know Alistair. I want us both to be free. At kung kami para sa isa't-isa ay magkikita pa rin kami."

He sighed. I can almost guess that he's against my decision kaya nagulat ako sa isinagot niya.

"You can do whatever you want Adrianna. But I know my brother doesn't believe in destiny too."

Tumawa ako. Nagpatuloy kami sa pag-uusap pero nagpaalam din siya agad dahil ayaw niya raw akong mapuyat. At ganoon nga ang nangyari dahil nakatulog naman ako agad ng gabing iyon.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil alas syete ang graduation. Kahit hindi graduating ang tatlong kasama sa kwarto ay gumising din sila ng maaga para matulungan ako sa pag-aayos.

Isa sa mga formal dress na binili ni Axl para sa akin noon ang napili kong isuot. Isa ito sa mga damit na dinala ko sa pag-alis sa kaniyang condo. It's a white offshoulder dress that hugs my body so well. Pinarisan ko ito ng stiletto na binili ni nanay para sa akin.

"Ang ganda ganda mo Adri!" Puri ni Paula matapos akong ayusan. She did my hair and makeup at gusto ko ang ginawa niyang ayos.

Tuwang-tuwa silang tatlo habang nanonood sa akin. Nginitian ko sila. "Maraming salamat sa inyong tatlo. Saglit ko lang kayong nakasama pero kayo ang pinaka-totoo sa lahat ng kaibigan ko."

The three went to me for a hug while murmuring congratulations. "Kami din Adri, masaya kami at nakilala ka namin."

Nagyakapan kami roon subalit naghiwa-hiwalay na rin nang kinailangan ko nang umalis. Ipinangako ko naman sa kanila na ililibre ko sila mamayang gabi bilang celebration.

Nasa school na si nanay nang dumating ako. At ikinagulat ko pa nang makita rin doon si Alistair at ang mag-asawang Genesis. Sinugod ako agad ng yakap ni Ma'am Poly.

"Congratulations Adrianna! Namiss kita hija!" Anito habang niyayakap ako.

Nagtatanong ang mga mata ko kay Alistair dahil hindi niya naman nasabing pupunta siya at kasama pa ang mga magulang niya! Ni hindi ko alam kung paano ko ngingitian si Ma'am Poly dahil ngayon palang kami ulit nagkita matapos ang pag-alis ko kay Axl.

"Congratulations Adrianna," ngumiti si Sir Arsen.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila at nagpasalamat bago bumaling kay nanay na nakangiti rin sa amin.

Napangiti ako nang makita ang kaniyang suot. Ang tagal na rin nang nakita kong naka-pormal siya at ngayon ay lumitaw muli ang kaniyang ganda. Ngumiti si Ma'am Poly sa amin.

"I'm so happy for you Adrianna. Hindi ko tinigilan si Lana para isama niya kami rito."

Ngumiti ako, "Thank you po sa pagpunta."

Hindi rin kami nagtagal sa pag-uusap nang kinailangan ko nang pumila para sa martsa.

Huminga ako ng malalim at tumingala sa maulap na kalangitan. Finally I'm graduating, and with the highest latin honors. Finally I can start working professionally. Hindi ako makapaghintay na maiahon si nanay sa kahirapan. Hindi ako makapaghintay dahil sa wakas, narito na ako. This will be the start of a new life.

The day was memorable. Ang pagpalakpak ng mga tao nang umakyat ako sa stage kasama si nanay ay nagpainit ng husto sa aking puso. I am so happy.

Humarap ako sa camera para sa isang picture at ngumiti. Sabay ng pagflash ng camera ang pagkakapansin ko sa isang lalaki di kalayuan sa likurang parte ng multi-purpose center kung saan ginaganap ang graduation.

Bahagya akong nasilaw dahil sa flash ng camera kaya hindi ko iyon namukhaan at nang balikan ko ng tingin ay wala na iyon doon. Dumagundong ang kung ano sa aking dibdib. Is he here? Imposible, ang sabi ni Air ay nasa Bahrain siya ngayon. Imposible.

Buong graduation ceremony ay iyon ang nasa isip ko. Ilang beses pa akong lumingon, nagbabakasaling naroon nga siya subalit bigo ako. Natapos ang lahat at nagbigay ng speech ang mga nakakuha ng latin honors sa bawat kurso kabilang ako.

My speech was very simple though. I told everyone about my life, about my struggles, about my mother. I told everyone how I carried on with my problems just to reach my goals. I told everyone about my perception of living and my belief that money isn't the most important thing in this world, but love.

Hindi ko napigilan ang sariling mapaluha matapos palakpakan ng lahat. Nang natapos ang graduation ceremony ay agad kong tinungo si nanay upang yakapin.

"Congratulations anak, proud na proud ako sayo."

Ngumiti ako at nagpasalamat. Nahagip ng mga mata ko ang paglapit ng tatlong Genesis at hindi na ako nagulat nang yayain nila kaming kumain sa isang restaurant. Pumayag kami ni nanay at nagpasalamat.

Balak din naman talaga naming kumain sa labas pagkatapos ng graduation pero mukhang mas maganda na rin kung marami kami. Si Ma'am Poly na ang namili ng restaurant at tinawagan niya agad iyon para magpa-reserve.

Sumakay kami ni nanay sa kotse ni Alistair at alam kong napansin niya kaagad ang mga titig ko. Gustong-gusto kong magtanong kung wala lang si nanay rito at alam kong ramdam niya iyon.

Kaya naman nang nasa restaurant na kami ay nagpaalam kami saglit sa mga magulang na mag-uusap lang sandali. Hindi naman nagtanong ang mga ito at hinayaan na kami.

"What is it? Mukhang hindi mo na mahihintay na matapos ang lunch."

I sighed, "Hindi ba't nasa Bahrain si Axl?"

Kumunot ang noo nito, "Akala ko ba ayaw mo nang magkwento pa ako sayo tungkol sa kaniya?"

"But I think I saw him. O namamalikmata lang ako?"

He then grinned at me, "I think you miss my brother so much."

Ngumuso ako sa biro nito, "Alistair please.."

He chuckled, "Hindi siya tumuloy."

"Huh? Bakit?"

Lalo itong ngumisi, "Akala ko ba ayaw mong--"

"I want to know Alistair please!"

Tuluyan na itong natawa. "Akala ko ba naniniwala ka sa destiny?"

Kumunot ang noo ko, "Huh?"

He shrugged, "I told you my brother doesn't believe in destiny."

Lalong kumunot ang noo ko. He looks so entertained with my confused expression kaya naman lalo akong sumimangot. "Alistair.."

He chuckled, "I announced that it's your graduation today over dinner. Iyon siguro ang dahilan kaya nakita mo siya kanina?"

"W-What?"

"I really don't know Adri. I intend to tell my parents about it at akala ko ay wala siyang pakialam kung marinig niya man. I just found out he cancelled his flight today. Iyon siguro ang dahilan, so he can see you on your graduation." He smiled at me meaningfully.

This time ay hindi ako makasagot. Ayaw kong maniwala na ako ang dahilan lalo pa't hindi ko naman mapatunayan na siya nga ang nakita ko kanina. I don't want to give myself hope that he still loves me dahil sa mga nakalipas na buwan ay hindi na siya kailanman nagparamdam.

"I told you Adrianna, my brother doesn't believe in destiny. Kung gusto ka niyang makita ay gagawa siya ng paraan."

Hindi nakatulong ang sinabing iyon ni Air kaya naman nang bumalik kami sa loob at habang kumakain ay halos matulala na ako sa kaiisip.

Anong gagawin ko kung totoo ang sinasabi niya? Mahal paba ako ni Axl? Kaya hindi siya umalis para sa graduation ko? At siya nga ba talaga iyon?

Napaigtad ako sa kinauupuan nang tawagin ni Ma'am Poly ang pangalan ko. Napakurap-kurap ako at nakitang nakangisi sa akin si Alistair.

Bumaling ako kay Ma'am Poly, "Ano po iyon?"

She chuckled, "I was asking if you want to take a vacation o gusto mo na agad magtrabaho. I can get you a position at the company."

Nilingon ko si nanay, nginitian lang naman ako nito, mukhang nagpapaubaya sa kung anumang magiging desisyon ko.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung gusto ko bang magtrabaho sa GGC ngayon o mas gugustuhin ko munang sa mga maliliit na kumpanya magsimula.

"Hija I know you are avoiding Axl. Hindi ko man alam kung ano ang naging problema ninyo ay sinisiguro ko sayo na hindi mo naman siya makikita at makakausap sa kumpanya kung hindi talagang kinakailangan."

Huminga ako ng malalim at uminom muna bago sumagot. Alam ko namang alam nila na ako ang lumayo kay Axl, hindi ko nga lang alam kung alam ba nila ang dahilan. O baka nag-conclude na rin sila na tungkol ito sa estado namin sa buhay. Palagay ko ay mas mabuting ganoon na nga lang.

"Thank you po sa offer. Pag-iisipan ko po muna sana. Gusto ko din muna sanang magpahinga."

"Sure sure hija.." ngumiti ito at tumango.

Nagpatuloy kami sa pagkain at pangungumusta nila sa akin. Magiliw naman akong sumasagot sa kanila. Lubos din ang pasasalamat ko nang bigyan nila ako ng regalo, isang mamahaling bag ang ibinigay ni Ma'am Poly.

Hindi man ako mahilig sa ganitong mga bagay ay naappreciate ko pa rin dahil alam kong magagamit ko naman ito kapag nagtrabaho na.

Alas dos nang kinailangan na nilang umuwi para makapagpahinga at dahil may naka-schedule rin na meeting si Air ng alas kuwatro.

Gusto pa sanang sumama ni nanay sa apartment pero hinayaan ko na rin siyang umuwi ng mansyon para makapag-pahinga. Nangako akong dadalaw nalang ako roon kinabukasan.

Ipinilit naman akong ihatid ni Air sa apartment kaya wala na rin akong nagawa.

"What are your plans?"

Nilingon ko siya, "Palagay mo ba dapat kong tanggapin ang offer ng mommy mo?"

Nagtaas ito ng kilay, "Bakit hindi? With your credibility I can see that you can get in the company even without mom's help. I'm sure maraming kumpanya ang mag-aagawan sayo at syempre hindi magpapatalo ang GGC." Tumawa ito sa huling sinabi.

Kunot-noo ko siyang tinignan. He's been grinning at me the whole day, hindi ko alam kung bakit. Sa halip na magtanong ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

"Any other plans for today?" Tanong nito na muling nagpabaling sa akin sa kaniya.

"Baka lalabas kami ng mga kasama ko sa apartment para mag-celebrate."

Nagtaas ito ng kilay at tumango. Pinanood ko siyang mabuti dahil nagtataka na ako sa ikinikilos niya.

"Bakit ka nagtatanong?"

He chuckled, "Wala lang, masamang magtanong Adri?"

Hindi man kumbinsido ay hinayaan ko nalang siya. Nang makarating sa tapat ng apartment ay agad akong bumaba. Sumunod naman siya sa akin.

"Text me where are you going later."

Kumunot ang noo ko nang nilingon siya, "Huh?"

Hindi pa rin nabubura ang kakaibang ngiti sa mukha niya kaya naman lalo akong nagtaka.

He chuckled, "Just text me Adri, kung saan kayo. Baka maaga akong matapos sa opisina at pupuntahan ko kayo."

"Bakit naman?"

He shrugged, "Gusto kong sumama sa celebration. Bawal ba?"

Nanliit ang mga mata ko sa kaniya pero sa huli ay tumango nalang ako at nagpasalamat sa paghahatid niya. Hinintay ko siyang makaalis bago ako tuluyang pumasok sa apartment.

Ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang tatlong roommate na pare-parehong nakaabang sa akin. Inatake nila ako ng mga tanong na hindi ko na ikinagulat.

"Lagi mong kasama yun Adri, ang gwapo!"

"Boyfriend mo? Hindi ka nagsasabi!"

Natawa ako, "Hindi ko siya boyfriend."

"Eh ano? Kaibigan? Ganoon kayo ka-close? At mukhang mayaman 'yon ah!"

Lalo akong natawa. Sanay na akong ganito. Noong nakaraan ay mga classmates ko naman ang nakikiusyoso nang minsang nakita nila kami sa coffeeshop sa labas ng university.

"Kapatid siya ng ex-boyfriend ko." Pagsuko ko nang hindi nila ako tinigilan habang nagbibihis at nagtatanggal ng make-up.

"Oh my gosh, edi gwapo rin ang kapatid noon?"

Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot. I don't think handsome is the right term for those siblings, dahil may pakiramdam akong hindi sapat ang salitang iyon para sa dalawa, lalo na sa pinakamadilim ang mga matang Genesis.

I'd prefer calling him Axl. Para sa akin markado na ang pangalang iyon ng iba't-ibang adjective na pwedeng ipanglarawan sa kaniya.

Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa sarili sa salamin at inaalala ang lalaking nakita kanina. I know it's selfish but deep down inside me, umaasa akong siya nga iyon, na ipinagpaliban niya nga ang pag-alis para makapunta sa graduation ko. Because the thought that he did that warms my heart so much.

Sapat na sa aking malaman na nagpunta siya. Sa kabila ng masakit na pagtatapos ng relasyon namin, kuntento na akong malaman na nagpunta pa rin siya.

I sighed. I suddenly miss him. I suddenly miss those dark scary eyes. I miss seeing his stern look and his frustrated eyes. I miss being held by him, being kissed by him. I miss his protectiveness. I just miss him so much at pakiramdam ko, kapag nakita ko siyang muli ay ako na ang magmamakaawang bumalik.

**
Vote.Comment.Follow :'>

Continue Reading

You'll Also Like

58K 1K 47
|Completed| Dr. Aclid Liongson, a cold-hearted head cardiologist of Liongson Hospital meet Chef Christele Barican who's the daughter of Aclid's mento...
1.8K 216 51
A.C.E's leader Dexter Evangelista, the son of the owner of the most successful and famous company, fell in love with a simple girl who lived with her...
966 135 31
[SKY SERIES 4] Mari was the most honest person in his eyes. But that will never be true. They tried to get around again after a long time of being fr...
352K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...