Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

153K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 23

3.4K 41 28
By Eishstories

Chapter 23
Jealous


Ako lang ba o parang tumigil ang mundo ng ilang segundo sa pagtahimik ng lahat? Nasa akin lang ang tingin nila at parang nag-aantay rin ng sagot ko.

And because I am tired of this whole fiasco, I'll just choose the safer side, even if my heart clearly opposes that. Sa lala ng pinag-awayan namin ni Olivia kahapon patungkol kay Range, hindi ba'y safe option si Lucas dito?

Problem fucking solved!

"Kay Lucas na lang ako," patikhim kong sinabi.

Pinigilan ko na huwag na tignan ang reaksiyon ni Range dahil mas lalong bibigat lang ang pakiramdam ko. Nothing good will happen to my system if I see him disappointed over my choice. At ba't ko ba inaalala pa kung disyamado si Range sa desisyon ko? Hindi na dapat ako nag-o-overthink ng ganito. At isa pa, laro-laro lang naman 'to.

"Then Range is my partner?" si Olivia.

Nang ibalik ko ang tingin kay Range. Nagulat akong nakakapit na pala si Olivia sa bisig niya. Nang hinayaan niya si Olivia, ako naman ang sobrang dismayado.

Range's jaw clenched. It is not entirely clear to me why. Annoyed?

Natawa si Marcus at umiling. "Sige, bahala kayo kung sino ang pipiliin niyo. Basta 'wag lang mag-aaway mamaya. Okay?"

Mag-aaway? Bakit aabot sa away ang laro?

At dahil kulang naman ng isang babae, hindi na sumama si Marcus. Siya na lang daw ang referee kung may mag-away man. Kay laki na nang pagtataka ko kung anong games ba ang hinanda niya at ba't hahantong sa away?

Natigil ako sa pagiging kuryoso dahil sa nakakaasiwang titig ni Range. At kahit hindi ko pa siya tignan pabalik, sa sobrang bigat no'n, nararamdaman ko pa rin sa buto. Napakapit ako sa braso ni Lucas ng walang sa oras.

Nagi-guilty ba ako sa hindi ko pagpili sa kaniya? Well... that's what his intense stares are doing to my system! Hindi ko nga alam kung sinasadya niya ba o ano. At this point, lutang na lutang ako nang mapagtanto na akala pala ni Range na ay si Lucas ang dahilan ng away namin ni Olivia. Does he think na...

Shit!

Kahit naman pala alin sa kanila ni Lucas ang pinili ko'y problema pa rin. If I choose Range, patay ako kay Olivia. Now that I chose Lucas, I feel as if I am in a deeper problem with Range. Pinapatay niya ako ng titig. At mas sa kaniya pala ako takot kaysa kay Olivia. Now I am really starting to regret my somewhat reasonable decision earlier...

At sa pagkabalisa ko'y ngayon ko na lang napansin ang obstacle course na nakapalibot sa pool area.

Magpapaunahan ba?

Mabuti at iba ang nauna sa amin para makita ko ang dapat na gawin. Una'y magpapaunahang lumangoy. Pagkatapos ay tatahakin ang obstacle course sa palibot ng swimming pool. And the last bit, it's a race of cup flipping. Pero iyon nga lang, uubusin pa ang laman na alcohol bago mo ma-flip. Limang baso iyon.

At sa unang naglaban, nanalo si Edwardo at Emma kontra kina Diego at Mia.

Ngumuso ako sa kaibigan sabay lahad ng tuwalya. "Sa P.E. ka sa nursing natuto lumangoy 'no?"

"Yup," Emma chuckled.

Ngunit bago pa makuha ni Emma ang tuwalya sa kamay ko, pasimple siyang siniko ni Mia sa tagiliran. She sharply eyed Emma sideways before strutting to her friends.

Suminghap kaming dalawa at nagkibitbalikat na lang. Parehas lang kami ni Emma talaga, pinapalampas namin kapag ganito ang ginagawa nila.

For the next pair, sina Ava at Noah ang nanalo.

Lumakas ang kabig ng dibdib ko ng kami na ang sasalang, tinablahan na rin ako ng kaba. Hindi naman ako masyadong competitive pero kung si Olivia kasi ang kalaban, mapipilitan ka talagang maging competitive. Ginagawa niya kasing personalan lahat sa amin.

Una sina Range at Lucas bago kami. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil sobrang bilis nilang natapos na dalawa. Sadly, natalo si Lucas kay Range.

To be honest, I am not surprised.

Napressure tuloy akong manalo ngayong natalo si Lucas kay Range. Mabilis na pumito si Marcus para hudyat ng pagsimula ng laro. And right when he whistled, my ankle acted up again.

Damn.

Sinubukan kong lumangoy pero masakit talaga, namimilipit iyon. Pero pinipilit kong bilisan para matapos na 'to. Sa gitna ng paglangoy, nagulat ako sa pagkapit ni Olivia ng shorts ko. At dahil doon, naungusan niya ako bahagya. Umirap ako nang umahon sa pool. Siguro'y ito ang plano niya. Iinisin ako para ma-distract ako ng husto.

Nauna siyang mag-umpisa sa nakahilerang goma. Mabuti at mabilis akong nakasunod sa likod niya. At sa pagsabay namin sa huling goma, pasadya niyang inapaakan ang paa kong namamaga!

Damn it, Olivia!

Sinasadya niya na talaga 'to. Napapansin niya kasing masakit ang paa ko kaya mas lalo niyang pinapalala. Pumikit ako sa sakit pero pilit lang dinadala ang sarili sa mahabang lamesa. Paika-ika na ang lakad ko.

Deep breaths, Saint. Malapit nang matapos 'to.

Sabay pa rin naman kaming nag-umpisa sa unang baso. Hindi ko na siya inintindi sa mga susunod pang baso. At sa huling basong i-fi-flip, naunahan ko siya. It meant I won by just a fraction of second!
Pagalit niya akong inangatan ng tingin bago kinumos ang red cup.

Natunaw ang ngiti at saya ko sa pagkapanalo sa galit niyang reaksiyon. I should've let her win. Isa pa, hindi ko mamasamain kung talo nga ako. But Olivia, she would hold grudge on it, and her defeat will fire her even more.

Nilahad ko pa ang palad sa kaniya at binigyan pa siya ng ngiti.

"Vi, nice game-"

Instead of shaking my hand, this bitch had the audacity to kick my already swollen ankle! She even did it subtly without flinching. Paniguradong hindi napansin ng lahat ang ginawa niyang iyon. Mabigat niya akong tinalikuran.

Napapikit ako lalo sa sakit. At kung kanina'y maiinda ko pa, ngayo'y hindi na talaga, lumalala na ng husto.

"You won because you cheated. Don't even try me," hinarap niya ako na tila hindi na napigilan ang sariling pagsalitaan ang pagkapanalo ko.

Dismayado akong umiling. Ako pa talaga, Vi? Well... she's the one who cheated by pulling me earlier on the pool. And the fact that I still won despite her cheating, it must've been a huge ego blow to her.

Pilit kong nilalakad ang paa ng maayos pabalik kay Emma. Ayaw kong may makahalata na may masakit sa akin. Nahihiya na kasi ako sa abala ko mula pa kahapon. Ako na lang ang gagamot mamaya pagbalik ko ng villa at hindi na kailangan pang ipaalam kahit kanino.

"Mabuti naman at ikaw ang nanalo, Saint. Iiyak na naman iyan panigurado. Tss. What a sore loser," salubong ni Emma sa akin dala ang tuwalya.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinalupot sa katawan ang tuwalya. Muntik na akong napalundag sa biglaang paghawak ni Lucas sa baywang ko. Nakakailang na hinahawakan niya ang balat ko ng walang permiso. Lumayo ako bahagya.

Marcus cackled on the side. Unintentionally, Marcus caught my eye because of that. Napatingin ako sa gawi nila at nakitang nagyuyukom ng kamao si Range papasok ng gazebo.

Galit siya? He won, right? Galit ba siya dahil natalo ko si Olivia?

Nabo-bother na naman ako sa ganitong mga reaksiyon ni Range. Hindi ko kasi siya mabasa-basa kahit ano mang pilit ko. Ang alam ko lang ngayon, sobrang galit niya. At sa anong kadahilanan, wala akong kaalam-alam.

Range is sending an unamiable aura, and his immense pull on the dining table is making everyone excruciatingly silent. Walang nangangahas na magsalita. Kahit pa ang mga matatanda naming staff nurse at doctors. Nahihiya lahat.

Pasimple ko siyang tignan. At doon, natigilan ako nang magkatinginan kami. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago pasimpleng tinuro gamit ng tingin si Lucas sa tabi ko.

"What?" I mouthed to him.

Pinaningkitan niya ako at hindi naman sinagot.

"Saint, I peeled you some prawns." Lucas caught my lost attention.

Nawala tuloy ang tingin ko kay Range. Bumaba ang tingin ko sa plato ko.

"Thanks. You didn't have to, Lucas. Marunong naman akong magbalat na ako lang,"

Lucas chuckled. "It's done, Saint. Don't worry about it anymore."

Kalaunan, nagsiakyatan na ang matatanda naming staff at naiwang kaming anim na nurse at si Lucas. At dahil rest day naman bukas, nag-aya sina Marcus na magpuyat para uminom.

And of course, I can't leave Emma with Olivia's group to drink. Alam ko naman na kung iwanan ko si Emma, sa kaniya nila ibubuntong ang pagkatalo ni Olivia kanina sa akin. Magpapaiwan ako kahit masakit ang bukung-bukong ko.

Bahala na.

Tumayo ang lahat sa dining para makalipat na sa couch. Pagkatayo ko'y agad akong bumagsak at nahila ng lupa. Hindi ko intensiyon na ganoon, na humina na lang ang tuhod ko. Pumikit ako sa pamamanhid ng kanan kong paa sa sakit

"Saint..." Range squatted.

Huli na kasi akong tumayo. Akala ko nga'y makakaligtas ako na walang nakakita. Malas ko na siya pa ang unang nakapansin. Everyone eventually turned to us.

Nagulat ako. Medyo patulak na hinabi ni Lucas si Range para makasinggit at maharap din ako. Range didn't see that one coming. Gulat siyang napatayo at halatang hindi pa dumidiin sa kaibuturan niya ang pagkakatulak ni Lucas sa kaniya. Kung bumaon na iyan...

That for sure was a huge ego blow for him!

Shit.

"Ako na rito kay Saint," pagalit na agap ni Lucas sa ngayo'y nakatayo nang Range.

There. Nagsisimula nang matauhan si Range. Nagsisimula nang kumunot ang noo niya sa galit. He is absolutely fuming! His jaws are evidently clenching hard, too. And the veins in his arms showed he was ready to throw hard punches.

"Tss. See?" Marcus said to Maverick. "Sabi ko na nga bang may mag-aayaw ngayon. Paano na 'yan?"

Maverick only smirked.

Suminghap akong muli.

Hindi na ako nakapagprotesta pa nang binuhat ako ni Lucas mula sa sahig. Marahan niya akong binaba sa pagkalaki-laking rattan couch na 'to. He then squatted to properly check my swollen ankle. Sobrang promimente na ngayon sa pamamaga.

"Sa'n mo 'to natamo? Kanina sa obstacle course ba?"

"Sir. Ito po ang first-aid kit namin," tinanggap ni Lucas ang kit mula sa staff.

And about Lucas' million-dollar question kung sa'n ko ba natamo ang pamamaga ng buo kong paa, natahimik ako. Ayaw ko rin namang ilaglag na si Olivia ang may gawa neto sa akin. Mainit na kasi ang dugo ni Lucas sa kaniya. So...

"Uh... maybe? Siguro sa goma kanina at natipalok ako... nang hindi ko namamalayan. Doon ko siguro nakuha,"

Lucas problematically sighed. "Sana'y sinabi mo kaagad para ma-compress na natin at malagyan ng bandage, Saint. Mas lala kung hahayaan mo,"

Hinayaan ko na si Lucas at Emma na busy sa paglagay ng bandage sa paa ko. Inangat ko ang tingin sa lahat at napagtantong nasa akin pala ang atensiyon nila. Tila nag-o-obserba at nag-aantay na matapos kami bago sila magsimula sa pag-inom.

"Oh, goodness! Hihintayin pa ba namin 'yan?" pagalit na tanong ni Sophia sa akin.

Sumungaw si Emma at akmang magsasalita pero pinigilan ko ang balikat niya.

Umiling ako kay Sophia. "Umpisahan niyo na-"

"Then good! Sana'y kanina mo pa sinabi, hindi iyong pinapahintay mo kami rito," Olivia cut me with hint of annoyance in her voice.

Hindi ka papatol, Saint...

Hindi ako papatol. At mas lalong 'di ko isisisi sa kaniya natamo kong 'to. Maybe I do deserve it after pulling her hard yesterday, right? Lalo't kasalanan ko nga naman ang paghila sa kaniya kahapon. At least we are even now...

Range looked undeniably pissed. Nakaupo siya sa kaharap naming couch. Nilalaro niya pa ang ibabang labi habang tinitignan lang si Lucas na hawak-hawak ang balat ko sa paa.

"Kaninang umaga ka pa paika-ika ng lakad, Saint. Napatid ka ba bago tayo umalis papuntang outreach? Hindi mo lang siguro napansin na namamaga na 'to kaninang umaga pa dahil busy ka kakalaro sa mga bata," si Emma.

Kinabahan ako na baka makuha iyon ni Lucas.

"Hindi naman ako napatid, Ems."

"Talaga ba? Hindi ka sadyang pinatid ni-"

Lumaki ang mata ko kay Emma kaya mabilisan niyang ikinipot ang bibig para manahimik na. Lucas eyed her curiously before lifting his glance back at me. Umiling ako pero mukhang nakuha niya na talaga na ang ibig sabihin ni Emma.

Oh no... Olivia will literally kill me at this point!

Mabuti't pinalampas iyon ni Lucas dahil abala sa pag-aasikaso ng paa ko. Nilagyan nila ng stool para marest ko ang paa bago naupo sa gilid ko. Makikisali na kami sa kuwentuhan kahit huli na kaming tatlo. May mga half-empty nang bote sa lamesa.

Marcus intentionally coughed.

"Alam niyo ba na maraming babae si Range?" tanong iyon na dinirekta ni Marcus sa akin.

Duh. Isn't that given?

"At kung ilan ang guest rooms sa Casa Verde ganoon din yata kadami ang mga babae niya, hindi ba?" dagdag ni Marcus bago pa makasagot ang iba.

Kumunot ang noo ko. Kahit hindi ko pa alam ang eksaktong bilang ng guest rooms sa mansyon, ngayon pa lang, masasabi ko na napakadami. Sobrang dami!

"Every night out, right? He brings one unlucky girl home. Tss..." sumingit din si Diego.

At ang nasabi ni Diego ang mas nagpakunot ng noo ko sa gulat. Every night out? Let's just say once per week then...

Ang dami!

Also... are they insinuating that I am no different that the rest of his girls? Na ganoon talaga ang ugali ni Range kapag nakakainom, magdadala ng babae pauwi? Well, siguro ay oo. Siguro'y sinasampal nila sa mukha ko na ako ang malas na babae sa gabi ng Manggahan na sumama kay Range at hindi dapat ako nag-f-feeling dito dahil lang sa inamin niya kagabi.

Iyon nga lang, hindi naman kami umabot sa...

What the hell, Saint! Ano ba ang pinag-iisip mo ngayon?

Sinungaling talaga 'tong si Range kahit kailan. Gusto kong pisikal na sabunutan ang sarili na medyo naniwala ako sa pinagsasabi niya kahapon sa guest house. Ginagaga niya ulit ako. At heto naman ako, nagpapaniwala naman agad-agad na animo'y hindi lang naloko at nasaktan noon!

"Anyone can change for love, right? Siguro naman ay hindi ka na gano'n ngayon, Range?" si Olivia na ngayon ay nakaupo na sa couch ni Range.

She sat closely to him. Doon, mas umapoy ako sa galit.

My opinion matters to you, Range, huh? May katutuhanan ba iyon? Dahil kung oo, dismayado ako sa'yo. Pero sinong gaga ba ang niloloko niya para paniwalaan siya kaagad? Ako ba? Then... fuck him. Manigas siya!

Humilig ako sa backrest ng couch sa iritasyon. Doon ko napagtanto na kanina pa pala ako inaakbayan ni Lucas. Ni hindi ko man lang napansin dahil halata kung kanino ko lang tinutuon ang atensiyon ko.

"Hmm. Change? I don't really think so," si Marcus.

"Marcus. Will you fucking stop it?" Range now warned with hint of danger in his tone.

Nagtanawan ang mga kaibigan ni Range kaya mas lalong nakuryuso sina Olivia. Halata iyon sa pakunot ng noo nila. Admittedly, ako rin naman, curious sa ibig sabihin sa likod ng mapanuya nilang tawa.

"Takot ka ba na may ibang makarinig sa ugali mo noon, Range? Ano nga? Love... your ass?" Edwardo prompted him whilst laughing.

Nalulugutan ako ng tingin nang maglapat ang tingin namin ni Range.

"Obviously, hindi talaga iyan magugustuhan ni Olivia kapag narinig niya," hibang na agap ni Mia kay Edwardo.

Umismid si Emma ng dahil doon. Ako rin naman, sa loob-loob ko nga lang.

Olivia annoyingly chuckled, as if she understood this situation maturely.

"Mia, don't be silly. Past is past!" she chukled more. "Ganiyan talaga ang mga lalake, hindi ba? They play around for a bit before settling. Naiintindihan ko kaya okay lang. Hindi ako galit."

I gagged at her delusional thoughts.

So iignorahin niya na lang ang mga redflags na 'to? Kung sabagay, ganoon din naman ako noon kay Range. Nabulag nga din naman ako at naniwala kaagad sa mga kasinungalingan niya kaya ano ang karapatan kong magbigay kumento rito? Hindi ba'y wala naman?

"Hindi lang guest rooms niya dinadala. May sa library pa minsan. Dining, ballroom-" mabilis na tinakpan ni Maverick sa bibig ni Marcus.

Gusto ko sanang ignorahin na lang ang sinasabi ni Marcus pero mukhang totoo ang pinagsasabi niya lalo't natatawa ang grupo nila. And Marcus is pissed drunk. Kanina pa kasi tapos iyang topic niya pero pilit niyang binabalik at isinisinggit sa usapan. At higit sa lahat, walang lasing na nagsisinungaling! So...

I sent Range danger stares to which he only heaved.

"May masakit ba sa'yo o galit ka lang?" bulong ni Emma.

"My ankle is killing me, Ems. Pero hindi ako... galit. Bakit naman?"

Pinilig niya ang ulo pagilid na tila hindi naman naniniwala sa paliwanag ko. O talagang halata lang sa hitsura ko ngayon ang galit.

"Hindi ka galit sa katabi ngayon ni Olivia?" may halong malisya sa pagtanong ni Emma.

"Huh? Bakit naman?"

"Hmm, let me see," tinaas niya ang isang kilay. "Kasi nagseselos ka sa kanila?"

Natigilan ako lalo.

Of course... not. But the way I react now, and how my body opposes, maybe I am close to being jealous?

Inangat ko ang tingin kay Range at mas lalo lang nainis sa palintang hapit ni Olivia sa braso niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 79 48
Guarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly per...
94.3K 1.5K 48
Untold Stories of Marriage #1: Varsha Louise Vallinova-Scott Marriage is a three ring circus: an engagement ring, a wedding ring, and suffering. Gir...
22.6K 463 39
Fernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfrien...